ดาวน์โหลดแอป
84.84% Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession) / Chapter 28: Obsession 23

บท 28: Obsession 23

NAGISING si Mackenzie ng maramdaman niyang may mabigat na braso na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi siya makakilos dahil halos daganan na siya ng katawan ni Charles. Nakadapa ito ng pagkakahiga sa kanyang kama habang ang mukha nito ay nakabaon sa kanyang leeg

Tulog pa ito sa hula niya dahil ramdam niya ang mabigat nitong paghinga na tumatama sa kanyang leeg. Ano ba itong pinasok niya, bakit niya hinayaan ang sarili na magpagalaw kay Charles

Hinawakan niya ang braso nitong nakapatong sa kanyang tiyan at dahan-dahang inangat ito para makaalis na siya. Ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakapatong ng braso sa kanyang tiyan dahilan para mahiga siya ulit sa kama

"Stay," namamaos na boses na anas nito sa kanyang kanang tenga at mas lalong isiniksik ang sarili sa kanyang maliit na katawan

Hindi niya maiwasang panlakihan ito ng mga mata. Ang kanyang dalawang braso ay nakahawak sa laylayan ng kumot at pilit iyong itinataas

Tumawa naman ng magaan si Charles

"Huwag mo ng itago 'yan Mackenzie. Nakita ko na 'yan lahat—" anas nito na ikinasinghap niya

"M-manyak, ka" sagot niya at pinagpapalo ito

"Gustong gusto mo naman?" Nakakapang-asar na nginitian siya ni Charles at tumayo na sa pagkakahiga

Kaagad niyang iniwas ang tingin ng makita niya ang kahubadan nito, ibinaling niya ang atensiyon sa nakasarang pintuan at hindi tiningnan ang lalaki hangga't hindi pa ito nakakapagbihis

"Stop looking around Mackenzie, tumingin ka sa'kin kahit nagbibihis pa ako. Nakita na naman natin ang lahat lahat 'di ba?" Batid niyang nakangisi ito base sa tunog ng boses nito

"Hindi ko nakita—" depensa niya na hindi pa din tumitingin dito

Totoo naman kasi, wala siyang nakita kagabi kahit na maliwanag na maliwanag sa kwarto niya

"Talaga? Wala kang nakita, kawawa ka naman—" pang-aasar pa nito

Kaagad nag-init ang ulo niya at hindi nagpatumpik tumpik pang tingnan ito

Hindi naman siya nagkamali dahil nakasuot na ito ng pantalon at wala pa ding tee shirt. Malas lang niya dahil hindi siya nagdodrool sa mga lalaking malalaki ang mga katawan

"Sinabi ngang wala akong nakita eh! Paulit-ulit!" At binato ito ng unan

Tawang tawa naman si Charles sa reaksiyon niya at kaagad na pinulot ang unan na hindi nito nasalo

"Ba't ang init ng ulo mo ngayon baby, tell me meron ka na ba ngayon?"

"Arrgh! Walang hiya ka talaga Charleston! Lumabas ka na nga dito?!" Pagsisigaw niya pa

Ayos na sana ang umaga niya eh, pero bigla siyang binuwesit ng isang hinayupak na 'to

"Wait, did you just called me by my real name?" May sinusupil na ngiti sa mga labi nitong nagsuot ng pang-itaas na damit

"Hindi! Kaya lumabas ka na dito—walang hiya ka, nirape mo ako!" Sigaw niya at hindi napigilang tumayo sa pagkaka-upo sa kama at tinulak ito palabas

Kahit na nasa labas na si Charles ay tinawanan lang siya nito na parang walang nangyari sa kanilang dalawa

"I didn't rape you woman, I make love to you. Hindi 'yun rape" anas nito at sinilip siya sa isa sa mga siwang ng kawayan na dingding

"Manyak ka talagang lalaki, umalis ka na nga diyan!" Bulalas niya at kaagad na pumasok sa banyo para maligo

"GIOVANNI!" Tawag ni Mackenzie sa manager ng makita niya itong nakatayo malapit sa puno at nagseselfie

Nagpalingon lingon naman ito nang marinig nito ang boses niya na halos pabulong na

"Psst, Giovanni! Dito!" Tawag niyang muli at kinamayan ito

Bigla naman siya nitong nakita at nilapitan

"Ano ka ba namang baklita ka! Kanina pa kita hinahanap akala ko umuwi ka na" anas nito at itinago ang cellphone sa bulsa

Sumilip muna si Mackenzie sa cottage kung saan nandoon ang lahat kabilang si Charles na nagtatawanan at kumakain

"Nasaan ka ba kagabi at bakit hindi mo na ako binalikan bakla ka?!" Pangaral niya dito at sumilip muli sa cottage

Mabuti na lang talaga at nakahanap siya ng pagtataguan para hindi siya makita ng mga ito

"Hay naku Mackenzie, lasing na lasing na ako no'n kaya pagkatapos kung magbanyo dumiretso na ako sa unit ko. Nakalimutan kita—'yun lang" kibit balikat na sagot nito sa kanyang tanong

Napapikit na lang siya sa kapalpakan ng manager

"Walang hiya ka! Nang dahil sa kalasingan mo kinalimutan mo na ang alaga mo, alam mo bang may nangyari sa'min ni Charles kagabi ha?!" Mahina niyang sigaw at pinandilatan ito ng mga mata

Napasinghap si Giovanni

"May nangyari sa inyo?! My gosh! Ano, malaki ba? Maliit?" Nakukyoryus na tanong nito sa kanya na kaagad niyang binatukan

"Ang landi mo talaga Giovanni! Pumalpak ka na nga sa papel mong pagiging fake boyfriend ko, nagtatanong ka pa kung malaki ba?!" At binatukan ulit ito

Hindi niya alam kung bakit ito pang si Giovanni ang naghandle sa kanya, madami namang professional managers diyan pero bakit ito pa na parang wala yatang ibang maisip kundi puro kalandian

"Sorry naman ghorl, pero seryoso? May nangyari ba talaga sa inyo? Paano kung mabuntis ka? Naku, hindi pupwede 'yan—magiging laman ka na naman ng mga balita Mackenzie!" Nag-aalalang anas nito

"Iyon nga ang pinoproblema ko ngayon eh, baka aksidenteng mabuntis ako. At saka pakihinaan mo nga iyang boses mo baka marinig pa tayo dito—" bulalas niya at inayos ang suot na spaghetti strap na medyo tumabingi na pinarisan naman niya ng harem pants

"Hinahanap ba ako do'n?" Tanong niya at umayos ng tayo ng maramdaman niyang biglang sumakit ang kanyang gitnang parte

"Ako pa talaga ang tinanong mo? Alangan namang hindi! Syempre, kanina ka pa hinahanap ni Robbie, kakain na daw tayo at mamayang alas diyes daw ang photoshoot—" pang-iimporma nito sa kanya

Napairap siya sa sagot nito at hinawakan ang kamay ni Giovanni para makasama niya itong papalapit sa cottage

"Hoy Mackenzie, anong ginagawa mo—" piksi ni Giovanni sa kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa kang Giovanni

Napahinto naman sa paglalakad si Mackenzie at tiningnan siya pagkatapos ay nilapitan siya

"Ano bang gusto mong palabasin Giovanni? Gusto mo bang masira ang image mo? Hindi pa nag-eend ang relationship natin kaya tiisin mo muna kahit alam nating nagseselos si Marco sa'kin!" Asik nito at hinila siya

Hindi na lamang pumalag si Giovanni sa halip ay nagpatianod na lang siya sa paghila ng kanyang alaga at inilabas ang ngiting matagal na niyang inaral sa harap ng salamin


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C28
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ