"DAVAO?! Leighana, ang layo n'on! Oh my God, i'll call your Tita Gigi, baka sakaling mapakiusapan ko pa siyang huwag kang i-assign doon." ani ng Mama niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa pagkaka-assign niya sa Davao.
"Ma, 'wag na po, nakakahiya."
"Pero anak, ang layo ng Davao. Mag-isa ka lang d'on, hindi ko yata kakayaning mawalay ka sa paningin ko ng ganoon katagal."
"Ma, malaki na po ako. Hindi na ako bata. Kaya ko na po. And besides, trabaho naman po ang ipupunta ko r'on. Pipilitin kong maka-uwi t'wing may pagkakataon ako. And, puwede n'yo rin naman po akong dalawin d'on anytime you want." pagpapalubag niya sa kalooban ng ina.
Kung sakali ay ito ang unang pagkakataon na mawawalay siya rito. At inaasahan niya nang hindi magiging madali ang pagpayag nito.