Filipino.INTP-A.Aries.Dragon.Procrastinator.Sometimes a writer.Sometimes a poet.Sometimes a lyricist or compose songs.Sometimes sing.Sometimes draw-Digital/Traditional.Published Author Eiram_Marie.
Ilan beses siyang nasaktan ng mga taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan ng lubos at dahil doon sinukuan na niya ang paniniwalang may wagas na pag-ibig pa siyang matatagpuan.
Subalit nagbago ang lahat nang may makilala siyang isang lalaki na hindi niya akalain na ito ang muling gagamot sa sugatan niyang puso. Isang lalaking nagpabago sa takbo ng kanyang masalimuot na buhay. Ang lalaking magbabalik sa paniniwalang may totoong pag-ibig na nakalaan pa rin para sa kanya.
Subaybayan ang kanilang kuwento na naglalaman ng iba't ibang aral na maaaring maka-relate ka at puwedeng magsabi sa iyo na may pag-ibig na wagas.
Personal Collection of Summaries of some of my Stories that I'm planning to write if I have free time. This are my Personal Collections. No to plagiarism. Mostly written in Tagalog.
MY TWELVE GIRLS IN CHRISTMAS
NICHOLAS FROST
A Workaholic Man. 29 years old. Maraming oras ang kayang igugol pagdating sa trabaho ngunit sa PAG-IBIG wala itong panahon.
Allergic sa tuwing maririnig ang mga katanungan na,
"Kumusta ang Love Life?“
"May dine-date ka na ba?“
"Nasaan ang Girlfriend mo?“
"May asawa at mga anak ka na?“
"Kailan ka mag-aasawa?“
May kasungitan at palaging seryoso kahit sa maliit na bagay. Milagro nang mapapayag na sumama sa mga gimikan o parties kapag may nagyayaya dito. Minsan na rin napagkamalang binabae dahil hindi pa ito nakikita ng ibang tao na may naugnay dito na kahit isang babae.
Pero bakit nga ba?
Bakit hanggang ngayon ay nananatiling single but not ready to mingle?
Mapapanindigan kaya ni Nicholas ang pagiging Loveless?
Ang huwag isama sa Goal's in Life nito ang Finding Love.
Paano na lang kung isang araw ang inakala nito na isa lamang kalokohan ay biglang magkatotoo?
Susunggaban ang pagkakataon?
O kagaya ng madalas nitong gawin.
Ang iwasan ito.
Mayroon lang isang problema? Naku! hindi lang isa kung hindi may dagdag pang labing-isa.
Ano na kaya ang gagawin ng ating bida?
"Will Love find a way into his heart?“
Musika.....
Maikling salita ngunit malaki ang impluwensiya sa buhay nang isang tao. Sumasalamin sa bawat damdamin o emosyong nadarama nang isang tao.
Ang Musika din ang magiging daan upang magtagpo ang mga landas nang tatlong tao na hinahanap ang kanilang mga sarili.
Ano ang magiging papel na gagampanan nang bawat isa?
Mahahanap nga kaya nila ang kanilang mga sarili?
Masasagot kaya ang mga katanungan na,
Ano ang halaga nila sa mundong kanilang ginagalawan?
Sino nga ba sila?
May mamumuo nga bang busilak na Pag-ibig at Pagka-kaibigan sa Mundong napapalibutan nang mapanlinlang na katotohanan?
Summary
ANG KALYE_SERYE NI DONNA
Kung kayo ang papipiliin, ano ang ideal o dream ninyong eksena na mangyari kapag dumating iyong pagkakataon na makikilala ninyo pala ang Soulmate o ang Meant To Be ninyo?
Kung si Madonna Celine Chen ang inyong tatanungin baka maloka kayo sa ideal o dream niyang eksena, kaya lang ang problema mailap o hindi pa ma-reach ang dream niyang Happy Ending.
Pero dahil ang Theme Song ng buhay ng ating bida ay "I Will Survive" kaya hayun abang-abang pa rin ang ating bida pagdating sa Pag-ibig.
Isa siyang Video Blogger. Mahilig siyang i-record ang mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay, maging ang mga pananaw at mga natututunan niya mula sa kanyang iba't-ibang mga karanasan at ibinabahagi ito sa ibang tao.
Ang hindi alam ng ating bida malapit na niyang makilala ang lalakeng muling magpapalundag ng kanyang Puso nang dahil sa tuwa, sa kilig, sa nerbiyos at kung ano-ano pang emosyon.
Pati kaya ito ay maisasama niya sa mga karanasan na ibabahagi sa ibang tao?
Sa kalye magsisimula ang lahat.....
This book is a work of fiction.
Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously.
Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
ELLAINE DE GUIA
Isang babae na nagmula sa mahirap na pamilya.
Simula pagkabata ay dumanas na ng matinding hirap o pasakit sa buhay.
Pinagkaitan ng pagmamahal ng mga taong ang akala niya ay totoong nagmamahal sa kanya.
Kaya naman sabik siya sa tunay na pagmamahal.
Pangarap na makatagpo ng isang totoong pag-ibig na pangmatagalan.
TIMOTHY SANTILLIAN
Isang mayaman na lalaki na iibig kay Ellaine.
Sa una ay hindi seryosong magmahal.
Para sa kanya ang pag-ibig ay isang laro.
Sa una lang kapana-panabik at masayang laruin pero darating din ang oras o panahon na magsasawa ka at maghahanap ka rin ng iba.
Ngunit nagbago ang kanyang pananaw simula ng makilala niya si Ellaine.
Dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadhana ng dahil sa pag-ibig.
Sila na nga kaya hanggang dulo?
Pinagtagpo Mga Landas Nila Ngunit Hindi Itinadhana
Matalik Na Magkaibigan Ngunit Hanggang Magkaibigan Lamang
Umiibig Ng Lihim Ang Isa Ngunit Ang Isa Ay May Mahal Na Iba