I told him the exact location of the cemetery. Isa itong pribadong lugar na exclusive lamang sa pamilyang gusto ang payapang lugar. Ang mga nakaburol dito ay masasabi kong may kaya sa buhay dahil 'di biro ang bayad dito.
Pagkapasok namin sa loob ng malawak na sementeryo ay kumanan kami. May kalayuan ang libingan nila Mama at Papa mula sa gate kaya kailangan pa naming pumasok sa loob.
"Here," I told him. Bumagal naman ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto ito.
I rolled down my window. The wind immediately blew in my face. I smiled but it didn't reach my eyes. There was a stinging feeling in my chest.
When was the last time I went here? I can no longer remember. Siguro noong nakaraang taon pa 'yon nang nagkaroon ako ng vacant schedule from work. I missed this place. I missed everything.
"Babe," sambit ng pamilyar na boses na sinundan ng paghawak sa kamay kong nasa hita. I turned to him and gave him a small smile.
Alam kong nasasaktan siya para sa 'kin. But acceptance was the word marked in my mind. Matagal na rin naman mula nang nahiwalay ang mga magulang ko sa 'kin. I should have moved on.
"I'm fine, babe," I said na ikinagulat niya. Kaagad na lumawak ang kanyang labi at kuminang ang mata.
"Did you just call me..." he trailed off. Tumawa naman ako sa reaksyon niya.
Small thing, Ximi. Small thing.
"Babe!" Tuwang tuwa niyang sambit. Umirap naman ako at ngumiwi sa kanya.
Parang bata.
"Okay, okay," he chuckled. "Where are we?"
"Sementeryo." I replied.
Umirap siya kaya tumawa na naman ako. I found him so cute. With that rolling eyes, parang gusto ko siyang kurutin sa singit.
"'Yong bulaklak nasa likod, 'di ba?" I changed the topic. Baka saan na naman mapupunta ang usapang ito.
We bought a bouquet of roses sa isang flowershop malapit lang dito sa sementeryo. Preskong presko ang bulaklak kaya kahit may kamahalan, binili pa rin namin.
"Yes, babe," he winked at me. "You better call me this way. It's fluttering."
"Fluttering?" I laughed. Kumunot naman ang noo niya.
"What? Did I say it wrong?"
"Sort of," I chortled. Siningkitan naman niya ako ng mata na parang nanghahamon. "Sige na, tara na."
Binuksan ko ang pinto ko. I then unbuckled my seatbelt saka ako lumabas ng sasakyan. Siya naman ay kinuha ang bulaklak na nasa likod at tinanggal ang seatbelt. I waited him 'till he got out before I closed my door.
Nilibot ko kaagad ng tingin ang buong paligid. It was peaceful; clean and green. May mga punong kahoy na puwedeng masisilungan. At ang mismong libingan ay madamo. Malinis ang pagkakagupit at maayos ang pagkakapile ng white cross.
"You okay, babe?" Rinig kong boses ni Ximi mula sa likod ko. I turned to him and immediately met his dark brown eyes.
Tipid akong ngumiti na may tango. I'm fine. I'm quite okay. Normal lang naman siguro kung mangungulila ako sa mga magulang ko. Isa pa, masakit sa pakiramdam na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa kanila. Baka isipin nilang 'di ko na sila mahal.
Which will never be true. I loved them because they were my life. They brought me to this beautiful world. They gave me eyes to see the wonders of life; ears to listen to the sound of the heartbeart.
"Let's go?" Aya ko sa kanya. Nanatili naman ang mapanuri niyang mata sa 'kin. "I'm fine, babe. You don't have to worry about me."
With him, everything was fine; okay. With him, everything was under control. I'm safe and secured in.
He leaned on and kissed my forehead. There were wild butterflies in my stomach and a racing heart in my chest. Ximi never failed to make me feel loved.
"I love you," he whispered and I smiled.
"I love you, Ximi." I kissed him on his left cheek.
Few seconds later, we both decided to head the way to my parents' grave. Mabuti nalang at 'di ganoon ka-init ang sikat ng araw. 'Di ito masakit sa balat.
Hawak ni Ximi sa kaliwang kamay ang pink roses while his right hand snaked around my waist. It was a sweet gesture for me. 'Di ko alam kung bakit.
Nang nahanap na namin ang puntod nila Mama at Papa ay kaagad kong naramdaman ang pait sa lalamunan. I knelt down on the grass and sat on my heels.
Cairra A. Nadella
Lurenti dG. Nadella
Those were written on their headstones. Pareho sila ng date ng pagkamatay, which is October 23, 1999. Iba naman ang date ng pagkabuhay. Dad was five years older than mom.
"I'm back, Ma, Pa," nabasag ang boses ko. I was trying hard to hold back my tears. "Sorry ngayon lang ako nakadalaw ulit. Busy kasi sa trabaho."
I felt Ximi crouched to level my position and put the flowers on the graves. 'Di nagtagal ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"Alam niyo, Ma? Pa? Ang daming nangyari sa buhay ko. Lahat ng naging trabaho ko ay successful. You see? Ikinasal na si Atifa. Sobrang saya ko para sa kanya."
Hinayaan ko lang na lumandas ang luha sa pisngi ko. There's no need for me to restrain myself from breaking down. All my life, I've been trying to be strong. Na 'wag akong umiyak kasi 'di ako mahina. Pinapaniwala ko ang sarili kong kaya kong mag-isa. I was successful, yet I knew something has changed when I met Ximi.
"Ma, Pa," I swallowed hard. Masakit na ang lalamunan ko. Parang may bukol. "Kasama ko po ngayon si Ximi," I took a quick glance from Ximi na ngayo'y nanonood lang sa akin. "... he's the man of my life, Ma, Pa."
It was a relief for me to introduce Ximi to my late parents. Alam kong 'di na nila makikilala si Ximi nang husto but somehow naniniwala akong masaya sila para sa 'kin.
"Siya po ang unang lalaking pinakilala ko sa inyo at siya na rin ang huli." Dagdag ko.
Nilingon ko si Ximi at nginitian siya. Umunat naman ang labi niya saka ako hinagkan sa noo. I immediately closed my eyes as I felt the warm sensation in my chest.
Nagmulat ako ng mata at tinuon ang tingin sa lapida. Pinasadahan ko iyon ng palad ko.
"Ma, Pa, alam kong masaya kayo para sa 'kin. Don't worry about me, Ma, Pa, kasi nasa mabuting kamay na po ako."
Naniniwala akong magiging mabuting kabiyak ng puso si Ximi. Hindi ko pa siya lubusang kilala but Lola and Lolo were enough proofs that Ximi was beyond my standards. They knew him well. Alam kong kapag malaman nilang may namamagitan na sa amin ay matutuwa sila.
Sana.
Kasi si Ximi na 'yong pinili ng puso ko. Siya lang ang gusto ko. Kahit walang kasiguraduhan, I will gamble everything I have in the name of love; and just to be with him in the end.
Tumambay muna kami pagkatapos kong magdrama sa puntod ng mga magulang ko. Magaan na ang loob ko. I never felt so sure with my life but with Ximi, I wanted him to be part of me, of all my decisions to make in life. Sana ganoon din ang nararamdaman niya. Sana ako rin 'yong gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda niya. Na parte rin ako ng mga desisyon niya para sa hinaharap.
"Babe?" Tawag ko sa kanya. Nakatunganga lang ako sa kawalan.
"Yes, babe? What's wrong?" Naramdaman ko ang pag-usog niya. Mas malapit na siya ngayon sa 'kin.
Nilingon ko siya at ang mapupungay niyang mata ang sumalubong sa 'kin.
"Kailan ka uuwi sa Bukidnon?" I asked.
Naalala kong kailangan niyang umuwi ng Bukidnon para tapusin 'yong iniwan niyang bagay doon. 'Di naman niya sinabi kung ano iyon pero mukhang importante iyon at masyadong pormal.
Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang naninimbang ng pagkatao.
"Maybe three days from now, babe." Malungkot niyang sabi.
Bumuntong-hininga ako. Alam kong mahalaga iyong gagawin niya pero 'di ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot. Mangungulila ako sa kanya nang husto. Mamimiss ko ang halik niya, ang ngiti niya, ang kanyang amoy at kung paano niya iparamdam sa 'kin na mahal na mahal niya ako. I will surely miss everything about him. Ngayon pa lang, parang may butas na 'yong puso ko. Iniisip ko pa lang na ilang araw o buwan siyang mawawala sa tabi ko, mas gusto ko nalang umiyak nang walang katapusan... hanggang sa muli niyang pagbalik. Gusto ko nalang magmukmok sa isang tabi.
"Babe," hinawakan niya ang kamay kong nasa hita. Nakasidesaddle na ako habang nakaharap sa kanya.
"I understand, babe," I said. It was true but it still stung. "Alam ko namang mahalaga iyong lakad mo."
"If only I can bring you home," he said. Umiling naman ako.
"I want you to focus on it, babe. Gusto kong pag-isipan mo 'to nang husto. Gusto kong makasiguro na ako na 'yong babaeng napili ng puso mo kasi ako? Ikaw ang gusto ko. Ikaw 'yong mahal ko, Ximi."
Napahigpit siya ng paghawak sa kamay ko. His eyes were a little bit watery and there was a blood shot on them.
"Ikaw din 'yong mahal na mahal ko, Luca. This is final. Kaya please, wait for me, okay? I'll fix these things for us. Pagkabalik ko, I will make sure you'll tie your strings with mine."
I smiled and hugged him tight. Hinapit naman niya ang likod ko. Nagtagal ang yakapan ng ilang segundo hanggang sa nakita ko ang pamilyar na mukha. Napakalas ako mula kay Ximi as I tried to zoom my eyes sa babaeng morena.
"What's wrong?" Rinig kong tanong niya. Nanatili lang ang atensyon ko sa babaeng naglalakad papunta sa kanyang destinasyon.
"Si Zette ba 'yon?" I asked myself. Tinignan din siya ni Ximi.
"Zette?" He mouthed and I turned to him.
"She's my cousin in mother's side. Kapatid ni mama ang mama niya." I explained.
Ximi glanced at Zette na ngayo'y mag-isang nakaupo sa puntod ng kanyang yumaong nanay. Ang pagkakaalam ko'y may sakit ang nanay niya kaya namatay. Ang natira nalang sa kanya ay si Tito Arthur Vega.
Tinanggal ni Zette ang kanyang itim na salamin. Nilapag niya ang dala niyang bulaklak sa lapida ng nanay at nagsimulang umiyak.
I scanned the whole place. 'Di na ako magugulat kung may mga bodyguard ang pinsan kong iyan. Negosyante siya at ang kanyang pamilya kaya kailangan nila ng magpoprotekta sa kanila.
"I have to approach him, babe." Sabi ko at tumayo. Tumayo rin siya na parang handang gawin ang gusto kong mangyari.
I turned to the gravestones and smiled.
"Aalis na ako, Ma, Pa... until we meet again. Pupuntahan ko lang si Zette. Ngayon ko lang ulit siya nakita."
It was true. Ngayon ko lang ulit siya nakita at dito pa talaga sa sementeryo. Pero masaya na rin ako't nagkita ulit kami. 'Di ko na rin matandaan kung kailan ang huli naming pagkasalubong ng landas. Bihira kasi siyang gumagala. Usually she focused on their business. Malakihan kaya dapat monitored ito every single day.
Pagkatapos kong magpaalam ay tinahak na namin ang daan papunta sa lugar ni Zette. Ewan ko lang kung makikilala pa ba niya ako. Baka hindi na. Or sana kilala pa niya ako.
Malayo pa lang ako mula sa kanya ay alam ko ng umiiyak siya. Siguro hanggang ngayon ay 'di niya pa rin matanggap na wala na ang nanay niya. Matagal na rin mula nang nagkahiwalay sila pero hanggang ngayon, presko pa rin sa puso niya ang sakit.
"Z-Zette?" Sambit ko nang ilang metro lang ang layo ko sa kanya. Gulat naman siyang tumingala sa akin.
Hindi kaagad siya nakasagot. She looked at me then turned to Ximi. Tinignan ko ang katabi ko at napagtantong nakatingin siya sa pinsan ko.
"I'm Luca. Remember me?" I greeted her. Nag-iwas naman siya ng tingin at nagpunas ng pisngi.
She cleared her throat and stood up. Sa kung paano siya tumayo ay elegante ito. She's well-trained, I can say. Unang tingin pa lang sa kanya, lalo kung unang beses, mapagkakamalan mong masungit at makapangyarihan. Which were I thought 'di na bago. Ganoon talaga siya. Propesyonal ang dating.
Looking sophisticated, she's wearing a white office uniform: blazer, slacks and black stilletos.
"Why are you here?" She asked. Her accent was American.
"Uhh," sumulyap ako kay Ximi na ngayo'y nasa akin na ang kanyang atensyon. Then I faced Zette again. "I came from my parents' grave when I saw you here. Naisip ko lang na batiin ka. I'm sorry if... I interrupted you."
Suminghot siya. "No, it's okay. Na-carried away lang."
"Ahh," I nodded while she fixed her gaze to Ximi.
"Boyfriend?" She asked. Tinignan ko si Ximi at siya ulit.
"Fiancee," pagtatama ko. Tumango naman siya at tipid na ngumiti.
"So, you're next in line to Atifa, huh?" A small smile sneaked beside her lips. "Pag-ibig nga naman." She smirked.
"'Di pa naman," sagot ko. Nawala ang ismid sa kanyang labi. "We're still planning things and besides, we have some errands to do rather than pushing the wedding."
"Hmm," she nodded while pursing her lips. "That's great. You better use your head first before your heart. But sometimes it feels good to follow your heartbeat."
"Why? What about you?"
Pribado ang buhay niya. Isa siya sa pinakamisteryosong babae na nakilala ko. Siguro dahil bukod sa 'di kami close, sobrang layo ng buhay na meron siya kumpara sa 'kin.
"I do have a boyfriend. Normal naman siguro 'yon." She replied. Tumango naman ako.
Okay naman ang magkaroon ng boyfriend lalo kung inspirasyon mo siya sa lahat ng ginagawa mo. Pero kung distraction lang 'yan, tigil na. Huwag mo ng hintayin pang magkakasakitan lang kayo sa huli.
"Okay," I gave her a timid smile. "We better get going na. Ingat ka rito."
"Yeah, sure. Thanks." Gumilid lang ang kanyang pisngi.
I turned to Ximi and nodded at him. Naramdaman kong out of place siya sa usapan namin ni Zette kaya nagpaalam na ako sa pinsan ko. I didn't want him to feel any disturbance kaya mas mabuti pang umalis na kami. Mukha namang 'di siya komportable sa pinsan ko.