ดาวน์โหลดแอป
79.59% The Casanova’s Queen / Chapter 39: Chapter 38

บท 39: Chapter 38

Hindi pa rin ako maka move on na buntis si Babalu. Susmaryosep! Ano kayang magiging reaksyon ng mga magulang niya? Ako ang kinakabahan para sakanila. Sana naman tanggapin na ng Dad nila. Alang alang sa bata! Pakiramdam ko tuloy ako ang buntis dahil pati ako na i stress.

"Luke and Lucia, alis na kami ng Papa niyo ha? May meeting pa kami. Let's meet later at dinner time. Don't forget to bring your boyfriend anak."

"Yes, Ma. Ingat kayo."

"Jayden, kain ka lang nang marami diyan. Huwag mahihiya."

"Opo Tito."

Humalik si Papa at Mama sa amin bago sila lumabas ng dining room. We're currently eating our breakfast. Nag punta dito si Jayden dahil kailangan naming mag usap usap. Luke stood up and checked kung wala na ba sina Papa. You know, they don't know that we belong to underworld.

"Kagabi nga pala man, pinapunta ko ang mga ka grupo ni Lucia doon sa na trace naming lugar na nag text sa Dad ni Bella kaso mga gamit nalang ang nandoon. Wala na 'yung tao at hindi na nila na abutan." Simula ni Luke at umupo ulit sa may tabi ko.

"Fuck. Sino kaya siya? I have no fucking idea na pwedeng gumawa sa amin nun."

"May mga naiwan na mga bagay doon sa ilalim ng tulay dahil ginawang hide out. D is still checking his things para malaman kung sino siya."

Nang pumunta si A at C sa lugar na na trace ni D ay hindi na nila ito naabutan. Tanging mga gamit nalang nito ang nandoon sa ilalim ng tulay. Napaisip tuloy ako. Bakit kailangan doon pa siya mag tago? Parang tanga e. May time mag sumbong pero walang time mag hanap ng magandang pwesto?

"You need to be extra careful. Specially we don't know who the fuck is that guy."

"Yeah. I know that already. Kaya pinapabantayan ko rin ng maigi si Bella sa mga tauhan natin."

"So ano nang plano mo man? Binuntis mo e. Panagutan mo."

"I know man. Handa naman akong panagutan si Bella. Ginawa namin 'yun at ginusto. I'm actually happy dahil magiging ama na ako. Kaunti na nga lang mahimatay ako sa tuwa when she said to me that she's pregnant. Pero tangina. Yung tatay niya kasi."

"You know what Jakol I think y-"

"What the fuck Lucia?!"

"What?"

"Yan na yata ang pinaka worst na ipinangalan mo sa akin."

Inirapan ko silang dalawa at pinagpatuloy ang sinasabi ko.

"I think ang ayaw lang naman sa'yo ng Dad nila is you being part of Mafia. Because he thinks it will be dangerous for Bella. And actually her father got a point. Specially now that she's pregnant."

Hindi nalang ito tungkol sa kanilang dalawa. Tungkol na rin ito sa bata.

"Lucia is right, man. If you can sacrifice maka alis lang, gawin mo."

"But we all know Luke na hindi ganun kadali ang umalis sa underworld. Do you think pa aalisin ka nalang ng Council nang ganun kadali dahil naka buntis ka? You'll risk your life here Jupiter."

Underworld or the Underworld society is being managed by Councils. There are five councils na namamalakad sa mundong 'yun. They are like the organizers at sinisiguro nilang walang gulo o ano mang mangyayari na pwedeng maka apekto sa takbo ng Underworld. Ang trabaho nila ay mapanatiling sikreto ito at wala dapat makaka alam sa mga naninirahan sa normal society. There are famous politicians, actors and actresses, powerful business men who engaged theirselves in that kind of world.

If you're a part of the underworld, hindi ka ganoon kadaling makaka alis. Underwolrd is a kind of world where in illegal things happen. Mas mahigpit sila pagdating sa mga leader ng gangs at mafias na gustong umalis. Because they know more informations compare sa mga tauhan lamang ng mga grupo nila.

"Are you willing to fight against us?" Luke asked.

One rule in going out of that world is kalabanin mo ang mga ka grupo mo. You need to beat their ass. Kaya hindi rin ganon kadali sa akin ang umalis. I don't want to hurt those four idiots na mga ka member ko. They are like brothers to me. And I can't hurt them! I love them.

"Luke, you know I can't do that." Nakayukong sabi ni Jeje.

"But you can't be with Bella if you won't do it Jayden. Isipin mo ang magiging mag ina mo."

"I mean, tangina. Alam mong kahit kaya ko kayong saktan ay matatalo't matatalo ako sa inyo nila Brandon. Anong laban ko sa inyong apat? Edi sana kumuha nalang ako ng kutsilyo at sinaksak sa sarili ko."

"Kaya nga nandito tayo para pag planuhan 'to diba?"

"What do you mean Luke?" I asked him.

"Lalabanan kami ni Jayden. At palalabasin naming natalo niya kami."

"Gago ka ba? Sapalagay mo maniniwala ang council sa pina plano mo? E sa'yo palang wala nang laban si Jenny e."

"There are no rules when it comes to fighting, Lucia. You just need to go there and fight. Jayden will play dirty to us. He will use his brain against us. Gamitin ang utak at huwag lang puro lakas. I'm willing to help you Jayden para sa mag ina mo. Kahit malagay pa sa peligro ang buhay namin dito."

Mygosh! What is he planning ba? Iba rin talaga mag isip ang kapatid ko na 'to. Minsan hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Napaka hirap niyang basahin.

After our class ay sinabihan ko si Evan na sa amin siya mag dinner. Kinakabahan si gagu. Nauna nang umalis sa amin si Luke at sinabihan pala siya ni Mama na tulungan siyang mag luto for our dinner later. Minsan pakiramdam ko mas mahal ni Mama si Luke kaysa sa akin.

"Lucia, kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi nila ako magustuhan?"

Napa kunot ang noo ko sa tanong niya.

"Kung hindi ka nila magugustuhan it's actually fine. Ako ang makakasama mo at makaka relasyon mo. Not them."

"Bakit sa way ng pag sabi mo parang may chance talaga na ayawan nila ako? Damn it, Lucia. You're making me more nervous."

"Huwag ka kasing kabahan! Be yourself. Sasampalin kita diyan e."

"Wait for Bella here. Naiihi ako. I'll be right back."

Tumayo siya at tumakbo papuntang CR. Baliw din 'tong si Evan e. We're waiting for Bakery dahil ibinilin nang Dad niya sakaniya ang kapatid niya. Kailangan sabay daw silang uuwi. Ipinagkatiwala ng dad niya si Bekbek sakaniya dahil paniwalang paniwala ito na tutol si Evan sa relasyon na meron si Buko at Juice. Sana lang talaga ay huwag malaman ng Dad niya na magkaka sabwat kami dito.

"Ate! Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Bubot na ngayon ay kadarating lang.

"Hindi naman. Umalis pala kuya mo. Nag CR lang saglit." Umupo si Betty sa tabi ko.

"How are you?" I asked her.

"I'm fine, Ate." Naka ngiti niyang sagot ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya.

"Kahit sabihin mong okay ka alam kong hindi ka okay. Don't stress yourself. Makakasama 'yan sakaniya." Ipinwesto ko ang kamay ko sa tiyan niya at hinimas himas ko ito. May umbok na ang tiyan niya ngunit hindi ito halata dahil payat siya at maluwang ang soot niyang damit.

Sinulyapan ko ang mukha niya at nanlalaki ang mga mata niya. Gulat na gulat siya sa sinabi ko dahil alam ko na ang sikreto nila. 

"You don't need to hide it. I'm here for you." I looked at her eyes at nangingilid ang luha niya. I know her situation is very hard. She's still young to experience this. Bakit kasi ang aga niya nagpa buntis?

"Does your Kuya know about it na?"

Umiling siya.

"No. He doesn't know. Did Jayden tell you?"

"It was Luke who told me. Don't worry. Kahit naman boyfriend ko ang kuya mo, I won't tell him."

"Thanks, Ate. Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin kay Kuya dahil alam kong magagalit siya."

"Maiintindihan ka naman ng kuya mo. Malandi 'yun e. I believe he'll accept it though hindi naman natin maiiwasan na hindi siya magalit dahil bata ka pa. Matatanggap niya 'yan. Kapatid ka niya e. Pamangkin niya 'yang dala dala mo."

"You know what Ate? I'm very much thankful na ikaw ang girlfriend ni Kuya. Ang swerte niya to have you. Kaya sana huwag niyo nang pakawalan ang isa't isa."

"I won't let go of your brother. I'll keep him forever. So ano nang balak mo diyan? Ilang buwan na ba?"

"4 months, Ate." Napa oh ako sakaniya. So noong mga panahong uminom kami she's actually pregnant that time?! "Actually hindi ko na alam ang iisipin ko. Galit si Dad kay Jayden dahil sa pagiging part niya sa Mafia. Tapos buntis pa ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila. Hindi ko na alam kung anong una kong iisipin. Hindi ko na talaga alam."

Nag umpisa nanaman siyang umiyak. Pinunasan ko ang luha niya sa mukha. She looks so stress at hindi ito maganda para sa baby.

"Don't stress yourself, please. Hindi mabuti 'yan para sa bata. Be strong for your baby. Jollibee is doing everything for you and for your child. Huwag ka na munang masyadong mag isip nang kung ano ano. Isipin mo lang muna ang sarili mo at ang baby mo. Hayaan mo nalang muna si Junkfood ang mag isip at gumawa ng way para sa unang problema niyo which is ang pagiging mafia niya. Kapag na solve na 'yun ay tsaka niyo naman harapin ang mga magulang niyo about your baby."

"Makaka alis pa ba siya don Ate? I know it will be dangerous for him to get out. Okay lang na hindi na siya umalis sa mundong 'yun kaysa naman itaya niya ang buhay niya. Kaya kong ingatan ang sarili ko. Kaya ko siyang ipaglaban kay Dad."

"Yes it's dangerous. That's why we are doing everything to help him. Sila Luke ang nagpa plano kung paano siya makaka alis. He wants to get out too para sa safety niyo at para matanggap na siya ng Dad mo. We are all here to help you. Hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sakaniya. He'll get out there safe and sound."

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Patuloy pa rin ang pag tulo ng luha niya. Sinabi nang masama yan para sa baby pero umiiyak pa rin siya!

"Ate, salamat talaga. You know what, kung wala siguro kayo nila Kuya at Kuya Luke ay baka nabaliw na ako. I'm always thankful na nakilala ko kayo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat nang 'to sa inyo. I promise ibabalik ko lahat nang good things na ginawa niyo sa akin. Para sa amin ni Jayden."

"You don't need to do that. Bukal sa loob namin ang tulungan kayo. Luke and Junkshop are like brothers. So please? Stop crying. Kahit yan nalang ang gawin mo para sa amin. Huwag mo i stress ang anak mo. Kapag yan lumabas na pangit bahala ka!"

"Grabe ka naman, Ate! Huwag naman!" Tumawa na siya this time. I smiled.

"Ayan! Smile always okay?"

Kinuha ko ang panyo ko sa bag at pinunasan ang mukha niya.

"I don't want to see you crying."

"Yes Ate. I will."

Sakto namang dumating si Evan kaya tumayo na kami ni Baby.

"Bella, ihahatid kita sa atin then pupunta muna ako kina Lucia. Uuwi rin naman ako agad."

"It's okay. Let's go. I want to rest."

"Umiyak ka ba?" Tanong ng kuya niya.

She just smiled at nauna na siyang mag lakad sa amin. Sinensyasan ko nalang si Evan na hayaan niya nalang ang kapatid niya.

Nag lakad na kami papuntang parking lot at Sumakay ng kotse.

Evan is the driver at inihatid na muna namin si Bokya sa kanila.

"Bella, just call Lucia if something happens. I'll go home right away. Here's my phone. You can use it. Itago mo nalang muna. Talk to Jayden. I know you wanna talk to him."

Inabot ni Evan ang cellphone niya at kinuha naman 'yun ng kapatid niya at mabilis na itinago sa bag.

"Thanks Kuya. Galingan mo magpa goodshot sa family ni Ate ha. Ate Lucia, thank you ulit."

"No problem. Tawag ka lang ha. Yung bilin ko sa'yo."

"Yes po."

Bumaba na siya ng kotse at hinintay namin siyang makapasok sa loob. Umalis na kami doon at nagdrive na si Evan papunta sa amin.

Itinuro ko kay Evan ang way. Nang matanaw ko na ang bahay namin ay pinahinto ko ang kotse niya sa may harapan.

"Is this your house, baby?"

"Yep." Inalis ko ang pagkaka seatbelt ko.

"It's huge. Just like my dick." Napa poker face ako sa sinabi niya.

"Sige. Sabihin mo 'yan mamaya sa harap ng pamilya ko ha."

"Joke lang, baby."

"Let's go."

Bumaba na ako ng kotse niya at naka sunod siya sa akin. I wonder what is he thinking and feeling right now.

Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ni Mom. She's smiling from ear to ear. I messaged her a while ago na malapit na kami.

"Hi Ma!" Masigla kong sabi sakaniya. Sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan sa pisngi.

"Is he your boyfriend, anak? Oh my! He's so handsome!"

"Good evening po." Magalang na bati ni Evan.

Gusto ko siyang i bash dahil mukha siyang mabait ngayon. Akala mo hindi siya manyak! Nyeta. Siya ba talaga 'to?

"What's your name, iho?"

"Evan po. Evan Palermo."

"Naku! Nice to meet you iho! Ang galang naman ng batang ito. Kung anong ikina galang mo siya namang ikina bastos nang anak ko. Sana huwag kang mag sawang intindihin siya ha."

"Ma!" Bawal ko sakaniya.

Ako pa raw ang bastos! Looks can be deceiving. Kita mo akala ng nanay ko maginoo ang hayup na Evan na 'to.

"Let's go inside. Your father is waiting in the dining room."

"Let's go baby." Hinawakan ko ang kamay niya at napa tingin ako sakaniya dahil ang lamig ng kamay niya.

"Evan, kinakabahan ka ba talaga? Umayos ka nga. Ang lamig ng kamay ko." Bulong ko sakaniya.

"Fuck it baby. I'm trying to calm my ass here but I couldn't."

Nang maka dating kami sa dining room ay naabutan ko si Papa na umiinom nanaman ng wine. Isa ring mapag panggap 'to. Nagpapanggap siyang mukhang strikto. Eww.

"Pa." Tawag ko sakaniya.

Umupo ako sa upuan at pinaupo ko si Evan pero striktong naka tingin lang siya kay Evan.

"You met him before right? Sa party."

"Yes. I can still remember him. Nag walk out pa nga siya nun."

"I'm so sorry po, Sir."

"Where is Luke? Luke come here!" Sigaw ni Papa.

Napa tingin naman si Evan sa akin nang marinig niya ang pangalan ni Luke. Maya maya lang ay lumabas si Luke na may dala dalang chocolate cake. Hayup! Hindi ko alam pero natawa ako sa itsura niya.

"Wow! That cake looks delicious. Ganito ang klase ng lalaki na gusto kong maging katuwang ng anak ko."

"Why is he here?" Bulong sa akin ni Evan pero nginitian ko lang siya.

Inilapag naman ni Luke ang cake sa may mesa at umupo siya sa tabi ni Mama.

Nasa center table si Papa habang nasa left side ako at si Evan habang kaharap ko naman si Luke at kaharap ni Mama si Evan.

"Marunong ka ba mag bake ng cake iho?" My mom asked.

"Hindi po. But I can learn."

"Wala ka man lang bang dala para sa amin? Like presents?" Tanong ni Papa habang naka taas ang kaliwang kilay niya. Napa tingin sa akin si Evan.

Letse! Baka naman isipin ni Evan na gahaman ang ama ko at mahilig sa regalo. Ano ba naman yan si Papa!

"Nandoon sa sasakyan niya. We forgot to get it." Sabi ko.

"I'll just get it. Excuse me p-"

"No, no. It's fine iho. Just get it later."

"Why don't you formally introduce yourself first?" Sabi ni Papa at uminom ulit ng wine.

Napa irap ako sa kawalan. Parang gusto ko siyang tusukin ng tinidor ngayon dahil sa ina acting niya. Umayos ng upo si Evan.

"I'm Evan Palermo po. I'm currently studying in SWU. I-"

"Do you love my daughter?" Papa cut him out. Napa irap nanaman ako dahil sa pag putol niya kay Evan. Nag sasalita pa 'yung tao e!

"Yes sir. I love her so much. I won't be here in front of you kung hindi ko po mahal ang anak niyo."

"Bakit hindi ka nagpakilala noon pa kung ganon? Bakit ngayon lang?"

Hindi sumagot si Evan kaya ako na ang sumagot.

"We were not okay that time Pa."

In fact nang magkita sila ni Papa ay nagpapanggap palang kami ni Evan na mag on.

"I see. Are you sure that my daughter loves you? You know. Kahit ganiyan iyang anak ko madami nang napa iyak na lalaki 'yan."

"I'm sure that Lucia loves me. I trust her and I'm confident to say that." Magalang na sagot niya.

Aww. Nakaka touch naman! Yiiie! Gusto ko tuloy siyang iyutin dahil kinikilig ako. Potek.

"You trust her? Really? What if I tell you now that she'll get married two months from now."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Didn't she tell you that?"

Napa kunot naman ang noo ko. Anong pinag sasabi ni Papa? Anong ikakasal?! Sasagot na sana ako nang naramdaman kong may umapak sa paa ko. It's Luke! Ang sakit ah!

"I-i actually don't know about it Sir."

"As you can see, Luke is here with us. It will be Luke that she'll get married to. I like this man so much for her. That's why I asked my daughter to invite you here. Para mapag usapan natin 'to. Para hindi ka na masaktan pa. You know, we can still save your feelings kung maaga nating ihihinto kung anong meron kayo."

Ano nanaman bang pakulo 'to? Ito ba 'yung pinag aapiran nila ni Luke kahapon?! They're crazy!

Hinawakan ni Evan ang kamay ko nang napaka higpit. Napatingin ako sakaniya at deretso lang ang tingin niya kay Papa.

"With all your respect Sir, but I think you don't have the rights to control your daughter. Your daughter loves me and I'm confident and proud to say that. Kahit pa kayo ang ama niya ay hindi ko kayo sasantuhin kung ilalayo at ihihiwalay niyo siya sa akin. Ako lang ang papakasalan ni Lucia. At kapag po sinabi kong ako lang, that only means na wala nang iba."

Para namang gusto kong maiyak sa sinabi ni Evan. Like hello?! Nakaka kilig!

"Wow. What if I tell you that I'm willing to marry Lucia? You know me, Evan. I can do everything if I want to."

"Really Luke?" Napa tayo na si Evan sa kinauupuan niya kaya napatayo rin ako dahil hawak hawak niya ang kamay ko.

"Akala ko ba mag kaibigan na tayo? What is this again? You even told me na hindi mo na mahal si Lucia!" Tumaas na ang boses niya tanda na galit na siya.

"That wasn't true. I just said that so that you won't get worried. But Tito talked to me. He said he'll help me to get Lucia back in my arms again."

"Lucia, may alam ka ba dito?" He asked me.

"H-huh? Wala! Wala akong alam."

Wala talaga akong alam sa pinagsasabi ng tatay at kapatid ko. Letse!

"Whether you like it or not Evan, sa akin ang bagsak ni Lucia. I got her father's approval."

"E gago ka pala e! I don't fucking care even you get his father's approval! Mawalang galang lang po sa inyong lahat na nandito, pero hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari. Lucia is mine! At hindi ako papayag na maikasal siya sa gagong 'yan!"

"Evan, calm down."

"Calm down?! Sapalagay mo makaka kalma ako sa pinagsasabi ng putanginang Luke na 'to? I'm your boyfriend here Lucia!"

Natatawa na ako pero pinigilan ko ang sarili kong matawa.

"May nangyari na ba sa inyo ni Lucia?" Luke asked habang naka taas ang kilay niya.

Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa tanong niya.

"Wala pa! Wala pang nangyayari sa amin!' Mabilis kong sagot.

Jusko nasa harap kami ng mga magulang namin tapos itatanong niya 'yan? Gagu ba siya?! This is awkward!

"Meron. Meron nang nangyari sa amin. Not just once but many times." Deretsong sagot ni Evan.

Tinignan ko si Mama at naka nganga lang siya dahil sa pag amin ni Evan. Punyeta talaga!

"Totoo ba ang sinasabi niya Lucia anak?" Mom asked.

Hindi ako sumagot. Paano ko sasagutin ang tanong na 'yan?

"Totoo po ang sinasabi ko. Hindi ako mahihiyang aminin na meron nang nangyari sa amin. We both want it to happen. At paninindigan ko ang ginawa ko sakaniya. I love your daughter so much at kung kailangan kong pikutin siya para hindi lang mapunta sa gagong Luke na 'to na isa palang taksil ay gagawin ko."

"Lucia, why did you deny it?" Mapang asar na tanong ni Luke. "Maybe you don't love Evan that much. Maybe you love me more than him. Do you still remember how you kissed me before? Damn. You're a great kisser. I wonder if you're kissing Evan the same way you did to me."

Yak! Kadiri! Pinagsasabe nito!? Dugyot!

"Alam mo kanina pa'ko nag titimpi sa'yo."

Binitawan ni Evan ang pagkaka hawak niya sa kamay ko at mabilis  siyang lumapit sa pwesto ni Luke. What the hell?

He suddenly grabs Luke's shirt at sinuntok niya sa mukha si Luke. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Oh my god!" Sigaw ni Mama.

Si Papa naman ay naka upo pa rin at nanonood lang sakanila habang naka ngiti. Sasabunutan ko 'tong si Papa e!

"Evan! Tama na!" Bawal ko sakaniya at hinila siya. Yakap yakap ko siya at hindi siya kumakalma.

"Why Evan? Masakit bang ideny ka ni Lucia? Masakit bang malaman na hindi lang ikaw ang nahalikan at minahal niya? Wala ka pala e."

"Luke! Alam mong dineny ko lang 'yun dahil ayaw kong umamin kina Mama! Manahimik ka nga!"

"I don't fucking care kung ideny niya! Kahit i deny niya pa sa buong mundo wala akong paki alam! At mas lalong wala akong paki alam kung ilang lalaki pa ang minahal niya. It doesn't matter kung mas nauna ka. It doesn't matter kung ikaw ang una niyang minahal. And it doesn't matter kahit ikaw pa ang una niyang nahalikan or what. What matter is Lucia will end up to me! Ako ang makakasama niya. Ako ang pakakasalan niya! At ako ang kasama niyang bubuo ng pamilya! And I don't fucking care kahit sino ka pa. At mawalang galang lang po ulit sa inyo, Sir. Even you, I won't allow you to take Lucia away from me. Thanks for this dinner but I can't stay here anymore. Have a wonderful evening."

Inihiwalay ako ni Evan sa pagkaka yakap ko sakaniya. Hinawakan niya ang magka bilang braso ko at hinalikan ako sa noo.

"Thank you for this dinner, baby. But I need to leave. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kung ano pang magawa ko na pwede kong pag sisihan. I still want to respect them. Let's just talk tomorrow."

Hindi niya na ako hinintay na sumagot. Nag simula na siyang mag lakad palabas ng dining room pero pinigilan ko siya.

"Evan! Stop!" Sigaw ko sakaniya.

Huminto siya sa pag lalakad at nakatalikod pa rin siya.

"I'm sorry baby. But I really need to go."

"Evan kapag umalis ka dito sinasabi ko sa'yo!" Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko ang braso niya.

Nagulat ako nang makita kong namumula ang mga mata niya. What the fuck? Naiiyak ba siya?

"Hey, what's the problem?" I asked him.

Pinunasan niya ang mata niya at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you, Lucia. I love you so much. I just can't accept that your father doesn't want me for you." Bulong niya sa tenga ko.

"Papa! Kita mo ang ginawa niyo sakaniya!" Sigaw ko habang naka yakap pa rin ako sakaniya.

"I love you too, Evan. Stop crying!"

Tumawa naman nang pagka lakas lakas si Papa at si Luke. Kita mo? Pareho silang baliw!

Lumapit sa amin si Mama at tinap ang likod ni Evan.

"Iho, pag pasensyahan mo na ang mag ama ko. Bumalik ka na sa table. Mga abnormal talaga sila. Pasensya ka na. Ako na ang humihingi ng tawad."

Humiwalay ako sa pagkaka yakap kay Evan and I wiped his tears. Nasaktan siguro talaga siya dahil sa pinag sasabi nila. Putragis!

"Baby, lahat nang sinabi nila hindi totoo. They are just testing you."

"What? Testing?"

"I'm so sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo 'to. But Luke and I are siblings. Siya ang Kuya ko, Evan."

Naka titig lang sa akin si Evan at parang ayaw mag sink in sakaniya ang sinabi ko.

Tumayo si Luke sa upuan niya at lumapit sa akin. Inakbayan ako ni gagu habang tumatawa siya.

"Bro, I'm Lucia's brother. Kung may pag iisipan ka man ng masama huwag ako. Dahil kapatid ko ang abnormal na babae na 'to."

"What the fuck Luke? But you were crying over him. H-"

"Siya ang iniiyakan ko noon dahil may family problem kami. Remember? Ewan ko ba sa'yo bakit inisip mo agad na ex ko siya! Kapag may iniiyakan ex agad? Hindi ba pwedeng kapamilya muna or what?"

"Bumalik na kayo dito sa hapag para maka kain na tayo." Invite ni Papa.

"Let's go."

Hinila ko si Evan at pinaupo ko ulit sa may mesa.

"I'm so sorry iho kung kailangan pa naming umacting nang anak kong si Luke. Gusto ko lang talaga malaman kung talagang seryoso ka ba sa anak ko kahit na sinabi na ni Luke sa akin na mahal mo talaga siya. Kasi noong nasa party tayo ay narinig kong babaero ka raw."

"Is that true?" Tanong ni Mama.

"I won't deny it Ma'am. But that was true."

"Nag bago na siya fyi! At dahil sa akin 'yun. Kasi nga mahal niya ako! Kaya huwag niyo na ngang kwestyunin ang pagmamahal niya sa akin! Kayo pa ang magiging dahilan nang paghihiwalayan namin e!"

"Subukan ka lang niyang hiwalayan, Lucia. Ako mismo lulumpo sakaniya. Evan, boto naman ako sa'yo. Dahil kung hindi, noon ko pa kayo pinaghiwalay nang kapatid ko. I trust you too. Kaya sana huwag na huwag mong sasaktan si Lucia. Bilang kuya niya, I don't want to see my sister crying. Yun ang pinaka ayaw kong makita. Yung nasasaktan at umiiyak siya."

"Maybe you know that we hurt Lucia before. So please, don't do the same thing we did before to our Princess. If you can give the world to her, give it to her. Kung hindi mo kaya, I'm here and Luke is here to help you to give the world and the best for my daughter."

Hala! Bakit naluluha ako sa pinag sasabi nila?!

"Don't worry, Sir. Kahit hindi niyo po sabihin sa akin 'yan I'm willing to give what she deserves."

"Wala na akong masabi. Sinabi niyo na ang lahat e. Basta Evan, please. Isa lang ang pakiusap ko sa'yo, huwag na huwag mong sasaktan ang anak namin. Yun lang ang paki usap ko." Naka smile na sabi ni Mama.

"Kumain na nga tayo! Para kayong mga sira!"

"Pero Pa, may nangyari na sakanila. Malandi talaga ang anak mo."

Binato ko nang kutsara si Luke pero mabilis siyang naka ilag.

"But baby, I don't get it. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na kapatid mo si Luke? I need answers." Bulong sa akin ni Evan.

"I'll explain it to you later. Let's eat first."

"Pero Pa, Tita! May nangyari na talaga sakanila. Makakapayag ba kayo don? Grabe talaga si Lucia!"

"Luke, manahimik ka ha. Baka saksakin kita diyan."

"We'll talk about that matter later. Grabe ka nga Lucia. Hindi ka man lang humindi. Marupok ka anak. Hindi kita pinalaking ganiyan." Umiiling na sabi ni Papa.

"Sorry po." Naka yuko na sabi ni Evan.

Nag tawanan naman sila at inumpisahan nanaming kainin ang mga pagkain. Thanks God for having a wonderful family. Dati pinapangarap ko lang 'to. I didn't know na magkaka totoo pala ang pangarap ko na akala ko ay hanggang pangarap na lang. I have my family plus Evan. I couldn't ask for more. This is more than enough!


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C39
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ