ดาวน์โหลดแอป
39.04% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 287: The Universe Magic Pool’s Turmoil!

บท 287: The Universe Magic Pool’s Turmoil!

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Ang awra ng Fate Tablet ay lumalabas ng Hope City at nakuha nito ang atensyon ng mga tao sa buong Feinan.

Kahit na wala pang isang segundo ang itinagal nito, napansin pa rin ito ng mga makapangyarihang nilalang!

May ilan na nagkagulo dahil sa God Realms sa itaas ng Feinan, tanging ang Luck, Disaster, at Fate na lang ang kulang!

Rocky Mountain!

Maraming gumamit ng iba't ibang paraan para maramdaman ang awra ng Fate Tablet at desidido nang kumilos ang mga ito, pero noong mga oras na iyon, biglang lumabas ang mas malakas na awra!

"Ang Universe Magic Pool!"

"Sa kaibuturan ng Universe Magic Pool, sa lugar kung saan hindi natin maabot."

"Ang makapangyarihan at hindi maunawaang si Lance ay naglagay ng ika-apat na Fate Tablet sa loob ng Universe Magic Pool? Bakit naman niya gagawin 'yon?"

"Sabi sa mga kwento, ang 4th Fate Tablet ang kailangan para maka-usad sa isang as mataas na universe! Kailangan natin makuha iyon."

Sa God Realms, patuloy ang usapan. 

Nakita nila ang unang awra ng Fate. Isa lang itong Fortune Fairy.

Kahit na ang Fortune Fairy ay ang nagkatawang tao na Fate Tablet, nawala na ang kapangyarihan nito bilang isang Fate Tablet.

Ang awra ay nagmula sa isang Fortune Fairy na mamamatay, kasabay ng pagiging tablet nito. 

Ang pumukaw ng atensyon nila ay nagdulot ng pag-ugong ang awra na iyon.

Nang maging tablet si Ding, isang tunog ang biglang lumabas mula sa kaibuturan ng Universe Magic Pool!

Isang pagyanig ang umalingawngaw sa Feinan.

Nagulat ang mga god at makapangyarihang Legend na yumanig ang palibot ng Universe Magic Pool.

Kalaunan, pagngitngit nito ay naging isang pag-atungal!

Ang dating kalmadong Universe MagicPool ay nagkakagulo!

Isang mas malakas na pagbugso pa ng awra ang nagmula s akaibuturan ng Universe Magic Pool, at kahit pa napigilan ito ng mga dingding nito, kumalat pa rin ito sa bawat sulok ng multiverse.

Ito ang awra ng isang Fate Tablet.

Dahil sa pagkamatay ni Ding isang pag-ugong ang naganap.

Ilang malakas na tao na nakaramdam ng awra na ito ay napuno ng lungkot.

Ang tila kalmadong Feinan ay nagiging magulong muli.

At ang mga god sa Astral Sea ay siguradong-sigurado na ang 4th Fate Tablet ay nasa gitna ng Universe Magic Pool.

Kailangan na nilang atakihin nag Universe Magic Pool!

Sa dakong KAnlurang bahagi ng Rocky Mountain, sa loob ng sang nakakatakot na underground temple.

Si Kate, na naging maingat sa pagkilos, ay biglang nakaramdam ng sakit at biglang nagsuka ng dugo.

"Ding…."

Nakita niya ang pagkamatay ni Ding, ang Black Dragon, ang kanyang nakatatandang kapatid, at si Marvin!

"Ding…"

Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Bakit… Bakit nangyari ito?"

Nanghihina siyang nakatayo sa gitna ng isang malamig na templo pagkatapos ng ilang araw na paghahanap sa Source od Fire's Order.

Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata.

Siya ang pinaka-apektado sa pagkamatay ng kanyang alaga.

Ang kanyang lakas na noon ay umabot na sa Half-Legend, ay bumaba na sa 3rd rank!

Pero wala nang pakialam si Kate dito.

Iniisip niya ang bilugan at nakakatuwang si Ding na mahilig magyabang at maikli ng pasensya, pero lagging nagbibigay ng blessing!

"Hindi! Hindi ka pwedeng mamatay!"

Makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata.

"Hindi ka pwedeng mamatay…" ulit niya.

Isang misteryosong awra ang biglang kumalat sa buong ancient temple.

Isang Repelling Barrier ang nabuo at si Kate ang nasa gitna. Maraming mga bato ang nahulog at tumalsik.

Pero ligtas siya.

Tatlong bilog ng liwanag na mayroong pitong kulay ang lumitaw sa katawan ni Kate.

Tatlong layer ng Fate Power!

Ito ay kapangyarihan ng isang Legend.

Pero ang mukha niya ay puno ng luha.

Dahil nararamdaman niya ang Luck blessing na pinadala sa kanya ni Ding ay nawala na.

Wala nang kahit anong bakas ang natira.

Sa Hope City, sa pagamutan sa loob ng palasyo.

May luha sa mga mata ni Lorie, pero hindi ito umiiyak.

Ang tanging natira na lang sa maliit na kama ay isang malamig na tablet.

Sa katunayan, isa lang itong bahagi ng tablet.

Makikita ang imahe ng isang nilalang na kita ang mga ngipin dito. Parehong-pareho ito sa hugis ni Ding.

Kinuyom nang mahigpit ni Jessica ang kanyang mga kamay, anim na bilog ng liwanag na may pitong kulay ang bumalot sa kanya. Pagkatapos maipon ang Luck sa katawan ni Marvin, pinalakas nito ang kanyang Fate Power, kaya naman, nang bumalik ito kay Jessica, naroon pa rin ang 6th layer.

Pero malaki ang naging kapalit nito.

Nagamit na ni Ding ang lahat ng kanayng kapangyarihan at namatay.

Bumalik na siya sa kanyang orihinal na anyo.

Maraming mga rune ang nakasulat sa likod ng tablet, mga letrang kahit ang mga Ancient God ay hindi mababasa.

"May paraan ba para maibalik si Ding?" Tanong ni Lorie kay Marvin.

Nanatiling tahimik si Marvin.

Kahit si Lorie na mayroong [Wisdom] ay nawalan na ng pag-asa at isa lang mortal si Marvin. Kahit pa may kaunting nalalaman si Marvin sa Feinan, wala siyang alam kung paano maibabalik ang isang Fortune Fairy.

Lalo pa at isang kakaibang nilalang ang Fortune Fairy.

Hindi pa siya nakakaranas ng ganitong sitwasyon dati.

Sa unang pagkakataon, naramdaman niya rin na wala na siyang magagawa.

Unti-unti nang nababago ang kasaysayan pero hindi pa rin sapat ang kanyang lakas!

Sabi nito ay gusto niyang makitang pira-pirasuhin ang Black Dragon. Kaya naman ito ang ginawa ni Marvin, subalit, nawalan na ito ng malay.

Kaya naman hindi pa rin ito nasaksihan ni Ding.

"Laging mayroong paraan," dahan-dahang sabi ni Marvin.

"Pupunta ako sa [Pearl Tower]."

"Siguradong may alam na paraan para iligtas si Ding ang mga Scholar doon. Nakikita niyo baa ng mga rune na 'yan? Nandyan pa rin ang kontrata niya kay Kate, kaya nawalan lang siya ng kapangyarihan… Siguradong mayroon pang paraan."

Tumango si Lorie.

Napabuntong-hinigna si Lorie. "Malala ang pinsalang nakuha mo. Kailangan mo muna magpahinga ng ilang araw."

Desidido niyang tiningnan si Jessica at sinabing, "Hindi pwede. Kailangan ko ang pinakamahusay niyong Priest at Cleric para mapagaling nang maayos ang mga buto ko."

"Siguradong matindi ang naging epekto kay Kate dahil sa nangyari kay Ding. Para man sa Rocky Mountain o sa White River Valley, kailangan natin ang Source of Fire's Order. Jessica, kailangan mong protektahan ang Rocky Mountain. Hindi ka pwedeng umalis, kaya ako na lang."

Ngumiti si Marvin habang sinasabi ito. "Wag ka mag-alala, ako ang taong nakatanggap ng 6 Luck, kaya walang mangyayaring masama sa akin."

Tinitigan nang matagal ni Jessica si Marvin at dahan-dahang tumango.

Pero biglang isang nakakatakot na ingay ang maririnig sa buong Rocky Mountain!

Nakita nina Marvin at ng iba ang eksenang ito sa bintana:

Isang liwanag ang kumikisap-kisap sa kalangitan kasabay ng pag-ikot ng pitong bola ng apoy sa isang babae.

Walang hanggang mga kabundukan at karagatan ang nasa likuran niya.

Tila isa siyang Ancient God, nakatayo sa isang ulap habang papalapit.

"Ate Kate!" Sigaw ni Lorie sa gulat.

Ang Source of Fire's Order!

Nanlaki ang mga mata ni Marvin!

Ang pitong bola ng apoy ay ang bagay na matagal na niyang hinahanap!

Hindi niya inasahang mahahanap ni Kate lahat ng imga ito.

Pero bigla may masama siyang naisip.

'Teka….'

'Ang kahalagahan ng Source of Fire's Order sa Feinan ay kasing halaga ng pagtagal ng Decaying Plateau…'

'Noong ginawa ko 'yon, nakita ako ng buong Feinan habang gamit ang Golden Scissors…'

'Edi si Kate…'

Hindi na tinuloy ni Marvin ang kanyang iniisip!

Dahil sa pangyayaring ito, malaking pagbabago ang hinaharap ng Rocky Mountain!


next chapter
Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C287
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ