AN: Pasensya na guys sa tagal dahil matinding focus ang kailangan ko nito. Kapitan niyo po ang mga puso niyo. 😂😂✌
-------------------------------------------------------------------------------
JESSY P.O.V
Parehong na sa loob ng death ring ang mga manlalaro, si Sherca nakakaloko tumingin 'kay Helga. Habang si Ursula seryoso na nakatingin 'kay Andrea, bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam pero iba itong nararamdaman ko, Ahraw nasaan ka na ba? Usal ko sa isipan ko dahil kanina ko pa siya gustong makita.
Pag-hudyat nang bell, siyang tibok ng puso ko. Pareho na silang may hawak ng mga katana at mga nakahanda na sila mga mangyayari.
"Ito na ang ating pinakahihintay, apat na fighter sa loob ng ring. Kung malakas ka, mabuhuhay ka at kung mahina ka, masasawi ka."
Nanibago ako sa timbre ng boses nang announcer ngayon, para bang may hatid na kilabot sa isip ko. Lalo na 'yung huli niyang sinabi na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Kapag malakas ka, mabubuhay at kung mahina ka, masasawi ka.
"Helga, Andrea. Kaya niyo yan," mahinang sambit ni Eveth.
Napatingin ako sa nag-aalalang mukha ni Eveth para sa dalawa naming kasama, binalik ko naman ang atensyon ko sa laban nila.
Parehong mahusay sila at ayaw mga magpatalo, hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makatama. Si Sherca mukhang matibay ang determinasyon na manalo 'kay Helga na ganun rin naman ang nakikita ko 'kay Helga.
"Mga manonood, ito na nagsisimula ng uminit ang laban. Mga mahal naming, boss maaari na kayong pumusta." salita muli ng announcer.
"10 million, para sa alaga ko na si Sherca."
Napalingon naman ako sa boss ni Sherca na tumayo sa kinauupuan nito habang may hawak na baso na may laman na alak. Ito ang naunang pumusta sa anim boss na nandito ngayon kabilang si Mr. Valdez na seryoso na nakatingin sa laban.
"30 Million, for Helga and Andrea." pusta naman ni BlackMoon.
Tumingin pa rito sa amin at ngumisi ng nakakaloko.
"Mr. BlackMoon, sigurado ka ba sa iyong pusta? Baka wala kang ibayad sa akin." nakakalokong salita naman ni Mr. Valdez.
Napaang na napatingin si Mr. BlackMoon 'kay Mr. Valdez, ngnuit agad rin itong napawi dahil ngumisi itong demonyo.
"15 Million, for my figther." sagot naman nang boss ni Darling.
"Nakataya na ang lahat bukod sa'yo, Mr. Valdez." muling salita ng announcer at baling nito sa pinakamay-ari nang game si Mr.Valdez.
"50M, ang pusta ko para sa pagkatalo ng alaga ni Mr. BlackMoon." sambit nito sa seryosong tono.
Natahimik ang lahat pati ako walang pagsidlan ng kaba ng puso ko dahil sa pusta ni Mr. Valdez, at ang laki ng pusta niya. Si BlackMoon napansin ko na napakuyom ang kamao at ang sama ng tingin 'kay Mr. Valdez.
"Wow! Tumataginting na 50 milliones ang taya ni Mr. Valdez, mukhang sigurado na siya." natatawang salita pa ng announcer.
Muling nabalik ang atensyon ko sa apat na naglalaban, ganun pa rin lahat sila mga ayaw magpalamang. Si Helga na nakikipagsabayan sa bilis ni Sherca kumilos halos magkasing bilis sila sa paggamit ng katana. Ngunit biglang tumalsik sa di-kalayuan ang katanang hawak ni Sherca.
Mabilis na tumakbo si Helga sa kinaroroonan ni Sherca, lumukso siya at itinaas ang katana upang ipatama dito ngunit mabilis na tumakbo si Sherca papunta sa kanyang katana. Bago pa tumama ang dulo ng espada sa mukha ni Sherca nadampot agad nito ang kayang katana at nasangga nito ang atake ni Helga.
Samantala si Andrea naman na mukhang nahihirapan 'kay Darling dahil hindi siya makatama dito. Panay pa ang ngisi nito 'kay Andrea na bagay na kinaiinis nito dahil sa kita sa mukha ni Andrea ang pagkaasar.
"Andrea! Huwag ka papaapekto sa demonyo na 'yan." sigaw ni Eveth.
Hindi naman lumingon si Andrea dahil talagang naka-focus siya sa laban. Umatake ng mabilis si Andrea 'kay Darling habang na sa gilid niya ang katana na hawak ngunit na salag ito ni Darling at ginantihan siya ng atake, nailagan naman ito ni Andrea ngunit hindi niya na iwasan ang sipa na ginawa ni Darling. Bumagsak si Andrea sa sahig dahil nawalan siya ng balance, sinamantala ito ni Darling kaya inangat nito ang katana sa itaas puwersahan na itatarak ito sa nakahigang si Andrea.
Gumulong sa kabilang gilid si Andrean upang maiwasan ito, matapos 'yun tumayo siya ng mabilis upang kunin ang kanyang sandata. Pero muli siyang bumagsak sa sahig dahil natamaan siya ni Darling sa likod. Punit ang kasuotan nito at gumuhit sa maputing likod ni Andrea ang hiwa ng katana.
"ANDREAAA!!"
Sigaw ni Helga at nilapitan si Andrea na nakadapa, napayuko ako at napapikit.
"C-come on, A-Andrea. Kaya mo 'yan," nangangatog ang boses na mahinang bulong ni Eveth.
"Umiinit na ang laban mga manonood, ito na ang kapana-panabik na eksena." muling salita ng announcer.
"Kill! Kill! Kill!"
"Kill! Kill! Kill!"
Nagsimula ng umingay dito sa loob lahat sila iisa ang gustong mangyari ang may mamatay na.
"Fuck you!" Sigaw ni Helga at sinugod si Darling na nakangisi sa kanya.
Nagpalitan sila ng kalansing ng kanilang armas. Si Andrea pilit na tumayo kahit kita mo sa kanyang mukha ang matinding sakit na nararamdaman.
"Hanggang diyan lang ba kayo? Mga mahihina." mayabang na bigkas ni Sherca at iniamba nito ang hawak niyang katana upang tapusin na si Andrea.
Pero mabilis na nakalapit si Helga kaya nasangga nito ang atake ni Sherca, nakangiting nakakaloko si Sherca habang tinutulungan na itayo ni Helga si Andrea.
Nakita ko na parang may sinabi si Helga kay Andrea, hindi ko lang narinig dahil mukhang pabulong lang ito sinabi. Nakita ko na lang na mabilis at sabay na kumilos ang dalawa pasugod sa naghihintay na si Sherca at Darling.
Halos hindi kumurap ang mata ko nang lumapit ang si Helga at Andrea sa nakatayong kalaban lang nila at sa bilis ng pangyayari. Na sa likod nila pareho si Sherca at Darling, sabay na pinatamaan silang dalawa.
"Helga! Andrea!" patayong sigaw ko sa pangalan nila, dahil nanlaki ang mata nila pareho dahil sa nangyari.
Hindi pa nakuntento ang dalawa, pinagtulongan ni Sherca at Darling na sunod-sunod na patamaan ang dalawa. Pakiramdam ko na-black ang isip ko dahil sa kinahinatnan ng dalawa nilang kasama.
"Helgaaaa! Andreaaa!" malakas na sigaw ni Eveth.
Balak niyang sumugod sa laban ngunit biglang may humarang na ilang kalalakihan sa kanya.
"Hindi kayo puwede makialam, dahil kapag ginawa niyo 'yan. Ngayon palang mamatay na kayo." salita lang ng lalaki.
Nakita ko naman ang pagpatak ng sunod-sunod ng luha ni Eveth, nakita ko naman na hinatak siya ni Garry at dito siya nag-iiyak sa balikat ni Garry.
Hindi ko na magawang tingnan ang ginagawa ni Sherca At Darling, sabay na bumugsak ang sahig sila Andrea at Helga, sira-sira na ang suot nila at halos madurog ang puso ko dahil sa sinapit ng dalawa. Kahit marami na silang tama pilit na gumagalaw sila at muling inaabot ang katana na nabitawan na nila pareho.
Tama na! Tama na! Maawa kayo sa kanila... Huwag na kayong lumaban..
Bulong ko sa isipan ko dahil hindi ko na matagalan ang nakikita ko, umikot-ikot naman ang dalawa habang nakangising demonyo sa paghihirap ng dalawa. Nagkalat na ang dugo sa paligid ng ring at balewala lang ito sa iba.
"Ano pa ang hinihintay niyo? Tapusin niyo na ang laban." basag ni Mr. Valdez sa katahimikan dahil sa tutok na tutok ang lahat sa laban.
"Darling, Sherca. Narinig niyo si Mr. Valdez, tapusin niyo na ang laban." salitang muli ng announcer.
Parehong tumango ang dalawa, natulala naman ako ng makita ko na nakatayo pa si Helga at Andrea sa kabila ng pinsala na natamo nila duguan ang katawan at nagtutuluan na sa sahig.
Parehong nakangisi lang si Sherca at Darling. Winasiwas ng dalawa sa itaas ang hawak nilang katana at mabilis na kumilos palapit sa nakahanda sa mga mangyayari. Si Helga at Andrea
Napatayo ako ng unti-unting lumalapit sa kanila ang kalaban nila, habang sila sa gitna ng hirap makikita mo ang determinasyon na lumaban hanggang sa huli. Dito na bumagsak ang luha na kanina ko pa pinigilan nang parehong tamaan sa leeg si Helga at Andrea, sumirit pareho ang dugo nila at nabitawan nila pareho ang sandata nila habang kapit ang leeg nila pareho.
"HELGAAA...!! ANDREA...!!" umalingangaw ang tinig ni Eveth dahil sa pagsigaw nito sa pangalan ng dalawa.
Naghiyawan ang lahat ng mga nandito dahil sa nangyari, nangingnig ang buong katawan ko ng dahan-dahan na bumagsak sa sahig ang wala ng buhay na katawan ni Helga at Andrea.
"A-Andrea.... H-Helga... Babawiin ko ang kinuha nila sa inyo." mahinang sambit ko habang titig na titig ako sa nakahandusay na katawan ng dalawa.
Iyak naman ng iyak sa gilid ko si Eveth, napahampas sa lamesa si BlackMoon.
+++++++++++
🔫Black_Moon301