𝐿𝑂𝑈𝑅𝐷 𝐻𝐸𝑁𝐴𝑅𝐸𝑆
That name... meet my crush! Ang pinakagwapo sa campus namin. Lahat ng babae nagkakagusto na sa kanya. Lahat rin humahabol sa kanya.
Gwapo kasi at macho.
Nakatanaw ako sa kanya dito sa second floor habang nagdi-day dream. Ang gwapo talaga eh, nangangarap rin ako na sana ay ako ang mapili niya na partner sa prom night. Magaganap kasi yun ngayon sa susunod na Linggo at dahil campus crush siya ay hinayaan siyang pumili ng babae na magiging partner niya. Wala pa nga siyang napili eh, ang dami kasi naming nakapila. Hayst.
"Ano tinitignan mo dyan?"
Nagulat ako sa nagsalita at napatingin dito.
"Oh?! Marie!"
"Halakarts! Si Lourd pala!" Napatili siya nang makita ang crush NAMIN.
"Ay weh?!"
Sumingit bigla si Justine sa gitna namin ni Marie para tignan ang tinuturo ni Marie.
"Gosh teh! Ang gwapo!"
Napa-aray pa ako nang bigla akong hinampas ni Justine sa braso. Lakas talaga makahampas, grabe!
"Ay sorry! By the way, ano ginagawa niya doon?"
Nakupo si Lourd ngayon sa may bandang garden ng school namin. May upuan kasi doon at lamesa na pwedeng tambayan ng mga estudyante. Nakaharap siya ngayon sa cellphone at parang may tinetext. Pansin ko nga rin na kanina pa siya sa cellphone niya.
"Tumambay malamang! Tignan mo oh! Mukhang may ka-text si pogi. Parang may nahanap na siyang kapartner mga beshies wala na taong pag-asa." Malungkot na saad ni Marie.
Nalungkot din ako sa sinabi niya. Mukha kasi siyang masaya habang nakaharap sa cellphone niya. May pangiti-ngiti nga oh!
"Tara na nga! Wag na natin yang tignan, mukhang may nahanap na talaga." Hinila ko ang dalawa na nakasimangot. Di rin sila pumalag sa paghila ko sa kanila.
"Kalimutan nalang natin siya mga besh, mukhang in-love si Lourd eh. Dati ko pa siyang napapansin na laging may ka-textmate."
"Kaya nga..." Malungkot kong saad, wala na talaga akong pag-asa... haysstt
"Hi girls!"
Nagulat kaming tatlo nang bigla ay nagpakita ang pangit na mukha ni Cris. Nakangisi pa ito at may chocolate pa na nakaipit sa ngipin. Medyo bungi rin siya dahil lagi itong kumakain ng sweet foods. Naamoy rin namin dito ang tsokolate sa bibig niya. May pagka-amoy panis rin kaya bigla akong nahilo.
"Lumayo ka nga dito Cris! Ang baho mo!" Sita ni Justine.
"Ay grabe ka naman makapanglait." Tumulis ang nguso ng lalaki kaya nagmukha siyang pato.
"Totoo naman ah! Ang pangit mo pa." Binulong na lamang ni Marie ang huling sinabi niya pero mukhang narinig ni Cris kasi mas humaba pa ang nguso nito.
"Ang bad niyo! Mabuti pa si Dora hindi ako nilalait!"
Taka kaming tumingin sa kanya.
"Di niyo kilala?" tanong niya.
"Kilala namin malamang!"
"Siya lang naman si Dora the explorer diba? Yung sa cartoon movie. Ba't nasali dito si Dora sa usapan?" Takang tanong ni Justine.
"Hindi! Hindi si Dora sa palabas! Siya oh!"
Tinuro ako bigla ni Cris. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano?!" Sigaw ko.
"Mukha ka kasing si Dora! Hahahahaha!"
Inis akong tumingin sa kanya at hinahampas-hampas siya sa balikat. Ang bastos talaga nito! Di porket may bangs at short hair ako ay si Dora na! Hindi naman ako mataba at maitim ah? Ang ganda ko kaya!
Tawa tawa siyang umiiwas sa hampas ko. Di ko rin siya tinigilan hanggang sa bigla ay napahinto ako.
May tao kasi na naglakad bigla sa unahan namin at paparating na siya dito. Si Cris naman ay tawa parin ng tawa na parang kinikiliti ang singit. Mukha siya uuod.
Hindi niya sana mapansin ang lalaki kung di lang ako natameme sa harapan. Tumingin rin dito si Cris at bigla ay nagseryoso.
Papalapit na dito si Lourd na aking crush nang bigla ay huminto ito sa harapan namin ni Cris. Nakatingin siya una kay Cris bago sa akin. Ngumiti ito kaya di ko napigilang mapanganga. Ang gwapo kasi mga ka-besh!
Di ko alam kung ilang minuto na ba kami ni Lourd nagkatitigan sa isa't-isa kasi tila ako nahihipnotismo sa paraan ng titig niya. And shemays! First time ito! Ngayon pa lang ako natignan ng ganito ni crush. Ni hindi pa nga madali ang tingin niya sa akin kahit isang beses lang.
Narinig ko ang mahinang tilian ng mga kaklase ko sa likod pati narin sa dalawa kong kaibigan na kanina pa nakatingin sa amin.
"Ahem!"
Pekeng umubo si Cris kaya binigyan ko siya ng isang nakakatakot na tingin. Pero ako bigla ang natakot sa kanya dahil matalim na ngayon siyang nakatingin sa aming dalawa ni Lourd.
Lumingon si Lourd kay Cris at ngumisi dito. Tila lokong ngiti ang ginawad.
"Hi Cris! Nandyan ka pala."
"Kanina pa Lourd." nantitimping sabi ni Cris.
Nakita ko ang nakakuyom niyang kamao at tagis-banga niya. Yumuko ako dahil sa intensidad ng tutukan nila. Magpapaalam na sana ako nang bigla akong hinila ni Cris sa kamay at umalis sa pwesto namin. Nagulat pa ako nun at hindi pa nakabawi.
Di ko narin napansin ang mga mata ng tao na nakatingin sa eksena namin kanina.
"TEKA LANG CRIS! Bitiwan mo nga ako!"
Nasa likod kami ng skwelahan kaya walang katao tao dito.
Huminto rin siya sa paglalakad at binitiwan ako. Hinawakan ko yung wrist na namumula na ngayon.
Ano ba problema niya at bigla siya nagkaganon?!
"Anong problema—"
"Wag ka ng makipag-usap sa lalaking iyon." Putol ni Cris sa akin.
Nakatalikod parin siya sa akin.
"Hindi naman kami nagkausap nun ah! Ngayon pa nga lang niya ako tinignan ng ganun! Ano bang problema uy?"
Naglakad ako papalapit at humarap sa kanya. Nakadungo lang siya at nakakuyom ang kamao.
"Cris?" Mahinang usal ko.
"Promise me." He said after the long silence.
"Naks, Sosyal! English yun Cris ah? First time in my life, narinig kita magsalita ng ganun. Ulitin mo nga—"
"I'm serious!" Bigla siyang tumingin sa akin at ang mata niyang namumula ang una kong nakita.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o malito kasi sa pagbabago ng itsura niya ako biglang nagulat. Namumula ngayon yung mata niya hindi dahil sa naiiyak siya, kundi dahil sa galit. Galit na galit siya at parang handa ng pumatay.
First time ko rin siya nakitang ganito. Usually kasi, nakangiti ito at laging inaasar kaming kaklase niya. Hindi ko pa nakitang lumuluha o magalit ang mata niya. Ngayon lang... at galit pa ang nakita ko.
"O-osige." Nautal ako bigla.
"Good." From seryoso, bumalik bigla ang nakakaloko niyang mukha. Nakita ko narin ulit ang bungi bungi niyang ngipin na may chocolate. Napangiwi ako bigla sa nakita.
"Kadiri ka Cris." Umirap ako at nagsimula ng maglakad para lampasin siya.
"Hahaha! Basta seryoso ha? Wag ka ng lalapit sa lalaking yun!"
"At bakit naman aber?!"
"Wala akong tiwala dun. At ang pangit niya pa! Mas gwapo pa nga ako kaysa sa kanya eh!"
"Wag ka ng magsalita pangit! Mahiya ka sa mukha mo..."
"Totoo naman ah?!" Bumungisngis pa ang bungi.
"At wag mo naring ulitin yung ganoong mukha mo ha? Katakot ka grabe!" Sabi ko sa kanya.
"At bakit? Kasi mas gwapo pa ako kung magalit Dora?"
Nainis ako sa tinawag niya sakin.
Hinarap ko siya at binatok ang ulo. Napa-aray pa ang pangit.
"Kasi mas lalo ka pang pumangit! Nakakatakot yung mukha mo, parang sa horror movie ang peg! And bago ko makalimutan, wag na wag mo akong tawagin na Dora! Ulitin mo pa yun at makakatikim ka sa akin ng suntok."
"Ay ganun ba Dora?" Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti at tumakbo siya bigla. Hinabol ko rin hanggang sa di ko na makita si pangit.