ดาวน์โหลดแอป
31.97% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 235: This is worth it!

บท 235: This is worth it!

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

#4 Holy Water ay nabuo mula sa pinakadalusay na heavenly holy power, tulad nang kay Lorant.

Noong una ay kulang si Marvin ng mga range attack pero dahil sa Battle Gunner, napunan na niya ito.

Ito ang shotgun na gamit ni Constantine noong kabataan niya. Panget ang pangalan nito, [Golden Rose], dahil lang may rosas ito.

Ang mga Sha shotgun ay may malaking problema, kailangan ipahinga muna ito ng tatlong minuto pagkatapos ng bawat pagbaril.

Kung hindi, maaaring sumabog ito.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa gaanong sika tang mga baril.

Pero kay Marvin, sapat na ang isang tira.

Gamit ang Wind Fairy para ilihis ang atensyon ng pitong Evil Spirit Knight, nagawa niyang palapitin ang mga ito. Saka inasinta ni Marvin ang mga ito at tinira.

Sadyang napakaganda sa pakiramdam!

Sa labas ng Moss Prison, galit naman na sumigaw ang mga Evil Spirit Guard.

Na-alarma sila dahil sa putok ng baril kaya naman nagtakbuhan papalapit ang mga ito. Hindi bababa sa isang-libo ang bilang nang mga ito.

Ang mga Evil Spirit na ito ang pinakamababa sa lahat. Negatibong enerhiya lang ang mayroon sila.

Pero kung gusto ng tao na dispatyahin ang mga Evil Spirit na ito, mahihirapan pa rin ang mga ito.

Itinaas ni Marvin ang kanyang mga dagger at binilisan nag pagtakbo!

Blazing Fury!

Ang nakakatakot na arcane flame ay naghasik ng lagim sa lugar na iyon sa isang iglap. Hindi kayang indahin ng mga Evil Spirit na ito ang init ng apoy na ito.

Ang lugar sa pagitan ni Marvin at ng Moss Prison ay biglang nagliyab.

Napakaraming mga Evil Spirit ang nagliliyab habang ang iba naman ay naharangan ng apoy.

Tumakbo papasok ng apoy si Marvin at nagtungo sa Moss Prison na kasing bilis nang kidlat!

Hindi inaatake ng Variant Moss ang mga kalaban nito pero mataas ang depensa ng mga ito.

Noong mga oras na iyon, laha ng Moss ay namula na sag alit!

Ang ibig sabihin lang nito ay nakapasok na ang kalaban!

Pero walang paraan ang mga Evil Spirit Guard para hulihin si Marvin.

Ang mga Expert ay pinaalis na ni Diggles, at ang Evil Spirit Overlord na ito ay nakatuon ang atensyon sa pakikiramdam ng awra ng mga Legend lang. Sa gitna nang mga atake ni Inheim, ni Hathaway, at ng iba pa, wala na siyang sapat na lakas para bantayan ang Moss Prison!

Sadyang hindi matapatan ng mga Evil Spirit Guard si Marvin.

Ang mga dagger niya rin ay ibinabad sa #4 hoy water.

Direkta niya alng na pinapatay, gamit ang isang hiwa lang ng kanyang dagger, ang mga Evil Spirit na nakakasalubong niya sa loob ng Moss Prison. Kung minsan nga ay nakakadalawa siya sa isang pag-atake lang.

Sa loob lang ng sampung segundo, nakagawa na si Marvin ng kanyang daraanan sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng humarang sa kanya!

"Sir Marvin!"

"Iniligtas talaga niya tayo!"

"Hindig nagsinungaling si Itay sa atin. Sabi niya ililigtas tayo ni Sir Marvin!"

Isang malaking moss ang nakapalibot sa isang dosenang mga White Deer.

Pinalilibutan naman ng mga ito si Muse.

Alam ni Marvin na ganito nila protektahan ito.

Ang mga White Deer ay mayroong bloodline ni Lorant, kaya naman natural lang na may mga heavenly power ang mga ito upang labanan ang mga negatibong enerhiya.

Pero iba ang Holy Maiden na si Muse, dahil wala itong kapangyarihan. Kung wala ang mga White Deer, marahil nilamon na ang kanyang katawan ng negatibong enerhiya.

Tiningnan ni Marvin ang matibay na Moss Prison at naglabas ng dalawang scroll!

Binigay ng Great Druid na si Sky Fury kay Marvin ang mga scroll na ito matapos sabihin ni Marvin sa mga ito ang katangian ng Moss Prison.

Naglalaman ng malakas na spel ang dalawang scroll, [Greatl Wilting]!

Kahit pa isinilang ang moss na bumubuo ng kulungan, bilang isang Variant Plant, nang dahil sa negatibong enerhiya, halaman pa rin ito.

Ang mga Withering skill ang malaking kalaban ng mga halaman, at natural lang na magiging epektibo ang Great Wilting sa moss na ito.

Subalit, ang ganitong uri ng spell ay ginagamit lang ng mga Druid kung wala na silang ibang pagpipilian.

Katulad na lang rin nang paggamit ng binhi ng World Tree.

Kung hindi ito para sa pagpapanatili ng balanse ng kalikasan at sa pagwasak sa Underworld, kahit pa kaibigan ni Sky Fury si Lorant, hindi niya ito ibibigay.

Sa katunayan, ang mga ginawa ng dalawang Great Druid na ito ay walang pahintuloy ng Mogratory Bird Council.

Sinamantala ni Marvin ang pagkakataon na wala pang mga Evil Spirit Gurad at agad na pinunit ang scroll.

Ang mga itim na rune ay lumabas at isang malaking itim na usok ang bumalot sa red moss.

Pagkatapos nito, isang malaing bahagi nito ang nagsimulang malanta.

Epektibo nga ang Great Wilting.

Itinabi na ni Marvin ang isa pang scroll. Binigyan siya ni Sky Fury ng dalawang scroll para makasiguro.

Sa katunayan, higit pa ito sa sapat.

Masayang naglabasan nag mga White Deer, ang isa sa kanila ay bitbit pa rin si Muse.

"Maraming salamat ,Sir." Tiningnan ni Muse si Marvin.

Bahagyang tumango si Marvin. "Wala na tayong oras. Kailangan na nating umalis kaagad ng Undeworld."

"Makinig kayo sa akin. Tumakbo kayo sa direksyon 'yan tapos may makikita kayong malaking Mushroom Bridge."

"Magtiwala kayo sa akin. Talunan niyo lang ang mga kabute para makatawid, buksan niyo ang pintong malapit doom, at pagkatapos noon ay makakabalik na kayo sa Feinan."

"Pero kailngan niyong tandaan na pagkabalik niyo ng Feinan, kailangan niyon isabit ang kandadong ito sa pinto." Inabot ni Marvin ang kandado kay Muse.

"Paani ka?" Tila nag-aalinlangan si Muse.

Inasahan niyang kasama nilang aalis si Marvin. Pero matapos marinig ang lahat ng ito, tila mukhang magpapaiwan si Marvin sa underworld!

"May plano ako," sagot ni Marvin. "Isama mo na ang mga White Deer at tumakas na kayo!"

Nagsimula nang magdatingan ang mga Evil Spirit Guard at palibutan sila.

Hindi na nag-atubili pa si Marvin at muli niyang itinaas ang kanyang cruved dagger!

Blazing Fury!

Ngayon ay parehong curved dagger na niya ang gumamit ng Blazing Fury ability.

Muli na namang sinunog ng Blazing Fury ang malaking bahagi ng lugar.

Sumakay si Marvin sa isang batang White Deer, at mabilis na lumabas mula sa Moss Prison!

Sinundan nila ang tinurong daan ni Marvin at muli nang nakalabas sa halamanan. Bigla silang pinatigil ni Marvin.

Bumaba si Marvin mula sa White Deer.

"Bilisan niyo na. Sundan niyo lang ang direksyong ito at may makikita na kayong Mushroom Bridge!" pilit na sabi nito.

"Paano ka?" Nag-aalalang tanong ng isang White Deer. "Marami pang natitirang Evil Spirit, hindi mo sila kayang pigilan mag-isa!"

"Oo nga, mayroong Pool of Corrupotion sa Moss Prison. Mabubuhay na ulit 'yung mga napatay na Evil Spirit Knight dahil sa Pool of Corruption."

"Mas mabilis silang tumakbo kesa sa amin," balisang sabi ng isa pa.

Ngumiti si Marvin. "Pinaghandaan ko sila."

Alam ni Marvin ang tungkol sa Pool of Corruption.

Imortal ang mga Evil Spirit Knight na ito. Kaya naman walang nakuhang experience si Marvin nang mapatay niya ang mga ito!

Dahil nanggaling sila mula sa Pol of Corruption na nasa loob ng Moss Prison.

Sa loob gn limang minuto ay mabubuhay na uli ang mga ito at hahabulin sila.

Mabiblis tumakbo ang mga White Deer, pero hindi kasing bilis ng mga Evil Spirit Knight na nakasakay sa Evil Warhorse.

Inasahan na ni Marvin na mangyayari ito, kaya naman tumigil na siya sa lugar na ito!

Nagulat si Muse at ang mga White Deer nang may inilabas na malaking sandata si Marvin mula sa halamanan!

Isang malaking cannon!

Itinabi ni Marvin ang kanyang mga dagger at inayos ang anggulo ng Brilliant Purple, inasinta niya ang Moss Prison na nasa hindi kalayuan!

Noong mga oras na iyon, napakaraming Evil Spirit na ang lumalabas mula rito.

Ang mga Evil Spirit na ito ay nagmula sa Pool Of Corruption

Kung masisira ang Pool of Corruption, mawawala na silang lahat!

'Parang binibili ko lang ang experience ko. Bakit parang pakiramdam ko isa na ko sa mga madadayang manlalaro dati….'

Huminga nang malalim si Marvin habang tinutuya ang sarili dahil sa pagkuha niya ng exp sa ganitong pamamaraan, bago niya tuluyang ginamit ang Brilliant Purple.

Handan a ang Brillian Purple.

Ang inilagay niya ay hindi [Dragon Tooth], kundi [Dawn Light]!

1500 na ginto ng Wizard ang halaga ng isa nito!

Ang mga Evil Spirit ay rumaragasa na patungo sa kanila at hindi magtatagal ay maabutan na sila ng mga ito.

"Sir Marvin!"

Hindi mapakali ang mga batang White Deer.

"Wag…Kayong…. Mag-alala…"

Paisa-isang salita ang lumabas kay Marvin habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang Brilliant Purple, at bigla niyang hinila ang pingga!

"Bang!"

Umalingawngaw ang malakas na pagputok nito. Tumalsik ng sampung metro si Marvin, at may kaunting dugo na tumalsik sa kanyang mukha!

Noong mga oras na iyon ay may putting ilaw na lumabas mula sa cannon at lumipad sa kalangitan bago tuluyang bumagsak.

Bumagsak ito sa Moss Prison!

"Grambol!"

Ang nakakatakot na tunog ng pagsabog ay mas lumakas pa nang tumama na ang Dawn Light sa buong Moss Prison at sumabog ito!

Nagpahinga sa lapag si Marvin habang tinitingnan niya ang napakaraming log na lumitaw!

Bumuga siya ng dugo habang tumatawa.

Nasira nga talaga nito ang Pool of Corruption!

Kahit na sumusuka siya ng dugo dahil sa malakas na sipa ng kanyon, dahil sa mga nakuha niya, maliit na bagay lang ito!

'Kahit pa nasaktan ako sa paggamit…'

'Sulit naman!'

Sa mga log:

[Matagumpay mong nawasak ang Pool of Corruption, nakakuha ka ng 81748 exp!]

Pasuray-suray na tumayo si Marvin, na gusto sanang itago na ang Brilliant Purple, nang may putting ilaw ang tumama sa kanyang katawan.

Pinalibutan siya nang mga White Deer, gumamit ng mga spell ang bawat isa sa mga ito para pagalingin at palakasin siya, nakaramdam naman siya ng kakaibang init dahil dito.

Isa talagang malakas na manggagamot ang mga ito kapag magkakasama sila!

"Ano!"

"Anong nangyari!"

Sa trono, biglang nagulantang si Diggles!

Sa lakas ng komusyon na ginawa ni Marvin dahil sa pagtirang iyon, kung hindi man lang ito napansin ni Diggles, hindi na siya karapat-dapat na tawaging hari ng plane na ito!

Nawasak ang Pool of Corruption, at nakatakas ang mga batang White Deer…

Ilang eksana ang biglang lumitaw sa kanyang mga mata.

Hanggang sa may nakita siyang isang maliit na tao na hirap na ginagamit ang isang kakaibang sandata na inaasinta ang Moss Prison.

'Isang Gunner!'

'Hindi man lang isang Legend!'

Sinuntok ni Diggle sang trono at mas naging mabalasik ang kanyang reaksyon. 'Isang maliit na tao ang nangahas na gawin iyon sa mundo ko!'

Nang biglang nagbukas si Hathaway ng isang Teleportation Door sa loob ng liwanag World Tree.

Sa nanlilisik na paningin ni Diggles, isang tao ang lumabas mula sa Teleportation Door.

Isa na namang bang Legend?

Mas lalong nagpupuyos sag alit si Diggles. Ang mga Legend na ito ay umaastang pag-aari nila ang lugar na iyon.

Pero taliwas sa kanyang inaasahan, ang taong lumabas mula sa Teleportation Door ay hindi isang Legend!

Kundi isang 3rd rank Ranger!

"Punyeta! Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin!"

Parang gustong sumabog ni Diggles sa Galit!

Hindi siya makapaghintay na patayin ang taong iyon!


next chapter
Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C235
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ