ดาวน์โหลดแอป
14.28% The Health Conscious Girl / Chapter 1: PROLOGUE
The Health Conscious Girl The Health Conscious Girl original

The Health Conscious Girl

นักเขียน: Maricar_Pamplona

© WebNovel

บท 1: PROLOGUE

AMENADIEL OLLAGUE

"YOU'RE hired, and this is your first day." Saad ng boss ko. Tumango na lamang ako pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Hindi naman ako si Hired, ako si Amenadiel Ollague, hindi niya ba alam 'yun? Ayos lang kaya ito?

Hindi naman sa mahina ako sa Ingles pero uh, ganun na rin yata iyun. Ipagmamalaki ko na sa math ako magaling. Bibigyan ko kayo ng halimbawa: namatay ang aking mga magulang sa isang banggaan ng sinasakyan nilang motor noong 2003, at 2008 na ngayon, bale limang taon na silang wala sa aming tabi. Nakakalungkot man ay dapat pa rin akong magpatuloy, pinag-aaral ko pa ang aking kapatid. Kahit siya na lamang ang makapagtapos ng kolehiyo ay ayos na sa akin 'yun.

"Naiintindihan mo ba ako?" Tanong sa akin ng aking boss. Kung pwede lang sabihin na hindi 'e, pero baka magalit at batukan ako. "Mag-aral ka na nga ng Ingles, Amenadiel. Ang sinasabi ko ay unang araw ng pagtatrabaho mo rito sa burger stand ko, okay?"

"Ayos po, boss!" Sagot ko at tumango sa kaniya bago siya umalis. Ang yabang talaga nitong dati kong kaklase, hindi dahil hindi ako pinalad makapagtapos kagaya niya ay dapat na niya akong ganituhin. Oo, mag-aaral talaga ako ng Ingles. Kahit espanyol pa nga para wala na silang masabi laban sa akin.

LUMIPAS ang isang oras ay may iilang tao na rin ang bumili sa tindahan na ito. Ngayon ay wala pa, pero may isang babae ang kanina pang tumitingin sa mga paninda rito.

Ang mukha niya ay maraming grasa at ang kaniyang mga damit ay punit-punit, na parang pulubi na gutom na gutom. Ayos lang ba siya?

Lutuan ko kaya siya ng isang burger? Hindi naman siguro magagalit si boss kung babawas ako, ibabawas ko na lang sa aking suweldo.

Inumpisahan kong lutuin ang pagkain at inalis ang paningin ko sa kaniya. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng sigaw ng babae. Nakita ko ang isang lalaki na pilit niyayakap ang nagkukumahog at nagsisi-sigaw na babae, maraming tao ang tumitingin pero walang tumutulong.

Napag-pasiyahan kong bumaba ng tindahan at tulungan ang babae. "Manong, ano bang ginagawa mo sa inosenteng babae na iyan?"

Napalunok na lamang ako nang makita ko ang malaki niyang katawan nang malapitan. Wala akong laban dito, ang payat payat ko!

"Anong pake mo, asawa ko ito!"

"I don't know him at all, please help me!" Sigaw ng babae. Ingles ulit, bakit ba kasing kailangang mag-ingles sa bansang Pilipino?

"Hindi niya pala kilala 'e, rape iyan!"

"Tumawag kayo ng mga pulis!"

Ah, ayun pala ang ibig niyang imungkahi, buti na lang ay kaya nilang unawain ang babaeng ito.

Hindi ko kayang labanan ang lalaking ito kaya naman ginawa ko ang naisip kong paraan upang umalis ang lalaki. Tumakbo ako sa tindahan at kinuha ang kutsilyo ng tinapay at tinutok sa kaniya. Nagsi-alis-an ang mga tao na takot na takot sa akin, o baka sa kutsilyo. "Bitiwan mo siya, kung hindi sasaksakin kita!"

Tumawa ang lalaki at binitiwan ang babae --- na agad namang tumakbo sa likod ko. "Ang tapang mo ah! Ang liit liit mo kumpara sa akin. Anong laban mo?!"

"Ang pangalan ko ay mula sa pinuno ng mga anghel, hindi pwedeng sayangin ko ang pangalan na ito. Justice pails!" Sigaw ko. Alam kong narinig ko iyung 'justice pails' sa palabas sa telebisyon 'e, kaya alam kong tama 'yun.

"Did you mean, Justice prevails?" Bulong sa akin ng babae mula sa aking likod.

"Manahimik ka nga!" Sigaw ulit ng malaking lalaki at walang hirap na inagaw sa akin ang kutsilyo ko. Nagtapon siya ng suntok sa mukha ko, at halos dumura na ako ng dugo. Tinapunan ko rin siya ng sunod sunod na suntok kahit ang sakit ng mukha ko ngunit tumawa lamang siya at ibinalibag ako sa sahig.

Itinarak niya ang kutsilyo sa tabi ng aking mukha na nagdala ng matinding takot sa loob ko. Buti na lamang ay nakagulong na ako palayo bago niya ulit itusok ang kutsilyo sa aking mukha.

"Bakit ka umaatras ngayon!?" Ano ba namang klaseng tanong iyan?Malamang, may kutsilyo ka!

Hanggang sa dinaganan niya ang aking mga paa at dahan-dahang ipinakita ang kutsilyo. Ito na ang katapusan ko! Tulungan niyo ang aking kapatid kung sakaling mawala na ako sa lupaing ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata, sa takot na makita pa ang huling sikat ng araw sa aking buhay.

Narinig ko na lamang ang tunog ng kutsilyo at dinama ang aking katawan subalit wala namang masakit. Ini-mulat ko ang aking mga mata at nakita ang mukha ng babae malapit sa aking mukha. Napansin ko ang bughaw niyang mga mata. "Are thou all right?" Tanong niya.

R daw ol rayt? Ano ibig sabihin 'nun?

"Hindi pa ako patay?" Kinapa kapa ko ang aking katawan, naghahanap ng dugo. Baka mamaya, kaluluwa na lamang ako ah?

Tinulungan niya akong tumayo at itinuro ang naka-handusay na katawan ng lalaki, pati na rin ang na-hating kutsilyo. "He's got what the evil beings deserve." Aniya habang pinapagpag ang kaniyang mga kamay.

"Anong nangyari?"

"I want to thank thee for thy good heart."

Hindi ko pa rin talaga maintindihan pero dama ko na nagpapasalamat ang kaniyang puso sa pag-salba ko sa kaniya.

Subalit hindi naman ako ang nakatalo sa lalaking mapag-samantala na 'yun ah?

Kung ganun, sino?

Note: 'Yung caps lock na word pero hindi naka-bold ay transition. Just saying, baka malito kayo. Votes and feedbacks are highly appreciated.

Errors ahead, hindi ako sanay na purong tagalog ang ginagamit sa pagsusulat, so pasensiya na kung mali-mali man. Enjoy reading!


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ