ดาวน์โหลดแอป
80% The Elixir / Chapter 4: Ika-Apat na Tagpo

บท 4: Ika-Apat na Tagpo

Paggising ko nung umaga ay hinanap ko agad si Mama. Pero sabi ni Ate Maddy ay kinailangan nitong pumasok ng maaga. Si Ace naman ay nagpaalam sakin na gagabihin ngayon kaya hindi ko na siya sinundo. Siguro, napagisip-isip niya yung sinabi ko kahapon.

Kinamusta ako ni Ate Maddy at sinabi kong naiintindihan ko naman si Mama. Kahit hindi talaga. "May malalim na dahilan ang mama mo kaya siguro ganun ang naging reaksyon niya kagabi. Pero kahit kailan anak ay wag na wag kang magagalit sa kanya. Wag na wag kang magtatanim ng sama ng loob kahit kanino lalo na sa Mama mo.", sabi niya pa. Alam ko naman iyon. Hindi naman ako galit kay Mama, hindi ko lang talaga siya maintindihan. "Hayaan mo at kakausapin ko siya.", iniwang pangako sa akin ni Ate bago siya umalis sa tabi ko.

Si Opay naman ay hindi rin makapaniwala nung sinabi kong pupunta rin si Trace sa concert.

"Anung sinabi mo sa kanya? Sinabi mo ba na 'See you' o kaya 'excited akong makita ka'. Ano! Ano! Anung sinabi mo?"

"Wala."

"Wala? Bakit wala?"

"Ewan ko. Basta wala. Natulog na kasi ako."

"Don't lie! Alam kong may naramdaman ka nung nalaman mong pupunta rin siya."

"Well, oo. Nainis ako."

"Bakit ka naman nainis?"

"Feeling ko kasi sinusundan niya ako."

"Ang feelingera mo na, Louisa! Kung ikaw nga hindi mo alam na makakapunta ka dun sa concert, siya pa kaya na palagi mo rin namang sinusungitan? Huwag ka ngang ano dyan."

Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa sagot niya. Siya rin kasi ay feel na feel ang pagsesermon sakin. "Oo na! Oo na! Nagbibiro lang naman ako. Syempre kahit papaano, ewan ko ba, parang na-excite din ako nung nalam-Aray!", bahagya akong hinampas ni Opay sa balikat. Grabe talaga siya. Kinikilig na naman yata nang walang dahilan.

"See? You felt that too! Don't be so indenial nga!", then she smiles. Maybe she's right, I'm indenial.

Sorry I can't help it. I can't put too much trust to someone I don't even know personally. But why am I feeling this?

"Pag-usapan niyo kung ano ang isusuot niyo, para madali natin siyang makita.", dagdag pa ni Opay. Paano kapag nalaman niyang hindi ako pinayagan?

Hindi. Hindi. Kakausapin pa ni Ate Maddy si Mama tungkol dito. Makakapunta ako. Mapapanuod ko ang Elixir. Makikita ko si Blake. Makikita ko si -

"Mas excited akong makita yang ka-chat mo kaysa sa Elixir."

Ako rin yata. Mas excited akong makita siya kaysa kay Blake. Bakit ganon?

-------

Maaga akong nagpunta ngayon sa kwarto dahil maaga akong kumain.

Trace: Hey!

Trace: You're online! Should I cry now?

Louisa: Bakit?

Trace: Haha. Hindi mo kasi ako nirereplyan kagabi pa. Hi, Louisa :)

Ang saya-saya niya yata ngayon.

Trace: What are you doing now?

Louisa: Kausap ka?

Trace: Haha! So, can I call you? I guess you're not busy anymore.

Pumintig na naman ng bahagya ang puso ko. Shit. Anu ba!? Bakit ba kinakabahan ako sa idea na maririnig ko ang boses niya?

Louisa: Okay. Pero saglit lang.

*phone ringing

Shoot! Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsalita. Narinig ko yung malalim na paghinga niya mula sa kabilang linya. Haha! I guess, hindi lang ako ang kinakabahan.

"Hello?", ang unang salitang sinabi niya.

OhMyGod! Yung boses niya!

"Louisa?", why he sounded like... No! He understands tagalog and he can speak tagalog too.

"Louisa po iyon hindi Louie-za", then I laughed. Is it real? We are actually talking right now? "Hello.", dagdag ko pa kahit akala ko talaga ay nananaginip lang ako.

"It's just the same. How's your day going so far?", for heaven's sake! His accent!

"Are you using your American accent that you've learned from being home-schooled?", I said with my oh-not-so-good English Accent.

He laughed.

"Oo na. Mas magaling ka nang magsalita ng english sakin. Wag ka ngang tumawa.", kahit sa totoo lang ay ang sarap pakinggan ng tawa niya, baka hindi ko makayanan.

"No. Actually, you're good.", Is it his real accent?

Nawala sa isip ko yung idea na hindi siya galing sa Pilipinas. Dahil una, naiintindihan niya lahat ng tagalog words ko. Naiintindihan niya ako. Pangalawa, nagrereply siya sakin, kahit minsan lang, na tagalog ang gamit niyang language. Pangatlo, may concert ticket siya diba? Concert iyon para dito sa Pilipinas. But wait, I need the fourth one.

"Nakakapagsalita ka ba ng tagalog?", seryoso kong tanong. Humiga ako sa kama dahil parang hindi ito yung 'saglit' na inaasahan ko.

"Of course yes."

"Pero hindi ka nagsasalita.", kontra ko sa kanya.

"Ayan ka na naman.", he laughed again.

Pang-apat, hindi baliko ang dila niya sa pagsasalita ng tagalog. Baka sadyang rich kid lang talaga siya na nasanay sa International Language. Those four ideas are enough for me to think that he is a real Filipino.

"Ayun naman pala. Palagi ka kasing nag-eenglish. So, bakit mo ba gustong tumawag? Nabobored ka na naman ba at wala ka na namang kasama sa bahay?", yung boses ko, lumabas siya na parang komportable na ako sa kausap ko.

"I'm not at home. But yes! I'm bored.", and I think he is smiling.

"Natutulog ka pa ba? Anu ba yung importanteng lakad mo kanina?"

Napatawa na naman siya. "Natulog ako sa sasakyan kanina bago kami makarating dito. Ikaw, nakatulog ka ba ng maayos?"

"Oo naman. Late akong nagising kaya late din ako sa school kanina.", kwento ko sa kanya.

"No, I mean. Nakatulog ka ba ng ayos nung nalaman mong magkikita tayo sa Christmas Eve?", tapos tumawa siya. Oh my God. The guts! "Kasi sakin, I don't know how to explain this feeling, I am more than excited to see you."

Please, heart. Wag ka ngayong mag-inarte. Si Trace lang iyan, he's normally sweet to you.

Dumaan pa ang ilang araw at ilang linggo ay nagung ganun na ang tema namin ni Trace. Kung dati ay pampalipas oras ko lang siya, ngayon ay may sarili na siyang oras sa buhay ko. Madalas na magka-chat kami pero kapag available kami parehas ay nagkakausap kami through call. Nakausap niya na rin ng isang beses si Opay at sabi pa niya na feeling niya daw ay si Blake ang kausap niya. Pero nung nagtagalog ito ay agad niya ring binawi ang sinabi niya.

December 13.

Sa kalagitnaan ngayon ng pagchachat namin ay bigla na naman siyang tumawag, mukhang tinamad na naman siyang mag-type.

"Bakit na naman?", tanung ko agad nung sinagot ko ang tawag niya.

"Bakit ang sungit mo agad? Don't you miss me?", sabay tawa niya naman.

"Dictionary ka ba?", alam kong alam niya na kung anung ibig sabihin ko.

"Bakit? Dahil na naman ba sa pag-eenglish ko?", or hindi niya pala ako gets.

"Duh. Sanay na ako sa pagiging conyo mo. Ang ibig kong sabihin ay kasing kapal mo yung dictionary."

"What?", seryoso niyang reaction.

"What what your face!", ako naman ang tumawa ngayon.

"I didn't get it. Is that a joke?",

"Hello! Earth to Tracey! May problema ka ba? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo at hindi tayo magkaintindihan ngayon?"

"No no no! I don't have any problem. Hindi ko maintindihan yung dictionary joke mo."

"Ang sabi ko, ang kapal ng mukha mong tanungin kung namiss ba kita. Kasing kapal ng dictionary! Gets na?"

Hanggang sa hindi na siya nakapagsalita at tumawa na lang siya ng tumawa.

"Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka nang tumawa.", I said sarcastically. "Bakit kasi ang slow mo? Hindi mo minsan maintindihan yung mga joke ko?"

Bahagya niya munang inayos ang boses niya bago nakapagsalita. "I'm sorry. I'm not used to those kinds of joke. By the way, Don't you really miss me? Because I miss you... a lot."

Ito na naman yung puso ko. May sarili na naman siyang mundo.

"Hello? Louie? Are you there?", naririnig ko siya pero hindi ko magawang sumagot.

Dalawa na nga yata yung Louisa ngayon. Yung isa ay ako, na baliw na baliw sa Elixir at sobrang boring ang buhay. At yung isa naman ay ang Louisa na may ari ng pusong dala ko ngayon, na sa simpleng bagay na katulad nito ay napapangiti.

Naramdaman niya yata ang paghinga ko at nalaman niyang nasa linya pa ako. "Do you want me to sing a song?"

"Kumakanta ka?", agad ko namang tanong. You know how much I admired the singers.

"We can all sing. The problem is, some are not just gifted like Louie Ray."

"Louie ano?", tinawag niya ba ako? Ako ba yung gifted na sinasabi niya? Naku lang! Kung alam niya lang kung paano mabasag ang baso sa pagkanta ko.

"Louie Ray. The famous vocalist of a famous band. Hindi mo siya kilala? Sa kanya ko nga kinuha ang nickname ko sa'yo.", he said.

"Parang naaalala ko yung pangalang Louie Ray. But nope! Hindi ko siya kilala. Sino ba siya?"

"Filipino singer siya na nabigyan ng chance na maging bokalista ng isang American Band. He was admired by so many people, including me."

"Ah. Kilala ko na siya ngayon.", pero hindi talaga yun ang topic, 'di ba? "Akala ko ba kakanta ka? Kumanta ka na."

"What do you want?"

"Kahit anong kanta.", humiga ako para sana mas dama ko pag nakapikit ang pagkanta niya.

"Sige. Kakantahin ko yung kantang nagpasikat kay Mr. Ray noong gawan niya ng cover. Alam mo yung bandang Michael Learns to Rock?"

"Michael Jackson or Michael Jordan. Who learns to rock?", walang gana kong pagsagot. Hindi kasi ako interesado sa mga sinasabi niya dahil hindi ko naman ito kilala.

Tinawanan niya na naman ako. Pero hindi na ako nagsalita.

"After some time... I've finally made up my mind... she is the girl and I really want to make her mine...", napabalikwas ako nung marinig ko ang kinakanta niya. Ito yung kantang pinapakinggan dati ni Mama. Ito yung kantang paulit-ulit kong naririnig nung bata pa ako. "~Im searching everywhere... to find her again... to tell her I love her and I'm sorry 'bout the things I've done..." Naalala ko naman yung mga oras na umiiyak siya habang pinapakinggan ang kantang ito. Hindi ko alam kung anung meron sa kanta pero dahil don, naiiyak na rin tuloy ako. "~I find her standing infront of the church... the only place in town that I didn't search ... she looks so happy in her wedding dress but she's crying while she's saying this... Boy I missed your kisses, all the time but this is... 25 minutes too late..."

May bigla namang sumigaw sa line niya ng "Happy Birthday!", tuluyang namatay ang call at nag-iwan na lang siya ng message.

Trace: Sorry. Today is my friend's birthday. Maingay na dito. Good night. Sorry again.

Louisa: Good night. Thank you!

Kaya nung pumasok ako kinabukasan ay pugto ang mata ko. Ang dinahilan ko na lang kay Opay ay dahil pinanuod ko ulit yung movie na My Sister's Keeper kahit ang totoo ay naaalala ko yung mga pagkakataong nahuhuli ko si Mama na umiiyak dahil sa kantang ito.

Kapag minsang hindi nakakapagchat si Trace sakin ay nag-memessage pa rin ako sa kanya. Nakasanayan ko na kasi na may isang araw o dalawa siyang hindi talaga nakakapag-chat sa akin. O kaya naman minsan ay saglit lang sa isang araw. Nalaman ko rin na madalas pala siyang wala sa bahay nila. Pero kapag naman hindi siya busy ay ako naman na ang nagsasawa sa message niya na kahit hindi ako nakakapagreply ay nagpapadala pa rin ito, like: "I took a bath. I'm eating turon now.", "I'm talking to Bantay (yung aso niya) because you're busy", "My Mom enjoyed the food. Ako ang nagluto.". Marahil ay walang kwenta pero katulad ng minsang nawawala siya ay sanay na rin kaming dalawa sa ganitong klaseng usapan lang.

December 23.

Sobrang excited na si Opay at lalo na si Trace. Sinabi pa niya na magsusuot siya ng kulay red na t-shirt na may tatak na captain america shield para daw madali ko siyang makita. Sobrang paborito niya talaga si Captain America.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa sinasabi sa kanila na hindi ako pinayagan ni Mama. Nagu-guilty na nga ako eh pero kasi si Ate Maddy, sabi niya ngayong gabi daw ay gagawin niya na lahat para lang payagan ako. Hindi rin naman ako nawawalan ng pag-asa.

Bakasyon ngayon si Mama pero busy pa rin siya sa study room niya. "Mama, coffee break muna kayo.", ipinatong ko ang kape sa lamesa niya. Tumingin naman ito bago humigop. Napansin niya yatang hindi pa rin ako umaalis.

"Kung tatanungin mo lang ako kung papayagan na ba kita bukas, sige na. Pumunta ka na pero wag mong kakalimutang may nag-aalala sayo dito sa bahay. Magtetext ka.", nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naisip na hindi nagbibiro si Mama. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya.

"Salamat po, Mama."

"Pagkatapos ng concert ay don na kayo matulog sa condo nila Opay. Hindi ba malapit lang naman iyon dun?", tumango naman ako at niyakap ulit siya. Salamat po, Lord!

Bago ako umakyat sa kwarto ko ay nakita ko si Ate Maddy. Agad ko rin siyang niyakap at parang alam niya na agad kung para saan iyon. "Anu po ang ginawa niyo kay Mama?", tanong ko sa kanya.

Pero kinindatan niya lang ako at ngumiti. Nayakap ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon. "Salamat ng marami, Ate Maddy."

Ready na talaga ako bukas. At masasabi kong ito na ang pinakamasayang araw ko so far!

Ngayong gabi ay hindi nag-online si Trace. Hindi ko alam kung bakit pero nagmessage pa rin ako sa kanya.'

Louisa: I'm super duper excited to see Blake! Haha. Oh my God Trace. Sobrang saya ko ngayon pa lang. See you rin pala. Good night :)

---------

Christmas Evening.

"Mag-message ka na sa kanya, Louisa.", sabi sakin ni Opay. Magkatabi kami ngayon ni Opay sa upuan at naghihintay na magsimula na ang concert. Sobrang lapit namin sa stage na hindi ko na minsan maintindihan ang sinasabi niya dahil sa lakas ng speakers. Tinutukoy niya naman si Trace dahil napansin naming VIP ticket din ang sa kanya.

"Kanina pa ako nagmessage sa kanya pero hindi siya online. Hanggang ngayon hindi pa rin.", Ang naisip na lang namin ay baka hindi niya binubuksan ang facebook niya kasi nasa byahe siya kanina o kaya naman ay natatakot na malowbat ito.

"Alam mo ba Opay umalis rin si Ace kanina.", nagpaalam siya na may overnight sila ng mga kaibigan niya. Nagtaka nga ako dahil pinayagan agad siya ni Mama, pero sabi ni Ate Maddy ay ito daw kasi yung unang beses na nag-paalam ito kay Mama kaya pinayagan agad.

"Saan nagpunta?"

"Hindi ko nga alam. Tingnan-tingnan mo sa paligid kasi baka nandyan yun nanunuod. Sinabi ko na naman sayo diba na pangarap niyang magkaroon ng sariling banda.", pagbibiro ko kay Opay pero tumawa lang siya.

Ilang minuto pa ay nagsimula na rin ang hinihintay namin. Pero hindi pa sila Blake ang sumalang agad. Rinig na rinig mo na ang sigawan ng tao. Nasan na kaya si Trace?

"Ladies and Gentleman, the Criss-cross!", Tumama ang lahat ng spotlight sa kanila. Unang nagpakitang gilas ang may hawak ng lead guitar.

Kinalbit ko si Opay. Ngunit tulad ng nasa isip ko, ay ganun rin pala ang ginagawa niya. Pinilit naming linawan ang mga mata namin para mas makita ang mga members ng banda na nasa stage.

"Oh my God! Si Ace!", sigaw ni Opay nung ma-confirm niyang tama nga ang hinala namin sa lead guitarist. Ako naman ay hindi na nakapagsalita.

Ang galing niya. Ang galing nga ng kapatid ko. Hindi lang siya may hawak ng gitara, nagsesecond voice din siya. "AAAAAAAAAAAAAAAAACCCCCCCCCCCCEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!", nakakarinding sigaw ni Opay dahilan para mapangiti ako.

Pagkatapos ng dalawang kanta nila Ace ay mas malakas na sigawan pa ang narinig namin. Palabas na pala sa stage ang Elixir.

Hindi na ako mapakali. Yung pakiramdam ko, parang gusto kong tumayo na at sunduin na sila backstage. Hindi ko na mapigilan yung excitement na makita si Blake. Shit! Para akong nadudumi. Hindi ko maintindihan yung feeling.

"Hello, Philippines!", unang pagbati ni Blake nung oras na lumabas na sila.

Shit! Shit! Ang gwapo niya pala lalo sa personal. Oh My God! Buti na lang malapit kami sa stage. Itong katabi ko, hindi na mapigilan sa pag-irit.

"Diba sabi ko sayo magkaboses sila ni Trace?", bulong sakin ni Opay. Kinurot ko naman siya. Naisip ko na naman tuloy si Trace, nakarating kaya siya?

"This is our first song. Dedicated to all of you.", sabi ni Blake bago siya kumanta.

Hindi na yata tumahimik ang paligid kahit marami na ang natutugtog ng Elixir. Mas lalo pang lumalakas ang sigawan kapag nasa chorus part na ng kanta.

"And for our last song...", then he started singing.

Malat ang mga boses namin ni Opay nung matapos ang concert. Grabe kasi yung sigaw namin. Sobrang dami ang lumapit para habulin ang Elixir at magpapicture pero kami ay hindi na nakipagsiksikan. Baka kasi mamaya ay mapahamak pa kami.

At isa pa ay sobrang excited itong si Opay na makita ko si Trace. "Ano? Wala pa bang reply?"

Tiningnan ko naman ang phone ko. "Opay! He's active!", agad naman niyang kinuha at nagtype.

Louisa: Where are you?

Hindi siya nagreply pero na-seen niya ang message.

Louisa: Hey! Sige wag kang magreply pero magkita tayo sa MOA Eye. Maghihintay ako dun.

"Opay!", pigil ko sa kanya pero na-send niya na ang message. "Bahala ka hindi ako pupunta."

Pero wala pa rin akong nagawa sa kanya at napapunta niya pa rin ako sa MOA Eye. Hindi niya na ako sinamahan pero sabi niya ay hindi daw siya aalis sa MOA Arena hangga't hindi ako nagtetext na magkasama na kami. Para kung hindi man daw ako siputin ay susunduin niya ako dun.

Louisa: Trace. Nasan ka na ba?

Hindi na ganun kadami ang tao pero maliwanag pa rin naman. Pero natatakot ako. At ayun nga, hindi na siya active at hindi na niya nabasa ang message ko. Unti-unting nawawala ang mga tao at unti-unti ding nawalan ako ng pag-asa. Mahigit sampung minuto na rin yata akong naghihintay. Umupo ako sa bayside, dun sa part na medyo madilim at walang tao. Nagtext ako kay Opay na sunduin niya na ako.

"Why are you alone at this hour?", tumingin ako sa lalaking nagsalita. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil madilim na. Sa takot ko ay tumayo na lang ako at lumayo sa kanya.

"Hey, Miss! Miss! Wait!", pero hinabol niya ako. Inilagay ko ang cellphone ko sa bag at nag-ready na humarap sa kanya. Ang goal ko ay ipukpok ang bag na dala ko sa ulo niya as hard as I can.

"Layuan mo ak-", pero ako ang napalayo at nagulat nung nahampas ko ang braso niyang nakasangga.

"Sorry, did I frighten you?", tanong niya habang hinihimas ang nasaktan niyang braso. "What's inside that? It's hard.", sabi niya pa bago humarap sakin.

Pero hindi pa rin ako nakapagsalita. Kumurap ako ng tatlong beses, kinurot ko ang magkabilang pisngi ko at kinagat ang daliri ko.

"What are you doing?", sabi niyang nag-aalala.

Hindi nga ako nananaginip. Totoo siya. Totoong kausap ko siya ngayon. He's wearing a black top.

"B...Blake?", finally! Nakapagsalita rin ako.

Ngumiti naman siya. "I thought, you didn't know me". Holy -! Paanong hindi ko siya makikilala? OHMYGOD!

Lumapit ako sa kanya nang hindi pa rin makapaniwala. Hinaplos ko saglit ang braso niya at agad akong napataklob ng bibig, "You're real!"

Tapos tumawa siya, "Do I look like a ghost?"

Umiling ako sa kanya. Kahit gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halika- OHMYGOD ang gwapo niya lalo sa malapitan! Para akong tuod dun na nakatitig lang sa kanya.

Sa di kalayuan ay may narinig kaming ingay, may tumatakbo pa. Napalingon siya at nakita niyang papalapit na sa amin ang mga iyon.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako kung saan. Hindi ko ramdam ang bilis ng takbo naming dalawa, ang hanging pumapaspas samin at ang dilim ng dinadaanan namin. Dahil feeling ko ay mabagal lang ito, nag-slow motion ang lahat at biglang magic na parang lumiwanag ang paligid ko. Ito na naman heartbeat ko, may sarili na naman siyang mundo.

"So, what are you doing in the dark?", tanong niya sakin nung mahimasmasan na ako at nakalayo na rin kami. Nabanggit niya na gusto niyang galain kahit saglit ang Manila pero ayaw siyang payagan ng manager niya kaya tumakas siya at nakarating dun sa bayside. Mamayang 3AM kasi ay flight na ulit nila pabalik. Naitext ko na rin si Opay na wag niya na muna akong sunduin at mamaya ko na ikukwento ang lahat. Nung una ay nagtaka siya pero nagtiwala rin naman siya sakin.

"I'm waiting for someone.", sabi ko. Bigla na naman akong nalungkot sa idea na hindi ako sinupot ni Trace. But it's a blessing in disguise kasi magkasama kami ngayon ni Blake. "But unfortunately, he didn't appear."

"He? That means you're waiting for a man. Maybe he has a reason.", sagot naman niya. Agad naman akong ngumiti sa kanya. Kung anu man iyon ay maiintindihan ko naman, basta mag-explain lang siya. "Do you want something to eat?", tanong ni Blake at tinuro ang 24 hour store malapit samin.

"No, I'm fine. Do you want?", tumayo ako at balak ko sanang bilihan siya ng pagkain dun. Alam ko kasi na hindi siya pwedeng makita ng iba kaya mas safe na ako na ang bumili.

"No! Stay here.", pigil niya sakin. "I've always wanted to do this. To buy something in a store, alone.", nilagay niya ang hood ng jacket niya bago nagpunta dun. Napangiti naman ako. Ang simple simple pala ng pangarap ng mga sikat na tao.

Tumunog ang phone ko.

Trace: Sorry. Nasiraan yung sinakyan ko papuntang Manila kaya hindi na ako tumuloy. Sorry ulit, naghintay ka ba?

I was quite amused by his message, tagalog na tagalog siya ngayon.

Louisa: Okay lang. Naiintindihan ko.

Trace: Thank you.

Then hindi na ulit siya online. Nakakalungkot naman yun, VIP pa naman yung ticket niya. Sayang.

"Here", hindi ko namalayang nandito na pala si Blake at inabot niya sakin ang isang doughnut. "The cashier girl recognized me", tumawa ulit siya. Bakit ganon? Naaalala ko si Trace sa mga tawa niya? "Don't you like doughnut?", hindi na ako sumagot at kumagat na lang sa pagkaing binigay niya. Tinabi niya rin ang softdrink in a can sakin bago siya umupo sa tabi ko. "I know this place. It was once in my dream..", seryoso niyang pagkukwento. "I am here, sitting alone and wondering what could have happened if I am not the Elixir's vocalist.. Then suddenly, my Mom woke me up. She said 'Today is the first day of your state tour, wake up! Wake up!' .. Again, even in my dream I didn't able to get the answer".

Kahit pala siya ay may problema rin na katulad ng iniisip ko. Parehas kaming hindi makuha ang mga sagot sa mga tanong namin. Sabi niya ay gusto niyang gumala kahit saglit kaya niyakag ko siyang maglakad-lakad kahit saan. Tuwang-tuwa naman siyang kumukuha ng litrato. Gusto niya rin na palagi akong kasama sa picture niya. Nung una ay nahihiya ako pero sabi niya, magtatampo raw siya. Pinasa niya sa cellphone ko yung ibang pictures na magkasama kami. Kahit sa alon ng dagat sa Manila Bay ay tuwang-tuwa siya. Nosebleed lang ako kasi english ang language niya pero thanks to Trace, kahit papaano ay nasanay akong makipag-usap sa englisherong tao.

Ilang oras din kaming naglakad nun ng may lumapit na sa kanya. At dun ko nalaman na may kasama pala kami, nasa malayo lang ito kaya hindi ko napapansin. Mukha siyang bida sa movie na Men in Black.

"Sir, it's already 2:30", sabi nung lalaki.

"Okay. Okay.", sagot naman ni Blake at humarap sakin. "Where do you live? Maybe I can send you there to make sure you're safe."

"You don't need to. My friend will be here soon. You can go, you'll be late for your flight.", sagot ko naman.

Hinawakan niya ako sa pisngi at feeling ko ay tumaas ang lahat ng dugo ko sa katawan. Lumakas din yung tibok ng puso ko.

"Thanks for the time. I will always remember this moment... and you", she kissed my forehead.

SHE KISSED ME ON MY FOREHEAD? OHMYGOD!

-------

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Hindi ako makapaniwala, Louisa.", nagtatatalon si Opay sa kama. Pagka-uwi kasi namin kagabi ay nakatulog na agad siya sa pagod kaya naman nung pag-gising niya ay saka na lang siya nagpakwento sakin. "Talaga? Talaga? YAAAAAAAAAAAH! Louisaaaaaa! You're so lucky!", niyakap-yakap niya pa ako bago niya ako hinayaang bumangon. "May I see the picture?",pangungulit niya at nakita ko na naman ang kumikinang niyang mga mata.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag na dala ko kahapon at ipinakita ang pictures kay Opay.

"Holy cow, Louisa! Ang gwapo niya. At tsaka look... bagay kayong dalawa.", agad naman niyang kinuha ang laptop niya at nagbukas ng facebook. "Tingnan natin baka nag-update siya.", sabi ni Opay.

Nagustuhan ko yung idea niya kaya tumabi ulit ako sa kanya sa kama.

It was proved that the Philippines has the BEST FANS! Till we meet again, Manila <3

Yan yung last post ni Blake at may kasama pa itong picture niya na nasa loob ng eroplano.

"Opay, look at his shirt", gulat na sabi ko kay Opay. Ang suot niya ay red T-shirt na may tatak na Captain America Shield.

"What's with their shirt?", ay oo nga. Hindi ko lang pala napansin na lahat ng members ng Elixir ay ganun ang suot.

At marami rin sa comment section ang nagpakita ng picture nila na may suot ding ganun. So, I think Trace is really a fan of Elixir. Siguro nahihiya lang siyang aminin sakin na fanboy siya.

Nung makauwi ako sa bahay ay sakto namang kabababa lang ni Ace galing sa kwarto niya. Bigla ko tuloy siyang nayakap dahil sa ginawa niya sa concert.

"Ate, anu ba!", hindi kasi siya sanay na niyayakap siya.

"Ang galing-galing mo kagabi, Ace.", sabi ko pa.

"Wag ka ngang maingay dyan. Baka marinig ka ni Mama", this time ay mas mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na ang galing galing pala talaga ng kapatid ko.

Ilang araw at gabi ang lumipas pero hindi pa rin nag-oonline si Trace. Sanay na naman ako kapag ganun siya pero ngayon ay nabobother talaga ako. Hindi ba holiday season ngayon? Dapat nga ay hindi siya busy at palagi siyang nasa family niya.

December 28.

Hindi na mapakali si Ate Maddy sa pag-iisip kung ano ang ihahanda namin para sa new years eve. Nung Christmas kasi ay umaga ko na natikman ang mga luto niya dahil nga ito yung unang Christmas na hindi kami magkakasama.

"Ate, mag-carbonara ka naman. Para po maiba.", suggest ko naman.

"Hindi, Ate Maddy, mas masarap pa rin yung spaghetti niyo", kontra naman ni Ace.

Madalas na kaming mag-kakwentuhan ni Ace nitong mga nakaraang araw. Nakwento niya na kaya pala siya ang sumalang nun ay dahil nagkasakit ang lead guitarist nung bandang Criss-cross at siya ang nirefer ni Reynold para mag-substitute. Nung mga araw na late siya nakakauwi ay dahil sa practice. Nakilala ko na nga rin pala yung paboritong singer ni Trace na si Louie Ray. Paborito na rin kasi ito ni Ace ngayon dahil ipinakilala daw ito nung mga nakasama niya sa banda. Ang galing niya pala talaga kumanta. Pinakinggan ko yung version niya ng 25 minutes at na-LSS na ako.

"Against the wind... I'm going home again... Hmmm... wishing me back to the time when we were more than friends...", habang tinutulungan ko si Ate Maddy na maggayat ay hindi ko mapigilang kumanta. Napapatingin siya sakin, siguro dahil hindi ako magaling pero nagpipilit pa rin. "But still I see her infront of the church... the only place in town that I didn't search... she looks so happy in her wedding dress... but she cried while she's saying this... Boy I missed your kisses, all the time but this is... 25 minutes too late... though you've traveled so far... boy I'm sorry you are 25 minutes too late."

"Louisa", napalingon ako sa tumawag sakin. Lumabas si Mama sa study room.

"Bakit po?", tanong ko pero nakatingin lang siya sakin.

Damn. Yung kanta nga pala.

Anu kaya ang meron sa kantang yun? Minsan naiisip ko na baka may kinalaman ito sa Papa ko. Hindi ko alam o nakita man lang kung anu ang itsura ni Papa. Basta ang sabi, nakuha ko yung ilong ko sa kanya. Ayokong sirain yung magandang mood ko ngayon. Kaya tumaas na lang ako sa kwarto ko at nagulat ako nung makita kong may message na si Trace.

Trace: Hi!

Agad naman akong tumawag sa kanya nung mapansin kong online pa rin siya. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati. Parang ang tagal naming hindi nagka-usap.

"Bakit ngayon ka lang nag-online?", tanong ko agad sa kanya.

"Busy lang. How are you?", parang wala lang sa kanya yung pag-aalala ko.

"Maganda pa rin yung mood ko simula nung Christmas Eve.", tumawa naman siya at tinanong kung dahil pa rin ba iyon kay Blake. "Oo. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung mga nangyari. Yung nahampas ko siya tapos ngumiti pa siya nun sakin. Ang gwapo-gwapo niya, Trace.", tumawa naman siya at sabing ipagpatuloy ko lang yung kwento ko. Nagtaka naman ako nun kung bakit gusto niyang magkwento lang ako tungkol kay Blake. Bakit parang ayaw niyang siya naman ang magkwento sakin. Pero pinagpatuloy ko pa rin. Lahat ng ginawa namin, pati yung mga walang kwentang pinipicturan ni Blake ay sinabi ko sa kanya. Pati yung mga sweet gestures niya sakin at yung mga ngiti niya kapag sinasabi niyang ang ganda ko sa picture ay sinabi ko kay Trace. "Tapos nung paalis na siya, alam mo ba kung ano ang sinabi niya?"

"That he has a crush on you?", tuwang-tuwa niyang sabi sakin.

Nainis naman ako. Bakit ba tuwang-tuwa siya? Bakit ba parang ang saya-saya niya? "Hindi. Sabi niya na hinding hindi niya ako kakalimutan at kiniss niya ako.", pero walang reaction si Trace. Hindi man lang siya nagtaka kung nagsisinungaling ba ako tungkol sa kiss.

Ang sabi niya lang, "Good for you. You found your forever", tapos tumawa na naman siya.

Hindi na ako nagsalita. Hindi ito yung inaasahan kong magiging reaksyon niya o sasabihin niya kaya pinatay ko yung tawag.

Trace: What happened?

Louisa: Bakit ganyan ka?

Trace: Ano?

Louisa: Parang ang saya saya mo.

Trace: Why? Gusto mong malungkot ako kahit na ang saya-saya ng kwento mo?

Siya ba ang may mali?

Louisa: Oo. Gusto kong magalit ka sakin. Gusto kong sabihin mo na wala na akong alam kundi si Blake.

O nasa akin ang mali?

Trace: Bakit naman?

Ilang araw ko siyang hindi nakausap pero hindi niya man lang sinabi sakin kung ano ang dahilan. Gusto kong magalit siya sakin nang hindi ko rin alam kung anung dahilan. What's really wrong with me?

Louisa: You're naturally funny, amiable and warmhearted, Trace. Yun yung mga ugali mo na gustong-gusto ko lalo na kapag may problema ako. Pero parang ayaw kong makita ngayon sayo yan. Sakin lang ba o sa lahat ng nakakausap mo ay ganyan ka?

Trace: What's wrong with you? Kanina lang ang saya-saya mo. Is this a prank?

Louisa: Then hanggang ngayon hindi pa kita nakikita. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan pa ba kita.

Trace: Is this about that Christmas Eve again? I thought we're okay.

Louisa: I don't know, Trace. I don't know.

Hindi ko alam kung anu itong nararamdaman ko. Basta na lang, nawala ako sa mood. Dahil ba nararamdaman ko na parang wala na lang ako sa kanya? Na parang okay lang sa kanya na hindi kami magkausap ng matagal.

When you realized that you're just nothing. Nothing less, nothing more. Totally nothing.

Ilang minuto lang mula nung nai-post ko ito ay tumawag sa phone ko si Opay.

"Louisa, anung problema?", tanong agad ni Opay.

"Ewan ko ba. Parang may mali sakin ngayon.", tapos tumawa ako sa kanya. "Hindi na nagbago yung good mood ko simula nung Christmas Eve hanggang ngayon. Pero kanina nagkausap na kami ni Trace-"

"OMG! Nag-away kayo?"

"Makinig ka kasi muna. Ganito nga, eh di nagkausap na kami. Okay lang naman kasi sanay naman ako na minsan nawawala siya. Nagkwento ako kanina tungkol sa nangyari nung kasama ko si Blake. Buong pag-uusap namin si Blake yung topic-"

"OMG! Nagalit siya?", sabat niya.

"Opay, naman! Hindi mo ako pinapatapos pero yun nga eh... hindi siya nagalit.", pag-amin ko. "Tuwang-tuwa pa siya kaya nainis ako."

Bigla siyang tumawa. Tumawa ng tumawa hanggang sa hindi niya na ako kausapin.

"Pati ba naman ikaw sisirain ang mood ko?"

Tumawa ulit siya but this time nakapagsalita na siya. "Mahal mo na no?"

"Ha?"

"Kaya siguro si Blake ang gusto mong topic niyo kanina ay gusto mong pagselosin siya. Yung nga lang, hindi siya nagselos kaya nainis ka.", tawa siya ng tawa.

Totoo kaya?

"Hindi. Kasi ang tagal naming hindi nagkausap tapos parang wala lang sa kanya. Hindi man lang siya nag-explain."

"Pinag-explain mo ba? Isa pa, dati na naman siyang ganyan at sabi mo wala ka na namang pakialam, 'di ba? Dahil nagkakausap din naman kayo pagkatapos niyang maging busy. Kaya wag mong lokohin ang sarili mo na yun ang dahilan kung bakit ka ganyan."

"Anu bang sinasabi mo?"

"Mahal mo na siya, Louisa! Wag ka ngang ano dyan! Kaya feeling mo ay binabalewala ka niya dahil mas gusto mo na siya hindi tulad dati. Kaya parang hindi mo na ramdam yung mga bagay na ginagawa niya sayo, kahit sweet naman talaga, dahil mas nagiging demanding ka na ngayon sa atensyon niya. Hindi ba sweet yung pagtyagaaan niyang pakinggan ka kahit puro ka Blake? Hindi ba sweet yung kahit busy siya eh nagagawan niya ng paraan na kausapin ka?"

Hindi ko alam. Kung tama ba yung sinasabi ni Opay, pero parang yun nga ang nararamdaman ko. Tae. Mahal ko siya? OHMYGOD! Pwede bang mahalin ang taong hindi mo pa nakikita?

"Kung ako sayo, itanong mo na rin sa kanya kung anu ka ba sa kanya. And trust me, sasabihin niyan na mahal ka rin niya.", there, she ended the call.

Iniwan niya na naman ako sa ere. Iniwan niya na naman ako habang naguguluhan.


ความคิดของผู้สร้าง
Jodie_Parpy Jodie_Parpy

If you like this chapter, feel free to:

Rate/ Vote, Comment and Share!

Please support.

Thank you ?

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ