*****
Sa kanilang paglalakad ay narating na nila ang kanilang destinasyon. . .
"Anak, ito ang lugar kung saan maaari mong ilagay ang iyong ala-ala. . . . . Ipapakita ko ito sayo pero hindi mo maaaring ipaalam sa iba. Ikaw at ako lang ang maaaring pumasok dito. ." Sambit nya.
*Excited* "Dad, ibig sabihin meron ditong ala-ala ni Mom?" Sambit ko.
"Meron anak. Pero limitado lang. Hindi kasi kami nagkasama ng matagal ng iyong Ina. Mahirap ipaliwag sa ngayon Ajax." Sagot nya sa akin.
"Ok lang Dad. Naiintindihan ko po." Sagot ko.
"Ajax, kaya kita pinapunta dito ay dahil na rin sa iyong enerhiya na dapat ay sa mga kauri lang natin ginagamit. Gaya nalang nito, ipapakita ko sayo. Lumapit ka dito sa tubig."
Lumapit silang dalawa sa "memory pool" at iniangat ng kanyang Ama ang kanyang kamay at hiniwa nya ito gamit ang kuko. Nang tumulo ang dugo sa tubig ay may lumabas na Ala-ala ng kanyang ama. Ang ipanapakita ng kaniyang Ama ay tungkol sa dalawang nagtatalik na lalaking demonyo at ordinaryong babae.
"Dad, hindi naman tayo pumunta dito para manuod ng porn diba? Alam ko baguhan lang ako pero kaya ko sarili ko...."
"Sssshhhh!!!"
*silent* "....."
Habang hinahalungkat nila ang ala-ala ng kanyang ama ay bigla nalang nagulat si Sotíra sa kanyang nakita. Sa isang iglap lang ay sumabog ang babae.
*trembling* "Dad,? Ano yung nakita ko na yun? Ganun ba ang posibilidad na mangyari kay Bell kung sakali na sa kanya ko inilabas iyon?" Sambit ko habang kinikilabutan.
"Tama ka. Siguro ay naiintindihan mo na kung bakit naroon ako sa iyong bahay ng mga oras na iyon. Dahil gusto ko kitang protektahan laban sa mga kaaway natin. Naglagay ako ng barrier sa mga kaaway natin. Marami kang naaakit na babae sa tuwing nakikipag talik ka. Ang ibang makaamoy o makaramdam na nakikipagtalik ka ay maakit sila sayo at hindi ka nila titigilan hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila o hanggat hindi sila nasasatisfy."
"Mas marami akong naaakit na babae sa tuwing nakikipag talik ako? Hindi ko maintindihan." Tanong ko.
"Nung unang panahon na hindi pa nagkakaroon ng mga rebelde ay mapayapa at marami pa kami nuon. Ngunit may isa sa mga kauri natin ang naka diskubre ng bagong kapangyarihan. Tinatawag nila itong "Flower of Destruction". Para sa akin ay ordinaryong apoy lang to. Ngunit ng ginamit nya ito sa isa sa mga kasamahan ko ay naglaho at naging abo nalang ito. Natakot ang karamihan sa atin at sumama sila kay Elizar. Si Elizar ay lalong naging masama at tinangka nyang agawin ang kaharian kay Lucifer. Ngunit ang hindi nya alam ay galing lang din kay Lucifer ang kapangyarihan niya. Si Elizar ay nakulong ng mahabang panahon. Nang mga panahon na yun ay umalis sa kailaliman ng kaharian si Lucifer upang umalis sa mundong ito. Nang makarating ang balita kay Elizar ay agad itong nag tangkang umalis sa pagkaka bilanggo. Sa kasamaang palad. Sa akin iniwanan ni Lucifer ang kanyang kaharian ngunit hindi rin ito nag tagal. Makapangyarihan si Elizar at walang makapantay sa kanya. Ayokong may mamatay o masaktan kaya napilitan akong umalis ng kaharian upang pumunta sa mundong ibabaw. Maraming sumama sa akin upang mamuhay ng mapayapa. Sa mundong ibabaw ay maraming tao na hindi nakikita ang tunay naming kaanyuan. Ang iba sa mga kasama ko na umalis ng kaharian ay nagkaroon ng sariling pamumuhay. Ang iba naman ay inabuso ang kapangyarihan."
"Nasan dun yung sagot sa tanong ko Dad?"
*Smack!*"Manahimik!"
"Araaay!! Tatahimik na."
"Ang iba sa mga kasama ko ay nakikipagtalik sa mga ordinaryong tao at ang resulta ay natural lang. Nagbubuntis lang ang mga tao at magsisilang ng ordinaryong tao lang din. Ngunit may ibang mga demonyo na hindi maaaring makipagtalik sa ibang tao gaya na lamang natin. Bago umalis si Lucifer sa kaharian ay pumili at biniyayaan nya kami ng kapangyarihan. Pinalakas nya kami at tuluyan na syang umalis. Ang ibang biniyayaan ay nagpasyang magpa-iwan upang sa muling pagbabalik ni Lucifer at ang iba naman ay sumama sa akin. Ang mga naiwan ay sumali kay Elizar upang mas lumakas at tumagal pa ang kanilang pamamalagi."
"Medyo naguguluhan na ako Dad. Pero, Ganun ba talaga kalakas si Elizar Dad? Para katakutan nyong lahat?" Tanong ko.
"Sa kasamaang palad, Oo. Nung nagkaroon ng digmaan sa pagitan namin ay inabot kami ng dalawang taon. Sa dalawang taon na yun ay maraming nalagas sa amin. Onti nalang kaming natitira at nagtago muna kami pansamantala upang mabawi ang lakas na nagamit namin sa digmaan. Gusto ko ipakita sayo dito sa mahiwagang tubig ngunit hindi na sapat ang kapangyarihan ko upang maipakita sayo ang aking ala-ala. Kaya kwinento ko nalang sayo ang pangyayari."
"Ibig sabihin Dad, mahina narin si Elizar ng mga panahon na yun? Bakit hindi nyo sya sinugod muli? Sayang naman yun. Kung nag tulong tulong sana kayo ay nagawa ninyong mapatay si Elizar."
"Sinugod namin sya ng sabay. Napatay na namin sya. Pero, . . . . *grit* nabuhay syang muli."
"Ano? Paanong nabuhay muli? Ano sya immortal?"
"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam na ang kapangyarihan nya na Flower of Destruction ay maaaring buhayin sya. Ang Flower of Destruction ay galing sa Fire Pheonix. Ang Fire pheonix na yun ay alaga ni Lucifer na kinuha ni Elizar nung mga panahon na mamumukadkad palang ito upang mabuhay ulit."
"Nang matapos namin mapatay nun si Elizar ay nabalot sya ng apoy. Hindi ordinaryong apoy yun. Kung sino man ang madampian ng apoy ay agad agad itong magiging abo at ang kaluluwa nito ay hihigupin. Ilan sa mga kasama ko ang namatay. Mahina na kaming lahat kaya sinabi ko na umalis na silang lahat. Nang mabuhay si Elizar ay hinarap ko sya ng mag isa sa abot ng aking makakaya. Mas naging mas malakas si Elizar at tinalo nya ako sa pamamagitan lang ng pag angat ng kanyang kamay. Mahinang mahina na ako ng mga panahon na yun at hindi ko na kayang lumaban. Hindi ko nagawang protektahan ang mga kasama ko pero nagpapasalamat parin ako at ang iba ay mapayapang namumuhay. Pero sa tuwing na aalala ko ang mga panahon na yun, naaalala ko kung paano nya hinigop ang kalahati sa kapangyarihan ko. Pero mabuti nalang ay may dumating na mga anghel at nagawa ko pang tumakas. Pero Sa aking pagtakas, dahil mahina na ako ay bumagsak nalang ako at nawalan na ng malay."
"Mas lumakas pa lalo si Elizar? Kaya pala ganun nalang ang pangangamba mo nun sa akin. Sige Dad, tuloy mo po kwento mo. Exciting na eh."
"Okay. Sa aking pagmulat ay nasa bahay nalang ako at inaalagaan. Balot na balot ako ng bandage at hindi ako makagalaw. Isang babae ang tumulong sa akin upang makabawing muli....."
*Sparkling* "Siya si Mom?! Tama ba?! Tama ba?!"
"Oo sya ang nanay mo. Maganda, sexy, mahaba ang buhok. Ang mga mukha nya na kay sarap titigan at Sa tuwing naririnig ko ang tinig nya tuwing kumakanta ay gumagaan ang pakiramdam ko. Napa in-love ako ng nanay mo at nabuo ka namin. Pero dahil sa mahina ako ng mga panahon na yun ay hindi sya naapektuhan ng enerhiya ko. Kung malakas pa ako ng mga panahon na yon. Siguro sa kumot ka lang dumiretso. AHAHAHA."
"Haha okay ka rin Dad ah. Madali mong naibabaling ang lungkot sa kasiyahan ah. Pero nasaan na ba si Mom?"
*sad* "Nawala ang Mom mo. Habang isinisilang ka nya ay nagkaroong muli ng digmaan sa pagitan naman ni Elizar at mga Anghel sa langit. Nais ni Elizar na patayin ako at ang pamilya ko kaya wala akong nagawa kundi ang labanan syang muli kahit mahina pa ako. Nasugatan nya ako at halos mawala lahat ng kapangyarihan ko. Ma swerte parin ako dahil tinulungan ako ng Isa sa mga kasamahan ko na nagtago rin. Bumalik ako at ikaw lang ang inabutan ko. May lumapit na Anghel sa akin at parang gusto ka nyang kunin sa akin. Mahina na ako at hindi ko na kaya pang lumaban. Kaya wala akong magawa kundi ang buhatin ka at itakas. Nilabanan sya ng mga natitirang kasamahan ko ngunit hindi sila nagtagumpay. Lumapit sya at hinawakan ka nya sa dibdib. Gumawa sya ng sealed upang hindi malaman na kauri ka namin. Nag-iba ang kulay mo nun. Naging natural ang balat mo gaya sa tao. Matapos nya gawin yun ay bumalik na sya upang kalabanin si Elizar pero bago sya umalis ay may sinabi syang kuhanin. Kuhanin ko raw ang Bato ng Tadhana. Matapos non ay nagpaka layo layo ako kasama ka. Pero hindi parin ako tinigilan ng mga alagad ni Elizar. Kaya napag pasyahan ko na iwan ka muna sa mga taong alam ko na aalagaan ka. Ang mga tao na yun ay ang mga tinulungan ko sa aksidente. Sa kanila kita pinaubaya para sa kaligtasan mo. Dahil mahina na ako at hindi ko na kaya pang protektahan ka nun."
"Ganun ba? Masaya parin ako Dad, dahil hanggang huli ay pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal mo. Akala ko inabanduna mo na ako. Naiintindihan ko na Dad. *crying* Patawain mo ako Dad. Dahil sa akin kailangan nyo mag sakripisyo para lang mabuhay ako. Maraming salamat Dad sa lahat." Sambit ko at dahan dahan na pag yakap sa aking ama.
"Ajax anak ko. Ako ang dapat na humingi ng kapatawaran sayo. Dahil hindi mo ako nakasama hanggang paglaki mo. Hindi natin nagawa ang mga bagay na dapat ay ginagawa ng isang pamilya."
"Ayos lang sa akin Dad.. . (Smile)"
"Ajax Sotíra. Yan ang tunay mong pangalan. Ako ang nag pangalan ng Ajax sayo at Sotíra naman ay galing sa nanay mo. Pero Sotíra ang sinabi kong itawag sayo."
"Eh bakit ayaw mo ng Ajax itawag sa akin ng iba.?"
"Haha, isipin mo nalang codename yan para sa Anak ko."
"Corny mo Dad. Hahaha. Tama na muna to. Kailngan ko na bumalik dahil baka magising na si Bell sa pagkakahimbing."
"Sige Ajax. Dadalhin na kita pero bago yun. Suotin mo itong sing-sing (ring)."
"Okay Dad. Salamat po."
Lumabas silang dalawa sa "memory pool" at bumalik na silang dalawa sa apartment ni Sotíra at naabutan parin nilang tulog si Isabella.
"Dad, maraming salamat."
*smiling* "Salamat din anak, babalik na ko sa mansion. Siguraduhin mo na ilabas kung sakaling gagawin mo ulit yun sa mga ordinaryong tao. Paalam anak." *snap* Paalala nya bago umalis.
Nang makaalis na ang kanyang ama ay may nararamdaman parin syang enerhiya pero inisip nya nalang na "after effect" lang yun ng kapangyarihan ng kanyang ama. Pinuntahan nya si Isabella at inayos nya ang pagkaka kumot. Matapos ay naligo na si Sotíra.
[Unknown] "Hmmmp! Bakit kailangan na ihatid nya pa to?!" (Wind blow) *disappear*