ดาวน์โหลดแอป
83.67% The Casanova’s Queen / Chapter 41: Chapter 40

บท 41: Chapter 40

Umuwi ako kinabukasan sa amin ng may benda sa ulo. We all slept in Luke's Mansion. Pagka dating namin kagabi ay sinalubong agad kami ng mga doctor pati ng kapatid niyang paepal na pangit. His parents weren't there dahil nasa business trip nanaman ang mga ito at kapatid niya lang ang nandoon kasama ng ilang mga katulong.

Nagpapa hinga ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga sa kama dahil sa mga ganap na nangyari kagabi. Hindi ako pumasok dahil ayaw din ni Mama. Kapag naiisip ko ang mga pangyayari ay para akong maloloka. Mas sumasakit ang ulo ko dahil sa pag iisip sa mga happenings! ISSTOF.

/I should stop thinking of it/ Pero hindi ko ma alis sa isip ko. Letse!

Tinahi ng doctor ang ulo ko dahil napalaki pala ang sugat nito gawa nang pagkaka umpog ko. Medyo okay na rin naman ang pakiramdam ko. I talked to Jayden again na huwag niya nang ikwento kay Bella at Evan ang nangyari sa akin. I also told him na kapag tinanong siya ng mga ito if what happened to my head ay sabihin niyang hindi niya alam.

Hinatid lang ako ni Luke sa may tapat nang bahay namin kaninang umaga dahil baka tanungin siya nila Papa kung saan galing ang mga sugat niya sa mukha. Lalo na't parehas pa kami na may sugat. When Dad saw me na may benda ako sa ulo he immediately asked me what happened. Ang sabi ko nalang ay nadulas ako sa CR nila Luke at nauntog ako sa may sahig. He wanted to bring me in the hospital para makasiguro raw na okay na ako but I refused. Muntik niya na nga akong kaladkarin papuntang hospital pero nag matigas lang ako.

Natigil ako sa pag mumuni nang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun and looked at the screen. Omg! It's Evan. Kagabi pa siya tumatawag ngunit hindi ko ito nasagot. Malamang sa malamang ay gg na ito sa akin.

"Hello?"

"Fuck! Lucia! Finally you answered! I've been calling you since last night but you were not picking it up! I'm fucking worried. What's wrong with you?!" Nailayo ko sa may tenga ko ang cellphone dahil sa pag sigaw niya. Sabi na nga ba gg siya.

"I'm so sorry."

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?" Galit na tanong niya.

"I was in Luke's house last night."

"Hey, are you okay? Why do you sound like you're sick? Hindi ka ba papasok?"

Hindi ko maitatago sakaniya na may sugat ako sa ulo pero itatago ko ang dahilan. Mag sisinungaling nalang ako sakaniya kaysa naman sabihin ko kung ano ang tunay na nangyari.

"I-i had an accident last night. In Luke's house."

"What?! Anong nangyari?"

"I went there last night because something happened. Nung magsi CR na ako nadulas ako sa CR nila at nauntog ang ulo ko sa may tiles. But I'm okay now. Nagpapahinga ako kaya hindi ako papasok."

Patawarin mo ako Evan kung nagsisinungaling ako. Jusko! Masama na ba akong girlfriend dahil sa pagtago ko sakaniya nang totoo?

"Tangina. Where are you now? Are you really fine?"

"Dito nako kina Papa. Hinatid ako ni Luke kaninang umaga. Dito na muna ako titira. Maybe I'll stay here until graduation. And yes, okay na ako. Huwag ka na ngang mag alala."

"Wait me there. I'll come in your house. Kung hindi pa ako tumawag ay hindi mo pa sasabihin sa akin ang nangyari sa'yo."

"I'm sorry. I just don't want you to get worried."

"Still you should've told me!" Galit pa rin niyang sabi. Susmaryosep. Takot aku.

"I'm really sorry. Okay? Just come here. And can you buy me some J.co donuts? I want to eat something sweet." Malambing na sabi ko. Madala ka sana sa kaharutan ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"What else do you want?"

"I want you. So come here. Faster!"

"Silly. I love you. Within 30 minutes andiyan na ako."

"Yep! I love you too."

"And baby please, next time tell me immediately if something bad happens to you. Fuck. Mababaliw ako kapag may nangyaring masamang sa'yo nang hindi ko alam."

Para akong sinampal ng konsensya dahil sa sinabi niya.

"Yes po. O siya sige na. Punta ka na dito. Drive safely."

"Yes baby."

I ended the call.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil inaantok pa rin ako at gusto kong matulog at magpahinga. Pakiramdam ko kasi ay parang pagod na pagod pa rin ako.

Nag ring nanaman ang cellphone ko at mabilis ko itong sinagot. Ano ba naman 'tong si Evan? Kakatawag lang ayan nanaman. Baliw na baliw talaga siya sa akin. HTBM? /How to be me/

"Baby, I'll just wait you here in our house no need to call. Ganon mo na ba ako ka miss?" Pang uuto ko dahil baka gg nanaman ang koya niyo. Mahirap na baka may part 2 ang gg moment.

"Baby? It sounds music to my ears hearing you calling me baby, Lucia."

Kumunot ang noo ko dahil ibang boses ang narinig ko. Sino 'to? Tinignan ko ang screen ng cellphone ko and it's not Evan! It's an unknown number.

"Who the fuck are you?" Inis kong tanong sa kabilang linya.

"Ang bilis mo naman akong kalimutan. We just had a thing last night."

Fuck. Is this Ryoga? Damn him! How did he know my number? Napa irap ako sa kawalan. Why am I even asking that question? He has many ways to get my number.

"Fuck you." I was about to end the call nang mag salita siya muli.

"Don't end the call yet, babe. I wanna hear your voice."

"You know what? Kung wala kang magawa sa buhay manahimik ka nalang! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sa akin kagabi na demonyo ka!"

"Of course I won't forget that. That was the best make out I ever had. Didn't know na hahanap hanapin ko ang labi mo pati narin ang dibdib mo. Why don't we try to hang out sometimes? I don't care if you have a boyfriend. Kaya kong makihati para sa'yo."

Wala na yata sa tamang pag iisip ang lalaking 'to? Kinikilabutan ako sa mga pinag sasabi niya. He's fucking insane! Bestfriend ba talaga 'to ni Luke? And lastly, kapatid ba talaga siya ni Red? Ang layo ng ugali niya sakanila!

"Get a life fucker! Don't you dare fucking bother me."

"Lucia, I really want you. And I won't stop habang hindi kita nakukuha. I can get all the women that I want just so you know and you're not an exemption. Kaya kong kalimutan na kapatid ka ng bestfriend ko makuha ka lang. Mark my word." He ended the call.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pag kirot nito. What's wrong with this guy?! I think I must tell this to Luke para kausapin niya ang kaibigan niya. He's creeping me out!

Alam kaya ni Luke 'to? Na ginugulo niya ako? Akala ko ba plano lang ang lahat? Why is he acting like this? Why is he calling me and saying those words? Bwisit! I closed my eyes and stopped thinking for it.

Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Just open it!" Sigaw ko at umupo ako sa may kama. Maybe it's Evan.

Bumukas ang pinto at ang naka ngiting Evan ay napalitan ng naka simangot na Evan nang makita niya ako ng tuluyan.

"Fuck."

Mabilis niyang inilgay ang limang box ng J.co donuts sa may lamesa. Inalis niya ang sapatos na soot niya at umupo siya dito sa may kama ko.

"Don't cuss, Evan."

"What the hell? Masakit ba?" Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko.

"I'm fine. Hindi na masakit. I'm strong remember?"

"Bakit kasi hindi ka nag iingat? Anong klaseng CR ba meron sina Luke at bakit madulas? Hindi ba nila nililinis 'yon?"

Nakokonsensya na talaga ako dahil kailangan ko pang mag sinungaling at itago ang totoong nangyari sa akin. I don't want him to know the truth dahil alam kong magagalit siya. At ayaw kong magka alitan sila ni Ryoga. That would be very dangerous.

"Just rest, Lucia."

Inihiga niya ako sa may kama. Humiga rin siya sa tabi atsaka niya ako niyakap.

"Is it okay if I sleep here tonight?"

"Of course it's okay. But what about Bella? Your sister needs you."

"Wow! You just remember my sister's name."

Ngumiti ako sakaniya. After what happened last night ay hindi ko na nakalimutan ang pangalan nilang dalawa ni Jayden. Maybe because of what happened and because of the impact that the event gave me last night. It's kind a traumatic though.

"Well, congrats to me." I gave him a peck on his lips.

"But baby, really. I'm gotta sleep here tonight. Okay lang naman si Bella. At ngayong gabi lang naman. I'll go home tomorrow early to fetch her."

"Sige na po."

Niyakap ko siya nang mahigpit at sa hindi ko malamang dahilan ay para bang miss na miss ko siya.

Pumasok nanaman sa isip ko ang ginawa sa akin ni Ryoga. Even though it was just a plan parang kalahati ng damdamin ko ay naniniwalang kung hindi dumating si Luke sa kwarto ay ipagpapatuloy niya talaga ang pagtatangka niya sa akin. Yes he didn't touch me below but why is he calling me now saying he'll get me? I'm actually starting to be scared to him now. Dahil alam ko sa sarili ko na once na pag tangkaan niya ulit ako ay wala akong laban. It was actually proven last night.

"Hey, baby. Are you listening?"

"Huh?"

"Sabi ko, papasok ka ba bukas? I think you're spacing out. Hindi na ba talaga masakit ang ulo mo? You're making me worried."

Putek! May sinasabi na pala siya pero hindi ko narinig dahil sa pag iisip sa hinayupak na rapist!

"Inaantok lang ako. I'm sorry."

Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table and I turned it off. Mahirap na at baka tumawag siya lalo na't nandito si Evan. AAMI. /Advance ako mag isip/

"Why did you turn off your phone?"

"Ayaw ko nang istorbo." Palusot na sabi ko at hinalikan siya.

I slowly kiss him. Kinagat kagat ko ng marihin ang labi niya. I need his kisses. He needs to wash off Ryoga's kisses.

Pumatong ako sakaniya and he hugs me.

"Baby, you got a wound."

"Make love to me, Evan." I want to feel him. I badly want him.

"Not now, baby. You can kiss me, bite me, lick me but no making love. I don't want you to get tired dahil may sugat ka pa sa ulo. Kapag gumaling 'yan, we'll do it all night and all day long."

Napa ngiti ako sakaniya. He's the only man that I need. Hindi na ako magmamahal pa ng iba. Siya at siya lang talaga ang mamahalin ko habang buhay. I won't let other girls to get him away from me.

"Evan."

"Hmm?" Hinawi niya ang buhok ko sa may mukha ko. Nakapatong pa rin ako sakaniya at hinalikan ko siya sa may ilong.

"I love you."

Ngumiti siya nang pagka tamis tamis kaya napa ngiti rin ako. Kapag tumatawa o ngumingiti siya ay parang nabubuo ang araw ko. His smile is like a magic to me.

"I love you too, My Lucia Dela Rosa Palermo." He kissed me on my lips.

"Evan."

"Yes baby?"

"May balak ka pa bang iwan ako?" I don't know why but I wanna ask this to him. I know he loves me so much but still, I really want to ask this. "May balak ka bang ipag palit ako sa iba?"

"What are you talking about? Why are you suddenly asking me these kind of questions?"

Habang tumatagal ay mas lumalalim ang pag mamahal ko sakaniya. Mas lalo ko siyang minamahal. Kagabi habang ginagawa sa akin ni Ryoga 'yun gusto kong sumabog dahil naiisip ko si Evan. Before, I can kiss any man that I like. Wala akong paki alam kahit sino pa ang humalik sa akin as long as I like the guy at gwapo ito. But last night? I realized that no man can ever replace Evan. There's no man I want to kiss and love aside from him. Siya lang. Siya lang talaga at wala nang iba.

"Wala lang. I just wanna ask. Kasi ako wala. Wala akong balak iwan ka. Wala akong balak ipag palit ka sa iba."

"I know baby. Wala rin naman akong balak na gawin sa'yo 'yun. You are my life now, Lucia. Ikaw ang babae na gusto ko iharap sa altar. Ikaw ang babae na gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko. Ikaw ang babaeng kasama kong tatanda. We'll be together, forever. And I will love you for the rest of my life."

"Are you sure?"

"Why? Are you doubting me?"

"Hindi naman. Baka kasi dumating ang araw na magsawa ka sa akin. Hindi ko yata kakayanin 'yun Evan. Hindi ko kakayanin kapag nagkaroon ka ng iba. Guguho ako."

"Don't say such things like that, Lucia. Hindi ka guguho dahil hindi mangyayari 'yun. You know how much I love you. Fuck. I can even give my life to you."

"Paano kung makahanap ka ng iba? Nang mas maganda? Mas sexy? Mas mabait? At higit sa lahat 'yung hindi gangster."

"Hey. I love you because I love you. I love you for who you are. And for me, there's no other girl na papantay sa pagmamahal ko sa'yo. Wala na Lucia. Ikaw at ikaw lang. And we already talked about you being a gangster right? Tanggap ko ang pagiging gangster mo pero hindi mo maaalis sa akin na gustuhing umalis ka don. You know the reason why. And I believe one day, you'll get out of it. I'm sure of that."

Makaka alis pa nga ba ako lalo na't ngayon hinahabol at pinag tatangkaan ako ng isa sa mga council?

"Yes, Evan. Maybe. Maybe someday."

"And I can't wait for that day to happen."

Nginitian ko siya at hinalikan niya ako. He's kissing me passionately and I can feel the love through his kisses.

I know someday, everything's gotta be alright.

Dito na natulog si Evan sa kwarto ko kinagabihan. We cuddled all night and talked about everything na pwede naming mapag usapan. It's actually nice that he's really open to me. Kaso ako lang itong hindi masabi ang lahat sakaniya and it makes me feel bad that I need to hide some things to him.

Umalis na siya kaninang umaga dahil kailangan niya pang mag prepare for school at sunduin si Bella. Papasok sana ako ngayon but Mom didn't allow me again to attend class. Magpahinga nalang daw muna ako at tatawag nalang siya sa SWU to excuse me to all my classes. Hindi na ako nag pumulit pa dahil tinatamad din naman ako pumasok.

I turned on my phone and I received a message from Bella.

Bella

+6396354829473

Goodmorning Ate! Jayden and I talked already. Thank you very much for helping us to get through with this. Aaminin ko na kay kuya na buntis ako. Have a nice day! I love you ate!

Napa ngiti naman ako sa message niya. Thank goodness at unting unti nang nagiging maayos ang sitwasyon nila. Sana huwag magalit si Evan kapag nalaman niya nang buntis ang kapatid niya though hindi naman maiiwasan 'yun. But still I'm hoping! Support support lang ganern!

Bumaba ako sa kitchen para kumain ng breakfast. I'm so hungry dahil donuts lang ang kinain ko kagabi dahil wala akong ganang kumain ng rice. Nagalit pa nga sa akin si Evan. Sinusubuan niya pa ako kagabi pero ayaw ko talaga. Mas gusto ko pa nga siyang kainin kaysa sa pagkain.

Nang makapasok ako sa kitchen ay dumiretso ako sa may counter. Kumuha ako ng plato para kumuha ng fried rice na nasa pan. The fried rice looks so delicious.

"Ang bango. Looks yummy!" Masigla na sabi ko habang inaamoy ang fried rice.

Mom is really a good cook kaya nagkaka sundo sila ni Luke e.

"Ang bango mo rin. And you look yummy too."

Nabitawan ko ang plato at sandok na hawak ko nang may mag salita sa likuran ko. Nanigas ang buong katawan ko. I can actually feel his breath to my nape. At kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino siya. Bigla akong ginapangan ng takot at kaba. 

"What are you doing inside my house?" Galit kong tanong sakaniya kahit ang totoo ay natatakot na ako. Pinipilit ko ang sarili kong maging matatag.

"Just visiting you. Your house is good. I like it."

Ipinwesto niya ang magkabila niyang kamay sa pagitan ko locking me in the counter. Ayaw kong umikot paharap sakaniya dahil alam kong masyado siyang malapit sa akin ngayon. Fuck! Paano ba siya nakapasok dito?!

"You really smell good, Lucia." Sininghot niya ang buhok ko at doon na ako na alarma.

Itinulak ko ang braso niyang nakasandal sa magkabilaang gilid ko ngunit hindi iyon natinag. He's really strong! Damn it. Wala man lang itong epekto sakaniya! Alien ba siya? Putek! Kung ano ano na ang naiisip ko.

"I told you, Lucia. Hindi mo ako kaya."

"Ryoga, please. Stop this bullshit! Hindi ka na nakakatuwa!"

Naka alis na ba sila Mama? Where's my father?! Gusto ko nang mag freak out dito pero hindi ko magawa dahil ayaw kong ipakita sakaniya na natatakot at nasisindak niya ako.

"Hindi naman ako nagpapatawa, Lucia. You sound like you're scared of me. Are you?"

"I'm not scared of you! You fucking idiot."

"If you're not scared, face me then. Harapin mo ako."

Fuck! Kaya ko ba siyang harapin kung harap harapan niya akong ginaganito?! At harap harapan niyang ipinapamukha sa akin na gusto niya akong kunin? There are lots of men na gumawa na sa akin nang ganito at hindi sila umubra sa akin. But this man is different to them. I don't know what's into him pero nahahabag ang buntot ko sakaniya. I feel like something is not normal to him. His aura, his voice, his strength. Everything is so different. At 'yun ang kinakatakot ko!

Inipon ko ang lahat ng tapang na meron ako atsaka ko siya hinarap. Tinaasan ko siya ng kilay and he's now smirking at me. Magka lapit na magka lapit ang katawan namin sa isa't isa pati na rin ang mukha niya sa mukha ko.

"Just so you know, I'm not scared of you. So please? Stop this. Don't waste your time sa pagpapapansin mo sa akin. Because I'm telling you." Idinuro ko ang index finger ko sakaniya. "You. Can't. Fucking. Get. What. You. Want." Matigas at puno nang galit kong sabi sakaniya.

"Talaga ba?" Naka ngiting demonyo niyang tanong sa akin. Titig na titig ang mga mata niya sa akin at para akong nalulunod sa titig niya. The fuck.

Idiniin niya ang katawan niya sa may katawan ko to the point na magka dikit na ang dibdib namin. Damn it.

"Hindi ko nga ba magagawa sa'yo to?" He placed his hand on my waist at mabilis ko siyang sinampal. Napahawak siya sa pisngi niya na ngayon ay pulang pula. Bakat na bakat ang kamay ko sa may pisngi niya. Serves him right!

"Umalis ka na dito ngayon din!" Nangingilid na ang luha ko dahil sa magka halong galit, inis at takot.

"Alis!"

"One day, I'll make sure na hindi sampal ang ibibigay mo sa akin, kung hindi ang sarili mo mismo. I'll go now but we're not done yet." Umalis na siya sa harap ko at pagka alis na pagka alis niya ay nanlambot ang mga tuhod ko. Napa upo ako sa may sahig.

Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko na nasa may bulsa ng pajama ko at dinial ang number ni Luke.

"Luke." Hindi ko na napigilang maiyak.

"Why are you crying? Is something happened?!"

"Luke, I'm scared. I'm really scared. Please help me."

"Hey, calm down okay. Nasaan ka?"

"I'm here in our house. R-ryoga came here and I don't fucking know paano siya nakapasok. Mom isn't here. I'm alone."

"Damn it. Anong ginagawa niya diyan? I'm here in SWU. I'll go there now. Just wait for me. Okay? Don't cry."

"Don't tell Evan please."

"Yes. Just wait and stop crying. I'm on my way."

Pinatay ko na ang tawag at napayuko nalang ako at naiyak sa takot. Ryoga is really creeping me out and I'm scared as fuck to him!

I stayed in my position for how many minutes. Pinapakalma ko ang sarili ko pero hindi ko magawang kumalma.

"Lucia!" Inangat ko ang ulo ko nang marinig ko ang boses ng kuya ko.

Tumayo ako agad at niyakap siya nang mahigpit nang maka lapit siya sa akin. I started to cry again.

"I said stop crying. Ayokong nakikitang umiiyak ka. Ano bang nangyari?"

Pinaupo niya ako dito sa isa mga chairs ng dining table. Kumuha siya ng tubig at ipinainom niya ito sa akin.

"Luke, you told me that Ryoga has no intention to do something bad to me right? But I think you're wrong. He just called yesterday telling na he'll do everything just to get me at kaya niya raw kalimutan ang pagkakaibigan niyo makuha lang ako."

"What?" Gulat na tanong niya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala dahil siguro pinagkaka tiwalaan niya ang kaibigan niya.

"Tapos ngayong umaga nag punta siya dito. Nandito siya sa loob ng bahay! Luke, your bestfriend is crazy! He's out of his mind! Why is he doing this to me?! I'm your sister. He's your friend. Respetuhin niya man lang sana ako bilang kapatid mo. O kahit huwag niya na ako respetuhin. Kahit ang pagkakaibigan niyo nalang sana ang isipin niya."

Hindi ko na napigilang maluha nanaman. He's the second person I got scared to. First is Luke and now it's him.

Napahawak sa sentido niya si Luke at para bang nag iisip siya nang kung ano.

"What did he do to you?" Seryoso na tanong niya.

"H-he went here inside. I was shocked na nandito na siya sa may kusina. Alam mo kung gaano ako kalakas makiramdam Luke specially walang tao dito. But I didn't feel anything. Para siyang kabute na bigla nalang sumulpot. And that's the thing I'm scared to. His strength, his aura. Everything about him is different!"

"I'm so sorry Lucia. I put you in this situation. Dapat hindi na ako pumayag sa pinlano niya in the first place. Kung alam ko lang na magkaka ganito siya ay hinding hindi ako papayag sa suggestion niyang palabasin na pinag tangkaan ka."

"No, it's not your fault. He's your friend so you trust him that he'll help us para kay Jayden. Tinulungan niya naman tayo. And I'm actually thankful about it kahit na hindi niya sinunod ang usapan niyo. Nagpapa salamat pa rin ako dahil kahit nangyari 'yun malaki ang naging epekto niya sa pagiging malaya ni Jayden. Kung hindi nangyari 'yon you think buhay pa si Jayden ngayon? Kaya kahit papaano ay pabor pa rin sa atin ang nangyari. But hell! He's really pursuing me and I don't know the reason why. Does he like me or what?"

"I'm actually clueless too. Madalas kaming mag kita at mag usap. Yes, he's asking some questions about you sometimes but I never thought that he's interested to you. Dahil hindi ko naman nakitaan ng malisya ang pag tatanong niya."

"Can you please stay here? Dito ka muna tumira. If I need to talk to your parents tumira ka lang dito gagawin ko."

Lumapit siya sa akin at yinakap ako.

"You don't have to. Kahit hindi mo sabihin I'll live here with you. I'm really sorry Lucia. If he did something bad to you again, I swear kakalimutan ko rin na kaibigan ko siya."

Kumalas siya sa pagkaka yakap sa akin at pinunasan ang luha ko sa mukha.

"Huwag ka ng umiyak. I'm here. Ang pangit mo na. Feeling mo siguro ang ganda ganda mo ngayon dahil hinahabol ka ng isang Ryoga na gwapo no?"

Natawa naman ako sakaniya. Alam kong sinasabi niya lang ito para gumaan ang loob ko. Para mawala ang takot ko sa kaibigan niya.

"Gago."

"But seriously speaking I know one person who can stop him bothering you. I'm his friend and if he won't listen to me, he'll listen to his brother."

"You mean?"

"Yes. I'm gotta talk to his brother, Red. Don't worry. I'm sure after talking to Red he'll stop bothering you."

"Paano pala 'yang mga sugat at pasa mo? Anong sasabihin mo kina Papa at Mama?"

"Oo nga pala. Parehas pa tayong may sugat at pasa. Evan saw me this morning and asked me where did I get this but I said na napalaban ako kahapon."

"Did he believe? What if he sees Jayden? Sana huwag siyang mag duda. I told him na nadulas ako sa CR niyo."

"Mukhang naniwala naman siya. He told me that too. Kumain ka na. Ako nang bahala magpalusot kina Papa at Tita. Don't be scared. Kuya is here and I'm gotta protect you to that fucking pervert friend of mine."

"Stop calling him a friend! I don't want you to be friend with him. He's a demon!"

Tumawa lang siya at kinuha niya ang cellphone sa may bulsa. He's calling someone. Kumuha ulit ako ng panibagong plato at kutsara para maka kain. Punyetang 'yun! Istorbo sa almusal ampota! Sana talaga mawala na siya sa mundo! Ang gwapo gwapo niya pero bakit namimilit siya nang babae?! To think with that kind of looks? He can actually get some pretty women that he wants! But ofcourse hindi ako kasali don.

"Hello, Red? Yes. This is Luke, man."

Napatingin ako sakaniya nang marinig ko ang pangalan ni Red.

"I don't miss you. Nope. Fuck you." Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila dahil hindi ko naman naririnig ang sinasabi ni Red sa kabilang linya.

Sumeryeso ang mukha ni Luke at humigpit ang pagkakahawak niya sa may cellphone niya.

"I called because I want to tell you something. It's about your brother." Lumipat ang tingin sa akin ni Luke.

"He's bothering my sister, Lucia. And I actually don't like how he behaves towards my sister. Yes. Just like the old stuff. He's at it again."

Naka kunot na ang noo ko sakanila. Anong just like the old stuff? And he's at it again? Don't tell me hindi ito ang ka una unahang pagkakataon na may ginanito siyang babae?!

"You already know sbout it? Yes man, I see. I know he'll listen to you. Don't be so sorry. It's your brother who is half crazy. Yes. I got it man. Sure! Here. I'll give it to her."

Lumapit sa pwesto ko si Luke at inabot niya sa akin ang cellphone niya.

"He wants to talk to you." Binitawan ko ang plato na hawak ko. Tinaggap ko ang cellphone at inilagay ko ito sa may tenga ko.

"Hey, what's up?" Bati ko sakabilang linya.

"Lucia, I'm so sorry if my brother is acting strange towards you. I'm really sorry."

"Hindi mo kasalanan 'yun, Red. Pero aaminin ko na naci creepyhan na ako sakaniya so please make him stop."

"Yes. Don't worry. Kahit abnormal siya ay nakikinig siya sa akin. Starting now he'll stop bothering you once na makausap ko siya. I promise."

"Thanks Red. Aasahan ko 'yan."

"I'm really sorry. Ngayon na nga lang ulit tayo nagka tagpo pero problema na agad ang naibigay ko."

Bakit ang bait ni Pula pero yung kapatid niya ay impakto?

"It's not your fault, Red."

"Let's meet tomorrow. Is it okay with you?"

"Yes it's fine with me. Tomorrow after class. Kitain ka namin ni Luke."

"Okay. Sorry talaga Lucia. Let's talk again tomorrow. I'll just tell Luke kung saan tayo magkikita. See you."

"Yeah. See you."

Pinatay ko na ang tawag at inabot ko ito kay Luke. Kinuha niya 'yun at umupo na ako sa may lamesa.

"Eat many. Huwag mo nalang din muna isipin si Ryoga. That fucking man. Nang gigigil ako sakaniya."

"Kumain ka na rin." Inabot ko sakaniya ang pagkain na sinandok ko at tinaggap niya naman 'yon.

I hope Ryoga will stop pestering me. Ganoon na ba ako ka ganda para gustuhing makuha niya? Hayop siya. Sa dinami rami ng babaeng magaganda dito sa mundo bakit hindi nalang 'yun ang bulabugin niya! Punyeta siya.

MNSS! /Mamatay na sana siya/


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C41
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ