Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang umalis sa harapan ng mga lalaking 'toh dahil sa kahihiyan na nakita nila kanina.
Katabi ko si Karl dito sa sofa. Mukha siyang badtrip na badtrip. Kasalanan ko naman eh. Kung hindi ko siya inakit eh di sana.. walang kahihiyan na nangyari kanina. Waaaaaahhh! Tinakpan ko ang mukha ko. Hindi ko na kaya ang kahihiyan na nararamdaman ko.
"Psst! Miss." hindi ko tiningnan yung sumutsot sa akin.
"Mahiyain atah si Miss Beautiful. Haha." rinig kong sabi nila.
"May mahiyain bang naghuhubad sa harap ni Karl? Hahaha." sabi nung isa at nagtawanan sila. Lalo tuloy nadagdagan ang hiya na nararamdaman ko sa sinabi nila.
"Shut the fuck up assholes!" sigaw ni Karl. Tumigil naman sila sa katatawa.
Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila gwapo, malakas ang dating. Mukha silang mga nilalang na pinagpala sa kagwapuhan. Shit! Ang gwagwapo nila pero may isang nakakuha ng atensyon ko.. yung isang lalaki na may pagka singkit ang mata. Napatitig ako sa kanya nung ngumiti siya. Kyaaah! Ang.. ang gwapo lang! Ngumingiti din ang mga mata niya.
"Sinong tinititigan mo?" kinilabutan ako sa bumulong sa akin. Ang lamig ng pagkakasabi niya.
"H-huh? W-wala a-ah." nauutal na sagot ko. Inirapan niya ako. Kainis kang lalaki ka.
"Pareng Karl.. ipakilala mo naman kami diyan sa kasama mo." nakangising sabi nung guy na hindi ganung katangkaran pero ang gwapo niya. Maputi siya tapos ang ganda ng ngipin.
"Tss. This girl is Ashley Jade Ramirez." pakilala ni Karl sa akin sa mga kaibigan niya.
"Yun lang Pare? Pinakilala mo lang siya eh." sabi nung isang parang poste sa tangkad. Grabe yung tangkad niya. Bigla naman akong nahiya sa height ko.
Hindi niya sinagot ung kaibigan niya.
"Hoy, ipakilala mo sarili mo sa kanila." sabi niya sa akin.
"A-ano? A-ako?" nauutal na tanong ko.
"Hindi. Hindi. Malamang ikaw. Engot ka talaga. Tss." masungit na sagot niya. Kaasar kang Karlito ka. Dinaig mo pa ako sa init ng ulo.
"Hmp! Pilosopo!" sabi ko sa kanya.
Inirapan lang niya ako. Kapal!
"Miss.. naghihintay kami. Hindi pwedeng nagbubulungan lang kayong dalawa diyan ni Pareng Karl. Haha." sabi nung isang may pagkamalaki ang mata. Ang cute niya.
"Ano.. paano ba kasi toh.." sabi ko.
"Come on Ashley. Wag kang mahiya sa amin. Mga walanghiya naman yang mga iyan. Hahaha." sabi nung isang kanina pa may katext. Ang gwapo din ng isang toh. Ang ganda ding ngumiti.
"Oo nga Ate Ashley. Wag kang mahiya sa amin. Pero yung walanghiya.. si Dave lang yun. Haha." sabi nung tinititigan ko kanina. Pero.. waaaah!! Tinawag niya akong Ate! Ate Ashley daw! Ibig sabihin mas matanda ako sa kanya.
"Matutulog ako. Kayo ng bahala diyan kay Ashley." paalam ni Karl. Ang walang kwenta talaga ng lalaking toh. Iiwan na lang akong basta sa mga kaibigan niya. Ayaw man lang akong damayan sa pagkapahiya ko.
"Sige Pare kaming bahala sa kanya." sabi nung sumutsot kanina.
"So Ashley.. I'm John Dave Ynarez. Nice to meet you." pagpapakilala nung may kanina pa may katext tapos naglahad siya ng kamay.
Nginitian ko naman siya at inabot ang kamay niya. Ang lambot. Dinaig pa ang kamay ko.
"I'm Gabriel Ian Marquez." pagpapakilala naman nung sumutsot kanina. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Ramdam kong namula ang mukha ko sa ginawa niya. Shit lang!
"Ang landi mo talaga Gab! Haha. Tabi nga. Hi. I'm Vince Andrei Lacsamana. You can call me Vince, Drei or Val." sabi nung matangkad na parang poste.
"Ah. Vince na lang." sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Tumingin ako sa tabi niya. Katabi niya kasi yung tumawag sa akin ng Ate. Ano kayang pangalan nito?
"Ako na pala. Haha. Hello Ate Ashley! Jake Marlou Ibañez is the name. Nice to meet you Ate." natulala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ang gwapo lang. Naku! Ang ngiti at ang mga mata niya. Waaaaahhh!
"Ate? Hey. Okay ka lang? Natulala ka?"
"Huh? Ah oo.. okay lang ako. Nice to meet you too Jake." sabi ko. Nakakahiya naman. Nahuli akong nakatulala. Ngumiti naman siya.
"Patay ka Jake kay Karl.! Haha. Inakit mo si Ashley diyan sa ngiti mo. Haha." sabi ni Gab.
"Ha? Hindi kaya." sabi ni Jake.
"Hahahaha. Naku Ashley. Taken na iyang si Jake. May fiancé na yan. Ang ganda ng babaeng yun. Haha." sabi naman ni Vince.
"Nakita mo na?" tanong nung Gab.
Tumango naman si Vince habang nakangiti.
"Seryoso ka Pare? Nakita mo talaga? Bakit hindi sinasabi ni Jake?" sabat ni Dave sa kanila. Nakakatuwa sila. Haha. Parang hindi mga lalaki kung magkwentuhan. Ang chismoso. Haha.
Namula naman si Jake sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Napangiti ako. Haha. Akala ko huhusgahan nila ako sa nakita nila kanina pero hindi.. parang wala lang iyon sa kanila. Parang walang nangyari.
"Ashley.." nagulat ako sa nagsalita sa may tabi ko. Hindi ko na namalayan na may katabi ako. Masyado akong naaliw sa kakulitan ng apat na yun. Haha.
"Oh?"
"Hindi na ako nakapagpakilala dahil sa kakulitan ng mga iyan. Ako pala si Rick Jayson Albino." pagpapakilala nung may pagkamalaki ang mata. Ang cute ng isang toh.
Nginitian ko siya.
"Oo nga eh. Ang kukulit. Hehe. Nice to meet you Rick."
"Ganyan talaga ang mga iyan. Masanay ka na. Lalo na iyang si Gab. Matinik yan sa babae tsaka malakas mang-asar pero mabait na kaibigan yan. Si Dave.. hindi yan madalas dito. Minsan na lang yan tumambay kasi laging kasama ang gf niya. Si Vince naman yung happy go lucky sa aming anim. Sobrang maloko niyan pero mabait. Si Jake.. siya ang pinakabata sa amin. May fiancé na yan. Ang alam ko mahal niya na ang fiancé niya bago pa sila ipagkasundo. Mabait yung babae kaya hindi na ako magtataka kung minahal siya ni Jake." ang daldal ni Rick. Akala ko ang tahimik nito. Hindi kasi siya mukhang madaldal.
"Ganun ba? Haha. Nakakatuwa naman pala kayo. Para kayong magkakapatid. Eh ikaw? tsaka si Karl?"
"Ako? Wala. Boring ang buhay ko. May pagkatahimik ako pero minsan may pagkamadaldal. Si Karl? Siya yung parang badboy sa unang tingin pero kapag nakilala mo sobrang bait. Hindi ka niya iiwan kapag may kailangan ka. Totoo siyang kaibigan." nakangiting sabi niya at umalis sa tabi ko. Nakisali na din siya sa mga kaibigan niya.
Wow naman. Ganun pala si Karl. Kunsabagay tama siya. Mabait nga si Karl.
Pinanuod ko sila. Nakakatuwa silang panuodin. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Naaalala ko kami noon nina Mama, Papa at Kuya Justin.. ganyan din kami noon. Noon. Hay. Kamusta na kaya sila? Tsaka si Kuya.. namimiss ko na siya.
"Ang daya mo Jake! Bakit hindi mo kami pinakilala sa fiancé mo?" sabi ni Dave.
"Wala kasi kayo nung kasama ko si Mj. Mga busy kayo. Si Vince at Rick lang yung nandito." paliwanag ni Jake.
"Kahit na! Aba, madaya ang dalawang kumag! Kami ni Dave hindi namin nakita ang fiancé mo." ayaw paawat ni Gab.
"Tumigil nga kayong dalawa. Para kayong mga bata. Pwede namang pumunta si Mj dito kahit kailan." suway ni Rick sa kanila.
"Talaga? Pwede?" parang kuminang naman ang mata ni Gab sa sinabi ni Rick.
"Oo. Pwede siyang pumunta dito kahit kailan. Bakit ba napaka big deal sa inyo na makita si Mj?" tanong ni Vince.
"Alam niyo kasi mga Pare.. para kasing may kakaiba sa babaeng iyon. Biruin niyo.. mula pagkabata nakuha na niya ang puso ni Jake kaya sobra kaming interesado sa kanya." paliwanag ni Dave.
Ay may ganun? Namula naman si Jake sa sinabi ni Dave. Ang cute. Haha. Ang swerte naman nung Mj na iyon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Si Karl.
"Punta ka dito." yan ang laman ng text niya.
Bakit naman kaya?
"Ah.. boys.. saan ang kwarto ni Karl?" pang-aabala ko sa kanila.
"Dumiretso ka lang diyan. May makikita kang mga pinto. Hanapin mo na lang ang pangalan ni Karl." si Rick ang sumagot.
"Sige. Salamat."
Tumayo na ako at naglakad para hanapin ang kwarto ni Karl.
Ang galing. May kanya-kanya silang kwarto. Sa dulo ang kwarto ni Karl. Kumatok ako. Walang sumasagot.
"Karl?" tawag ko habang kumakatok pero wala pa din.
Pinihit ko ang door knob. Nakabukas. Sumilip ako.
"Karl? Papasok na ako." sabi ko.
Ang aliwalas sa kwarto niya.
"Karl?" tawag ko ulit pero wala pa din.
Lumapit ako sa may kama. Kaya naman pala. Nakahiga siya tapos balot na balot.
"Hoy Karl. Bakit mo ako pinapunta dito?" sabi ko pero wala pa din.
Umupo ako sa kama niya. Anong gagawin ko dito? Tutunganga? Hay.
"A-ashley.."
Napatingin ako sa kanya. Nakapikit naman siya pero bakit parang nanginginig?
"A-ashley.." sabi niya ulit. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya
Bigla niya akong hinigit kaya napahiga ako sa kanya. Shit! Ang init niya.
"Karl, may lagnat ka!"
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.