Madaling-araw na nang makauwi si Uno.
Mabuti na lang at naayos ng mga abugado niya ang kaguluhang kinasangkutan at nalinis ang kanyang record.
Maging si Sean ay pinakawalan na rin dahil nakapagpiyansa ito ngunit pina-blotter pa rin siya ng magpipinsang mga Semira.
Binuksan niya ang refrigerator upang kumuha ng yelo at ilagay sa ice bag. Napangiwi siya ng dinampi ang cold compress sa kanyang noo. Kanina pa niya iniinda ang pagkakalamog nito dahil sa away nila ni Sean. Hirap din siyang maglakad dahil sa pagkakapalo ng mga tanod sa kanyang binti nang sila ay awatin. Iika-ika siyang nagtungo sa sala upang doon magpahinga muna.
Pinapanatili pa sana siya sa ospital nina Wiz at Luis ngunit alam naman niya sa kanyang sarili na minor lang ang injuries. Wala rin naman nakita na bali sa kanyang mga buto kaya minabuti na lang niyang umuwi.
"Uno..." pagtawag ni Alfa.
"Nagising ba kita?" Lumingon siya sa kinaroroonan nito at pinilit na ngumiti. "Pasensya na."
Lumapit ang dalaga sa pinaglalagian ng binata. Umupo siya sa tabi nito at inobserba. Maliban sa malaking pasa sa noo, nagkasugat din ang ibabang labi nito at bahagyang nagkaroon pa ng black eye. Nakunsensya siya at sinisi ang sarili dahil napahamak pa ito ng dahil sa kanya.
Umiwas ng tingin si Uno na patuloy pa rin ang pag-aapply ng cold compress sa noo.
Nanatili silang tahimik at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Kinuha ni Alfa ang dalang gamot at ointment ni Uno.
"Ito pala e, linisin at pahiran natin ng gamot 'yan mga may sugat mo."
"Ako na." nahihiyang pagtanggi nito.
"Teka. Kukuha lang ako ng cotton at earbuds."
Nagtungo siya sa silid upang kunin ang mga nasabing gamit. Pagbalik niya ay maingat niyang nilinis at nilagyan ang mga sugat nito. Tila ba isang maamong tupa na tinanggap lamang ni Uno ang alagang ibinibigay ng dalaga. Pinigil niya ang sarili na ngumiti kahit na nangingilabot na siya sa kilig.
"Ayos na." pagpapahinto na niya rito. "Bumalik ka na sa pagtulog."
"Hindi ako inaantok."
"Sigurado ka?"
"Oo. Gising na gising ako." walang kakurap-kurap niya na pinahayag.
"OK. Ako, inaantok na. Mag-beauty sleep na ako. Huwag mo akong panoorin dahil mako-conscious ako." Humiga ito at nagpanggap na natutulog. Napatawa si Alfa dahil sa sitwasyon nito ay nagawa pa nitong magbiro.
"Seryoso? Beauty sleep? At, tutulugan mo pa talaga ako?"
"Hindi ako sasagot dahil tulog ako."
"Grabe siya! Sige, inaantok na rin ako. Pausog..." Siniksik niya ang sarili upang makatabi ito.
"Sisiksik pa e..." pagkontra kunwari ni Uno. "Ayan naman 'yun mesa. Diyan ka, maluwag pa."
"Kasyang-kasya naman tayo e!" pagpupumilit ni alien girl.
"Huwag mo akong ma-chancing ha! Ikaw ha..." pigil sa pagtawa na binintang ng binata.
"Che! Ang kapal ng face mo ha!" Tinulak niya ito ng bahagya upang mas magkasya siya. Isang impit na aray ang narinig mula sa binata nang aksidenteng tumama ang siko niya sa nalamog na tagiliran nito. "Oops, sorry na!"
Tatayo na sana siya ngunit nadulas siya mula sa sofa. Bago pa man siya mag-landing sa sahig ay niyapos na siya ng katabi upang hindi na masaktan pa.
Napasandal si Alfa sa dibdib ni Uno.
Pareho silang nagulat dahil sa naging posisyon nila na mala-koreanobela ang theme.
Mga ilang milliseconds din na nag-eye to eye ang mahaharot.
Dahil na-awkward moment ang ating mga bida ay umupo na sila at umusog ang bawat isa sa magkabilang dulo ng sofa.
Ang lalandi kasi!
Hiyang-hiya sila at nagkailangan na magtinginan pa. Inipon ni Uno ang lakas ng loob upang simulan ng magtapat ng nararamdaman sa kasama. Sa lakas ng tibok ng kanyang puso ay daig pa nito ang adrenalin rush kapag siya ay nakikipagkarera ng kotse.
"Sa una pa lang na nakita ko ang spaceship mo mula sa langit, naramdaman ko na ang presensya mo." paglalahad na niya.
"Talaga? Nakita mo ba ako sa loob?"
"Hindi. Ang unang napansin ko ay hugis hamburger ang sasakyan mo."
"Akala ko pa naman...kumaway pa ako sa iyo..." may pagtatampong sinambit niya dahil naisip niya na mas nagka-interes pala ito sa sasakyan niya kaysa sa kanya.
"Noong lumapit ka na sa akin upang mag-apply ng trabaho, magaan na ang loob ko sa iyo, kahit na alam ko na may kakaiba sa iyo." pagpapatuloy niya upang hindi na malungkot pa si Alfa. Sa layo naman kasi niya sa alapaap, imposible talaga niyang matanaw ito. "Kakatwa. Napakalayo ng mga mundo natin ngunit heto, kapiling natin ang isa't-isa."
Nagulat siya nang biglang lumapit ang kausap at pinagdampi ang kanilang mga ilong.
"Destiny." malambing na tinukoy ni Alfa habang hinahaplos ang buhok ng sinisinta. "Ikaw ang aking destiny."
"Ha?" pagtataka ni Uno, hindi dahil sa salitang "destiny" kungdi dahil ni-nose to nose siya ng kakuwentuhan.
"Sa planetang pinanggalingan ko, ganyan kami humalik...sa mga lalaking mahal namin..." pagpapaliwanag niya sa binata dahil batid niya na hindi ito na-gets ang nangyari. "Mahal kita, Uno. Na-love at first sight ako sa iyo."
"OK." Lumilipad pa rin ang isipan nito dahil hindi pa rin siya makapaniwala na na-nose to nose siya. Nang mahimasmasan ay nakaramdam siya ng tuwa.
Pareho pala sila ng nararamdaman ni Alfa!
Nais man niyang magdiwang ay naalala niya bigla ang maaaring maging handlang sa pag-iibigan nila.
Ang sumpa!
"Hindi ka ba natatakot sa sumpa namin?" pag-aalala niya. "Baka kasi, nabibigla ka lang."
"Sumpa o may sumpa, I strongly believe that we are soulmates. Kahit saan man tayo makarating, hahanapin natin ang isa't-isa. Biruin mo, nahanap pa kita sa Earth! Ikaw si Uno*. Ako si Alfa*. You are my "one" and only love and I am the "beginning" of your new life. Walang magagawa ang mga sumpa na ''yan sa atin!"
(Uno- Spanish word which means "One")
Alfa-variant of Alpha, which means "beginning" in Greek)
"Tama ka!" Hinawakan niya ang kamay nito at hinagkan. "Masaya ako. Napakasaya ko ngayon dahil nahanap mo ako. Kaya pala wala akong nakatuluyan sa mga exes ko, ang hinihintay ng kaluluwa ko...ikaw..."
"I agree!" in love na in love na sumang-ayon ang babaeng sinisinta.
Natigilan siya nang sumagi naman sa isipan ang ipinalit sa sumpa nila. Nagdalawang-isip siya kung ipagtatapat ba ito. Nagdesisyon siya na sabihin na dahil nais niyang magpakatotoo sa minamahal. "Naka-hold ang sumpa namin na maging sawi sa pag-ibig..."
"Ayun naman pala e! So, bakit malungkot ka pa rin?"
"Nakipagkasundo kami kasi sa duwende na palitan iyon ng isa pang sumpa. May mas masamang curse na pumalit..."
"Ha? May mas malala pa ba sa pagiging sawi sa pag-ibig?" pagtataka niya.
"Kasi..." nahihiyang paninimula ni Uno. Sinikap niya na ipaliwanag iyon na hindi mabibigla si Alfa. "Kami nina Wiz, Mike at Francis ay binigyan ng duwendeng nagsumpa sa amin ng isang taon na makahanap ng babaeng iibigin namin. Kapag nabigo kami...
"Anong mangyayari? Mamamatay ba kayo?" pagpa-panic niya na. "Oh no! Nasaan ba ang duwendeng 'yan at lagot siya sa akin! Hindi ako makakapayag! No way!
"Teka, huminahon ka." pagpapakalma niya sa paghi-hysterical ng kausap. "Hindi naman sa ganun..."
"E ano nga?"
"Kapag nabigo kaming apat, magiging isang pulgada na lang..."
"Ha? Magiging thumbelina na lang kayo?" shook na shook na napasigaw si Miss Alien.
"Hindi...'yun...ano...'yun...junjun namin..."
"Anong junjun? Korean word ba 'yun?"
"Hindi...." Napakamot na ng ulo si Uno dahil hindi pala pamilyar ang salitang "junjun" sa mga Bow-wowians. "Ang ibig sabihin ko, kapag nag-fail kami, magiging once inch na lang ang aming pagkalalaki..."
"Ay!" Pinigil niya ang sarili na tumili dahil sa big revelation na nalaman. "Ang harsh!"
Aminado siya na medyo nanghinayang dahil alam pa naman niya na biniyayaan ito. Kapag kasi naka-jersey shorts ito ay hindi maiwasang may bumakat at tumalbog. Alam niya na nahihiya minsan ang binata dahil kapag naiilang na ito, pasimple nitong hihilain ang shirt pababa o kaya tatalikod. Kahit kasi anong iwas niya na tumitig ay nahuhumaling talaga siya sa pagkakahulma ng buong katawan ng sinisinta.
Gayunpaman ay alam niya na makamundong pagnanasa lamang iyon at lilipas din kung "lust" lamang ang nararamdaman niya at hindi "love". Napagtanto niya na ang magandang itsura at katawan ay lilipas din naman kasama ng panahon. Ang importante para sa kanya ay palagi dapat na mananatili ang "pag-ibig" sa isa't-isa.
Narararapat lang na mahalin si Uno regardless of shape and size!
Maya't-maya ay napabulalas na siya ng tawa dahil malayo naman pala sa kinatatakutan niya talaga ang maaaring maganap.
"Buti na lang, 'yun lang! Akala ko e, ma-deads ka. I-hunting ko yan duwende kung sakali man!"
Natulala ang binata dahil sa reaksyon niya na tila na hindi big deal ang mangyayari kung sakali man na mabigo silang apat sa misyon.
"Sa mga nababasa ko, lalo na mga wattpader na babae, mga mala-ruler daw ang sukat ng mga pinagnanasaan niyong lalaki."
"Ano ka ba?" bahagya niyang pinalo sa braso si Uno dahil sa inaalala nito. "Grabe siya! Hindi no! Aanhin namin ang mga ganun kung sakit sa ulo. My love for you is more than that!"
Nag-uumapaw ang feelings ng binata ng mga panahon na iyon. Ramdam niya na nasa harap na niya ang tinatawag na "unconditional love". Mas naging desidido siya na huwag ng pakawalan pa ang babaeng matagal na niyang hinihintay.
"Salamat." Hinagkan niya muli ang kamay ni Alfa ng makailang beses dahil sa sobrang tuwa. "Maraming salamat sa pagtanggap sa akin ng buong-buo."
"So, sinasagot mo na ba ako ng matamis mong "oo"?" excited na napabulalas bigla ang dalaga.
"Hindi ba ako ang dapat manligaw?" naitanong niya dahil sa kakaibang pamamaraan ni alien girl.
"Nililigawan na kita noon pa, ano! Kaso, sobrang pakipot ka naman." Sumandal siya sa balikat nito at pabebeng humiling. "Sige na, sagutin mo na ako!"
"Sinasagot kita ng "hindi"."
"Uno naman e!" pagmamaktol niya. "Ang ganda ko, pagkatapos ibabasted mo lang ako?"
"Sige na nga. Oo."
Tuwang-tuwa si girlash sa narinig kaya pinagdikit niya muli ang kanilang mga ilong.
"Nakakadalawa ka na." pagpapanggap na nayayamot si Uno. "Kung maka-chancing ka e..."
"Gusto mo naman e! Ayieee!" panunudyo niya habang akmang hahalikan ito muli sa ilong. Bahagyang pinisil ni Uno ang ilong nito bilang tugon sa panunukso.
"Nais mo bang malaman kung paano humalik dito sa mga girlfriend at asawa?" may tono ng "teasing" na tinanong niya habang hinahaplos ang mahaba at malambot na buhok ng pinakamamahal.
"H-Ha? I like!" kilig na kilig na nasambit niya. Alam ko sa lips e. Ngumuso ito at hinintay ang inaasam-asam na earthling kiss mula sa bagong nobyo. "Please be gentle..."
Ngumiti si Uno at hinaplos ang makinis na pisngi ni Alfa. Pinagmasdan niya ang nagniningning na mga mata nito. Umaapaw ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa babae. Walang diamante o ginto ang makakatumbas sa kayamanan na mayroon siya ngayon.
"Uno, kiss me na..." may pananabik na inutos ng dalaga.
"Your wish is my command, my princess."
Pumikit siya at buong ingat niyang pinagdampi ang mga labi nila.
Halos mawalan ng hininga si Alfa nang dumikit ang mga labi ng kasintahan sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may kuryente na nag-spark sa kanilang dalawa. Napayakap na rin siya at kusang gumanti sa halik ng iniibig.
Mga ilang sandali lang ay naging mapusok na ang kanilang mga halik. Nagliliyab ang mga emosyon nila para sa isa't-isa lalo na at magkadikit ang kanilang mga katawan. Napahawak na ang dalaga sa butones ng puting shirt ni Uno dahil tuksong-tukso na siyang hubaran ito upang masilayan ng buong-buo ang nilalang na matagal na niyang inaasam. Likas na gentleman, marahan niyang hinawakan ang kamay nito upang huminto ngunit kumandong naman sa kanya ang kayakap kaya kaunti na lang ay bibigay na siya sa panunudyo nito.
Nagsisayawan ang mga atoms at DNA nila sa katawan at napa-OMG pa. Todo-suporta sila kung may love scene raw na mangyayari. Bumili pa sila ng popcorn at softdrinks para manood ng nakakapanabik na R-18 scenes. Alam naman daw nila na sizzling hot itong si Fafa Uno at siguradong mag-eenjoy ang sexy na si Alfa, the alien girl. Nakahanda na silang makarinig ng maraming "ugh, harder, more, faster, deeper" at kung anu-ano pa na pang-out of this world na mga salita.
Pero dahil killjoy si Author, walang mangyayaring ganoong eksena rito.
Nilayo na ni Uno ang sarili dahil baka raw maging SPG* ang libro na ito kung hindi siya magpipigil. Ayaw niyang mailarawan at maibandera sa buong mundo kung ilang inches daw ba talaga siya.
(Strict Parental Guidance)
According to him, shy siya.
Pumipintig na rin kasi ang pakiramdam ng kanyang bukol...
Bukol sa noo...
Kaya kailangang tumigil muna dahil baka ma-brain injury na siya.
At, nararapat lang na respetuhin si Alfa.
Hindi na dapat maisulat pa kung ano man private moment ang magkakaroon daw sila.
"Ay! Ano ba 'yun?" hiyang-hiya na napatili ang nobya. Hindi niya inaasahan na mararanasan ang mga bagay na kailanman ay hindi nagawa kahit sa fiance pa niya. Inalalayan siya ng nobyo upang makaupo muli sa sofa. "Akala ko dampi lang 'yun ibibigay mo, yun pala ang intense!"
"Halik pa rin 'yun. Lips to lips."
"Alam ko pero...hindi ba masakit pa ang bibig mo?" pag-aalala niya dahil alam niya na may sugat iyon. "Sorry na. Nanggigil yata ako sa kissable lips mo..."
"Ayos lang. Nawala na ang sakit." paglalambing niya. "Mabilis na panglunas pala sa lahat ng sakit ang mga alien.
"Ows? Haha! So, pwedeng isa pa?" paghingi pa niya dahil bitin na bitin pa siya.
Tunay pala na nakaka-adik humalik ang mga Semira!
Malufet, to the highest power!
"Ayaw ko." pagtanggi ni Uno sabay talikod sa kanya.
"Ayaw mo?" Niyakap ni Alfa mula sa likod ang lalaking mahal. "OK lang, basta promise mo, palagi tayong magkasama ha? Walang iwanan?"
"Kung sa kubeta at jumejebs ako, ayaw ko ng may kasama..."
"Eeew. Kadiri ka naman e. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Magkasama tayo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya, in sickness and in health..."
"Oo na." pagpayag na ni Uno. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.
"Hindi kita iiwan."