"Tiyak na gagawin niya iyon!" tumitig si Mo Ting kay Tangning at sumagot. "Kahit pa ayaw niya sa mga taong Chinese, kailangan pa rin niyang isang tabi ang kanyang opinyon kapag ikaw ay nasa paligid niya."
Pinagisipan ni Tangning ang kanyang sitwasyon at napagtanto na ang pangangatwiran ni Mo Ting ay mayroong katuturan. Hindi ito ang lugar kung saan dapat siyang magpakita ng awa, lalo nap ag nahaharap sa diskriminasyon mula sa mga banyaga. Partikular na, hindi dapat niya hinayaang ang isang small-time professor na apihin siya.
"Huwag kang mag aalala, hindi mo kailangang gumawa ng kahit na ano, alam ko na ang aking gagawin."
Humarap si Mo Ting at tumingin kay Tangning ng may nagmamalaking ngiti.
"Hindi ka umatras mula sa entertainment industry at nakipaghiwalay sa Hai Rui, upang pumunta lamang dito at maghirap."
"Ilabas mo ang iyong lakas ng loob… gusto kong makita ang Tangning na kailanman ay hindi magbababa ng kanyang ulo sa kanino man."