ดาวน์โหลดแอป
56.66% Photoshopped / Chapter 17: Chapter 15

บท 17: Chapter 15

Chapter 15: Korny

It's another day para gumising at mabuhay. Wala talaga akong tiwala sa sarili ko. Masyado na naman akong nagpadala sa emosyon kahapon. Nakalimutan ko tuloy 'yung motto na ipinangako ko sa sarili no'ng araw na kinumbinsi ako ni Kuya na lumaban.

"Whatever happens, don't regret it."

Debak.

Just keep looking forward dapat ako sa buhay 'e. Ma'y pa-ganyan pa akong motto in life tapos iiyak-iyak naman ako no'ng natalo ako. Ma'y kaartihan din talaga ako sa buhay. Tinapos ko na lahat ang sakit na nararamdaman ko kahapon. Literal na tinapos ko.

Nakipag-usap pa nga ako kay Kuya tungkol sa mga nangyari kahapon. Nag-open din ako katulad ng sinabi ko kay Tita Francine. Halos parehas lang naman ang sinabi nila kaso mas naintindihan ko talaga si Tita. Ang hina kasi mag-explain ni Kuya. Naiinis ako 'e kaya parang gusto ko na lang siyang suntukin kesa sabihan ng problema.

Ma'y balak din akong makipag-ayos kina Tina at Jian ngayong araw ding ito. Kapag hindi ko sila nakita, ha-hunting-in ko talaga sila. Ayokong humaba pa ang hindi namin pagkakaunawaan sa isa't isa. Mas maganda na 'yung mas maaga pa ay naaayos na ang problema. Kailangan ko rin magbaba ng pride at humingi ng tawad sa kanila.

Hindi naman siguro ako mahihirapang humingi ng tawad sa kanila. Pareho silang ma'y mabuting pusong itinatago at hindi ko deserve ang mga bagay na ginawa nila para sa'kin. They had enough for protecting me and I really do treasure them alot.

Maaga akong nagising ngayon because I feel alive than before. Takang-taka nga si Kuya kung ano daw pagkain ang kinain ko kagabi at ang weird ko daw. Weird na pala 'yung maagang gumising.

"Sis, okay ka na ba ngayon?" Tanong ni Kuya Marco.

Sabay kaming kumakain ng niluto niyang ginisa. Kanina pa nga niya ipinagmamalaki ang luto niya 'e. Hindi naman ako maka-sabat at baka ipaluwa niya sa'kin ang kinakain ko.

Ang totoo niyan masarap naman talaga. Hindi ko lang ma-amin sa kanya at baka lumaki ang ulo niya.

"There is always another chance." I said and smiled.

"Wow naman, Sis. Parang hindi siya umiyak ng isang balde kagabi." Pang-aasar ni Kuya.

Saksi si Kuya kung gaano ako umiyak kagabi. Inilabas ko na kasi lahat ng luha ko kahapon at baka ma'y matira pa akong luha para ngayon. Mas maganda 'yung isang labasan na lang lahat ng luha at sakit para wala na sa mga susunod na araw. Hindi naman kasi makakatulong ang pag-iyak. Tama na 'yung isang araw na pagda-drama. Napapagod din naman ang mga mata ko.

"Sayang lang luha ko, 'no. Atsaka ma'y mga bagay talaga na hindi para

sa'tin, bro." Paghugot ko.

"Sayo lang. Meant to be ata kami ni International Representative!"

Kahapon pa siyang nagmamalaki. I'm really proud at him. My brother deserved to win. Laking pasalamat niya daw at natalo ako para hindi na daw siyang mahirapan. Alam ko namang nagbibiro siya kaya hinayaan ko na lang. Nilait niya pa nga si Tina na wala naman daw talaga itong talent sa photography at pinipilit niya lang ang sarili dito. Paulit-ulit niya din akong binola na ako daw talaga ang deserving maging president ng Photography Club. Pero para sa'kin, deserve din ni Tina ang pagkapanalo niya. Natutuwa ako para sa kanila.

"Hayst. Dapat lang na matuwa ka. Hindi gano'n kadaling magparaya." Pagmamayabang ko.

"H'wag kang mag-alala. Tatalunin ko talaga 'yang bitch na tumalo sayo."

"Kuya! 'Wag mo siyang tawaging bitch. Siya nga 'yung tumulong sa'kin 'di ba?" Sabi ko habang nakatitig sa kanya ng masama.

Grabe kasi siya kung tawagin si Tina na bitch. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa kanya na hindi bitch si Tina at mabait naman talaga ito. Galit na galit kasi siya kahapon no'ng malaman niyang blinackmail ni Tina si Jian para lang lumayo sa'kin.

Sa totoo lang, sising-sisi ako kahapon dahil ang dami kong ipinaratang na masama kay Tina noon. I should really stop judging people without knowing their side enough. Hindi madaling tumanggap ng husga mula sa iba, dahil mismo ako'y naranasan ko na. At sobrang sakit nito.

"Kahit na. Baka 'yan pa ang maging dahilan kapag hindi kayo nagkatuluyan ni Jian."

"Kuya naman! Kapatid ang turing ko kay Jian kaya 'wag mo na sana kaming bigyan ng meaning."

Palagi na lang siyang ganito. 'Yung klaseng bigla-bigla na lang akong aasarin kay Jian. Nakakainis na din 'e. Kahit minsan magpaka-over protective naman siya sa'kin! Kambal niya ako, duh!

"Ano ba 'yung mga tipo mo para masabihan ko na si Jian?" Inis na tinitigan ko siya.

"Wala."

"Anong wala? Babae ka pa rin, Marzia. Ano nga 'yung mga tipo mo sa lalaki?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Tomboy ka ba?"

"Gago." Bulyaw ko. Nabigla kasi ako sa sinabi niyang tomboy. Alam ko pa naman sa sarili kong babae pa rin ako 'no!

"Minumura mo 'ko?!"

"Joke lang 'e. Sabihan kaya kitang bakla tingnan ko lang kung hindi ka magalit." Inirapan niya ako at muling humarap sa'kin.

"So ano nga ang tipo mo sa lalaki?" Muli niyang tanong.

"Ewan. Siguro 'yung lalaking mapagmahal sa pamilya. Kapag kasi mahal ng isang lalaki ang pamilya niya, it means so much more. Nando'n na ang lahat. Ma'y love, loyalty, maalaga, at responsable."

"In love ka ba? Parang dati palagi mo lang dinededma lahat ng tanong ko tungkol sa lalaki."

"I'm just bored."

"Ibang klase ka talaga ma-bored."

"Ikaw, ano ang tipo mo sa babae?" Tanong ko.

"Maganda, sexy, maputi, matalino, mayaman, maalaga, mapagmahal at sexy ulit." Sabi niya at napangiti ng nakakaloka.

Kawawa naman 'yung mga babaeng mababait kapag ganyan.

"Ganyan ba ang tipuhan ng mga Heartthrob?"

"Madalas." Sagot niya. Pinansingkitan niya ako ng mata, "Tinutukoy mo ba si Felix?"

"No."

Tinitigan niya ako na parang sinusuri pa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. At dahil palagi naman akong nakapoker face, he can't tell if I'm really pertaining to Felix or not. Si Felix naman talaga ang tinutukoy ko. Tutal siya lang ang kilala kong heartthrob 'e kaya obvious na siya lang ang pumasok sa isip ko no'ng tanungin ko siya. Curious lang kasi ako.

"Kamusta na kayo ni Felix?" Tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya pero hindi na lang ako nagpahalata. Wala pa akong ibang bagay na sinasabi kay Kuya maliban dun sa false relationship namin. Hindi niya kasi magugustuhan once na malaman niya ang sitwasyon namin ni Felix.

"Okay lang."

"I mean, panong okay?"

"Okay, okay. Gano'n."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Marzia!"

"Tsk. Normal lang."

Normal, 'yung klaseng mahal niya ako tapos nalilito na talaga ako. Iniiyakan niya ako tapos nasasaktan din ako. Normal ba 'yon? Normal na masaktan.

"Nakakainis ka talagang kausapin." Inalis na niya ang tingin sa harap ko.

Mabuti naman at hindi na siya nagtanong ng kung ano. Kasi sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko once na tinanong niya sa'kin kung anong sitwasyon o relasyon ang meron sa'min ni Felix. Nahihirapan din ako 'e.

Ano bang nagustuhan sa'kin ni Felix? Kung sa mga fiction stories, I'm the complete definition of manang. Manang na expert mag-edit at professional photographer. Type niya pala 'yung mga manang na tulad ko. Sabi niya be myself lang daw 'e at patuloy niya akong mamahalin. 'E pa'no 'yun araw araw akong si Marzia

so araw araw niya din akong mahal?

Hindi naman ako mahal 'e, mahirap lang ako. Ayt, kung ano-ano na namang bagay ang pumapasok sa isip ko. Ang lakas kasi masyado ng tama sa'kin ni Felix, 'di na ako makapaniwala.

"Aalis na 'ko, 'wag ka ng magpalate

ha." Sabi ni Kuya.

"Sige."

Bihis na si Kuya samantalang ako wala pang kaligo-ligo. Inuna ko muna kasing kumain. Ewan ko ba, pagkagising ko kaninang umaga gutom na gutom na agad ako.

Naligo na ako at nagbihis. Tamad na tamad akong pumasok ngayon. I'm not ready to hear their rumors about me again. Pero lalo akong nagpapakita ng kahinaan kung hindi ako papasok ngayon. Mas lalo lang na magmumukhang totoo ang sinasabi nila kapag nagpadala ako sa mga panghuhusga nila.

I decided na maglakad patungong school kahit medyo alangan na ang oras. Malapit na kasing magbell. Ang tahimik ng paligid at kokonti lang ang mga estudyanteng nakatambay sa labas. Sabagay, malapit na rin kasing magbell.

Binilisan ko ng maglakad patungo sa third floor. Marami estudyante ang nagkumpulan sa dulo at hilera ng hagdan mula 1st to 3rd floor. Halata namang ako ang pinaguusapan nila. Sa tuwing titingin sila bigla-bigla na lang silang magbubulungan. I just simply ignored them.

Pumasok ako sa room at naabutan ko ang mga kaklase kong nakatingin sa gawi ko. Nagtaka ako sa kanila. Ano, panibagong issue na naman ba? Ang weird masyado. Ang tahi-tahimik nila.

Dumeretso ako sa upuan ko. Natigilan ako ng mapansin ko ang isang boquet ng bulaklak at box ng chocolates. Ang ganda ng bulaklak, it's my favorite flower which is tulips. Baka naman ma'y nakipatong lang. Sinilip ko 'yung isang card sa ibabaw ng bulaklak at nakita kung para kanino 'to.

To: Baby Bear

Manhid! Mahal kita. Hihi.

From: Master Bear <3

Bigla naman akong napangiti. Isa lang ang kilala kong nilalang na ma'y makapal ang mukha para ilagay 'to dito. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. Nililigawan niya ba talaga 'ko?

Bigla akong nagulat sa pagtitilian ng mga babae at pagsisigawan ng buong klase. Tumalikod ako at nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Kinindatan ako ni Felix and my heart skipped a beat. Ma'y yakap-yakap siyang maliit na bear which is color black. That's exactly my favorite color.

My heart starts pounding fast as soon as he walks towards me. Damang-dama ko ang bawat paghakbang niya at kinakabahan ako ng dahil dito. Ang lapit na niya sa'kin pero lalo pa siyang humakbang pauna.

"Give me a chance to court you." He looked at me straight in the eye with full of hope. He holds my hand and kissed it. Para akong nakuryente sa ginawa niya.

Teka nga. He isn't asking me, he's commanding me already! I can feel the butterflies in my stomach and I'm completely bothered by it. Ugh, pinipigilan kong tumawa o ngumiti by bitting my lower lip and forming my fist. Baka masuntok ko siya ng wala sa oras. He gives me strange feelings again which I can't handle enough.

Wala akong masabi. Literal na wala. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maramdaman sa mga oras na 'to pero kumakabog talaga ng mabilis ang dibdib ko.

"I'll court you no matter what. I'll make sure you'll fall in love with me just like how you made me fall for you."

Bakit ang possessive niya bigla?!

Lumapit ako sa mukha niya and whispered, "Baka masaktan lang kita."

Wala man lang akong nakita na pagbabago sa expresyon niya instead he still keep his same poise, "What's love without risks?"

Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa maliit na bear na hawak-hawak niya. Ngumiti siya sa'kin bago tumalikod. Pwedeng pa replay ng mga nangyari?

_________

Kinausap ko na si Tina kanina at nakipag-ayos na sa kanya. Tinanggap niya ng maluwag sa kalooban ang paghingi ko ng sorry. Sobrang thankful din ako sa kanya. Gano'n din ang ginawa ko kay Jian kaninang recess. Nakipag-ayos ako sa kanya at nagpasalamat ng marami. As for Caryll, wala pa din kaming pansinan. Wala akong pake sa kanya. Pero naisip ko ding patawarin siya kung sakali mang humingi siya ng tawad. Naiintindihan ko naman na nadala lang siya ng inggit.

Tuwang-tuwa nga ako dahil wala na akong prino-problema. Wala na kasi akong narinig na mga issue simula kaninang umaga. Nagtataka nga ako 'e, kaninang umaga parang ako na mismo ang naghihintay para husgahan nila ulit ako. Kaya naman pala nagbubulungan ang mga kaklase ay dahil kay Felix. Ang swerte ko daw talaga. Pero syempre hindi mawawala ang mga insecured na babae. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil hindi sila pinapansin ni Felix.

Haha.

Sinabi ko sa sarili ko kahapon na makikinig at sasagot na ako sa klase. Na magsisimula na akong magsipag para sa ikauunlad ng buhay ko. Pero nabalewala ang lahat ng 'yon dahil maghapon kong iniisip si Felix.

Lutang na lutang ako mula umaga hanggang ngayong dismissal dahil paulit-ulit na nagre-replay ang sinabi sa'kin ni Felix.

"What's love without risks?"

Ano nga ba? Siguro seryoso nga talaga si Felix. Ang lakas ng loob niya kaninang umaga, hindi ko talaga kinaya. Kanina namang duty ko sa library ay sinamahan niya ako at hinintay. He also treated me food kaninang recess at lunch. Tapos ngayon ay naglalakad kami papunta sa parking lot. Pinagdadala niya din ako ng mga gamit. Ang tanging dala ko nga lamang ay ang itim na bear na ibinigay niya sa'kin. Yakap-yakap ko pa ito habang naglalakad.

"Felix," Pagtawag ko sa kanya. "Mukha ba akong walang kamay sa'yo?"

Pinauna niya pa nga ako sa paglalakad para mabantayan niya daw ako. Ano ako? Asong nakatali? Nauunang maglakad habang hawak-hawak ng amo niya. Chos!

Rinig ko ang marahan niyang pagtawa. "Ikaw ang binibini ng buhay ko. I should treat you more than what you deserve. Kulang pa nga 'tong ginagawa ko para sayo."

"Pa'nong kulang? Baka mamaya buhatin mo 'ko para lang makapaglakad papunta sa school."

"H'wag kang mag-alala. Bubuhatin kita sa kasal natin at sa harap ng altar 'yon."

Natawa ako sa kanya. Ang galing niya talagang mag-joke. Sa sobrang galing niya hindi ko maiwasang hindi kiligin. Inaamin ko, kinikilig talaga ako. 'Yung klaseng napapangiti na lang ako ng basta-basta. Hindi na din biro ang pagtingin ko kay Felix, ma'y kasama ng kwitis.

Biglang ma'y tumawag si cellphone ko at nakitang si Jian 'yon.

[Hey, Marzia mah men.]

Mula sa tono ng boses niya ay halatang masayang-masaya siya.

"Whatssup, dude?"

[Ma'y gusto akong ipakilala sayo na ano...]

"Na ano?"

[Nililigawan ko.]

"Weh?!"

[Oo, seryoso ako. Sorry, biglaan. Gusto ko na talagang ma-meet mo siya.]

"Bakit, magulang mo ba 'ko?"

[HAHAHAHA. Syempre kaibigan kita 'e. Dito sana sa meeting place natin.]

"Ma'y trabaho pa kasi ako."

[Wala ka na talagang oras para sa'kin. Sige, ganyanan na ha. Nagbago ka na talaga. Hindi na ikaw ang Marzia na bestfriend ko. Kung sino ka mang masamang espiritu na sumapi kay Marzia Cruz, please lang umalis ka

na!]

"Gago ka! Bukas na please. Gusto mo bang wala akong makain? Papayat ako nun."

[Hoy hindi! Ayokong mawala ang siopao ng buhay ko.]

Natawa naman ako.

Girlfriend niya ba talaga 'yung kasama niya? Mukha namang hindi. Kung kausapin ako ni Jian ay normal na normal lang without limits ang bibig.

[Sige na nga bukas na lang.]

"Sorry ha, ma'y duty kasi ako kanina sa library, pagod na kaya ako, haha. Kailangan ko na ding umuwi for work."

[Sige. Ang totoo niyan... siya ang ma'y gusto na makita ka.]

"Tologo ba?" Pangaasar ko sa kanya.

[Oo! Basta bukas ha.]

"Sige. I'll meet your mystery girl tomorrow."

[Babush bes!]

He ended up the call.

Something is not right. Boses ng babae ang nagsabi ng 'Babush bes!'. It gave me shivers dahil pamilyar ang boses niya. Na parang kilalang-kilala ko siya. Kung sinuman 'yung nililigawan ni Jian, ang swerte niya sa kanya.

Nang mapansin ko si Felix ay nilapitan ko siya. Ang sama ba naman ng tingin sa'kin kanina. Tumawag lang si Jian sa'kin nagkaganito na siya.

"Okay ka lang? Uy bakit ang tahimik mo? Ang sama pa ng tingin mo

sa'kin." Sabi ko.

Hindi man lang niya ako matapunan ng tingin. Wait. Teka lang. Pinipigilang kong tumawa because of the thought that he might be actually jealous.

"Selos ka ba?"

"Puntahan mo na si Jian. Kung gusto mo ihatid pa kita. Sige na, sa'n ba 'yon? Para magkita na kayo." Inis na sabi niya.

Hindi ko na napigilang hindi matawa. Halata naman sa mukha niyang ayaw niya akong papuntahin kay Jian. Namumula pa nga siya sa inis 'e.

"Ma'y nililigawan kasi si Jian, gusto niyang ipakilala sa'kin." I said.

Tumingin siya sa'kin ng masama, "Bakit, magulang ka ba niya?"

I burst into laughter dahil parehas lang kami ng nasabi kanina.

"Kaibigan ko siya, Felix." Paglilinaw ko. Inis na inis na naman kasi siya 'e. "Selos ka pa? Ihahatid mo pa ba 'ko kay Jian?"

Masarap talagang pagtripan 'yung mga selos. Ang transparent niya pa namang tao kung minsan. Halatang-halata! Ewan ko ba, tuwang-tuwa talaga akong pinagtitripan siya.

"Pagod ka na. Sa'kin ka na sumama."

"Okay. Sabi mo 'e. Magkikita pa naman kami bukas." Natatawang sabi ko.

Nasa tapat na kami ng kotse niya. Papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong harangin at ikulong sa dalawang braso niya.

"Baby Bear, don't make me jealous again, or I'll tie you with me." Saad niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at napalunok na lang ako. "Whether you like it or not, I'll come with you tomorrow, and you can't do anything about it."

Unti-unti akong nagsisi sa pantitrip sa kanya. Iba pala siya magselos. Nakakatakot naman. Pero 'di ko maiwasang hindi kiligin at matawa sa presensiya niya. Ang bilis niya kasing magshift ng emotion.

Patawa-tawa ako habang nakatingin pa rin siya ng seryoso, "Sorry na, 'wag ka ng seryoso. Ang mood swing mo kasi!"

"Baby naman!" Inis na saad niya.

Umalis na siya sa harapan ko at sumakay na sa kotse. Nagpipigil siguro siya na upakan ako. Sumakay na din ako sa kotse at nagmaneho na siya. Hindi na ako nagsalita at baka bigla niyang maibangga itong kotse niya. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa gawi niya. Ang seryoso niya kasi.

Hay nako, Felix. Hindi mo alam kung gaano mo kinabog ang buhay ko. Hindi ko akalain na magkakagusto ka talaga sa'kin. Hindi ko man lang naisip noon na liligawan mo ako at ipagsisigawan sa buong campus na mahal mo ako.

Yes, there was a video of him saying

"I LOVE YOU, MARZIA CRUZ!" on the entire campus building. I was really shock by it. Kitang-kita ko na kasi ang pagiging seryoso niya sa panliligaw sa'kin. Hindi niya din ako ikinahihiya sa harap ng madaming tao. Proud na proud pa nga siya kanina na ipakilala ako sa tropa niya.

Felix Trono, you definitely made me crazy for you. At hindi ko na alam ang sunod na mararamdaman ko sayo sa mga darating na araw.

__________

Dumating kami sa bahay nila at dumeretso kami sa kwarto niya. Hinalwat ko ang bag ko to check on my phone pero nakita ko ang photographs at flash drive na ipinahiram niya sa'kin noon.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nung bigla siyang lumabas mula sa CR. This weird feeling again! I looked at the photographs at hindi ako maaaring magkamali, ako ang gumawa nito. Nagdadalwang isip pa ako kung tatanungun ko ba si Felixo hindi. Pero hindi naman masamang magtanong.

"Felix, sa'n mo nakuha ang photographs na 'to?" Tanong ko. I waved the photographs to him and handed it over.

He gulped. Namula rin siya at napaiwas ng tingin. "I-I would be lying if I didn't say it's not your works."

Kunot noo ko siyang hinarap. "I thought you burned them."

"I lied. I didn't even had the urge to do that." He said. This time, tumingin na siya ng diretso. "I'm the boy from three months ago. The one who asked you to meet personally. Would that make sense? Do you remember me?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at hiyang-hiya siyang napaiwas ng tingin nang mapagtanto niyang nakikilala ko siya. Tumalikod naman ako mula sa kanya dahil sa hiya. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. I can't believe it! Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Sana mapunta na lang ako sa ibang dimension. Please, ngayon na.

"That explains everything! It was you, you pretended to be that kid who always gave me requests. Sabi ko na nga ba hindi ka isang bata 'e! Kaya pamilyar din sa'kin ang mga ibinigay mong photographs noon. Why didn't you told me earlier?!" Tumatawa-tawa pa siya sa naging reakyon ko.

Shit naman. Ang tagal na niya pala 'tong tinatago sa'kin! Gusto ko na lang siyang sakalin. Naiinis ako! Tinitigan ko lang siya ng matalim. Mabuti na lang talaga at hindi ko siya pinatulan noon. Dapat siya ang nahihiya sa'kin 'e! Pero mukhang ako pa ang nahihiya sa'ming dalawa. Gago siya, sobrang sweet niya magchat sa'kin noon. Nakakahayop.

His story is true. He did met me that day. Nagrecall lahat ng sinabi niya sa'kin noon kung paano niya ako nakilala. 'Yung ginawa naming blog noon naalala ko. It was supposed to be a made up story on how we met as fake lovers but I didn't expect that it was true after all. Kwinento niya pala lahat ng totoong nangyari.

"Photography, for all intents and purposes, is a form of art. Therefore, it requires a creative mind-and plenty of imagination. I always love photographs at dahil nasa recent searches ko 'yon palagi, madaming page ang nakikita ko sa recommendation ko. But only one page caught my attention, the Photo Aesthetic page na ngayon ay mas kilala na bilang PhotoArts."

"Humanga ako sa mga nakikita kong photographs sa page na 'yon kaya naman palagi kong binabantayan ang mga bagong posts sa page. Iba kasi ang dating sa'kin, hindi lang basta photographs, it's pure and I adore it alot. Because of too much admiration, I always wondered who is the person behind it. Actually, I thought lalaki ang may-ari non, a father maybe? He always quotes photographs about a daughter or to a lover perhaps, until I noticed that the style changed. Then I thought it's definitely a girl behind the page this time."

"Hanggang sa naglakas loob akong i-message 'yung page, na magrequest ng magrequest ng kung ano-ano, makita ko lang na nakukuha ko ang atensyon niya ay masaya na ako. Until I fell in love with her works and herself. I even brag money just to see her, nagdahilan pa nga ako na dahil sobrang laki ng halaga ng photograph na pinagawa ko ay i-meet niya ako personally. Dun na kami nagkakilala, hanggang sa ayain ko siya makipag-date at dumating sa puntong nagkaroon na din kami ng nararamdaman para sa isa't isa."

Pero hindi niya ako inaya makipag-date. Hindi man lang siya nagpakita sa'kin noon. Tanging sa butler ko lang niya iniabot 'yung artwork na ipinagawa niya. I didn't expect that it would be him! This is unbelievable. Sa dinami-rami pang tao siya pa talaga 'yon. My gosh, nahiya tuloy akong tumingin sa kanya. I remember our conversations! Ang sweet niya palagi kahit na tinataboy ko siya. Pinapansin ko lang siya kapag nagrerequest siya.

"I-I want you to love me as Felix who doesn't have any background communications from you but only to this present. But I guess, I could fail to do that because you're too numb to even notice me."

Namula siya at hindi makatingin sa'kin ng diretso. Ang transparent niyang tao lalo na kapag umaamin siya. I remember those days na namumula din siya dahil sa pag-aalala sa'kin. I'm too shy to admit that he is really cute.

I felt guilty. So mahal niya talaga ako. Mahal na mahal. He wasn't lying after all. Ako lang 'yung nagiisip na nagsisinungaling siya noon. The efforts he gave me was true and not just because of our agreement. He really does love me.

"Why didn't you showed up?" I asked pertaining to our meet-up.

Wala akong ibang masabi. Pati ako sobrang nahihiya na din sa kanya. I have no idea na matagal na siyang ma'y pagtingin sa'kin. I'm too numb to even notice it.

"N-nahihiya ako. At kahit magpakita ako sa'yo hindi mo din ako magugustuhan. I didn't even expect that you are the one behind that page. Matagal na akong ma'y gusto sayo, aamin na sana ako no'ng araw na 'yon kaso ang lagkit lagi ng tingin mo sa'kin noon, na para bang ako na ang pinakamasamang lalaki sa buong mundo. Kaya sabi ko hahanap na lang ako ng magandang pagkakataon para makilala mo ako." Sagot niya.

Shit. Hindi ko kinakaya lahat ng sinasabi ni Felix. Ugh, nabibigla talaga ako sa lahat. Bakit ang bilis lahat ng pangyayari? Now, I can feel the butterflies in my stomach. Kinilig ako at natatawa at the same time. So this is how it feels to be adored and loved by someone. This is foreign to me.

"So you hired me on purpose?!" Gulat na tanong ko. Ito na siguro ang sinasabi niyang pagkakataon para makilala ako.

"I did." He answered.

At unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Lupa kainin mo na 'ko. Kung pwede lang lumipat ng ibang dimension ginawa ko na. Nakakahiya, ang awkward! Ugh, so matagal na niya akong kilala! Samantalang ako walang ka-ide-ideya tungkol sa kanya!

_______

Kakatapos lang naming kumain. Nagbibihis ako ngayon sa CR. Bibigyan na sana ako ni Felix kanina ng damit nang maalala kong nagdala nga pala ako ng t-shirt ni Jian at isang pants.

Nalaman ko din kanina na alam na pala ni Tita ang balak na pangliligaw sa'kin ni Felix. From that, dun ko na talaga nasigurado na totoo siya sa'kin. Kilig na kilig talaga ako to the bones kanina. Ang hirap ngang magpigil dahil pinagtulungan na naman ako nung mag-ina. As usual, dinaan ko na lang sa patawa-tawa.

Lumabas na ako sa CR at naabutan ko si Felix na nakakunot ang noo sa'kin.

"Ma'y panglalaki kang damit?" Tanong niya.

"This is mine, from Jian."

Agad na nagkasalubong ang kilay niya ng mabanggit ko si Jian, "Hubadin mo 'yan!"

"Bakit-----"

"Felix!" Pagtawag ni Tita Francine mula sa pintuan. "Anong pinapagawa mo kay Marzia?!"

"Ma! Hindi po ito katulad ng iniisip niyo." Pagpapaliwanag ni Felix.

Tarantang-taranta na nga siya 'e. His expression is priceless. Para siyang nakagawa ng krimen sa itsura niya.

"Pinaghuhubad mo?! Hindi kita pinalaki ng ganito!"

"Ah... Kasi Ma-----"

"Ah, Tita. Suot ko lang po kasi 'yung t-shirt ng bestfriend kong lalaki." Saad ko.

Oo, ma'y balak talaga akong ilaglag si Felix. Ang babaw niya 'e! Galit na galit agad! Mas bet ko kaya 'tong t-shirt ni Jian.

"Hubadin mo 'yan!" Nabigla naman ako sa sinigaw ni Tita. "Bakit ba kasi sinuot mo 'yan? Malamang magseselos talaga 'tong anak ko."

Ano daw?! I was literally freezing. Tiningnan ko si Felix na nakangisi mula sa'kin. At tuwang-tuwa ang loko. Si Tita naman kasi! Nasobrahan sa pagiging supportive mother!

"Ah sige po. Magpapalit na po ako." Sabi ko.

Pumasok na ako sa loob ng CR at napasandal na lang sa pinto. Si Tita talaga... minsan masarap na ding sapakin 'e. Chos.

Kinatok ni Felix ang pintuan ng CR at binuksan ko ang pintuan. "Oh, baby, 'yung damit ko ang suotin mo ha."

Kinuha ko ang dala-dala niyang damit at inirapan ko siya. Patuloy naman siya sa pagngisi sa'kin. Sarap din sapakin ng isang 'to 'e. Sinara ko na ang pinto at nagbihis na.

Lumabas ako ng CR habang nakasuot ng black t-shirt at short na pang-babae. Dinala ko talaga itong short para makahinga naman ang hita ko dahil palagi na lang akong nakapants.

Takang-taka siyang tumingin sa'kin, "H-hati ang kulay mo?"

Sinilip ko ang hita ko at nakitang maitim ito samantalang sa paitaas ay unti-unti itong maputi. Itinaas ko naman ang manggas ng t-shirt na suot ko at gano'n din ito. Hati din ang kulay ko. Morena type talaga ako pero nasusunog ako sa araw tuwing bakasyon, hanggang sa tuluyan ng masira ang skin tone ko. Mahirap talaga kalabanin ang UV Rays, 'no.

"Oo, naglalako kasi ako ng suman noong bakasyon sa buong barangay namin tuwing tanghaling tapat at araw-araw ko 'yung ginagawa." I said.

Nag-iba ang expresyon ng mukha niya. I was about to stop my commiseration speech when I suddenly had the urge to say it all. Lumapit ako sa kama at naupo sa tabi niya.

"Tapos nagtitinda naman ako sa pwesto namin sa palengke tuwing hapon. Hindi kami mayaman. 'Yung bahay namin sa subdivision ay hinuhulugan pa din namin hanggang ngayon. Sirang-sira na kasi 'yung bahay namin noon kaya pinahiram muna kami ng Tito ko ng pera. Hanggang sa naisip kong gamitin ang talento na minana ko kay Dad kaya kahit papa'no lumuwag na ang sitwasyon namin." I said.

I forced a smile at napatitig na lang siya sa'kin. He can't even say a thing. Siguro tuluyan na siyang nawalan ng gana na ligawan pa ako. Sino nga ba namang mayaman ang magmamahal sa isang hampaslupang katulad ko?

Gusto kong malaman niya ang estado ko sa buhay. Gusto kong malaman kung mamahalin niya pa rin ba ako o hindi. Mas maganda na 'yung mas maaga pa ay malaman na niya kesa sa huli siya magsisi.

"Nakakaturn-off, 'di ba? Okay lang 'yan. Pwede ka pang magback out. Hindi mo kailangan na ligawan ako at bigyan ng kung ano-ano. Hindi tayo bagay. Kung patuloy mo lang akong liligawan dahil naaawa ka sa'kin, it's better if you'll just stop. It wont hurt from my side so don't worry. Maiintindihan ko naman."

Hinawakan niya ang kamay ko and hold it like he owns it. He kissed it before looking at me.

"You're a very brave woman that's why I love you even more. It must have been a tough life for you. I'm sorry I was not there for you. I will never let you live a life like that again. I will achieve my dreams for you. Magsusumikap ako at maghahanap ng magandang trabaho. I didn't court you just for you to be my temporary girlfriend, I want you to be my wife and enjoy the rest of my life with you. I know that it's to earlier to say something like this but I really do love you. 'Wag mo sanang isipin na natu-turn off ako dahil kahit anong mangyari minahal kita bilang ikaw at hindi dahil sa estado mo sa buhay." Sabi niya.

"Tanggap kita bilang ikaw at sana tanggapin mo rin ako."

"I already did, Felix."

I smiled at him and rest my head on his shoulder. I'm too comfortable with him already. He wrapped his arms around my waist. His presence makes me feel sealed and protected. Siguro nga ganito ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi mo namamalayan na unti-unti ka ng nahuhulog sa isang taong hindi mo inakalang mamahalin mo din sa tamang pahanon.

From this day, I already did lose to Kuya Marco.

What can I say, this is what love can do.

___________

Hinatid na ako ni Felix kanina pauwi. Nagblog kami about sa laro. Tutorial kumbaga at technics. Tapos ako pa 'yung ginawa niyang newbie na tinuturuang magdemonstrate ng laro. He also pointed out the common mistakes that newbie does, which is 'yung mga maling nagawa ko habang tinuturuan niya ako. Laughtrip nga, naging comedy 'yung tutorial. Natapos ko na ding i-edit 'yon kanina. Nagpaturo din siya kung paano mag-edit. Gumagawa lang naman siya ng paraan para mahawakan ang kamay ko kaya tawang-tawa ako.

Sa susunod ay Cooking Show naman daw. Tawang-tawa nga ako sa kanya 'e. Random na random na talaga ang mga videos niya. Binansagan na nga siya bilang "ThisRaNdOmGuy".

Dahil sa dami ng request na palitan ang name ng YT Channel ay ginawa niya ito. Kaso ng silipin ko kanina, ang naging name ng YT Channel niya ay "LixZia". Couple blogger daw kami, hehe. 'Di na ako pumalag, cute kaya.

Ngayon naman ay nagtatakaw ako kasama si Kuya Marco. It's already 11PM at gising na gising pa kami. Nahuli niya kasi akong kumakain dito mag-isa kaya sasamahan niya daw ako sa paglamon.

Pinagmasdan ko si Kuya Marco, ang tahimik niya lang at parang ma'y malalim na iniisip. Napansin ko lang, parang kami na lang palagi ni Kuya sa bahay. Hindi ko na madalas makita si Mama katulad noon.

"Kuya," Pagtawag ko sa kanya at tiningnan niya ako. "Umuuwi pa ba si Mama dito?"

"Oo, hindi lang kayo madalas magpang-abot dahil dumederetso ka na agad kina Felix. Ang duty niya kasi sa office ay gabi."

"Sure ka bang umuuwi siya araw-araw?" Tanong ko.

"Madalas siyang nagbabantay kay Dad kaya hindi ako sigurado. Let's just trust our Mom. Alam mo naman kung gaano niya kamahal si Dad."

"Kailan kaya ako pwedeng bumisita kay Dad?"

Alam ko na ang sasabihin niya pero umaasa talaga ako na sana makakasama na ako sa sunod niyang pagbisita kay Dad. I really want to see him. I want to know for myself kung ayos lang ba ang kalagayan niya. Hindi ako marunong makuntento sa sinasabi ni Kuya Marco na ayos lang si Dad. Palagi akong kinukutuban ng masama. Alam ko namang ma'y tinatago rin sila ni Mama mula sa'kin.

"Marzia... Alam mo namang hindi ka papayagan ni Mama." Saad niya.

"For how many years?! Ilang taon pa ba akong magtitiis bago makita ulit si Dad? It has been 2 fucking years when I last visited him! Hindi niyo alam kung ga'no kahirap para sa'kin ang magtiis ng ilang taon! Hindi niyo maintindihan ang nararamdaman ko na hindi mapakali araw-araw habang iniisip kung okay lang ba talaga siya!"

Sabi ko. Hindi ko na napigilang hindi mapaluha.

"At the end of the day, hindi mo din kami masisisi Marzia."

Nakaramdam ako ng lungkot at galit. Alam ko namang kasalanan ko din kung bakit hindi ako makabisita kay Dad. The reason why I don't visit my Dad is because Mom wont let me to. Sa tuwing makikita ko kasi si Dad sa ospital ay naiiyak ako. Palagi akong pinapagalitan ni Mama dahil lalo daw pinanghihinaan ng loob si Dad. Sumunod na lang ako sa kanya dahil ayokong mangyari 'yon. Once na makita ko si Daddy sa ospital, hinding-hindi ko na kakayaning lumabas pa. Pero sobrang tagal na naman ng panahong 'yon at hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako payagan ni Mama. Nakakasakal siya!

Simula ng mangyari ang insidente ni Papa, hinding-hindi na ako kinausap ni Kuya Marco at hindi ko alam kung bakit gano'n siya kagalit sa'kin. Na parang sinisisi niya ako sa naging sitwasyon ni Papa ngayon. Mabuti na lang at nagkaayos kami ni Kuya Marco, kundi wala na talaga akong malalapitan sa pamilya namin. Lalong magiging mahirap ang lahat para sa'kin.

"Kuya, bakit palagi kang galit sa'kin noong ma-aksidente si Papa?" Umiwas siya ng tingin at napalunok pa. "Sinisisi mo ba ako? Ma'y nagawa ba akong mali noon?"

"D-Depress lang ako no'ng mga araw na 'yon. Sorry, sayo ko pa naibuhos ang galit ko."

"Do I deserve your hatred that much that you almost treated me like a rag?" Mahinahon kong sambit.

Ayokong magkagalit kami, gusto ko lang malaman kung bakit ba talaga ang tindi ng galit ni Kuya Marco sa'kin. Hindi ako naniniwalang dahil depress lang siya no'ng mga araw na 'yon.

"Please lang, 'wag na nating pagusapan ang mga bagay na tungkol dyan. Don't ever bring that up again."

Inis na saad niya.

Nangilid ang mga luha ko at bumalik na siya sa pagiging mahinahon nang tumingin siya sa'kin. "Hindi ako galit, 'wag kang mag-alala. Nagsisisi na si Kuya 'di ba? Oh, sorry na ulit. Paiyak ka na naman 'e."

Bigla namang umurong ang luha ko.

Nagawa pa talaga niyang mang-asar, tsk.

"Kakausapin ko na lang si Mama about diyan. Pipilitin kong pumayag siya, okay?" Tumango na lang ako.

Nagkunwari pa akong naiiyak para magpaawa sa kanya. Sana talaga mapilit niya si Mama. At sana talaga, pilitin niya baka kasi niloloko lang ako ni Kuya 'e. Dakilang paasa din naman siya kung minsan.

"Nga pala. Pumayag ka ba na magpaligaw kay Felix?" Tanong niya.

I gulped.

"Yes, Kuya." Sagot ko.

I didn't said anything directly to Felix pero parang gano'n na din. I was expecting na magagalit si Kuya pero hindi. Kakaibang nilalang.

"Bahala ka. Kung diyan ka sasaya 'e."

I looked at him weirdly, "Hindi ka ba dapat magalit?"

"Gusto kong magalit kasi baka paiyakin ka lang niya sa huli pero...tanda mo pa ba 'yung babaeng sinabi ko sayo na hinihintay ko?" Tumango ako. "It's Stacey. Bumalik na sa'kin ang the love of my life ko!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "Tangina ka. Kaya pala hindi ka galit sa'kin kasi wala ng mang-aagaw

sayo! At kailan pa naging kayo?"

"Matagal na, basta mahalin mo na lang si Felix. Mag-risk ka na para kay Kuya, please. Para parehas tayong masaya! Ayaw mo ba nun?" Nag-pout pa siya.

"Isa kang hayop na Kuya! Umaasa pa naman akong magagalit ka at pipilitin mo akong lumayo kay Felix pero ngayon halos ibigay mo na 'ko sa kanya!"

"Ganda ka, Sis?" Sabi niya at inirapan ko siya. "Ang totoo niyan... Lipas na ang galit ko sa kanya----"

"Lipas na lipas na talaga! Biruin mo 'yun, naisipan ka pang balikan ni Stacey!" Inis na saad ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o magalit dahil nagsisimula na naman siyang ireto ako. Parang kahapon lang nirereto niya ko kay Jian ah.

"Tse. Hindi na din ako masyadong nag-aalala para sayo. Iba na kasi ang tama sayo ni Felix. Seryoso siya sayo, Marzia." Sabi niya.

"Pa'no mo nasabi? Porket binalikan ka ni Stacey ganyan ka na. Asa'n na 'yung Don't fall in love with, Felix achuchu?!"

"Basta, mahirap i-explain pero hindi kasi siya nanliligaw ng babae. Sya ang nililigawan ng mga babae. He never courted a woman before, kaya nagulat ako no'ng tanungin ka niya kung pwede ba siyang manligaw."

"Bakit, hindi ba niya niligawan si Stacey?"

"Si Stacey ang nanligaw sa kanya. Like giving love letters, chocolates and many more to Felix. Tinutulungan ko pa nga siya noon 'e."

"HAHAHA. Ang tapang mo ha. Tinulungan mo talaga na mapalapit 'yung taong mahal mo sa mahal niya. Pero alam ba niya na mahal mo siya?"

Tumango siya at napakamot pa sa ulo.

Natawa na naman ako. "Ang sakit siguro, 'no? Na makita mo siyang masaya sa iba."

Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan pa ako. "Teka nga lang. Ikaw pa ba 'yang kapatid ko? Kailan ka pa natutong humugot?! Niligawan ka lang ni Felix 'e. Naranasan mo ding maligawan ng pogi! Akala ko talaga dati wala ng magkakagusto sayo ng matino maliban kay-----"

"Ewan ko sayo."

Natahimik kaming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala na hinahayaan ni Kuya na ligawan ako ni Felix. Masaya ako syempre pero ako ang nag-aalala para kay Kuya. Natatakot ako na kaya lang binalikan ni Stacey si Kuya ay dahil lang sa wala na siyang ibang choice. Gusto kong mahalin niya si Kuya ng buong-buo at hindi dahil hindi siya kayang mahalin ulit ni Felix.

"Pero sa totoo lang, ako talaga 'yung tumulong kay Felix kaninang umaga."

Biglang sabi ni Kuya.

"What?!"

'Di ko na kaya itong mga sunod-sunod na revelation sa'kin ni Kuya. Binibigla niya talaga ako sa lahat ng bagay. Ang galing niya magtago, naiinis ako.

"Maniwala ka man o hindi, tinulungan ko siya---I mean kami ni Jian. Alam mo bang ilang araw na siyang humihingi sa'min ng tulong? Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan namin."

At kasabwat pa pala si Jian, great. Kaya pala ngiting-ngiti sa'kin ang mokong kahit na paalis na ako sa harap niya pagkatapos ko siyang kausapin. Lagot na lagot na talaga sa'kin 'yon.

"I bet you didn't know that my favorite color is black and my favorite flower is tulips. Si Jian ang nagsabi, 'no?" Panghuhula ko.

"Pero ako ang nagsabing allergic ka sa roses. Halos hindi siya makapag-isip ng maayos ng malaman niya 'yon. Roses daw kasi 'yung ibinigay niya sayo no'ng hinarana ka niya. Muntik ka na daw niyang mapatay kaya alalang-alala siya sayo. Sinabi ko naman na hindi ikaw ang mamamatay kundi siya. Kasi patay na patay na talaga siya sayo. 'Yung totoo, ma'y pinainom ka ba sa kanya? 'Wag ka ng magkaila, Sis. Kung gano'n ka na kadesperada para gawin 'yon, tutulungan pa kita." Natatawang sabi niya.

Gago.

So matagal na niyang alam na mahal talaga ako ni Felix?! Ugh.

"I didn't do anything to him to love me like that. I don't even understand. Do you know why? Kasi parang hindi ko talaga deserve lahat ng ginagawa niya para sa'kin. I think it's too much." Sabi ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit. Realtalk. Gustong-gusto ko talaga malaman every detail kung bakit niya ako minahal. Hindi ako makuntento sa sinabi niya sa'kin noon. Feel ko kasi, hindi lang 'yun ang dahilan, hindi lang 'yung mga katangian ko ang nagustuhan niya. There is something more. And I'm really eager to find it all out.

Alangan siyang tumingin sa'kin at umiling. "That's what love can do."

Ang pag-ibig nga naman ang komplikado pero masaya kapag naramdaman mo. Maraming nagagawa ang pag-ibig ands it's in our own way to spread it.

______

Vote. Comment. Share.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C17
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ