Dumiretso muna kami sa bahay nya para daw i-check muna ito at iilaw lang ang sala. Tapos pagkatapos ay pumanhik na rin kami sa bahay. He drove his car.
Tinext ko ngayon si Karen para ipaalam na pupunta ako ngayon. "Salamat naman Ate.. Ikaw ang iniisip ko kanina pa. Hindi ang Mommy ni Kian.." ramdam ko ang kaba nito nung tinipa nya ang nasa mensahe nya.
"Bakit naman ako?. Hoy Kaka! Hindi na ako bata!." pinadala ko ito sa kanya with the make face.
"Alam ko. Ate nga kita. Ang ibig ko lang sabihin. Magkaiba kasi ang sitwasyon nyo ng Mommy ni Kian. Sya, slight nalang na magulo. Sa totoo nga. Sya nalang ang hindi boto rito. Pero ikaw?. Hindi ko alam kung paanong kakain mamaya?. Nagtext ba si Mama sa'yo?. O nagkita kayo nung pumunta sila ni Papa dyaan?."
I can hear also her frustration here. So, totoo ngang dumaan sila dito with her?. Hindi ako makapaniwala eh. Para bang, natatanaw ko lamang iyon sa dulo ng panaginip ko. Hindi ko biglang maabot. Ganun sila kalayo. Lalo na si Mama.
"Psh!. Hindi pwedeng di ka kumain mamaya Kaka. Moment mo yun bruha ka!. Bat ka makikisali sa gulo namin ni Mama?. Tsaka. Kung gusto nya sana akong kausapin, dapat tinawagan nya nalang ako. Pero siguro. Di nya na rin ginawa yun dahil alam nyang di ko sya sasagutin at naisipan nalang nyang sumama kay Papa para ano?. Tignan kung saan ako nakatira?. Ganun?."
"Hindi ganun yun. Pinagalitan sya ni Papa, alam mo ba yun?. Bakit ka raw nya pinagsabihan ng kung anu-ano?. E sensitive kang tao." tumango ako rito sa nabasang laman ng mensahe nya. Natawa na rin. Kilalang kilala talaga ako ni Papa.
"Who's that?." ani Poro. Nacurious sa katext ko. Kanina pa kasi maingay tong phone ko.
"Si Karen lang.." maikli kong tugon saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Sumandal ako sa gilid ng upuan ko't pinahinga ang siko sa may nakasaradong bintana. "Seloso ka din pala?." I tease.
"Tsaka.. tinanong nya na rin kung bakit galit si Mama kay Poro. Speechless ang Mama, ateng. At nung hinanap ka nila at nalamang dinala ka sa bahay nya with myloves. Diba bumalik dito ang myloves mo?."
Anong myloves?. Baliw!.
"Tsk!. baliw.." kausap ko sarili ko rito ng di inasahan ang naging tugon nya.
"Baliw ako sa'yo.." suminghap ako ng bahagya saka tinignan sya pailalim.
"So, inlove ka na ngayon?."
"Saluhin mo na kasi ako. Para pareho tayong mahulog at di masaktan." anya na diretso ang tingin sa kalsada.
"Psh.. filtered yata yang feelings mo?. Bat dinig ko, may hinihintay kang tao?."
Di sya umimik. Kaya binasa ko ulit yung text ni Karen. "Kinausap sya ni Papa at humingi ng paumanhin. Mama is too shy na humarap sa gwapong batang abogado mo. Nadala lang daw sya ng bugso ng damdamin at di nakontrol ang sarili Ate. See?. Di sya galit sa'yo. Shhhh.. Secret lang natin to. Baka buntis na naman o walang pera kaya nagpapansin kay Papa... hahaha.."
"Baliw na talaga sya. Hahaha.."
"Bakit?." nakitawa rin sya kahit di alam ang dahilan. Di nya na rin inusisa pa kung anong ibig sabihin ko kanina. Para bang. Nakalulon sya ng bagong biling pako. Matulis pa iyon at di pa naipupukpok sa semento. Kaya di na rin siguro nya sinabi kung sinong hinihintay nyang tao dahil alam nyang, anumang oras. Maaaring magbago ang ikot ng mundo ko. Maaaring ilang segundo lang. Bumaba ako't di na tumuloy sa okasyon ng pamilya ko dahil lang sa taong yun. Maaari din kasing, ayaw nya na ring banggitin pa dahil ayaw nya akong saktan. Pero kahit anupaman. May sabihin man sya o wala. Di na maiiwasan ang may masaktan sa aming dalawa. At kumpara saming dalawa. Ako ang pinakamasasaktan pagdating ng taong topic nya. Kung sino ka man. Maswerte ka!.
Sana ako nalang!.
Psh!. ASA ka, Kendra!.
"Kinausap ka pala ni Mama nung bumalik ka ng bahay para balikan ang sasakyan mo?." I asked without answering his question.
"Hmmm.. bakit?."
"Kasi itong si Karen. Kaya lang daw ako napagalitan ni Mama dahil sa baka nagdadalang-tao raw ito o walang pera. Hahahahaha.. kabaliwan ng batang yun. Kung anu-anong sinasabi.. hahaha.." tawa ko habang nagtitipa ng reply sa kapatid.
"Wag kang ano, hoy!. Pero dun ako sa walang pera kaysa sa buntis. Grabe ka Kaka!. pag yan tumama at nabuntis ulit. Ikaw maiiwan sa bahay at mag-aalaga ng kapatid mo. Iiwan mo yang asawa mo. Hahaha.. Ayoko na sa mga bata!.."
"Hahahaha!. What?. Bakit ako pa?. Andyan ka naman!. Hahaha.. Paborito ka kaya ni Mama pag naglilihi.. hahahaha.."
Kaya siguro naging kamukha ko si Kim ng buong buo dahil ako lagi bukambibig nya nung nabuntis sya dito. Sarap hilahin ng buhok nito. Nang-aasar na naman!.
"Baka nga buntis." Imbes tumatawa ako sa text ni Karen. Heto sya't nahihila ang buong atensyon ko. Naagaw nya tuloy ito ng buo. Binaba ko ang phone ko't binalingan na talaga sya. Nasa malapit na din kami. Kaba na ang nararamdaman ko pati takot.
"Paano mo naman nasasabi yan?."
Huminto sya gawa ng stop light. "Gumaganda kasi sya lalo.."
"Talaga?." kumurba ang kilay ko.
"Parang ikaw lang.." habol nya bigla. Ang smooth nun ha?.
"Wag ka ngang bolero.. wala akong piso rito.. Poro.."
"Hahahahaha.." tawang tawa sya. Rhyme daw kasi.
Hanggang sa bahay. Tawang tawa pa rin sya. Nakalimutan ko na tuloy yung pakiramdam ko na natatakot at kinakabahan.
May dalawa nang nakaparadang BMW sa harapan ng gate namin. Pula at Puti ito. Yung puti kay Kian. Sa parents nya siguro yung pula. Tas itong sinasakyan ko naman ay itim. Same brand din. Yaman!.
Pumasok kami ng bahay. Gusto ko pang umatras. Buti nalang inalalayan nya ang likod ko papunta sa loob. "Go in. Walang atrasan to Ken.."
"Kabado lang ako.."
"I'm just behind your back.." ang sarap naman sa pandinig na meron taong nakaalalay sa likod mo lagi. Tipong kahit di mo na sya tawagin pa. Andyan na agad sya. Magic diba?.
Pumanhik na kami sa loob. Maingay na. Nagtatawanan ang mga matatandang lalaki. Habang sina Mama naman ay tahimik na nag-aayos pa sa may mesa.
"Oh!. Here they are." anunsyo ni Papa sa pagdating namin. Agad itong tumayo para salubungin kami.
Agad ding nagmano si Poro dito. "Good evening po Tito.." Tumayo yung Daddy ni Kian at namulsa.
"Good evening din hijo." tsaka sya lumapit sakin. "Good evening, lady.. Kamusta na?. Hahaha.." si Papa ito.
"Papa.." halos maluha ako ng tumawa ito ng pagkaganda-ganda. Lumapit ako para bigyan sya ng yakap. "Sorry po." tumawa lang sya.
Tinapik nya ang likod ko saka inalis sa pagkakayakap sa kanya. "Wala ka namang kasalanan sakin. Dun." ngumuso sya para ituro ang gawi ni Mama. "Sya ang dapat mong kausapin. Hahaha.." napanguso nalang din ako.
Opo. Kahit di ko naman bigkasin ito. He knew that I'm too soft when it comes to them. Kung matigas si Ate sa kanila kapag napagalitan. Kabaliktaran ako nun. At si Karen. Neutral lang. Pero may isang salita din yan. Kapag sinabi nyang galit sya kay Mama at ayaw gawin ang mag-alaga ng bata o kahit ang maghugas ng plaato. ABA!. kahit pa gumiba ang bahay sa lakas ng boses ni Mama. Di yan susunod. Ginalit mo raw kasi sya. Kaya dapat lang na magtanda ka. Ganyan ang linyahan nya yan. Kaso. Ang kaso. Magagawa nya rin kaya yang style nya pagdating sa byenan nya?. Hmm.. Let me see.
"Sir, magandang gabi.." ani Poro din sa Daddy ni Kian. Nakalahad na ang kamay nito para sa isang kamayan.
Kinuha naman nito ni Tito at sinabing, "Hindi ko alam na andito ka din pala, hijo.."
Magkakilala sila?. When?. How?.
Nagkamot ng ulo si Poro. Tumawa pa nga bago sumagot. "Ah opo Tito. Hehe.."
Teka. Wag mo ding sabihin na kilala nya si Tito Gilbert?. What the heck?. Kung oo nga!. Anong koneksyon nila?. Si Papa, si Tito, tapos sya?. Anong meron sa pagitan nila kung paano sila nagkakilala?.
Lalo tuloy akong nacurious rito!. One time. I'm gonna ask this young man!. Sya ang ikokorner ko para malaman ang lahat sa likod ng pagkakakilanlan nila.
Sa ngayon. Enjoy na muna. Kumain kahit di makalunok para mabuhay at mahanap ang purpose sa mundo.