"A-ANO?" Hindi naintindihan ni Ruby ang sinabi ng lalaki. Kung sabagay, hindi nga niya inasahan ang ikikilos nito. She expected to see a gun pointed to her face. Pero hindi baril ang hawak nito nang ilabas ang kamay kung hindi isang smartphone.
"Hindi ka nagre-reply sa email na ipinadala sa iyo kaya pinahanap ka na sa akin." Parang iyon ang sinabi ng lalaki pero hindi siya makasiguro. Dumadagundong kasi ang malakas na sasal ng dibdib niya sa pandinig niya kaya hindi niya alam kung naringgan siya.
"Sino'ng nag-utos sa iyo na hanapin ako?"
Imbes sumagot ay nagtitipa sa telepono nito ang lalaki. Pagkatapos ay inilahad nito sa kanya ang screen. Ang email na ipinadala niya sa lola niya ang tumambad sa kanya. Hindi na niya nabubuksan ang email account niya na iyon. Mula nang mamatay ang mommy niya ay nawalan naman na siya ng dahilan para hintayin ang tugon ng lola niya. Nagsawa na rin siyang ma-disappoint sa tuwing makikita na walang nag-reply sa mga trabahong in-apply-an niya, kahit imbitahan man lang siya sa interview, kaya gumawa na lang siya ng bagong account.
Nabasa ni Ruby ang ipinadalang tugon sa kanya ng lola niya. Kelan lang iyon pumasok sa email niya.
"I am sorry I was not able to immediately respond to your message, and to your financial and emotional needs as well. I was out of touch with the modern world for quite a while. Ngayon, kahit huli na ay gusto kong bumawi sa naging kapabayaan ko. Come to my island." Iyon ang nakasaad doon. Naka-detalye rin kung saan ang lugar na tinukoy nito pati na kung paano siya makakarating doon.
"Hindi siya makapunta rito personally kaya iniutos na lang niya sa 'kin na iparating ang mensahe niya. Pero bago ko magawa iyon ay kinailangan kong hanapin ka," paliwanag ng lalaki. "Pinuntahan kita sa address ng nalaman kong tinitirhan mo pero wala ka na doon. Mabuti at may nakapagsabi sa 'kin na baka nasa bahay ka ng kaibigan mo. Kaya nandito ako."
Nawala agad ang galit na kinikimkim ni Ruby sa lola niya. May dahilan naman pala kaya hindi ito nag-reply. Hindi nito sinadyang dedmahin siya. Gumaan ang kalooban niya sa naisip. Gusto niya akong makita.
Nakakapanghinayang na nahuli ang pagtugon nito para mailigtas ang buhay ng mommy niya. And her life, too, in a way. Kung napaaga-aga iyon ay posibleng hindi siya napunta sa trabahong ngayon ay hirap na siyang iwan. Okay, fine, ayaw na niyang iwan. Maganda kasi ang kita at mas mapapabilis ang pagbangon niya kung doon muna siya ra-raket. Ganoon pa man ay natuwa siya sa pagtangkilik nito.
"Iniutos sa akin na kapag nahanap ka ay personal ko na lang iparating sa iyo ang imbitasyong nakalagay sa email," anang lalaki "Makakasama ka ba?"
Kahit siguro hindi naghahanap ng pansamantalang pagtataguan si Ruby ay tatanggapin niya ang imbitasyon. Masyado siyang natuwa sa ideyang gusto siyang makita ng lola niya.
"Oo," walang pag-aaubili niyang sagot.
ISANG bangka raw ang susundo sa kanya para dalhin siya sa isla. Iyon ang sabi ng lalaking naghatid sa kanya sa pantalan na nasa mainland. Sobrang private raw ng lugar na pupuntahan niya, kahit ito ay hindi pinapayagang tumuntong doon, kaya iiwan na lang siya nito sa pantalan. Parating na rin naman daw ang sundo niya.
Palinga-linga ngayon si Ruby sa paligid. Maraming nakadaong doon. May speedboat, may lantsa, may yate. Hindi binanggit ng lalaki kung ano ba ang sasakyan niya. Hindi rin nito sinagot ng matino ang tanong niya kung paano niya makikilala ang susundo sa kanya at vice versa. Basta raw maghintay siya.
Itinuloy niya ang paglakad papunta sa dulo ng pier, patanaw-tanaw pa rin siya sa mga bangka habang humahakbang siya. Umihip ang hangin at ginulo ang buhok niya. Kinuha ni Ruby ang scrunchie galing sa bulsa niya saka itinali iyon pero may ilang hibla pa rin ang nakatakas sa pagkaka-ponytail at tumakip sa mata niya. Nang mahawi niya iyon ay natanaw niya ang isang malaking lalaki. Nakatayo ito sa mismong daraanan niya, nakatingin sa kanya.
Kupas na maong at simpleng t-shirt ang suot nito. Maluwag iyon pero sa pag-ihip ng hangin ay humuhubog ang tela sa katawan nito, dahilan para maaninag niya ang malaking kaha nito. Nakarolyo ang manggas niyon kaya kitang-kita niya ang namumukol na mga kalamnan sa braso nito. The man is ripped.
She felt her cheeks heat up and her stomach heave. She could also swear she felt her pussy clench like it's saying fuck me now. Lalo pang nag-init ang mukha ni Ruby nang matukoy kung ano ang tinatakbo ng isip niya.
Sobrang tigang lang, girl? Sita niya sa sarili.
Well, tigang nga siya, inaamin niya. Mula nang muntik niyang maka-one-night stand is Cliff ay hindi na siya nakasabak sa aksiyon. Kaya para siya ngayong asong gutom na nakakita ng katakam-takam na buto.
Nakasuot ng baseball cap ang lalaki at dahil sa anggulo niyon ay hindi niya masyadong masilip ang itsura nito. Pakiramdam niya ay kinikilatis rin siya nito kahit pa hindi niya makita ang mga mata nito dahil na rin sa cap nito. The thought that his eyes are scanning her body made her pussy clench even tighter.
Maya maya pa ay nagsimula na itong maglakad palapit sa kanya. Kung nasa tamang pag-iisip lang si Ruby ay baka kinabahan na siya. Walang masyadong tao sa bahagi ng daungan na kinaroroonan niya kaya kung may masamang balak ang lalaki ay walang sasaklolo sa kanya. Pero kahit pumasok ang ideyang iyon sa isip niya ay hindi pa rin niya nagawang kumilos palayo rito.
She stood rooted to the spot, watching the guy as he strode towards her. Nang mag-angat ito ng tingin at sa wakas ay makita na niya ang mukha nito ay napasinghap siya.