*CHAPTER THREE*
Dahil sa kakaisip na baka hindi na ako makakalabas ng selda dahil pamilyang Lopez ang kinalaban ko, tuluyan akong bumigay sa tukso na tumakas.
Lumabas agad ako ng selda pagkatapos ay binalik ko sa dating ayos yung rehas na binaluktot ko. Medyo baluktot parin yun pero hindi na sya madadaanan ng tao.
Pagkatapos ay humanap agad ako ng bintana na maaring daanan ko palabas nang di ako maririnig. Pero wala akong mahanap dahil lahat nang bintana ng Police Station ay gawa ng salamin at may iron grills. Maririnig nila ako kapag binasag ko ang salamin at bago ko pa mabaluktot yung iron grills, baka mababaril na ako.
Kaya ang ginawa ko, naghanap nalang ako ng ventilation opening sa ceiling ng building. Nang makahanap ako, tinalon ko ito upang abutin. At laking gulat ko nang naabot ko ito. Gumamit ako ng lakas at sinira ito, nagulat ulit ako nang parang ang dali lang nitong sirain. Pagkatapos nito ay pumasok agad ako doon at humanap ng iba pang ventilation opening na nasa labas ng building.
Nahanap ko naman agad ito, at nang masigurong walang pulis sa paligid ay binuksan ko ito at tumalon pababa. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo patungo sa pader ng Police Station at tinalon ito.
I can really say that I have unbelievable abilities now, dahil nagawa kong talonin ang pader na may dalawang metro ang taas.
I have super strength enough to bend iron bars. I also have enhanced sense of hearing. At ngayon kaya ko rin palang tumalon ng matataas na istraktura. Lahat ito ay nagawa ko mula nung insedenteng nangyari sa Redwood's mini-lake. If I'm really stuck in flight or fight state, then it's a good thing since I have these abilities now. However, hindi ko alam kung hanggang kailan ito mananatili sa akin o kung kailan ito mawawala sa akin.
Ah! Hindi na bali. Saka ko na iisipin yun kapag darating na ang pagkakataong yun.
Kailangan ko munang pagtuonan ng pansin ang pagtakas sa Police Dentention Cell. Hindi ito simpleng bagay, dagdag ito sa aking kaso kung sakaling mahuli ako. Pero mas mainam ito kesa mananatili ako dun kahit na wala akong kasalanan. Kailangan ko lang ngayon humingi ng tulong sa kakilala kung tao na may mataas na status sa lipunan. Pero sino?
Habang iniisip ko ang mga bagay na ito ay hindi ako humihinto sa pag takbo.
Nasa bente minutos na siguro akong tumatakbo kaya nakalayo na ako ngayon sa Police Station. Pero kahit na tumatakbo ako nang ganun katagal, hindi pa ako nakaramdam ng pagod.
Isa ba ito sa ability na dulot nang adrenaline rush? Ang high stamina?
"Anong kailangan nyo sa akin? Hindi nyo ba ako kilala?"
Bigla kong hininaan ang pagtakbo nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae. At dahil enhanced ngayon ang pandinig ko, hindi ko matantya kung gaano kalayo ang kinaroroonan ng babae.
"Kilala ka namin, kaya nga kikidnapin ka namin para manghingi ng ransom sa pamilya nyo, eh."
Maya-maya'y isang boses lalaki naman ang narinig ko.
Pinikit ko ang aking mga mata upang malaman kung saang direksyon nanggaling ang mga boses na naririnig ko.
"Don't you dare! Kung kilala nyo ako, alam nyo rin ang kayang gawin ng pamilya ko."
Sabi ulit nung babae.
"Wala kaming paki sa gagawin ng pamilya mo. Matagal na naming pinlano ito kaya alam namin ang ginagawa namin."
Tugon naman ng isa pang boses lalaki. Hindi ito yung lalaking nagsalita kanina.
"Bitiwan nyo ako!! Ano ba!!"
Sigaw nung babae.
Matapos marinig ang sigaw ng babae, natukoy ko agad ang direksyon nila. Kaya dali-dali ko itong pinuntahan.
Tumatakbo ako ng mabilis nang makita kong may isang babaeng pilit isinakay ng tatlong lalaki sa isang puting van, halos isang daang metro ang layo mula sa akin. Nang makapasok na ang babae sa sasakyan ay pinatakbo na ng mga lalaki nang mabilis ang van. At patungo ito ngayon sa direksyon ko.
'Shit!'
Napamura ako sa isip nang muntik na akong masagasaan ng sasakyan. Mabilis kasi ang takbo ko at mabilis din ang takbo nung sasakyan nila.
"Gago yun, ah!" Narinig ko pang sigaw ng isa sa mga lalaking sakay nung van.
Napatingin nalang ako sa lumalayo nang van dahil wala na akong magawa upang pahintuin ito.
At dahil gusto kong subukan ang bagong kakayahang dulot ng adrenaline, sinubukan kong sundan ang puting van nang tumatakbo lang.
Nakita kong may sasakyan na nakagilid sa tabi ng daan kung saan nakahinto yung puting van kanina. Sasakyan siguro yun ng babae. Pero hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan kaya wala akong choice kundi ang sundan sila nang tumatakbo lang.
Napansin kong kahit mabilis ang takbo ng puting van, hindi sila nawawala sa aking paningin. Ibig sabihin nito, medyo nakakasabay ako sa bilis ng takbo niyon.
At upang hindi nila ako mapansin at ng mga pulis. Sinubukan kong tumalon sa mga pader na nadadaanan ko, tapos talon ulit sa bobong ng mga bahay.
I wasn't surprised anymore that I was able to jump that high and maintain my speed. Pero ang ikinagulat ko ay parang ang liksi ko ngayon. I was so agile that I can still run at this speed while freely jumping over several buildings and houses. At habang tumatagal ay mas tumataas na ang natatalon ko at mas lumalapit na ako sa sasakyang hinahabol ko. And the best thing is, hindi pa ako nakaramdam ng pagod.
This is great. This feels so great.
Makalipas ang halos isang oras ay nakita kong huminto na ang sasakyang sinusundan ko. Nasa harap sila ng isang abandoned building, mga 300 meters yata ang layo mula sa Wagner Plains. Ang Wagner Plains ay isa sa mga exclusive and luxurious subdivisions dito sa Santa Mesa, puro mayayamang negosyante at politiko ang nakatira dyan. Narinig kong nasa 500 Million ang average price ng mga residential properties dyan. Kaya hindi pwede yung mga hindi multi-millionaires dyan.
Ahh! Wala akong paki sa mga nakatira dyan sa subdivision na yan. Kailangan kong pagtuonan ng pansin ang mga kidnappers at yung babaeng kinidnap nila.
Nang makita kong pumasok na sila at pumwesto sa loob ng abandoned building na yun. Gumalaw na ulit ako. Patalon-talon lang ako sa rooftops ng mga buildings at bahay. Hindi ako nahihirapan dahil maliban sa matataas at malalayo ang natatalon ko, medyo dikit din itong buildings na tinatalon ko. At so far, wala namang nakapansin sa akin.
Maya-maya lang bumaba na ako sa lupa dahil hindi ko na kayang talonin ang rooftop nung abandoned building kasi medyo malayo na. Kaya tinakbo ko nalang ito ng tahimik para di ako mapansin ng mga kidnappers. Nakita ko ang pwesto nila kaya dun ako dumaan sa blind spot nila. Pagkarating ko sa building ay tinalon ko lang ito at nakarating agad ako sa ikalawang palapag. Apat na palapag lang ang building at may rooftop. Papuntang rooftop kanina ang dalawa sa mga kidnappers dala ang babae, kaya kailangan kong makapunta agad sa rooftop.
Ginaya ko lang ang mga moves na ginagawa ng mga traceurs habang nagpa-parkour sila. At parang isang minuto lang ang nakalipas ay nasa ikaapat na palapag na ako nang hindi napapansin ng mga kasama ng kidnappers na nakapwesto sa bawat palapag.
Pinikit ko ulit ang aking mga mata upang malamang ang position ng mga nasa rooftop.
Napansin ko kasi kaninang kapag pinipikit ko ang aking mga mata ay mas tumatalas pa ang aking pandinig. Kaya ginawa ko ulit ito ngayon, at effective nga dahil natukoy ko kaagad ang pwesto ng mga kidnappers. Ang hindi ko lang alam kung saang banda o direksyon sila nakaharap.
Pero di bale, medyo mabilis naman ang mga galaw ko kaya di siguro sila makakapag react kapag makita nila ako.
Kaya tinalon ko na naman ulit ang rooftop. Nang makatapak na ako sa sahig nito ay mabilis akong tumakbo patungo sa lalaking pinakamalapit sa akin sabay suntok ng malakas sa batok nito.
Tumba agad ang lalaki nang hindi man lang nakagawa ng ingay, agad itong nawalan ng malay pagkatapos tamaan ng aking suntok. Medyo napalakas siguro ang suntok na yun kasi medyo sumakit din ang aking kamao. Nang tingnan ko ang babaeng kinidnap nila, para itong gulat na gulat dahil nanlaki ang mga mata nito at nakanga-nga. Siguro nakita nya ang lahat nang ginawa ko mula nung makaakyat ako rito sa rooftop hanggang sa mapatumba ko yung isang kidnapper.
"Gago ka--" Gulat na sabi ng kasama ng pinatulog kong lalaki nang makita niya ang kasama niyang nakahiga at wala nang malay.
Pero bago nya pa natapos ang kanyang sasabihin ay mabilis na akong nakagalaw at nasuntok na sya sa sikmura. Natumba agad ito at nawalan ng malay. Medyo kinabahan pa ako nang makitang bumubula ang bibig nito.
Pero pinabayaan ko lang ito at nilapitan ang babaeng nakatali sa isang upuan. Kinalagan ko kaagad ito ng tali at dahan-dahang pinatayo.
"S-sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Utal-utal at nanginginig na sabi ng babae nang maka-recover ito mula sa pagkabigla sa mga nakita.
"Don't worry Miss. Hindi nila ako kasama. Nakita ko kaninang pilit ka nilang isinama kaya sinundan ko sila upang mailigtas ka." Sabi ko habang pinipilit ipakita sa kanyang kalmado lang ako. Pero ang totoo nyan. Nanginginig rin ang mga kalamnan ko. First time ko kasing manapak ng tao at parang napuruhan ko pa lahat.
"T-thank you." Tugon naman nito, nandun parin sa boses nya ang takot.
"Kailangan nating tumawag sa pamilya mo." Sabi ko sa kanya sabay lapit sa mga lalaking nawalan ng malay. Kinapa ko ang kanilang mga bulsa upang maghanap ng Cellphone na maaring gamiting pantawag.
"T-tinawagan na nila ang Kuya ko. Pupunta na yun dito mamaya." Tugon naman ng babae.
"Ah! Mabuti naman." Tugon ko naman sabay tingin sa ibaba ng building.
At tama nga ang sinabi ng babae. May nakita akong dalawang sasakyan na papunta sa direksyon namin. Yan na siguro ang kuya nya. Ang bilis namang maka-responde nito. Siguro galing lang ito dun sa Wagner Plains. Mayaman talaga siguro ang pamilya ng babaeng to kaya sya kinidnap.
"May dalawang sasakyang papunta rito. Baka nandun na ang kuya mo." Kaswal na sabi ko sa babae sabay lapit dun sa hagdan pababa ng ikaapat na palapag.
"N-no! P-papatayin nila ang Kuya ko. You have to help him. You have to help him!" Tarantang sabi nito sa akin sabay hawak sa aking mga balikat at niyugyog ako.
"Hah? Bakit nila papatayin ang Kuya mo? Ransom naman ang habol nila." Naguguluhang tanong ko.
"You don't understand. Hindi lang ransom ang habol nila. I-I can't explain it to you right now." Taranta paring sabi nito. "Please help him."
Napabitaw nalang ako ng malalim na buntong hininga. "Okey. Dito kalang, wag kang aalis para hindi ka madadamay sa kung ano mang mangyayari later on." Sabi ko sa kanya. "Gamitin mo yang lubid na itinali nila sayo at talian mo yang mga yan bago magising." Dagdag ko pa sabay turo dun sa dalawang lalaking pinatulog ko.
Tumango lang ito habang parang naiiyak parin sa pinaghalong takot at kabang naramdaman nito. I can clearly hear her fast heart beats right now.
Pagkatapos siyang kausapin ay bumaba na ako sa fourth floor, at dahil alam ko kung saan naka-pwesto ang kasama ng mga kidnappers ay hindi na ako nahirapang hanapin ito. Pagdating ko sa fourth floor ay saka ko pa nalamang hindi pala nag-iisa ang lalaking narito. Dalawa pala sila rito at parehong nakapwesto at may hawak na mga matataas na kalibre ng mga baril.
Talagang pinaghandaan pala ng mga ito ang ginagawa nila.
With a swift and quiet move, nakalapit agad ako sa kanila. Binigyan ko sila ng malalakas na suntok. With that simple moves, napatulog ko kaagad ang dalawang lalaki sa fourth floor. Kaya mabilis na akong bumaba sa third floor.
Katulad nung sa fourth floor, may dalawa ring lalaking nandito at may hawak na matataas na kalibre ng baril. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinugod ko agad ang mga ito. Mabilis namang nakagalaw ang isa sa mga ito at tinutukan ako ng baril. Pero bago pa niya nakalabit ang gatilyo ng kanyang baril pinabagsak ko na siya sa isang suntok na tumama sa panga nya. Paglingon nung kasama nya, sinalubong ko rin agad ito ng isa pang suntok sa mukha at nawalan din ito ng malay.
Pagkatapos nito ay bumaba na ako sa second floor. Pero bago pa ako makababa ay narinig ko nang may sasakyang huminto, at sinundan kaagad ito ng sunod-sunod na putok ng mga baril.
Nataranta naman ako dahil baka binanatan na nila ang sakay nung sasakyan. Kaya dali-dali akong bumaba sa second floor. Pero wala na akong naabutang mga tao rito.
"Baba dyan!"
"Baba dali!"
Narinig kog sigaw ng mga lalaki mula sa baba.
"Finally, we met again, Heath Smith." Isang kalmadong boses ang narinig kong nagsalita. Mula rin ito sa baba.
"You cowards! How dare you use my sister to lure me out." Galit na sabi ng isa pang boses.
"Coward? Look who's talking?" Sabi ulit nung kalmadong boses sabay tawa.
Out of curiosity ay dahan-dahan akong sumilip sa mga taong nag-uusap sa baba.
Nakita kong may dalawang lalaki ang nakalagay sa batok ang mga kamay habang tinutukan ng baril ng dalawang lalaki. Sa harap nila may isang lalaking may tattoo sa leeg at may hawak na baril.
"You know what we want, Heath. Kung hindi mo kayang ibigay sa amin yun, then say goodbye to your attractive little sister." Yung lalaking may tattoo sa leeg ang nagsalita. "And oh! I won't kill her, by the way. I will just make her my sex toy." Nang-iinis na dagdag nito.
"You bastard!" Sabi nung isa sa dalawang lalaki na nakalagay sa batok ang mga kamay.
Isang tingin lang dito, malalaman nang isa syang mayaman. Dahil maliban sa suot nitong mamahaling mga damit at accessories, napakakinis din ng kutis nito at napakaayos ng pormahan.
"Ano na?" Tanong ulit nung lalaking may tattoo. "Anyways, whatever is your answer, it would be both beneficial to me." Patawang sabi nito.
Kitang-kita sa mukha ng lalaking mayaman ang galit at inis. Pero naroon naman ang helplessness sa mga mata nito.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero nakikita kong mabuting tao yung lalaking mayaman. Kaya gumalaw ako mabilis na tumalon pababa ng building.
"What the--!! Who are you?" Gulat na gulat na tanong nung lalaking may tattoo sa leeg matapos akong makababa.
"The girl's knight in a shining armor." Tugon ko naman.
"Shining armor my ass! Look at yourself in the mirror, you look like a knight in a rusty armor." Sabi ng lalaki sabay tutok ng baril sa akin.
Napatingin naman ako sa aking suot. Tama, ang dumi pala ng suot ko. Nabasa kasi ito mula dun sa ginawang paghagis nina Gin sa akin sa Redwood's mini-lake, tapos na-detain pa ako sa Santa Mesa Police Station. Tapos napalaban pa ako. Kaya literally, tama ang sinabi ng lalaking may tattoo.
"Piss off!" Sabi nito sabay kalabit ng gatilyo ng baril na hawak na nakatutok sa akin.
Bang!
Bang!
Both of those shots are killer shots. But I swiftly moved and managed to avoid the bullets from those shots. At bago pa ulit nito maiputok ang baril sa pangatlong pagkakataon, I was already standing in front of him holding his neck.
"What the heck!" Gulat na gulat na sabi nung lalaking mayaman.
Bago pa makapag-react yung dalawang kasama ng lalaking may tattoo, napatulog ko na ito sa pamamagitan ng isang suntok sa sikmura.
Bang!
Bang!
Sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw nang pagbabarilin ako ng gulat na gulat na mga kasama ng lalaking may tattoo.
"Boss!" Sigaw ng dalawa nang makitang natumba ang kanilang boss.
Di pa sila tapos sa pagpapaputok ng kanilang mga baril nang sumulpot ulit ako sa harapan nila at binigyan sila isa-isa ng malalakas na suntok. Biglang natahimik ang paligid nang nawalan ng malay ang dalawa.
Napalunok naman ang dalawang lalaking tanging natirang nakatayo malapit sa akin.
"W-what are you?" Tanong nung lalaking tinawag ng lalaking may tattoo sa leeg na Heath.
"Your Sister is in the rooftop. She is safe now." Sa halip na sagutin sya sa tanong niya ay itinuro ko sa kanya ang kinaroroonan ng kanyang kapatid. Tsismoso ako kaya alam kong kapatid ng Heath yung babaeng kinidnap ng grupo nitong lalaking may tattoo sa leeg.