ดาวน์โหลดแอป
66.66% Oh My Vampire's Home / Chapter 10: 9

บท 10: 9

© xiarls

All rights reserved

**

9

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jev matapos ng mga nangyari kagabi. Kahit ako, naguguluhan sa mga nangyari. Hindi ako ganito noon, pero bakit lahat na lang ng mga taong nalalapit sa akin, may mga special feelings para sa akin?

Sina Vien, Cyrus, Jev at Louis. Hay naku! Ano bang meron sa akin at naging ganito ang pakikitungo nila sa akin?

Dinukdok ko ang ulo ko sa bedside table ko at nagbasa ng comics. Wala akong masyadong gagawin ngayong araw bukod sa tumambay sa bahay at maglibang. Thursday ngayon at wala akong pasok pero pupunta pa rin ako sa school mamaya dahil gusto ko lang maglibang.

Ginugol ko lang ang sarili ko sa pagbabasa and minutes after, naghanda na akong umalis.

--

Magkasama kami ni Rhea at Leanna, hinihintay naming matapos ang araw. Tambay lang kami sa study hall.

Wala kaming pasok pero pumunta pa rin kami sa school para magpahangin.

Nag-uusap sila pero hindi ako nakikipagkwentuhan. Iniisip ko nga, bakit naman ako mamomroblema sa problema ng ibang tao? Oo may naitutulong akong mga payo minsan pero madalas sumasakit lang ulo ko.

Nagpaalam na lang ako sa kanila. Pumunta ako sa gym. May practice pala ng badminton ngayon, hindi ko kasi alam dahil sa mga nangyari kahapon.

Wala pa ang ibang mga kasama naming kaya nag-ayos na lang ako. May mga gamit na rin ako sa locker ko kaya hindi na ako nag-abalang magdala ng mga gamit araw-araw.

Matapos kong mag-ayos, bumalik ako at umupo sa bleachers ng gym. Nagsidatingan na rin sila at puro tsismis na naman ng school ang pinag-uusapan nila. Dahil minsan sa madalas lumalabas ang pagka-tsismosa ko, tumabi ako sa kanila ng tahimik.

"Alam niyo na bang bumalik ang mga bampira sa lugar na 'to?"

Vampires? Are they really real?

"Vampires are cool actually," singit naman nung isa. "But we have to be careful every time we're out of the school. Hindi natin namamalayang may nakasunod na sa atin. Almost gabi ang uwian natin."

"Saan mo narinig 'yan?"

Hindi ko na pinakinggan ang mga kasunod.

Teka, naalala ko 'yong pinag-uusapan nila Vien no'ng gabing umalis at umuwi siya kasama sina Cyrus at Angel. Tungkol bas a mga bampira 'yon? Kung totoo man, kailangan kong malaman!

Umalis ako sa gym, nakabungguan ko pa si Coach pero hindi ko siya hinarap.

Kailangan kong makausap sina Cyrus tungkol dito. Pumunta ako sa department nila, saktong palabas siya sa office. Hinatak ko siya agad papunta sa hagdan.

"Rena? Anong ginagawa mo dito?"

"Isang tanong, isang sagot Cy." Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Are vampires do truly exist now?" bulong ko, napalaki naman ang mga mata niya. "You can't lie to me, you know me."

Bumuntong hininga siya at yumuko sandali. Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata.

"Yes, we are real."

We? Ibig sabihin –

"Yes, Rena. We are real. Vien, Angel and I are vamps." Sabi niya at lumingon siya sa kaliwa't kanan at lumapit sa akin. Pinakita niya ang mga pangil niyang matutulis. Napaatras ako sa ginawa niya at tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko.

"Don't fear us, Ren. Isa ka sa mga pinapaingatan sa akin ni Vien. Hindi man niya masabi sa 'yo, alam kong mahalaga ka sa kanya. Give him time to explain his side. Masyado pang komplikado ang sitwasyon ngayon at hindi niya rin masabi sa amin ang mga problema niya. Naghahanap pa siya ng tyempo para makausap ka ng maayos."

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Kumusta na siya?"

"Don't be sad. Masyadong maraming problema ngayon. Ayaw ka niyang madamay. Gumagawa kami ng paraan para malusutan mga 'yon. Huwag kang mag-alala..." Hinila na niya ako papunta sa gym. "As for him, I don't know. Hindi pa namin siya nakakausap hanggang ngayon. Hindi siya lumalabas sa kwarto."

Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"Can I help you, guys? Baka may maitulong ako." Alok ko pero umiling siya.

"No, but thanks. Kaya na namin 'yon."

"Cyrus!" napalingon kami sa sumigaw. Si Angel. Inirapan niya ako at hinila ang kamay ni Cyrus na nakahawak sa akin. "We need to go!"

Humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

"And you, stop bothering, thinking, liking or loving Vien. Wala kang may maitutulong!" Sigaw niya. Akala ko noon mabait siya, hindi pala kasing bait ang Angel ang pangalan sa devil na pag-uugali nito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Brat! Hindi ko kailangan ng mga salita mo! Alam ko ang mga ginagawa ko!" Sigaw ko rin. Akala niya magpapatalo ako sa katarayan niya? Ha!

Sasampalin na niya sana ako pero mabuting pinigilan siya ni Cyrus at umalis! Rinig ko pa rin ang pagrereklamo niya!

"Rena! Hoy! Kanina ka pa hinahanap ni Coach!" Tawag ni Kim.

Nilingon ko siya at naglakad papunta sa kanya. "Eh ikaw? Ba't hindi ka nakabihis?

"Ah, may sakit kasi ako. Hindi daw muna ako maglalaro. Papahinga muna ako ng ilang buwan." Ngumiti siya at do'n ko napinsin ang maputlang mukha niya.

Niyakap ko siya. "Get well soon, Kimmy. Saying lang 'yong practice mo."

"Kaya nga eh. Hanggang acads lang muna ako. Second year pa lang naman." Sabi niya at humiwalay sa yakap at hinila na ako papunta sa gym.

"Paano mo nalamang may sakit ka?"

"Noong mga nakaraang linggo kasi, lagi na lang ako nahihilo, nasusuka ng dugo. Na-ospital ako last week kaya absent ako."

"So, ano naman ang findings?"

"I don't know. Hindi nila sinabi sa akin eh."

Nakarating na kami sa gym, pero natigilan ako nang makita ko si Vien at Jev na nagsusukatan ng tingin sa isa't isa. Tumakbo ako at pumagitna sa kanilang dalawa.

"What's happening here?" Tiningnan ko si Vien pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Si Jev naman straight at ngumingiti pa ng kakaloko.

"Aba't hindi niyo talaga ako papansinin ha?" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "Huwag niyo nang dagdagin ang sakit ng ulo ko, please lang! Ako na ang nahihirapan sa inyo!" Bigla na lang tumulo ang luha ko at napaupo ako sa sahig at nilagay ko ang kamay sa mukha ko. Mukhang babalik na naman ang sakit ko... sa puso.

Ngayong nakita ko na ulit si Vien, parang nawala ang lahat ng mga tanong sa isip ko. Pero dahil sa ginawa niyang pag-iwas ng tingin sa akin, bumalik na naman ang sakit.

Saan ba siya nanggaling? Bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin?

"Rena," tapik sa akin ni Kim. "Let's go." Bulong niya at tinulungan akong tumayo.

Wala ni isa sa kanilang dalawa ang tumulong sa akin. Kita ko pang napatingin si Vien. Alam kong gusto niya akong lapitan, pero dahil naunang lumapit si Kim, hindi na niya nagawa.

Hinatid ako ni Kim sa bahay. Ayaw pa niya sana akong iwanan mag-isa pero nagmatigas ako. Isa pa, may pasok pa siya.

Si Coach na rin ang nagsabing huwag na muna akong magpractice dahil nasaksihan niya ang nangyari.

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga sandali. Dahil sa ayokong umiyak ulit, binuksan ko ang bintana at umakyat sa bubong.

Gusto kong makalimutan ang lahat. Hirap na hirap na akong umiyak araw-araw. Gusto kong bumalik sa dating sarili ko na walang pinoproblema. Gusto kong bumalik sa Europe para mayakap si Mama at Papa. Gusto kong ilabas lahat ng mga hinanakit na nangyayari sa akin ngayon... dahil lang sa nakilala ko si Vien at bumalik si Jev, naging magulo na ang buhay ko.

Minsan na lang ako magmahal ng totoo, masakit pa.

I choose a song on my phone para mawala man lang saglit ang lungkot ko.

(Please play the video)

Did you close your eyes as you walked away?

Did I get too close in the pouring rain?

If there's one more chance for us here tonight

I'll take the long way 'round this time

Ang buhay ko ngayon, parang katulad ng story sa The Vampire Diaries. Ang pinagkaiba lang, hindi naman laging umiiyak si Elena. Masaya naman siya kasama si Stefan.

We sing

Oh, love, it's easy if you don't try to please me

If you don't want to see me any more

We sing out

Sana noon pa niya sinabing huwag sana akong mainlove sa kanya. Eh nakakagago lang talaga, ang dali kong mahulog sa taong naging malapit sa akin.

Oh, oh

Here we go again

I know how I lost a friend

We go 'round and 'round again

Oh, oh

Oh, oh

Yes, I lost him as my friend. Kasi hindi ko naman alam kung kaibigan ba talaga ang turing niya sa akin. Dahil siya, minahal ko.

Bitter is the kiss that says goodbye

I can hear it in your voice, I see it in your eyes

'Cause we've been this low and we've been around this bend

I don't to lose you all over again

I'm thankful that I have friends that support me every time I'm hurt. Everyday na lang ata I'm hurt.

We sing

Oh, love, it's easy if you don't try to please me

If you don't want to see me any more

We sing out

Masakit man aminin, iba na talaga ang nararamdaman ko para kay Vien. Kahit kakakilala ko lang sa kanya. Hindi ako iiyak ng ganito kapag wala akong special feelings para sa kanya.

Oh, oh

Here we go again

I know how I lost a friend

We go 'round and 'round again

Oh, oh

Oh, oh

Oh no,

Here we go again

I know how I lost a friend

We go 'round and 'round again

Oh, oh

Oh, oh

Around here

We've got a light here that's not going away

So here's my heart I'll give over and over again

Oh oh,

Here we go again

I know how I lost a friend

We go 'round and 'round again

Oh no

Oh no

It's a long road baby, running away

Saktong natapos ang kanta, biglang tumunog ang phone ko. Si Louis tumatawag. Wala ako sa mood makipag-usap pero dahil ayoko namang dumagdag ang mga mabibigat kong problema, tinarayan kong sinagot ang tawag niya.

"What?!" Tumayo ako sa bubong. Medyo madulas dahil sa lumot pero naka-balance agad ako.

"Hahaha! Chill girl! Bumaba ka dyan sa bubong ng bahay mo!" Nanlaki naman ang mata ko at tumingin sa baba. Nandoon siya at kumakaway habang nakasandal sa sasakyan niya. "Baba na o ako ang aakyat dyan para ibaba ka?" Nakakaloko niyang sabi.

"Go to hell!" Sigaw ko at pinatay ang tawag niya. Binelatan ko muna siya at pumasok sa kwarto at bumaba palabas ng gate para harapin siya. Tumatawa pa siya habang palabas ako sa gate. "Ikaw na naman ang sumulpot! Magpapadagdag k aba ng problema sa akin? Sige lang, sabihin mo lang para malapit na akong mamatay sa sakit sa puso!"

Bigla niya akong binatukan! "What the hell are you talking about, Rena Chong?" Sigaw niya.

--

"Huwag kang praning dyan! Pumunta ako dito para icheck ka kung ayos ka lang. Nakita ko 'yung nangyari sa gym." Sabi iniya at nilingon ang bahay. "Hindi mo ba ako papapasukin?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige, pasok ka na. Bwisita ka kasi." Pumasok na ako.

"Wow, sobrang welcome mo ha?" Sarcastic niyang sabi pero sumunod naman. Pinaupo ko siya sa sala at naghanda ako ng makakain namin.

Actually, mabait naman si Louis. Malambing siyang magsalita. Pero dahil ang lakas ng hangin sa katawan noong first day of school, lagi na lang ako nagtataray sa kanya. Well, lahat naman ata ng lalaki na nasa story na 'to natarayan ko na.

Nilagay ko sac enter table ang mga pagkain. Kumuha siya ng juice at ininom.

"Alam mo Rena –"

"Hindi ko pa alam –" sabat ko. Uminom na din ako ng juice at dinampot ang mang juan sa mesa.

"Huwag ka ngang pilosopa!" sabi niya at nilagay ang baso sa mesa. "alam mo, hindi naman ako si Vien o Jev para tarayan mo. 'Yong sinabi ko naman noon sa 'yo no'ng una tayong nagkita, joke lang 'yon." Sabay tawa. "Pero seriously, I really admire you. Kasi alam kong matapang ka despite of your heart problems sa dalawa. Kaya mong lumaban sa mga problema, without the help of other people around you. Kahit kami, hindi mo minsan tinatanggap ang mga tulong namin. Saksi kami sa mga pag-iyak mo. Kahit ako, nasasaktan akong makita kang umiyak." He reached my hands at pinisil iyon. "Kaya Rena, let me help you to release the pains of your heart."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi criminology student at lalaki ka."

"No, it's not. Seryoso kasi. Rena, hindi ako 'yong tipong pinapaiyak o sinasaktan ang damdamin ng ibang tao. Hindi ako katulad ng iba na sweet, pero alam ko sa sarili ko kung paano ako magmahal ng buong buo. Without any pains, any restrictions, any concerns of other people around me." Ngumiti siya at may kinuhang bagay mula sa bulsa ng slacks niya. "You need this."

"Anong kabaklaan 'yan, Louis?" Tanong ko pero tumawa siya't umiling.

"It's a gift from my mother." Isinuot niya ito sa leeg ko. Isang kwintas. "For your protection."

"Hey! I don't need this!"

"Huwag kang assuming! Oo mahalaga 'yan sa akin dahil bigay ni Mama. But now I don't need this kaya binigay ko sa 'yo. Ikaw kailangan mo 'to. Mag-isa ka lang dito."

Hinawakan ko ang kwintas. May design itong blue coral. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.

"It's for the best that you won't know what the meaning of that is."

Tumayo siya. "Sige na, uwi na ako." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Lumabas na siya at naiwan akong tulala sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko.

--

Nakahiga na ako sa kama. Bago ako matulog, in-open ko ang facebook ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-scroll nang matigilan ako.

Isang post ang nagpatigil sa paghinga ko. Maraming likes, comments, at shares. Lalo akong nahirapang huminga.

Vien Aaron Hoyas is in a relationship with Angel Nickalyn Arroyo

Ganito na lang ba lahat? Wala na ba talagang pag-asa? Ang sakit nang puso ko!

Biglang nag vibrate ang phone ko. Si Louis tumatawag. Hindi ko sinagot iyon.

Mas lalong sumakit ang ulo at puso ko kaya hinanap ko ang gamot ko sa bed side table. Diretso kong ininom iyon at nahiga na ulit.

Natulog akong may dumadaloy na luha sa mga mata. Tama si Louis, huwag masyadong umasa sa mga taong unang nanakit sa damdamin ng iba.

...to be continued


next chapter

บท 11: 10.1

© xiarls

All rights reserved

**

10.1

Louis' POV

Pagkaalis ko sa bahay ni Rena ay dumiretso ako sa café kung saan siya nagtatrabaho. Hinanap ko si Elise para makausap siya.

"Oh, Louis. Bakit nandito ka?" Sabi niya. Kakalabas lang niya sa staff room.

"Out mo na?" Tumango siya, "Tara," hinila ko siya palabas. Pinapasok ko siya sa sasakyan ko. "Hatid na kita. Gabi na." Sabi ko at pinaandar at nag-drive na.

"Sige, salamat. Ano nga pala ang pakay mo?"

Huminga ako ng malalim. "Elise, may alam k aba tungkol kina Vien?" Tiningnan ko siya saglit at nakakunot-noo siya. "I mean, 'yong mga problema ni Rena, alam mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Elise, kaibigan mo si Rena, 'di ba? Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin."

"Ah... 'yon ba? Hindi naman masyadong nagsasalita si Rena sa mga problema niya. Maski sa akin hindi niya sinasabi. Kung tungkol naman kay Vien at sa kanya, oo, may konting alam ako. Kalat na kaya 'yon sa school. Mahal na niya si Vien pero 'yong gagong 'yon sinaktan ang nararamdaman ni Rena. Kaya maski ako galit kay Vien."

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

So, ako lang pala ang may totoong alam sa katauhan ni Vien. Mabuti na 'to kesa sa may iba pa siyang malalaman. Mapahamak pa siya.

"Kung gano'n man, can I ask you a favour?" tanong ko at pinarada saglit ang kotse sa gilid ng highway.

"Opo naman."

"I want you to take care of Rena. Kahit hindi mo siya kasama palagi, kahit nasa malayo ka at natatanaw mo siya, please bantayan mo ang mga kinikilos niya – kung ano ang mga ginagawa o sino ang mga kasama niya."

Ngumiti siya, "Oo naman Kuya. Kahit hindi mo man sabihin, gagawin ko 'yon."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Salamat sa mabait kong kapatid. Buti na lang at nakilala mo si Rena."

Yes. Magkapatid kami ni Elise. Matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon. Hindi nga lang siya tumitira sa bahay kasi may mga problema ang pamilya naming. Maski sina Mama at Dad... basta magulo ngayon. Kaya pinili niyang umalis.

"Kuya, kumusta sina Mom at Dad?" Malungkot niyang tanong. Halos 2 years na rin siyang hindi nakatira sa bahay. Ni-text or tawag ata hindi niya nagawa sa mga magulang namin.

Pinisil ko ang kamay niya, "Okay naman sila. Ikaw, kumusta sa bahay na tinutuluyan mo?"

"Medyo malungkot po. Wala kasi akong nakakausap." Katulad rin siya ni Rena na mag-isa sa bahay. Pinaandar ko na ulit ang kotse.

"Balik ka na kasi."

"Kuya, alam mo naman kung bakit pinili kong umalis."

Napaisip ako. Kahit ako, naging malungkot ang bahay namin nang umalis siya sa bahay. Nakaka-miss ang ingay at paglalambing niya sa amin.

"Eh kung gusto mong tumira na muna sa apartment ko? Para naman wala kang gastos sa mga bayarin sa pag-uupa. Don't worry, hindi naman alam nila Mama na may apartment ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti. "Kahit ito lang ang maibibigay kong tulong sa 'yo. Hindi naman ako naglalagi do'n. Minsan lang kapag masyadong hectic sa exam, doon ako umuuwi."

"Seryoso k aba Kuya? Pwede ako do'n?"

Tumango ako. "Oo naman. Kapatid kita, hindi kita matiis."

"Thank you so much sa mga tulong mo Kuya ah."

"Wala 'yon. Bukas tutulungan kitang lumipat do'n." Pinahid ko ang luha niyang biglang bumagsak na lang at saka siya niyakap.

"There's always a time to go back to where to grow up, Elise. The door is always open for you."

"Thank you, Kuya. I will go back soon."

--

Rena's POV

Nice, really nice. What a beautiful day with my jealous heart and eyes.

Tinawagan ako ni Vien na makipagkita sa plaza. Gusto ko rin naman siyang makausap para maliwanagan. Pero ano ang naabutan ko? Magkasama sila ni Angel. Parang nasaktan na naman ako sa nakikita ko. Tumalikod ako, hindi ko na magawang ituloy ang pakikipag-usap sa kanya dahil kasama niya si Angel.

Oo na! Nagseselos na ako! Ayoko na. Suko na ko. Ilang buwan pa lang kami magkakakilala pero minahal ko na siya ng sobra.

Biglang may humawak sa pulso ko.

"Please Vien, hayaan mo muna ako." Sabi ko pero hindi siya nagsalita. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Naglakad ako pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko, hinigit niya ulit ako para pigilang maglakad.

"Hindi naman ako si Vien." Nagulat ako sa nagsalita kaya hinarap ko siya.

"Louis?"

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Sabi ko na nga ba, siya pa rin ang iniisip mo." Sabi niya at tumingin sa pwesto kung saan nakaupo sina Vien at Angel. Pero nakatingin na din sila sa amin. Bigla akong hinigit ni Louis papunta sa sasakyan niya.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Get in."

"Where to? Teka lang," hinigit ko ang kamay ko.

"Basta pumasok ka na lang."

Wala na akong nagawa kaya pumasok at naupo sa sasakyan niya. Tahimik lang kami. Ayokong mag-umpisa sa pagsasalita. Wala ako sa mood. Lumiko siya sa highway ng coastal road.

"I'll take you to my house." Sabi niya. Hinampas ko naman ang braso niya. Nakakagulat kasi. "Hahaha, chill! I want you to meet my family."

"Hoy! Hindi naman tayo ah! Anong 'I want you to meet my family' ang pinagsasabi mo dyan?" Sigaw ko. Bigla niyang hininto ang sasakyan at pinitk ang noo ko!

"Hindi pa, sa ngayon. Wala lang, masama na bang ipakilala ang kaibigan sa pamilya?" Seryoso niyang sabi at nag-drive na ulit. "Trust me, hindi ka naman kakainin ng buhay." Ngumiti pa siya ng nakakaloko at tinaas-baba ang kilay.

Siya naman ang binatukan ko. "Gago! Kung sinabi mo na agad kahapo o kanina, nakapaghanda ako. Hindi sana ako nagsisigaw sa 'yo."

Hindi na siya sumagot pa hanggang sa pumasok kami sa gate ng mansion nila at itinigil niya ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Antique ang design ng bahay kaya parang medyo luma ang tingin nito sa labas.

"We're here."

"Thanks, but seriously? Why did you bring me here?"

"You'll know once we'll be inside. But remember this, Rena... dapat mong paniwalaan ang mga sasabihin nila, tungkol sa mga bagay na totoo at hindi."

Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya, tumango na lang ako.

"Pasok na tayo," binuksan niya ang pinto at magkasabay kaming pumasok. Nandoon ang mga magulang niya na nakaupo sa sala at parang may seryosong pinag-uusapan. Parang hindi nila napansin ang pagpasok naming.

Bakit pa ko sumama dito? Ay hindi pala, pinilit niya akong pinapasok sa sasakyan niya kanina.

Siniko ko si Louis, napatingin siya sa akin. "Bakit ngayon mo pa ako sinama dito? Parang may importante silang pinag-uusapan. Sa labas na lang ako."

... to be continued


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C10
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank 200+ การจัดอันดับพลัง
Stone 0 หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ

tip ความคิดเห็นย่อย

คุณลักษณะความคิดเห็นย่อหน้าอยู่ในขณะนี้บนเว็บ! เลื่อนเมาส์ไปที่ย่อหน้าใดก็ได้แล้วคลิกไอคอนเพื่อเพิ่มความคิดเห็นของคุณ

นอกจากนี้คุณสามารถปิด / เปิดได้ตลอดเวลาในการตั้งค่า

เข้าใจแล้ว
" class="_close">

รับเหรียญเพิ่ม