ดาวน์โหลดแอป
50% Photoshopped / Chapter 15: Chapter 13

บท 15: Chapter 13

Chapter 13: Meeting de Avance

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa school kanina, naririnig ko na ang mga issue patungkol sa'kin. Sobrang sakit sa side ko na paratangan ako bilang malandi, manggagamit, at mapaglinlang. Nilandi, ginamit at nilinlang ko daw si Felix.

Oo, totoo 'yung ginamit ko siya but we've been fair to each other! Pero 'yung sabihin ako ng malandi dahil nga sa magbestfriend na Felix at Spencer, 'yon ang hindi ko matanggap. Kahit kailan wala pa akong nilalanding lalaki! Kung lalandi man ako, I'll make sure na para sa'kin talaga 'yung tao.

Nai-stress ako sa hinayupak na issue na 'yan. Kalat na kalat na sa buong campus! Whatever. I have no choice but to endure the pain and stop caring about what would others think of me.

I need to focus. Ugh, ilang beses ko ng pinilit ang sarili ko na i-focus ang atensyon ko sa speech na ipre-present ko mamaya. Wala pa ding pumapasok sa isip ko kundi si Felix, siya lang ang laman ng isip ko magdamag. Hindi ako masyadong nakatulog ng dahil sa kanya.

Gusto kong maging masaya dahil mahal niya ako. Pero nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na baka pinaglalaruan niya lang ako. Ayaw na ayaw kong mangyari 'yon. Ayokong ma'y taong gagamit sa'kin para sa kanilang kapakanan. Ayoko na magmukhang tanga sa paningin ng iba. Hindi ako katulad ng iba diyan na handang magpakatanga para sa pag-ibig. Hindi ako gano'ng klaseng tao.

Kahit isang beses sa buong buhay ko, hindi ko nagawang isipin na mamahalin ako ni Felix. Oo, heartthrob siya pero hindi ko kailanman hiniling na sana magkagusto siya sa isang tulad kong hampaslupa. Siya noon pa ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong campus. Noong mga panahong hindi niya pa ako kilala.

Unang-una, napakaingay niya sa tuwing nagrereview kami sa iisang room. Ma'y araw pa na pilit niya akong kinakausap noon pero hindi ko siya pinansin dahil nagfo-focus akong magreview. Final review namin kasi 'yon kaya wala talaga akong pakialam sa paligid ko. Pangalawa, pinaiyak niya ang unang babae na naging kaibigan ko. Nagtransfer siya noon sa ibang school nang dahil kay Felix. Broken hearted daw kasi siya at hindi niya daw kayang makita si Felix na ma'y kasamang iba.

Pangatlo, nakikipagbugbugan siya noon. Naalala ko pa noong naudlot ang activity namin sa school. Subject teacher kasi namin ang adviser nila kaya kinailangan umalis ng teacher namin para puntahan siya. Panira siya, handang-handa na ako noon para sa speech namin 'e, kaya naman noong kinabukasan namental block ako! Napahiya pa ako no'n. Pang-apat, pasikat siya sa mga babae. Sobrang pasikat niya. Isang mayabang na nilalang. Noong ma'y basketball game sa school namin, wala siyang ginawa kundi kumindat ng kumindat at magflying kiss lalo na kapag nakakashoot siya.

Lastly, siya ang tumalo sa'kin noon sa isang Math Wizard Representative Contest. Isang kalahok lang daw kasi ang pipiliin mula sa four representative, 1st to 4th Year JHS. Hindi naging masakit ang pagkatalo ko kasi siya naman ang pinakamatanda among the four of us. Ang kinaiinisan ko lang ay ang katotohanan na sa kanya pa talaga ako natalo. Ako kasi ang naging 2nd Place that time. Ngayon, natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa niya noon sa buhay.

At 'yon na nga, siya na naman ang iniisip ko. Ilang minutes na lang bago magsimula ang event at hindi ko pa din masaulo ang speech ko. This would be the last shot of the election and I need to do my best. Guess what kung anong ginagawa ko? Iniisip si Felix. Ang daming tanong na umiikot sa isip ko. Kung umiyak ba siya noong iwan ko siya kahapon? Nalungkot ba siya dahil hindi ko siya magawang mahalin pabalik? Hihinto na kaya siya sa pagmamahal sa'kin pagkatapos ng nangyari kahapon kung totoo mang mahal niya ako?

Hindi ko sinabi kay Kuya ang tungkol sa nangyari kahapon. Sinarili ko na lang ito. I think it would be best to hide it for now. I still need to focus for the election. Ngayong araw din matatapos ang lahat ng 'to. That includes knowing who won in the election, kung uuwi ba 'kong luhaan o hindi.

Sobra akong kinakabahan para mamaya. Sana kayanin ko. I did everything I could for our Partylist. Sa tingin ko naman ay nagampanan ko ng mabuti ang tungkulin ko bilang President ng Partylist namin. I really made sure of that. Gusto kong patunayan na deserving ako for the presidential position.

"Uy, okay ka lang? Tulala ka na ulit." I looked at Spencer.

Kasama ko siyang kumakain sa kantina. Bumawi talaga siya ng todo at binilhan ako ng maraming pagkain. Natuwa syempre ako. Food is life. Nang dahil sa pagkain medyo nakakalimot ako kay Felix.

"Sorry." I said and sight.

Bumalik na ulit ang tingin ko sa papel na hawak ko. It contains my speech para mamaya. Mukhang mahihirapan ako ng lubusan. Ang daming distraction, lalo na si Felix.

"Marzia, I want to ask you something about Felix."

Akala ko pa naman nakalimutan na niya ang tungkol doon. Hindi ba pwedeng 'wag na lang siyang mangialam? Kung kailan nakakapag-simula na ako sa pagsasaulo tsaka niya itatanong ang tungkol sa'min, great. Nawawalan nga ako ng gana para sa araw na ito.

"Ano? 'Yung tungkol ba kahapon?" Tumango siya sa'kin at hinintay ang magiging paliwanag ko.

Hayop. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Felix. Ugh, nakakahiya. Bakit nakalimutan ko agad ang tungkol don? Hindi na sana ako nagpakita kay Spencer. Siguro, iniisip niya na ang kapal ng mukha ko para magpakita sa kanya pagkatapos ng narinig niya mula Felix.

"He's trying to fix our relationship." Pagsisinungaling ko.

Mukhang pabigat na ng pabigat ang mga kasalanan ko. Ilang beses na ba ako nagsinungaling simula noong kasunduan namin ni Felix? Hindi ko na mabilang. Grabe, malala na 'ko.

"Wala bang nangyari sa inyo? Parang nasa bahay ka nina Felix non. 'Yung narinig ko kasi kay Felix parang ma'y gagawin kayong-----"

"Sinadya niya 'yon. Alam niya kasing kausap kita. Ang totoo niyan, editor ako ni Felix kaya palagi akong nasa kanila." Sabi ko. Halatang nagulat siya sa nasabi ko.

"Really? Wow, ang swerte ni Felix. Ma'y maganda na siyang professional editor at photographer."

Sa totoo lang, ako ang ma-swerte sa aming dalawa. Legit kasi ang sahod ko sa kanila. It helps me to save money faster. Mabuti na lang at ako ang pinili nila bilang editor kundi namo-mroblema sana ako ngayon.

"Actually, kahapon sobra akong nag-alala para sayo. I'm really guilty because I was not there for you. Kamusta ka ngayon? Masakit pa din ba?"

"Ayos na 'ko, Spencer."

"Ikaw lang ang babaeng kilala ko na mabilis magmove on within one day."

Tiningnan ko siya ng matalim at napatawa siya.

Feel ko talaga nagtataka na siya. Required ba na umiyak porket broken hearted? Kailangan bang magpashort hair ako, maglasing, stress eating, at mukhang broken para lang mapaniwala siya na nagbreak kami ni Felix? Hindi pa ba sapat 'yung kahapon? Gusto niya ba talagang masaktan ako, ganern?

"Spencer, don't judge me after what I'll say, okay? Kung ma'y sasabihin ka mang masama tungkol sa'kin, just keep it to yourself, ayokong marinig ang mga 'yon. I want to tell you this because you're my friend."

Kinakabahan ako 'e. Baka kung anong sabihin niya pagkatapos. Sana 'wag siyang lumayo sa'kin. Kahit kay Jian nga na pinakaclose friend ko nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Sana maintindihan ako ni Spencer kagaya ni Jian.

"I wouldn't judge you, Marzia. Friends doesn't judge each other, they judge people together. Just kidding." Natawa kami pareho. Totoo naman kasi, kahit nga kami ni Jian ginagawa namin 'yan madalas.

"Kung anuman ang sasabihin mo, it wouldn't change a thing between us, so don't worry." I looked at his eyes na nagsasabing magtiwala lang ako sa kanya.

I believe I can trust Spencer.

"My relationship with Felix is fake. We used each other for our own beneficial. I promote him to my page while he pretends to be my boyfriend to help me win in the election."

Akala ko magagalit siya o magtataka man lang. Pero nabuhayan lalo ang mukha niya. Mukhang natutuwa pa siya sa narinig niya. Minsan, kakaiba din si Spencer 'e.

"I knew it! Alam kong iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Akala ko talaga nabiktima ka ng false love ni Felix. Kaya nga sobra akong nag-aalala para sayo. Ayoko kasing masaktan ka ng dahil sa kanya." He said while smiling from ear to ear.

Imbis na matuwa, nalungkot ako sa sinabi niya. Biktima ng false love ni Felix? Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro nga biktima ako ng false love ni Felix, unti-unti niya akong napapaniwala hanggang ngayon. If I'm sure na walang nararamdaman para sa'kin si Felix, hindi ko sana siya iniisip ngayon, pero umamin siya sa'kin.

Sinabi niyang mahal niya ako. I think he even took the risk on saying it, kahit alam niyang hindi ako aamin pabalik kung sakaling ma'y gusto man ako sa kanya. There is something holding me back. Ayokong umamin ng hindi ako sure, ayoko siyang paasahin. Baka mamaya tama si Kuya Marco, na awa lang ang lahat ng nararamdaman ko para kay Felix, at biktima lang ako ng false love niya.

"You bring me hope, Marzia. Hindi na lang bagyo ang ma'y PAGASA ngayon kundi ako din!" He said.

I didn't know what he meant to say, but I just chuckled. Baka sabihin niya namang wala akong pakialam sa sinasabi niya.

"Nagseseryoso ba si Felix sa babae?" Tanong ko. Nawala ang ngiti sa labi niya nang banggitin ko si Felix.

Umiling siya. "Kung meron man siyang sineryoso, I think it's Stacey. Hindi pa nga siguro siya nakakamove on. They're still the same in our classroom, gano'n pa din sila kung magturingan just like a couple, kaya nagtataka ako noon kung bakit gano'n pa din sila 'e girlfriend ka ni Felix."

Sumikip ang dibdib ko. Wow, haha. Gano'n pala 'yung friends. Hindi ako na-inform na kapag magkaibigan kayo after closure ng breakup, required pa ring maglandian. Sinong ginago mo, Felix?

"You're a good friend of Stacey, right?"

"Yes."

I gulped. I want to ask my bothering question really bad. Gusto kong malaman ang totoo. Unti-unti bumibigat ang nararamdaman ko sa tuwing kasama si Felix at si Stacey sa usapan.

"Mahal niya pa ba si Felix?" Tanong ko.

"Oo. She's always hoping na magka balikan sila. She's very open with me. Don't worry, hindi ko nilalantad ang sikreto ni Stacey, gusto nga niyang malaman ng buong campus kung gaano niya pa din siya kamahal." Sagot niya.

Natahimik ako. Napaisip tuloy ako. 'Yung mga damit na pinili para sa'kin ni Stacey na hindi ko nagustuhan at 'yung mga bulaklak na alam niyang allergic ako dito. Dati kasi sa parke, binigyan ako ni Stacey ng isang rosas noong magkasalubong kami, kaso sinabi ko na ma'y allergy ako dito kaya hindi ko tinanggap. It makes sense now.

Kasing liwanag ng sinag ng araw ang pagmamahal ni Stacey para kay Felix. Gagawin niya ang lahat para lang bumalik si Felix sa kanya. Siguro nga totoo akong minahal ni Felix, at siguro nga mahal pa din ni Stacey si Felix kaya hindi niya ito magawang pakalwan. She's doing everything she could to turn me off from Felix. Ganito pala ang nagagawa ng pagmamahal. I didn't think that our situation could be this complicated.

"Aish. Bakit hindi na lang sila magbalikan?" Inis na tanong ko.

'Edi sana wala akong problema ngayon.

"Ayaw na sa kanya ni Felix 'e."

"Bakit naman? Ang choosy niya. Maganda, mabait, masipag, matalino, at mayaman si Stacey. Ano pa bang kulang?"

Parang ako lang ang nadudurog sa sinasabi kong mga katangian niya. Halos lahat wala ako niyan, talino lang ang ambag ko sa buhay, remember? Semi lang. Hindi ko ipinagmamayabang. 'Yung nga lang ang tanging asset ko para mabuhay.

"Noon kasi, ma'y palagi siyang binabanggit na babae-----"

"Iba-iba?" Tanong ko.

Baka kasi madami 'e, hindi na lang ako makikinig.

"Isa lang, syempre." Sagot niya. "First love niya 'yung babae noong bata pa sila. Parang childhood crush.  Hinahanap niya pa din siguro 'yung babae kaya hindi niya magawang balikan si Stacey." Paliwanag niya.

Ang malas nung babae. Biruin mo hindi niya alam na hina-hunting na pala siya ng isang babaero na nagngangalang Felix Trono.

Hindi ko magawang hindi maawa kay Stacey. Ginagawa niya ang lahat para bumalik sa kanya si Felix pero ayaw talaga. Gaano kaya kasakit 'yun? Hindi ko kayang husgahan si Stacey kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yun sa'kin. Malay ko ba kung gaano siya kadesperada para bumalik sa kanya si Felix, pathetic.

Biglang nagbell at nagulat ako. Napakapit ako ng mahigpit sa speech ko. Hindi ko pa ito saulo, mas pinili ko pang makipaghuntahan. Ang daldal kasi ni Spencer! Dinaldal ko masyado 'e, nakakainis.

"Spencer, sabay na tayo sa Gym." I said at tumango siya.

Tumungo na kami sa Gym at naabutan namin ang mga nagtumpukang tao. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at naghiwalay kami ni Spencer at pumunta sa kanya-kanyang partido.

Mula sila sa iba't-ibang section ng 1st Year SHS na Member ng Photography Club. Malas namin at nauna ang Club. Atleast mas mauunang matapos ang sa'min. Mas mauuna sina Tina na magpresenta kaysa sa amin. Nagpaubaya na sila, sila na daw ang mauuna, dahil pabor ito sa'min ay

pumayag din kami.

"Nasaan si Caryll?" Tanong ko.

"Kakaalis lang." Sagot ni West.

Napakunot naman ang noo ko. Palagi siyang nawawala everytime na nagre-rehearse kami o kaya'y nagpre-prepare. Minsan nakakainis na din 'e. Vice President siya tapos pawala-wala pa sa gatherings. Mas marami pa ngang naitulong ang Secretary kesa sa kanya 'e. Hayst, hindi ko maiwasang ma-disappoint.

My mood enlighten-up nang makita ko si Caryll na naglalakad palapit sa'min. Finally the Vice President who does nothing but to slack off. Kapag nagagalit talaga ako ma'y mga nasasabi akong hindi maganda 'e. Mabuti na nga lang at hindi lumalabas sa bibig ko kundi madami na sana akong napa-iyak na tao.

"Uy. Marzia! Sorry, kinuha ko lang 'yung script. Nakalimutan ko kasi sa bag."

"Okay lang."

Tumulong na siya sa pag-aayos ng props namin habang ako'y nakatingin lamang sa stage. Pumunta kami sa backstage para ilagay lahat ng gagamitin namin mamaya at bumalik sa pwesto namin kanina.

Nakahanda na lahat ng kapartido ni Tina kaso siya lang ang nawawala.  Nakaabang sila sa stage and any minute now ay magsisimula na sila. Where is Tina? Hindi naman siguro siya naghahanda ng masamang balak para sa susunod na Partylist. I just hope so. Lalo akong kinabahan dahil sa ideyang 'yon.

'Wag naman sana, utang na loob.

As expected, nakabantay sa paligid ang mga SC Officers. Malapit lang sa pwesto namin si Jian kaya iwas na iwas akong mapatingin sa gawi niya.

Nagsimula ng magpresenta ang partido ni Tina pero wala pa din siya. Tinatawag na ang pangalan niya kaso hindi pa din siya pumupunta sa stage. Ipinagpatuloy na lang nila ang pagpre-present kahit wala si Tina.

Ilang minuto ang lumipas at natanaw ko si Tina. Parang gumawa siya ng isang grand entrance dahil sa masigabong palakpakan at hiyawan na ibinigay ng madla sa kanya. Ang ipinagtaka ko lang sa kanya ay pawis na pawis siya at alangang napatingin sa gawi ng partido namin. Kinabahan tuloy ako. 'Wag naman sana, Tina.

Dama ko ang paghawak ng kung sino sa balikat ko kaya nilingon ko ito at hinarap. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at hinintay ang kung anumang sasabihin niya.

"Marzia, bati na tayo please as soon as matapos ang eleksyon. Kakain tayo sa labas after this. Babawi ako sayo, promise." Jian said.

"We have an after party so no thanks."

I saw disappointment written all over his face.

"S-Sige. Goodluck sa election. I miss you." Tiningnan ko siya. Ang lungkot ng mga mata niya. Naawa ako sa kanya. Miss na miss ko na siya.

"Salamat." Ngumiti ako ng mapait bago tumalikod sa kanya.

Lumapit ako sa mga kapartido ko upang mag-ayos ng mga natitirang gamit. Geez, I just turned my bestfriend down. It was such a bad move. Masyado akong nadala ng emosyon! Bakit ngayon lang siya nakikipag-ayos?! Bakit hindi pa noon?! Kailangan pa ba niyang patagalin ng ganito?! I don't know what he is doing but I am not liking it. Kung isa 'to sa mga trip ni Jian, isa 'to sa mga pinaka-kinaaayawan ko. Bakit niya ba pinaabot sa punto na hindi na kami nagpapansinan?! Hindi niya ba alam kung gaano kasakit 'yon sa part ko?!

I sight. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga gamit. Pinanggigigilan ko na naman ang papel na hawak ko. It was my damn speech na hindi ko masaulo kanina pa! How hard can this situation be?!

Malapit-lapit na din kaming tawagin. Naglakad na kami sa gilid ng stage habang nag-aantay na matapos sila. Ang huhusay nila magpresenta, lalong-lalo na si Tina. Kahit hindi siya nakarating ay bumawi siya pagdating sa kanilang naging dula-dulaan. Siya mismo ang nagdala sa mga kapartido niya, ang lakas talaga ng impact niya.

Tuluyan na akong pinanghinaan ng loob. Kinakabahan ako. Feel ko wala talaga akong laban kay Tina. I need to be the President in order to be the International Representative.

Nagtaka ako sa biglang paglapit sa akin ni Angela, "Si Caryll at Tina, nag-away kanina sa backstage. Kukunin ko sana 'yung script natin dun kasi hindi pa namin gaanong saulo. Pero nakita ko na lang silang nagsasagutan at ma'y mga estudyante ding humarang sa'kin doon kanina kaya bumalik na lang ako dito. Ang mga dinala nating gamit sa backstage ay nagkalat din."

We've been sabotage! Tangina, how did I let this happened?! Nagsimula akong mataranta at makaramdam ng galit. Shit, what should I expect?! Kinalaban ko 'yung dirtiest player ng school! I should had seen this coming! How stupid I am to believe na hindi kami sasabutahihin ni Tina! Umaasa ako na hindi! I should've known how desperate she is to grab that presidential position.

"Tangina!" Nagulat naman ang mga partido ko sa bigla kong pagmumura. Napakamot-ulo na lang ako.

Natapos ang pagpre-presenta ng partido ni Tina at tinawag na kami ng host. Still, wala pa din si Caryll. Nagpahintay kami ng ilang minuto para intayin si Caryll. Dumating siyang pawis na pawis at hinihingal.

"Marzia! Tina set us up. Sinira nila ang audio at props na gagamitin natin at pinunit ang script. Pinipigilan ko siya kanina sa backstage pero ayaw niyang paawat!" Aniya.

I tried convincing myself that all of this would fine. Walang maitutulong ang pagkainis ko kay Tina. The best thing I could do for now is to calm.

"The show must go on." I said and sight.

Umakyat kami sa stage at naupo sa kanya-kanyang upuan. Ma'y hile-hilerang upuan kasi dito na nakalaan para sa bawat posisyon. Unang nagpa-kilala sa madla ang mga councilor hanggang sa umabot na sa huli---sa'kin. 

This is it, the moment I've been waiting for. Bago pa man ako makapagsalita, they we're shouting about my page and name to show their support for me. Ang sarap pala sa pakiramdam na maraming sumusuporta sayo.

"PhotoArts! PhotoArts!"

"Marzia Cruz, reigns!"

"Woohoo! Go Marzia Cruz!"

I smiled widely at them. Kung hindi pa sila inawat ng host ay hindi sila titigil kakasigaw. Huminga ako ng malalim bago ibigay ang tulumpati ko.

Yeah, I am definitely taking a risk of delivering an impromptu speech again.

"Maligayang Araw, everyone! I'm Marzia Cruz from Section A, running as the President of Photography Club.

First of all, I want to say thank you to our Senior High School Principal, Mrs. Vergara." Tumingin ako sa gawi ni Mrs. Vergara.

"It's a pleasure to be chosen as a competitor for the Presidential position of the Club." Nginitian ako ni Mrs. Vergara. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ng madla.

"Photography, what is photography? As my friend said, photography, for all intents and purposes, is a form of art. Therefore, it requires a creative mind—and plenty of imagination." I said and Felix caught my atention. He is smiling widely from afar.

Kinuha ko galing kay Felix 'yun...

"That's why I am here, taking the opportunity of candidacy, to show and spread my knowledge and experience about photography. I have a dream for the members of this club and it's going to be a big one. I believe that each and everyone of you are here because you believe in yourself that you saw something in you, whether it's a passion or ambition to learn skills and to develop your talent in photography, you believe that from this club you'll be able to gain help from the organization. My fellow students, I promise that I wont disappoint you as I got elected as the president."

"I have three major objectives for the club: The first one is to help students develop photography skills. How could you be sure that you really are going to learn those? We will form a mentoring team in able to acknowledge the basics. We will also form different kind of levels from basics to intermediate. It includes the technical skills by level."

"The second one is to provide good quality of communication with other photographers. When you're photographing, knowing how to take a good photo simply isn't enough. It requires interaction with both the photographer and the others.

Through the club's activities, we would learn how to connect and communicate effectively with each other. Cooperation to draw out all the right emotions out of a photograph is very important."

"The third and last one is cultivating the key elements that makes up a photograph on your mind. It is important to learn how to find creativity and detail orientation in yourself. It keeps you to strive the talent you have and see the beauty

of a photograph."

"I have several experience as a photographer and I am open to share those as the President of the club or simply just a member of it. You are much aware of my page, which is known as the PhotoArts, and maybe some of you had already requested a photograph from me. I humbly say that my works wont change and I am willing to share all of my experience by the intervention of the

Photography Club. I kindly ask for your support, for me and my team,  we are one. Please do vote wisely and

I am hoping to be the president of y'all. Thank you very much!"

Shit. I nailed the speech! I really did! The crowd gave me an applause.

I bowed at them bago bumalik sa upuan ko.

"Thank you, Candidates! Now, let's overlook the presentation of SAWI  Partylist."

Nagprepare kami ng chairs para sa aming dulaang hugot. Ito na ang pinakapasabog namin sa presentation. Our genre is romance and comedy. Ang mga boys na kapartido ko ang halos nag-isip nito kaya natatawa talaga kami sa bawat scenario na prinaktis namin noon.

Dahil nga nawawala ang script namin, kahit anong natatandaan na lamang  na scenario ang ginawa namin.

Unang senaryo:

Jarren & Caryll

"Camera ka ba?" Tanong ni Jarren.

"Hindi. Bakit?" Sagot ni Caryll.

"Hindi ka man camera, pero napapangiti mo 'ko sa twing kaharap kita." Saad ni Jarren at tila'y kinilig si Caryll.

Napuno naman ng hiyawan ang gym.

Pangalawang senaryo:

Luke & Niana

"Buti pa ang lense, laging nakafocus, sana ikaw rin." Saad ni Luke.

"Nakafocus naman ako, iba nga lang ang tinitingnan mo." Saad ni Niana.

Pangatlong senaryo:

West & Angela

"Magmahal ka ng photographer para lagi kang ma'y bagong profile

picture." Sabi ni West.

"Aanhin ko ang profile picture kung papalitan ko din? Mas mahalaga 'yung photographer, they know how to capture beautiful memories with them." Sabi ni Angela.

Pang-apat na senaryo:

Klyde and Sammie

"Camera ko nga hindi ko mapalitan, ikaw pa kaya?" Sabi ni Klyde.

"Wala ka pa ngang camera pinaltan mo na 'ko." Hugot ni Sammie.

Panglimang senaryo:

Marzia Hampaslupa & Bagyong West Kanluran

"Mahalin mo ang isang photographer na gaya ko, I know how to capture your heart right." Paghugot ko.

"Did you mean how to delete my feelings in just a click of my finger?" Sabi ni West.

Pang-anim na senaryo:

Jarren & Angela

"Alam mo ba kung bakit ma'y dala lagi akong camera?" Tanong ni Jarren.

"Bakit?" Balik tanong ni Angela.

"Umaasa kasi akong ma-develop tayo."

Paghugot ni Jarren.

Pang-pito na senaryo:

Niana & Klyde

"Nagmahal, nasaktan, nagpalit ng Memory Card." Saad ni Niana.

"Nagpalit ka nga ng memory card, pero 'yung feelings mo sa'kin 'di mo mapaltan." Saad ni Klyde.

Pang-walo na senaryo:

Marzia Hampaslupa & Listen Luke Listen and Learn

"Magmahal ka ng photographer, they know how to see your worth by just staring at you." Paghugot ko.

"Sige nga, titigan mo 'ko!" Sabi ni Luke.

"Wala akong makitang halaga, ma'y iba ka na 'di ba?" Sabi ko.

Hindi ko kinaya 'yung mga banat ko. Parang hindi ako 'yung Marzia na kilala ko. I suddenly remember Felix.

Baka mapatulad pa ako sa kanya, delikado 'to.

Pagkatapos ng dulaang hugot ay prinoject na ang aming slide presentation. Nagpresent kami ni Caryll ng mga agenda namin for the Photography Club. Halata sa kanya ang pagiging prepared. Habang ako'y nauutal dahil minsan lumalayo na ang explanation ko.

"Talaga nga namang hindi nagpapahuli ang SAWI Partylist sa presentasyon! Atin tunghayan ang kanilang mga nagsisigabong litrato!" Saad ng host.

Ito na ang oras kung kailan kami nagsimulang magkatitigan ng mga kasama ko. Sira na 'yung Artworks na iprepresent sana namin isa-isa.

"Guys, paano na?" Tanong ni Sammie.

"I don't know. I didn't brought any of my spare photographs." Sagot ko.

Lumapit sa'min ang host ng Club at pinagsabihan kami.

"Matagal pa ba 'yan? Marami pang susunod na clubs na magprepresent. Kailangan niyo ng bilisan o mapipilitan kaming ipahinto ang iba niyo pang presentation." Aniya.

"Sige po." Pagsagot ko.

Humarap ako sa mga kapartido ko, "Guys, sayaw muna kayo. Gagawan ko ng paraan."

"Pero sira ang audio." Sabi ni Caryll.

"Ma'y iba akong tugtog na bagay sa sayaw natin." Saad ni West na dance instructor namin.

"Sige, kayo na muna ang bahala

diyan." Saad ko at pumuntang backstage.

Lahat ng pinaghirapan naming gawin ay nasira sa isang iglap. Nang makita ko ang nagkalat naming props at photographs sa sahig na sira-sira ay nadudurog ang puso ko. Literal na mas masakit pa sa breakup. Lahat ng efforts ibinuhos namin dito. Tapos masisira lang ng dahil sa kasakiman ni Tina?!

Nagsimula akong maluha dahil sa kawalan ng pag-asa. Hindi ko akalain na ganito magiging kasakit ang pagkandidato ko bilang presidente. Hindi naging maayos ang presentation namin and it reflects to me. Ako ang president nila, I'm the one who handles our partylist. Ang sama ng first impression ko sa members at kay Mrs. Vergara. I'm just hoping na hindi ako ang maging dahilan ng pagkabagsak namin. Masyado akong naging pabaya bilang president.

Nakita ko naman si Jian at agad niya akong nilapitan. Ma'y napansin akong lalaking nakasunod sa kanya, but my vision is blurred because of the tears in my eyes, kaya hindi ko ito magawang matingnan ng maayos.

Niyakap ko si Jian at lalong napaiyak. Niyakap niya ako pabalik at pilit na pinapatahan ako. Lalo kong hinigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Everytime that things would go wrong nandito siya sa tabi ko. I miss my bestfriend.

"Jian, ayoko na." I said na para bang nagsusumbong na bata.

"No, Marzia. Part 'yan ng election, tahan ka na. Okay lang 'yan. You did your best, 'di ba?" I wiped my tears and looked at him. "'Wag ka na iiyak ha, Marzia. It breaks my heart to see you like that."

Hindi na ako umimik, mapapaluha lang ulit ako.

"I brought some photographs of yours, just in case." Saad ng kasama ni Jian.

It's Felix. I wiped my remaining tears away. Ayokong nakikita niya akong umiiyak. Ang mata niya puno ng habag, selos at sakit na nadarama. Naalala ko lahat ng mga masasakit na salita na nabitawan ko sa kanya, masama na bang tao ang tingin niya sa'kin?

Madami siyang dalang litrato at isang flashdrive. Inabot niya sa'kin ang mga 'to.

"Salamat, Felix." I forced a smile.

Pero akala ko ba sinunog niya lahat ng photographs na galing sa'kin? Tapos ang dami niyang dala. Mapaglinlang na nilalang talaga 'tong si Felix. 'Di niya alam kung gaano ako nasaktan sa sinabi niya noon.

Nagpaalam na ako sa kanila at tumungo sa nagpro-project ng files namin. Ibinigay ko ang flashdrive sa kanya. Sakto namang natapos ang sayaw nina West. Naproject na ang mga photographs ko.

Nabigla ako dahil pamilyar lahat ng ito sa'kin. Hindi siya nagrerequest sa'kin bilang si Felix kundi bilang ibang tao. Sa sobrang daming photographs na ginawa ko para sa kanya, matatandaan ko talaga siya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Isinantabi ko muna ang bagay na 'yon at nagfocus sa photo presentation. Dapat talaga ay tig-iisa kami ng litrato pero dahil nga nasira ang amin ay 'yung aking photographs na lang. Nagbigay din kami ng konting explanation patungkol sa litrato.

Madaming namangha sa mga litrato. Natapos kami sa photo presentation at isa-isang nagpakilala muli.

"Thank you SAWI Partylist for the amazing performace and presentation!" Saad ng host.

Bumaba kami sa stage at nag-group hug. Napalitan ng kasiyahan ang sakit na nararamdaman ko. Ang sarap sa feeling na na-a-appreciate ka ng mga tao sa paligid mo kahit marami kang naging pagkukulang sa kanila. I may not be the best president, but atleast I did my best to become one.

"We did it!"

"Natapos natin!"

"It's all thanks to you, President!"

"You're the best President we ever met!"

Nagpasalamat ako sa kanila at humiwalay na. My eyes immediately tried to find Tina. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya. Biglang nagdilim ang paningin ko ng matanaw ko siya. Tumatakbo siya palayo sa gym at sinubukan kong habulin siya.

Nakita kong pumasok siya sa CR at sumunod ako sa kanya. Naabutan ko siyang umiiyak at nagulat siya ng makita ako. I just want to confront her. Malinaw na nakita ni Caryll at Angela ang ginawa niyang pangsasabutahe sa partido namin.

"You sabotaged me, didn't you? Tell me the fucking truth, Tina!" I said.

"Believe me or not, I didn't sabotage you! I've been playing fair from the start! For the first time, I didn't do any of my dirty works!"

Lalong nagdilim ang paningin ko sa kanya. She was caught off-handed tapos itatanggi niya pa! How ridiculous is she?!

"I doubt it, I know you Tina! You are such a treacherous person! Why can't you just admit it?!"

She tried to stop herself from crying pero lalo lang lumalala ang pag-iyak niya.

"I'm a treacherous person, okay? But I did played fair for the sake of Jian! You know how much he wants to protect you, and you know how much I love him to do everything he wants,  and that includes playing fair in the election for your sake! Because he cares for you too much! Do you get it?!"

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I'm still not convinced pero ayaw kong pa-awat. In the end, nanatili akong tahimik.

"But Caryll saw you! You're the one who sabotage us!"

"You'll just have to know it for yourself." Sabi niya na lalo kong kinaiinis.

Bakit ba hindi niya na lang sabihin kung sino?!

"Marzia, I appreciate you alot." She said. "I w-want to tell you s-something. I confessed my feelings to Jian the day we went to the Mall. Remember? 'Yung araw na nagdahilan siya sayo na malapit na ang birthday ng kapatid ko. It isn't true, ginawa ko lang 'yon para masolo siya. In that day, sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, that I'm willing to do everything just for him to love me back."

Nawala ang galit ko sa kanya. Parang alam ko na ang patutunguhan nito. From the tone of her voice, sobrang broken na broken siya.

"But h-he didn't felt t-the s-same way.

Matagal na niya akong tinataboy at alam ko na noon pa na wala akong pag-asa sa kanya, because he knows me from being a slut and he sees me like that kahit na hindi niya sabihin, I already know he thinks of me in that way and it fucking hurts. But I already changed for him pero hindi niya makita. Nakikita niya parin ang dating ako na punung-puno ng maraming pagkakamali. At alam mo 'yung pinakamasakit sa lahat? Sinabi niya sa'king ma'y iba siyang mahal, na hindi daw siya ang para sa'kin, but I think that he is exactly the perfect man for me. Sobrang sakit, ang sakit na hindi niya ako magawang mahalin. Minahal ko siya ng buong-buo kahit alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli."

Kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya pero alam kong sobrang lalim nito. Kitang-kita ko ang sakit at hirap sa mga mata niya. Her eyes says it all. Hindi ko din naman masisisi si Jian kung ayaw niya kay Tina.

Hindi ko man lang inakala na magiging ganito kahirap ang pinagdadaanan niya. Ibang-iba ang Tina na nakikita ko ngayon kesa sa Tina na mahusay at masayang nagprepresent sa stage.

"You're so lucky, Marzia. Hindi mo alam kung gaano ako naiinggit sayo. 'Yung taong gusto kong makasama, gusto ko mahalin, walang ibang hangad kundi ang pasayahin ka. He really treasures you alot. Ingatan mo siya." Sabi niya at ngumiti ng mapait.

"I don't understand. Lagi kayong magkasama, okay naman kayo 'di ba? Magkasintahan na nga kayo pero bakit ganyan ang sitwasyon niyo?" Nag-aalala kong tanong.

"He's just staying beside me all the time because I threatened him that I'll sabotage you in the upcoming election. It also includes distancing himself from you. Hindi rin totoo ang relasyon namin. I'm sorry, Marzia. I'm really sorry. Please-----"

"What?! I understand the fact that you love him the most, but to threaten him? You already crossed the line, Tina. That's not love anymore, that's what you call being constrictive." I said.

Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman ko. It makes sense now. Jian was protecting me all the time. I'm such a bad friend para akalaing hindi na niya ako kinikilala bilang kaibigan. Kaya pala gano'n na lamang siya tumingin sa'kin. Naalala ko naman ang sinabi niya.

"Please be patient and please don't get mad at me. I miss you."

Tuluyan na akong naiyak. Masyadong mabait si Jian para sa'kin. He really does cares for me. Hindi siya nagbabago. Siya pa rin ang Jian na kilala ko.

"Cliché as may it sound, but if you really love a person, you should learn to let go of them. Let them be happy in their own way, even if it means not having you as part of it." Dagdag ko.

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa balikat. I looked at her in the eyes, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.

"Please, 'wag kang magagalit kay Jian. Ayokong madagdagan pa ang galit niya sa'kin. Please, Marzia. Nagmamakaawa ako." She said.

Lalo lang akong naluha sa sinabi niya. Ang sakit sakit Jian. Tumalikod ako sa kanya at lumabas mula sa CR.

__________

Hindi talaga ako makamove on sa sinabi ni Tina. Hindi na rin ako makakain ng maayos kaninang lunch. Delikado na 'to. Kahit kailan hindi pa ako umayaw sa pagkain. Spencer always tried to cheer me up kanina sa kantina pero wala talaga. Nangingibabaw talaga si Jian sa isip ko. I know he's hurting because of me. Sana mapatawad niya ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanyang pangtataboy.

Kinakabahan ako. Nasa Auditorium kasi kami at kinakal-culate na ang bilang ng boto mula sa mga members.

I hope na hindi masayang ang pagod ko. I hope na sana ako ang mapili nila. This is my chance to be the International Representative. I can't afford to lose.

Natapos ang pagtatara at pagkakal-culate ng mga guro at nagsimula ng mag-announce ng panalo. Nauna ang Draw Club at natutuwa ako sa pagkapanalo ng kapatid ko. He is so happy at napapangiti akong makita siyang masaya.

Dumating na ang pagkakataon na sa  Photography Club na Officers na ang i-a-announce. Lumipas ang ilang minuto at tinawag na ang posisyon para sa presidente ng club.

"Lastly, the President of Photography Club of the year is," Pangbibitin ng guro.

"Tina Santos! Congratulations!"

Unti-unting nawala ang pag-asa sa'kin and a tear escapes my eye.

"I failed as the President." I mumbled.

____________

Vote. Comment. Share.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C15
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ