ดาวน์โหลดแอป
64.93% There is US not You and I / Chapter 100: Ang Lupet!

บท 100: Ang Lupet!

"Hindi maganda ito."

Bulalas ni Sen. Reyes.

"Bwisit!"

Nangingitngit na sabi ni Gen. Pasahuay.

Hindi nila matanggap ang pagbaligtad ng sitwasyon sa unang araw ng Senate hearing.

Marami sa senador ang nakikisimpatya sa pinagdadaanan ni Jaime.

Hindi maiwasan ng karamihan na magisip, kung totoo ba ang paratang sa kanya o na frame up lang sya.

At sumabay pa ang nagkalat na sandamukal na opinion ng netizen sa katatapos lang na Senate hearing.

Nakadagdag tuloy sa inis nila.

Lalo na sa tuwing nakakabasa sila ng repost ng post ni Kate na naka highlights ang huling sinabi nya.

°°°°°

And lastly! With regards sa kaso ng Daddy ko, since nasa senate na sya aantayin ko na lang ang Senate hearing para lumabas ang totoo.

But I do have a last words to them. Yes, THEM!

HUWAG KAYONG PASAWAY!

~~~~

Kaya matataka pa ba sila Gen. Pasahuay at Sen. Reyes kung bumaligtad ang sitwasyon?

Napatanong tuloy si Sen. Reyes.

"Bakit parang inaasahan na ito ng anak ni Santiago?"

Napakunot ang noo ni Gen. Pasahuay.

"Ito kaya ang dahilan kaya sya kalmado?"

Hindi sinasadyang masabi ito ni Gen. Pasahuay. Naalala nya lang bigla ang sinabi ni Col. Manabay.

"Anong ibig mong sabihin, Gen. Pasahuay?"

Naguguluhan tanong ni Sen. Reyes.

"Ha?"

"Yung huling sinabi mo, anong ibig mong sabihin?"

"Kay Manabay ko kasi inutos ang pagligpit sa anak ni Santiago, and after nya ginawa yun, nagreport sya sa akin at yan ang sinabi nya.

Kalmado yung anak ni Santiago. Ni katiting na takot wala silang nakita at ikinababahala nya iyon."

"Sigurado ba syang napatay nya?"

Oo! Asintado si Manabay hindi ito pumapalya at malapitan pa!Saka ... kung sakaling hindi nya ito napuruhan, mataas ang kinabaksan nitong bangin tyak patay din sya."

"Nakita nyo ba ang bangkay?"

"Malakas ang agos ng tubig kaya nadala na yun kung saan."

"Kahit na! Siguraduhin nyo pa rin! Hanapin nyo, pero ingatan nyo ang paghahanap at baka may makahalata. Kailangan nating makasiguro at baka bigla na lang lumitaw yan!"

Mahigpit na utos ni Sen. Reyes.

"Okey, bukas na bukas din!

Pero ngayon, anong plano mo sa Senate hearing bukas?"

"Kailangan natin muling maibalik ang hinala nila kay Santiago! Mukhang mapapaaga ang paglabas ni Dante."

Sagot ni Sen. Reyes.

"Pero sya ang secret weapon natin, ang magdidiin ng husto kay Santiago! Hindi ba masyado pang maaga para ilabas sya?"

"But we don't have a choice! Sya lang ang tunay na magdidiin kay Santiago, hindi na natin magagamit si Tess Landiquo, baka pagyestahan tayo at mag mukha tayong tanga! Sino ba kasing nag suggest sa'yo na gawing witness yan laban kay Santiago?"

Iritang tanong ni Sen. Reyes.

"Sino pa edi si Vice! Ang kulit eh!"

"Napipikon na ako sa pakikialam nyang si Vice! Feeling nya ba talaga may alam sya sa kasong ito? Masyado kung makisawsaw! Hmp!"

"Kalma ka lang Eddie Boy, mapakinabangan din natin yang si Vice!"

"Kung gusto mo akong kumalma, mabuti pa, ihanda mo na yang si Dante!"

Utos ni Sen. Reyes.

Ang tinutukoy ni Sen Reyes na Dante ay ang negosyante na ama ni Angela. Si Angela ang babaeng niregalo kay Jaime ng mga subordinates nya.

Kahit na matanda ng labing limang taon si Gen. Pasahuay kay Sen. Reyes, ni minsan hindi nya ito itinuring na nakakatanda, dahil para kay Sen. Reyes, isa lang din si Gen. Pasahuay sa mga tauhan nya.

Pero iba ang turing ni Gen. Pasahuay sa kanya. Pamilya na ang turing nya dito at kaya nyang saluhin lahat para sa taong ito.

*****

Samantala.

"Oh, Eunice napatawag ka?"

"Lolo Miggs need ko po ng help nyo."

"Ganun? Tatawag ka lang pag need mo nag help ko? Ni hindi mo man lang ako kinamusta muna!"

"Lolo Miggs kamusta po kayo?"

"Kung hindi ko pa sinabi hindi mo ako talaga kakamustahin! Hmp!"

"Lolo Miggs huwag na po kayo magtampo, alalahanin nyo po ang presyon nyo! Saka, lamyo naman pong busy ako! Hindi po kaya madaling maghawak ng isang bayan na ang daming pasaway!"

"Oona! Sige na naiintindihan ko na, busy ka! Aber ano bang kailangan mo sa akin at bigla kang napatawag dyan?"

"Lolo Miggs gusto ko po kasing makausap ang presidente."

"E bakit hindi mo tawagan?"

"Hindi po ako papansinin nun, saka personal po ang dahilan."

"E bakit ako ang inuutusan mo, may sekretarya ka diba?"

"Lolo Miggs hindi ko po kayo inuutusan, nanghihingi lang po ako ng pabor. Emergency po kasi ito at kailangan ko agad ng atensyon ng presidente at alam kong kayo lang po ang makakatulong sa akin kaya kayo po agad ang tinawagan ko."

Medyo nangiti naman si Don Miguel ng sabihin ni Eunice na sya ang una nyang naisip hingan ng tulong.

"Hmm, mukhang napaka halaga nyan ah, tungkol ba saan yan?"

"Kay Ate Kate po Lolo Miggs, nawawala po sya, dinukot po!"

"ANO?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Ang drama nyo po kasi eh, ayaw ko naman putulin ang drama nyo at baka magtampo kayo dahil minsan lang po tayo magkausap!"

Hindi alam ni Don Miguel kung paano sasagutin ang sinabi ni Eunice.

'Langyang bata 'to, madrama daw ako? Para naglalambing lang!'

"Haaay bata ka mahahambalos kita eh! Anlaki pala ng problema hindi mo agad ako dineretso!"

Ganito talaga sila magusap ni Don Miguel. Hindi ilag si Eunice sa kanya.

"Lolo Miggs hindi po ba kayo nanoood ng Senate hearing kanina?"

"Hindi ko hilig ang manood ng puro daldalan! Walang thrill!"

"Ah, kaya pala!"

"Kaya pala ano?"

"Kaya po pala hindi nyo alam ang nangyari kay Ate Kate."

"Ano ba talaga ang nangyari sa pinsan mo? Na cu-curious tuloy ako. Sabihin mo na!"

"Nadukot nga po sya!"

"Paano mo naman nasiguro na dinukot yang pinsan mong saksakan ng kulit?"

"Nagimbestiga po ako at natagpuan ko po ang isa sa laruan ni Ate Kate."

"Laruan?"

"Eto po Lolo Miggs!"

Sinend ni Eunice ang picture ng isang ladybug.

"Ano yan bangaw?"

"Ladybug po Lolo Miggs, gawa po ni Ate Kate. Yan po ang bago nyang laruan at nakita ko po yan sa elevator sa workplace ni Ate Kate."

"Lumilipad ba yan?"

"Diko po sure, pero may camera po yan. Mukhang nakatunog po si Ate Kate kaya inilagay nya agad yan. Tapos mula po dyan na trace ko po kung saan nila dinala si Ate Kate. Dun ko po nakita ang next clue at kung ano ang ginawa nila kay Ate!"

"Sa tono ng salita mo parang may nangyaring masama sa pinsan mo! Bakit ano bang nadiskubre mo?"

"Dinala po sya sa may bangin, binaril at nahulog sya sa bangin."

"ANO?!"

"Teka, si K-Kate, kamusta ang pinsan mo?"

"Hindi ko pa po sure kung anong lagay nya, hindi pa po namin makita ang katawan. Tinitrace ko pa po but knowing Ate Kate, alam kong gagawa sya ng paraan para magiwan ng clue!"

Gimbal si Don Miguel sa narinig, hindi ito agad nakapagsalita.

"Teka, bakit mo nga pala gustong makausap ang presidente?"

"Kasi po, hindi po dapat malaman ng lahat ang tungkol sa laruan ni Ate Kate, kaya po kailangan ko syang makausap."

"Pero tyak na sasabihin lang ng matandang yun na ibigay mo sa kinauukulan yan ebidensya!"

"Yun nga po ang problema, hindi ko po pwedeng ipagkatiwala ito sa iba, baka po mawala na naman katulad ng ebidensya na ibinigay ko kay Tito Jaime na ibinigay naman nya sa NBI."

"Galing sa'yo ang ebidensya ni Jaime?"

"Opo Lolo Miggs, nasa akin po ang laptop ng sindikato at na hack na po ni Ate Kate ang mismong sindikato kaya kilala na po namin kung sino ang pinuno nito!"

Muli na naman nayanig si Don Miguel sa impormasyon na sinabi ni Eunice.

'Hah! Kinikilabutan ako sa dalawang batang ito! Bagay nga na tawagin syang syang dragon at si Kate ay tigre."

'Ang lupet!'

"Okey, kakausapin ko si President Guran, pero mangako ka sa akin Eunice, huwag mong ilabas ang pagiging dragon mo sa kanya!"

Eunice: "...."


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C100
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ