ดาวน์โหลดแอป
66.66% Oblivion Memories / Chapter 4: Chapter 3

บท 4: Chapter 3

Chapter 3

Bagong pangalan

His Mother looks disappointed. Talagang ayaw niyang mag-bakasyon at isa pa, wala na siyang balak na pumunta pa sa islang iyon.

"Hi, sweetheart." Dumating ang daddy niya at lumapit ito sa mommy niya.

His father kissed her mother's cheek at kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng mommy niya. May dala itong bulaklak at sabay ibinigay nito sa paanan ng kanyang ina.

Napangiti siya, his parents is the best couple here in the earth. He seeing a true love, pero sadyang hindi siya naniniwala sa pag-ibig.

Ang kanyang mga magulang ang magandang example at hindi ito nawalan ng sweetness sa isa't-isa, parang bagong kasal ito kung umakto. Hindi niya nakitaan minsan ang pagkasawa nito da mga ginagawa.

Oo nga at paminsan-minsan din ay nakikita niya ang mga itong nag-aaway pero hindi umaabot ng isang araw o kahit mismo dalawang oras ay nagkakaayos na ang mga ito.

Kaya ganoon na lamang ang pagkahanga niya sa mga ito at their relationship is getting strong.

"Hey son, how's your work?" For the second time around, ay muli siyang napangiwi.

"Dad, retired president ka na, until now you were always thinking about that work?" natatawang tanong niya at sinabayan pa siya sa pagtawa ng kanyang ama.

Napapangiti na lang ang kanyang ina at tahimik na nanood sa kanila. Amusement dance on his mother's eyes.

***

Tahimik na nakaupo lang sa maliit na silya ang dalaga, nasa tabi ito ng bintana.

Tahimik na nagmamasid lang siya sa malawak na karagatan. Kitang-kita niya ang magandang view ng Rossa Island.

She wants to move herself, to walk and take a very fresh air there. But she felt her body weak. Ni ang tumayo ay hindi pa niya magawa. Dahil nakakaramdam pa siya nang panghihina at panginginig ng kanyang mga binti at tuhod.

Kahit ang umupo rin ay nahihirapan siya, buti tinutulungan siya ni Rie. A cute young lady.

"Ate ganda, kumain ka na."

She turned her head to her when she heard her soft voice. Bumaba ang kanyang mga mata sa dalang pagkain nito.

Hindi siya pamilyar sa pagkain na dala nito pero natikman na niya ang masarap na luto ni Aleng Camnia.

Dalawang araw na siyang gising at hindi siya nakaka-pagsalita. Mabigat ang kanyang pakiramdam at nahihirapan siyang ibuka ang kanyang bibig. Lalo na ang magsalita, pakiramdam niya ay nahihirapan siya.

Gulong-gulo ang isip niya at wala talaga siyang maalala. Even her name ay hindi niya maalala.

She want to know and to find out the real happened to her. Kung bakit wala siyang maalala.

Her goal is to remember herself, her family and her real life too.

She took a deep breath at muling pinagmasdan ang asul na dagat.

"Ate, mamaya maglakad-lakad tayo sa tabing dagat. Para mas makalanghap ka ng sariwang hangin at upang sa gayon ay gagaan ang 'yong pakiramdam. Huwag ka pong mag-alala  ate aalalayan kita. Hanggang sa kaya mo nang maglakad mag-isa," mahabang saad nito sa kanya.

Tinitigan niya lang ito dahil wala naman siyang naiintindihan sa mga sinabi nito at isa pa hindi siya nakaka-pagsalita.

Maya-maya lang ay lumabas sila sa munting bahay nina Mang Prodencio.

Noong una ay nahirapan siyang tumayo pero naka-alalay sa kanya si Rie at ang kapatid nito na si Carlea.

Parang may bakal na nakabalot sa binti niya kaya kahit sa paglalakad ay nahihirapan siya pero kalaunan naman ay nagagawa na niyang maglakad mag-isa.

***

Dalawang linggo pa ang nakalipas at lumalabas na ang dalaga. Madalas ito sa tabing dagat.

Naglagay ng duyan si Mang Prodencio sa tabing dagat para makapagpahinga ang dalaga.

***

Gustong isama ni Aleng Camnia ang dalaga sa bahay-bakasyunan, ngunit mukhang hindi pa ito nakaka-recover sa nangyari. Nakikita niya rin na nanginginig pa ang mga binti at tuhod nito kapag naglalakad.

Madalas niya itong pinapa-inum ng halamang gamot at minsan nasusuka ito dahil sa kapaitan ng gamot. Ngunit kailangan nitong uminum ng halamang gamot ni Aleng Coha dahil mas mabilis ang pag-galing nito.

Isa sa katanungan nilang mag-asawa ay kung bakit hindi ito nakaka-pagsalita. Simula nang magising ito ay hindi pa nila naririnig ang boses nito.

Ang pagsisigaw lang pala nito ang tangi nilang naririnig.

Isang araw ay nagkasabay-sabay silang kumain ng agahan.

"Ano ang pangalan mo, hija?" tanong ni Aleng Camnia sa dalaga.

Susubukan niya itong tanungin para mapatunayan na kung nagsasalita ba ito.

She was stilled and she glanced at the old lady. She can't understand her words but she knows that she was talking to her. Their words it's hard to understand.

Dahil mataman itong nakatitig sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at pilit na inalala ang mga sinabi nito.

"Hija, ano'ng pangalan mo?" muling tanong ni Aleng Camnia.

Sinusubukan niyang gayahin ang mga salitang binigkas nito pero masyadong mahirap. Pero alam niya na isang katanungan iyon.

Umiling lang siya na para bang sinasabi niyang... 'I don't know, I can't remember'.

Napabuntong-hininga ang matanda na nasa harapan niya and if she's not mistaken, pagkaawa ang nakaguhit sa mukha ng matanda, but why? Kanino ito naaawa?

"Ate ganda, wala ka talagang maalala? Kahit ang iyong pangalan ay hindi mo maalala man lang?" Napatingin naman siya kay Rie.

Isang katanungan din iyon at napansin niyang madalas iyon na tinatawag sa kanya. Pero hindi niya rin kayang bigkasin.

'W-what is the meaning of that? Why she keep calling me like that? It's my name or what?' sunud-sunod na tanong niya sa kanyang sarili.

"Katulad ko Ate, ako si 'Rie'. Rie ang pangalan ko," sambit nito at tinuro pa ang sarili.

Gumalaw ang kanyang mga labi na para bang magsasalita siya.

Natigilan si Mang Prodencio at naninimbang na tinignan ang dalaga. Gumalaw ang labi nito at hinintay nila na kung magsasalita na ba ito. Pero tumiklop ulit ang bibig nito.

She's trying to say something pero nahihirapan talaga siya. Pakiwari niya ay bigla siyang napipi.

"Siguro pipi siya, nanay?" untag na tanong ni Rie sa kanyang ina.

"Baka hindi naman, Rie. Mukhang nahihirapan lang siyang magsalita," sagot ng kanyang ina.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo hija, kailangan mo pang magpahinga at makakatulong din sayo ang paglalakad-lakad sa tabing dagat. Kung wala kang maalala ay huwag mo na ring pilitin na alalahanin iyon," mahabang sambit ni Mang Prodencio at may pag-alala ang boses niya.

Pagkatapos nilang mag-agahan ay umalis na si Mang Prodencio para pumunta sa bahay-bakasyunan. Dahil naroon ang anak ng amo nila.

Naroon si Jornyn ang anak nina Ella Mae at Jeenu Dmitry Aligrossa. Kasama nito ang mga kaibigan.

Mag-iisang linggo na itong naroroon sa Rossa Island at sumakay lang sa barkong bumi-biyahe mula sa Manila at sa kabilang isla nito.

Sinundo ito ni Mang Prodencio gamit ang speedboat ng bahay-bakasyunan. Uuwi na ito sa Manila mamayang hapon.

***

Muli siyang naglakad sa tabing dagat at kahit pa-paano ay nakakalanghap siya ng sariwang hangin. Nabibigyan din siya ng enerhiya sa katawan.

She's wearing a yellow floral strap dress abover her knees, na marahil kasuotan ito ni Rie. Bumagay ito sa maganda niyang katawan. Malambot ang tela at hindi masyadong mainit sa kanyang katawan.

Napatingin siya sa kaliwang panig ng isla at may naaaninag siya na parang maliit na bahay-bahayan. Hindi naman ito malayo sa bahay na tinutuluyan niya.

"Bahay-bakasyunan iyon, ate. Pumunta tayo minsan."

Napapitlag siya sa biglaang pagsulpot ni Rie mula sa tabi niya.

Pinasadahan niya ito nang tingin at tumango lang siya. Ngumiti ito sa kanya.

"Maganda roon, ate, tiyak na magugustuhan mo ang bahay-bakasyunan. Maaari tayong pumunta roon. Isang caretaker si tatay at kilala namin ang may-ari no'n. Si ate Carlea ang nag-aassist sa mga bisita at si kuya Franco naman ang taga-ayos ng mga kagamitan doon."

Sa mahabang sinabi nito ay tanging 'caretaker' lang ang naintindihan niya.

"Bagay na bagay sa 'yo ang bestida ko, para kang artista, ate. Maraming bestida si nanay noong dalaga pa siya, kaya mamaya maghalungkat tayo sa maleta niya."

Tumangu-tango na lamang siya sa sinabi nito.

One thing she noticed about this cute young lady, she's noisy and she's talking non-stop. But she likes her attitude.

Masayahin ito at maalaga.  Magaan ang loob niya kay Rie.

Hinila siya nito paupo sa buhangin at tinignan ang karagatan.

"Kung wala kang maalala ate ay bibigyan na lang kita ng bago mong pangalan. Bibigyan kita ng unique na pangalan at dahil napadpad ka lang sa pribadong isla at ang pangalan nito ay Rossa Island. 'Ross' na lang ang itatawag namin sa 'yo, ate Ross."

"Ate Ross ang iyong bagong pangalan ate. Nakuha ko 'yon sa pangalan ng isla. Inalis ko na lang ang 'A' para 'Ross' na lang. Ikaw na ngayon si ate Ross."

Kunot-noong tinitigan niya lang ang nakangiting si Rie. She hate herself because she couldn't understand her words.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ