ดาวน์โหลดแอป
84.61% Paint Me Red / Chapter 44: CHAPTER 43

บท 44: CHAPTER 43

Nagbihis na si Ruby pagkatapos ay naupo lang muna siya sa gilid ng kama. Ipinikit niya ang mga mata, huminga ng malalim. Kailangan pa rin niyang harapin si Aegen kahit para man lang alamin kung paano siya makakaalis sa isla. Para doon ay ihahanda niya ang sarili. Patatatagin niya ang kalooban. Pero hindi pa man siya nakakapagsimula sa pag-iipon ng tibay ng dibdib ay naistorbo na naman siya ng panibagong pagkatok.

Anak ng...

"May I come in?" Boses ng lalaki ang narinig niya pero hindi iyon kay Aegen. Iyong lalaking kasama ni Tatiana, the one named Ted, ang nalingunan niya. "Oh, I can see you're ready to leave," anito matapos dumapo ang paningin sa mga gamit niya. "If you like, sumabay ka na sa 'kin."

"Aaalis ka na rin? Kakarating mo lang ah."

"Sinamahan ko lang si Tatiana." It looks as if he is trying to be casual about the whole thing but she detected a hint of sadness in his voice.

"Kaano-ano mo ba siya?" Hindi napigilan ni Ruby an mag-usisa.

"A...friend."

"With benefits?" Umangat ang isang kilay niya. It should be none of her business pero kung ganoon na nadadawit ang puso niya ay hindi makontrol ni Ruby ang bibig niya.

"Mutual benefits. And it's not just about sex. Anyway, my job is done so I'll leave. Nasa iyo na kung gusto mong sumabay sa 'kin o hindi."

"Sasabay ako," sabi agad niya.

"Kung ready ka na eh tayo na."

Gusto pang mag-atubili ni Ruby. A part of her can't seem to believe that it is over. Just like that, she would be leaving his place. Pero ano ba ang inasahan niya? Eventually, that would be the outcome. Aalis at aalis siya. Mas mabuti na siguro na ngayon na mangyari iyon. Later, when she is stronger, when she had healed even just a little, she would need to talk to Aegen about their deal. Pero saka na muna iyon. She needs space and she needs it right now.

Medyo nagulat si Ruby na hindi na nila kinausap pa ang mga iiwan nila. Mula sa bahay ay dumiretso na sila sa baybayin kung saan nandoon ang motorboat na sinakyan ng dalawang dumating kanina. She hates it that part of her is hoping they would encounter Aegen. Umaasa siya na pipigilan siya nito sa pag-alis kung sakali. But she hoped in vain. Malamang na busy ang lalaki. Busy making up for lost time with his girlfriend. Siguro ay nagkulong na sa kuwarto ang mga ito. And they are now eagerly savoring each other. Hininto niya ang pag-iisip ng ginagawa ng mga ito nang maramdaman niyang para siyang sinaksak sa dibdib. Bakit ba niya tino-torture ng ganoon ang sarili niya?

Just imagine what you'd do with your inheritance. Iyon na lang ang i-imagine-in niya.

Inalalayan siya ni Ted sa pagsakay sa motorboat. May problema yata talaga siya sa balanse dahil pagsampa niya sa bangka ay muntik na naman siyang masubsob. Kagaya ng nangyari noon sa kanila ni Aegen, napasandal siya sa lalaki. But that time around she felt no spark flare inside her. Ibig sabihin lang na hindi siya trigger-happy. Na talagang may something si Aegen kaya nakaramdam siya ng init sa unang beses na mapadikit siya rito.

Stop that! Bakit ba talaga niya pinahihirapan pa ang sarili niya?

Magtapos magpasalamat sa lalaki ay lumayo na siya rito. Si Ted pala ang mismong nagpaandar ng motorboat. Akala niya ay may naghatid lang sa mga ito. They were under way in a few minutes. Para ma-distract sa nararamdaman niya ay tumingin na lang sa karagatan si Ruby. She resisted the urge to look back. Itinimo niya sa isipan na wala na siyang babalikan. A tear escaped from her eyes but she quickly dashed it away with her fingers.

Wala kang dapat iyakan kaya itigil mo 'yan. This would be over soon. Makakabalik ka na sa normal mong buhay.

Nasa kalagitnaan na sila ng karagatan nang may marinig silang ugong. Sabay silang napatingala ni Ted sa pinanggalingan niyon. Isang chopper ang lumilipad sa hangin. Wala siyang nakitang kakaiba roon kaya nawalan siya agad ng interes doon. But not Ted. Nanatili itong nakatingala ng ilang segundo pa. Hindi pa ito nakuntento, may dinukot ito sa compartment. Binoculars. Itinutok nito ang mga iyon sa chopper na ngayon ay palayo na.

Sa isla ba iyon papunta? Naisip ni Ruby. It sure looks like it.

"Damn!" Ted seem to have reached the same conclusion. Agad nitong ipinihit ang motorboat pabalik sa pinanggalingan nila.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C44
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ