ดาวน์โหลดแอป
82.45% Pagdating Ng Panahon / Chapter 47: Chapter 47: Ate Kiona

บท 47: Chapter 47: Ate Kiona

Kahit maingay ang nasa paligid namin. Parang wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko at ang kakaibang titig nya. Kanina pa sya iba kung tumingin at anumang oras, hindi ko na alam kung anong sunod nyang gagawin.

"Eh, ikaw. Kamusta na?." I asked him this dahil pakiramdam ko, wala akong pakialam sa nagdaang linggo na no communication at all saming dalawa. Baka isipin nyang di ako kailaman nag-alala sa kanya. No! It's a reverse. Yung isiping di ko dapat sya iisipin ng mga sandaling yun. Hinde. Lalo syang pumapasok sa isip ko kahit pilit kong winawala. "Akala ko nga galit ka sakin kaya siguro di ka na tumatawag o nagtetext."

"Who told you that?." gulat nyang tugon.

"Wala.. Myself.. Sino ba naman kasing hindi mag-iisip ng ganun sa kabila ng lahat?.."

"Ako.. Hindi ko kailanman naisip ang ganun Kendra. Sinabi ko lang sa sarili ko na baka, you need more space and peacefulness kaya ka di rin active sa social media accounts mo.."

Napasinghap ako. Oo nga pala. Deactivated lahat ng accounts ko sa social media. Ginawa ko yun to clear what's going on in me. Para matahimik at iwas stress. Hindi ko alam na hinanap nya pala ang mga yun.

"What? I didn't mean that. Mahigit isang buwan ko na ring dine-activate soc-med ko. Hindi ko ba nasabi sa'yo?."

May pag-dadalawang isip syang umiling. "I can't remember anything." anya. Trying to remember something na baka may nasabi nga ako sa kanya. O wala, talaga. Ako yata nakalimot.

At habang pinapanood ko nga ang pag-iling at pagyuko bahagya ng kanyang ulo sabay pa ng pagpikit. Meaning. Wala nga akong nabanggit.

Tsk.. Bad Kendra! Pinapaisip mo ang tao kahit wala naman syang ideya sa kung anong ginawa o sinabi mo. Hayst..

"I didn't do that for me to stay away from you. Sinadya ko talagang gawin yun before pa tayo magmeet sa police station.. I want to stay focus sa kung anumang ginagawa ko ngayon.. that's all.. wala kang kasalanan ha.."

Umayos sya ng upo saka pinagsalikop ang mga palad habang nakatingin sakin.

"Kailan ka naman babalik ng bahay?." all of a sudden. Out of the blue. Ito ang narinig ko imbes na ang opinyon nya tungkol sa nangyayari.

Kumunot ang noo ko't gumewang ng patagilid ang ulo ko.

"Poro.. that's not as easy as it was.." medyo paos pa akong nagsalita.

"It's easy if you want to, Ken... simple lang naman ang mga bagay.. if you think it is complicated.. it will become complicated.."

Ngayon. Nangangaral naman sya. Tell me it is easy without telling me it is easy.

"It's already complicated Poro.. paano ako babalik duon?. Ayokong husgahan ka ng ibang tao nang dahil lang sa kagustuhan ko.. that's a selfish move.."

"Babalik ka?." pilit pa nya. Parang ayaw pakinggan ang naging sagot ko. "Oo o hinde lang naman ang isasagot mo.."

Nagkatitigan kami. Matagal yun.

"Hinde.." matigas kong tugon. "Understand me please.. ikaw lang tong iniisip ko.."

Dahil sa naging sagot ko. Hindi na sya umimik hanggang sa mauna na syang umuwi.

He left me, hanging.

I feel like I betrayed my heart. Nagtatalo ang puso at isip ko sa naging pasya ko. What can I do then?. Dapat ko bang isugal ang kanyang pangalan?. No! Never! Ano nalang iisipin lalo ng Mommy nya sakin pagkatapos kong umoo?. Para na ring sinabi ko sa sarili ko na, bayarin nga akong babae kahit hindi naman.

I know the decision I made was hard for him to understand, by now. Baka nga mag-iisip na yun ng kung anu-ano. But knowing him. Hindi sya ganun. But who knows?. Hindi ko hawak ang isip nya. Lalong hindi ko rin hawak ang isip ng iba.

The day went on. Weeks and been months. Two months, exactly.

Wala syang paramdam. Dumating syang parang utot. Nagpakilala. Pagkatapos ay umalis na.

Nawala syang parang bula. Yung sinabi nyang he's just one call away. Di yun natupad. Because thrice. I've been in an emergency. Walang masakyan dahil sa lakas ng ulan. Pinalayas na naman ni Mama dahil sa lasing akong umuwi. That was my first time na umuwing wala sa sarili. Tapos bagsak ako sa isang subject ko. My world turn into grey. I've been calling his number but he's out of coverage. His soc-med accounts also is deactivated. Di ko rin naman alam ang phone number ni Dave Angelo. That's why until now. I'm hanging in the air.

Still waiting. Hoping, Maybe for nothing.

Ang hirap isipin na naghihintay ako sa wala. Parang tangang umaasang babalik pa sya.

Pero malay ko nga naman diba?. Baka darating pa ang isang umagang yun na magtatagpo kaming dalawa. Muli. ASA!.

"Sya na naman iniisip mo noh?." here's Ate Kiona. Currently fixing her clothes. Decluttering I should say. Lahat na ng mga ayaw nya. Tinatapon sakin. Hinahayaan ko lang sya sapagkat sa malayo ako nakatingin. Kinakapa ko lamang ang mga damit na nagbagsakan sa sahig pagkatapos nya itong ibato.

"Hindi ko lang maiwasan. Paanong nawala nalang sya bigla?." I've been asking the same question sa buong dalawang buwan na lumipas na hindi sya nagparamdam. Maging kasi sa department nila. Wala akong natatanaw. I once asked his classmates. At ang sabi nila. Di rin daw nila alam. Nangapa ako sa totoo lang. Para akong sinampal kahit di naman dumampi sa pisngi ko ang kaninumang palad.

"Ano bang nangyari?. Ang alam ko lang kasi. Tumira ka ulit sa bahay nya. Dumating ang family nya. Tumakas ka pauwi rito tapos dinala nilang magkapatid ang mga gamit mo. After that, blangko na. Tell me more. Para atleast ma-enlighten ako and to know what can I do for you, dear little sister.."

Huminga ako ng malalim bago nagpakawala ng mabigat na hininga sa kawalan.

"Tinanong nya ako kung babalik pa ba ako sa bahay nya ulit o hindi na." parang nagbalik muli ang araw na magkaharap kaming dalawa.

"At, hindi ang isinagot mo?." how did she knew?. Manghuhula na ba sya?.

Mabagal bago ako umoo. At sa tagal ng sagot ko. Ngayon ko lang napagtanto na gabi na pala. Masyadong mabilis ang panahon at ang oras kapag wala ka sa sarili mo.

"Ay sus nako Kendra.. minsan ko lang to sasabihin sa'yo ha.. kaya makinig.." ngayon lamang din ako kumurap at nag-unat. Gumalaw na rin ako't humarap sa gawi nya saka sumandal sa bintanang nakabukas. Saka ko napagtanto na gabundok na ang damit na tinapon nya sa gawi ko. "Minsan ang tao.. kailangan huminga.. mag-isip at humanap ng lugar kung saan nila mahahanap ang sagot sa mga katanungan nila."

"Hindi pa ba sapat ang lugar kung saan ang bahay nya?." umiling sya sa tanong ko.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo Kendra.. Kung hindi man nagpakita o nagsabi kung nasaan sya. Respect that. Give him time to process all what's bothering him."

"Pero kasi Ate.."

"Nagui-guilty ka?." she cut me off. Tikom ang labi kong umoo. "Sa naging desisyon mo, sa tingin mo ba naging tama yun?." mabilis muli akong tumango. "Then, stand to it. Panindigan mo ang sagot mo. And try to look not on the bad side but on the positive side of your decision. Hindi man lahat ay naiintindihan ang naging pasya mo. Lalo na sya. Let time be the story teller."

Nalungkot ako sa katotohanang, kailangan ko na ngang tigilan ang kahibangan kong, baka tinataguan nya lang ako't paraan nya ito para hanapin at habulin ko sya.

"Tamang panahon lamang ang makapagsasabi sa'yo ng tamang sagot sa lahat ng desisyon mo sa buhay Ken. Pagdating ng panahon. Kung ikaw at sya man ay magkatagpong muli. Baka iyon ang nakatakdang panahon para sa inyong dalawa. But for now. Accept the reality. Mahirap man tanggapin na baka hindi na nga yun mangyari. Bahala na Sya, diba?. Still. You must learn how to go with the flow like a water. Dahil kung hindi ka makikianod sa agos ng mundo. Maiiwan ka.."

Dito ko napagtanto ang lahat. Simula kasi ng nawala sya bigla. Para akong nawalan din ng gana sa buhay. Natigil ang night life ko with Jane. Nagsorry na rin ito sakin after what she did. Di ko alam kung kanino nya ito nalaman. Basta ang mahalaga. Humingi na ito ng sorry. At okay na kami.

May nawala man. Mayroon din namang bumalik. At okay na muna sakin to.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C47
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ