Masaya kaming dalawa sa nakita namin pag pasok habang tumutulo ang dugo sa aming mga ilong.
Hindi namin inaasahan na sasalubungin kami ng mga nag gagandahang mga dalaga na halos kita na ang kaluluwa.
Nakalimutan na namin ang napag usapan namin mula ng kami ay pumasok sa mansyon na ito dahil sa mga naka kapit sa aming mga dalaga.
"Hahahaha! Parang panaginip lang ang lahat ng ito, sana hindi na ako magising! Hahaha" Masayang isinambit ni tito Joseph.
"Tama ka dyan tito, Hahaha pero hindi ito panaginip. Totoo itong nangyayare sa atin. Hahaha Thank you lord!" Masaya kong sinambit.
Habang nagpapaka saya sila ay maY hindi inaasahan, may boses na pagkalakas lakas.
"ROOOOOAAAAAR!!! SINONG LAPASTANGAN ANG NAG BANGGIT SA PANGALAN NG AKING KAAWAY??!! ANG LAKAS NG LOOB MONG BANGGITIN SA LOOB NG KAHARIAN KO YAN!!
Nagulat at nanginig silang lahat at nag takbuhan ang mga dalaga dahil sa lakas ng dumadagungdong na boses na tila ay galing ito sa higante.
Gusto kong tumakbo ng mga oras na iyon ngunit si tito Joseph ay nahimatay dahil sa sobrang takot at makikita sa pantalon nya na naihe sya. Gusto kong matawa ng mga oras na iyon ngunit hindi maalis sa katawan ko ang nginig at takot.
Matapos ang pagsigaw ay nag iba ang itsura ng paligid nag karoon ng mga apoy ang bawat paligid at nag silbing liwanag ito.
Tinignan ko ang paligid at wala na si tito Joseph at wala na rin ang pinto na pinasukan namin.
Humarap akong muli kung saan ko narinig ang boses at may napapansin akong papalapit sa akin na ang itsura ng suot nya ay parang si Dracula na sa pelikulang makaluma mo lang makikita. Puti ang buhok, gwapo at matangkad ang lalakeng ito at mukhang artistahin.
(Lower voice) "Ajax, ang mahal kong anak. Kaytagal kong inantay ang araw na ito na muli tayong magtatagpo at magsasamang muli" Masayang isinambit ng lalake habang papalapit sa akin.
(Trembling voice) "S-sino k-kayo?! A-anong kailangan mo sa akin? Hindi ako si Ajax o kung sino man. Ako si Sotíras!" Nag lalakas loob kong isinambit habang paatras ako.
(Lower voice) "Ajax anak ko. PWEDE BANG TUMIGIL KA SA KAKA ATRAS MO?! Nakakapagod maglakad! Alam mo ba yun?! Ang laki laki ng suot ko tapos pinapagod mo pa ako!! Huff! huff! huff! " Pasigaw nyang isinanbit habang nakahawak sa tuhod at namumula.
"Huh? *Stunned* Eh para saan ba kasi yang suot mo?" Tanong ko.
(Cute voice) "Ah eh.. para sayo." sagot nya.
(Grinding his teeth) "Grrrr!!!" HUBARIN MO YAN KUNG NAHIHIRAPAN KA!" (😠) Panggigigil kong sinambit.
(Trembling voice) "Ito na, ito na, tatanggalin ko na." *snap* Sa isang pitik lang ng daliri ay nagpalit ng kasuotan ang lalake.
(No sound) "Wooow!! magic! May kapangyarihan ka? *!?* "Teka, Bat walang tunog na lumalabas sa bibig ko!?" pagtataka ko.
(Normal voice) "Ehem! Ehem! Mamaya ka na humanga sa akin kapangyarihan Ajax hehe.(smiling) Inalis ko panandalian ang iyong boses Ajax. May gusto akong sabihin sayo at ayokong nauudlot ang pagsasalita ko kaya manahimik ka at makinig sa akin. *Cough, cough* Ikaw ang tagapag mana ko ng kapangyarihan at kaharian. Sa ayaw mo man o sa gusto, nakatadhanang mapasayo ito." Taas noo nyang isinambit habang paikot ikot sa akin.
"...." (still no voice coming out)
"Hmmm??!!! Wala ka manlang sasabihin?! "
"..." *pointing his throat and mouth*
Napagtanto nya na sya pala ang dahilan ng pagka wala ng boses at kinantyawan (inasar) nya pa ito.
"HAHAHAHAHAHA, Hindi mo agad sinabi na hindi ka nagsasalita anak, (Snap) parang clown ka tuloy kanina. HAHAHAHA." Malakas na halakhak ng lalake.
"Grrrr!!! Ikaw nag alis ng boses ko tapos sasabihin mo na dapat sinabi ko na wala akong boses!! Ginagalit mo talaga ako!" Galit kong isinambit
"Hahaha relax Ajax, anak ko" Nakangiting isinambit ng lalake.
"Hindi ako si Ajax, hindi mo ako anak at hindi kita kilala! Ano ba ang kailangan mo sa akin?! Galit kong isinambit.
"Cough! Cough! Hhmm. Ako ang Ama mo na nawalay sayo ng matagal na panahon. Ang totoong pangalan mo ay Ajax. Kaya kita ipinatawag dito ay dahil sa kadahilanan na..."
"Malapit na akong mawala sa mundong ito."
Nakatalikod nyang isinambit sa akin. (Drama king)
Nakaramdam ako ng awa at galit ngunit hindi mapagkakaila na iniwanan nya ako at ibinigay kung kani kanino nalamang.
"Kung ikaw nga ang Ama ko. Bakit mo ako pinabayaan? Bakit hindi mo ako inalagaan. Wag mo akong ituring na anak dahil ang isang magulang hindi kayang gawin sa anak nya na hayaang mag hirap at lalong lalo na ang pabayaang lumaki mag isa sa buhay! Galit na galit kong isinambit habang tumutulo ang luha.
"Patawarin mo ako anak. Cough! Cough! Gustuhin ko man ay hindi maaring mangyari yon. Cough! Cough! Maraming may gustong pumatay sa akin at wala akong magawa dahil mahina na ako. Isa lang ang kaya kong gawin. Yun ay ang ilayo ka Cough! Cough! sa akin at hintayin ang takdang panahon upang mag mana ng aking kapangyarihan." Mahinahon nyang sinasabi habang dinaramdam ang sakit.
"Kasinungalingan! Maraming paraan, bakit hindi mo naisip na maging ordinaryo kagaya ko?" Sagot ko.
"Madaling sabihin ngunit mahirap gawin" sagot naman ng Aking ama.
"Tama ka sa isang banda, tama ka kasi takot ka. Sa una palang ay hindi mo na ako gusto. Dahil pinamigay mo lang ako kung kani-kanino na parang aso." Madamdamin na pag sambit ko.
"Tama ka anak" sagot ng aking ama.
"Diba? Tama ako! Hindi mo ako gusto umpisa palang!" Galit kong isinambit.
"Hindi anak, ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang gusto ko at tama ka, na pinamigay ka lang namin kahit mukha kang aso."
Kumulog at kumidlat ng malalakas at nanginig sa takot ang mag-Ama.
"Hehehe biro lang anak, lab lab ka ni daddy."
Nanginginig nyang sinasabi sa akin habang nakatingin sa itaas.
"Ano yun?! Akala ko ba maganda ang panahon ngayon bakit biglang may kulog at kidlat? Nanginginig kong isinambit.
"Haha, wag mo nalang pansinin yun anak. Halika at sumunod ka sa akin baka tamaan tayo ng kidlat dyan." Agad agad nyang sinabi habang naka pekeng ngiti sa akin.