© WebNovel
Ikatlong araw mula ng pagtawid.
Dumungaw si Marvin sa bintana habang pinapanood ang mga tao naglalakad sa kalsada ng
gabing iyon. May isang kaakit-akit na babae sa malapit na eskinita na tila nagpapahiwatig sa
pagtingin nito sa kanya.
Ito ang pinakamagandang kwarto sa Fierce Horse Inn. Mula dito ay makikita mo ang tanyag na
River Shore City, ang Silver Hourglass, na kung saan nagsisilbing headquarters ng Silver
Church.
Sa hindi kalayuan, isang bata ang palihim na ninanakaw ang pitaka ng isang mayaman na
lalaki. Ang kilos ng bata ay napaka liksi. Mayroon siyang hindi bababa sa tatlong level sa Thief
class
Lahat ay parehong pareho sa tunay na mundo.
Ang tanging pinagkaiba ay mismong si Marvin.
"Stats Window", ang sabi niya sa kanyang isip at may lumitaw na mga impormasyon sa harapan
niya.
Name: Marvin
Race: Human/?
Attributes:
Strength – 11
Dexterity – 16
Constitution – 9
Intelligence – 14
Wisdom – 14
Charisma – 13(+1)
Class: Noble Rank 3 (150/200)
Adventurer Class: None
Health Points: 10/26 (Fever)
[Weakness Penalty: Attributes Reduction - 70%]
Exp (Experience Points): 40 (Noble) [Unused]
SP (Skill Points): None
AP (Ability Points): None
Class Skills:
– Noble (Baron):
Dignity – 25
Management – 31
Perception – 16
Diplomacy – 19
Accounting – 28
Horsemanship – 30
…
Bukod sa mga lumabas na impormasyon, na katulad sa mga nilalaro niyang video games
noong siya ay nabubuhay, ang mundo kung saan nagising muli si Marvin ay walang pinagkaiba
sa tunay na mundo.
Siya ay tulirong tuliro. Ngunit matapos ang tatlong araw ng pagtatanong at pakikibagay sa
panibagong niyang mundong ginagalawan ay may tatlong bagay siyang napagtanto:
Una, sumakabilang mundo siya sa laro na kanyang kinahiligan noong siya ay nasa daigdig pa,
ang "Feinan Continent".
Pangalawa,bukod na lamang sa di malamang dahilan kung bakit nakikita niya ang parehong
interface ng laro, ito ay ang tunay na mundo! Lahat ng tao dito ay buhay at kilala pa niya ang
iba sa mga ito.
Pangatlo, siya ay nasa panganib, isang malaking panganib
Kung tama ang kanyang pagkaka-alala, dumating siya sa mundong ito noong gabi ng "Great
Calamity". At di nagtagal ang mundong tahimik at payapa na kanyang kinagisanan ay nabago
nang tuluyan. Nalalapit nang matapos ang paghahari ng mga Feinan's Wizards sa ika-apat na
siglo. Lahat ng mga Gods ay magtutulungan upang wasakin ang Universe Magic Pool at
kanilang sasamantalahin ang matabang lupa nito.
Tungkol doon...
"Ang ika-apat na Fate Tablet. Diyos ko.." Hinilot ni Marvin ang kanyang sintido habang
sinusubukang isaayos ang kanyang mga inisiip.
Sa katotohanan ay hindi pa ito ang pinakamalaking suliranin sa ngayon. Ang Great Calamity ay
magaganap lamang sa loob ng anim na buwan at susundan ng panahon ng kaguluhan, pero
may nalalabi pa siyang oras.
Bilang isang ma-alamat na level player na alam na alam ang kalagayan ng mundong ito, kahit
na hindi naging madali ang anim na buwan na iyon ay naging sapat ito upang makamtan niya
ang sapat na lakas parang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Ang pinakamahalagang pagtuonan ng pansin ngayon ay ang kanyang kalagayan.
Ang mataas niyang lagnat isama pa ang kanyang masamang pangangatawan ay
nangangahulugan na maari siyang mamatay ano mang oras kapag siya ay nagka-sipon.
Walang nasabi si Marvin. Sa loob ng tatlong araw na pag-intindi niya sa alaala ng labing apat
na taong gulang na bata ay nalaman niyang hindi lang ang pangangatawan niya ang problema;
siya rin ay gipit sa ngayon dahil kailan lamang ay nawala sa kanya ang kanyang lupain. isang
buwan na ang nakakalipas nang may isang lipon ng mga gnoll ang sumugod sa lupang
kanyang nasasakupan at inagaw ang kanyang kastilyo at minahan. Wala siyang nagawa kung
hindi umasa sa River Shore City Lord. Umaasa siya na magpapadala ang City Lord ng hukbong
maaaring palayasin ang lipon ng mga gnoll.
Habang lumilikas patungo sa River Shore City, ang kaawa awang bata ay nagkasipon at
namatay kung kaya nabigyan ng pagkakataon ang kaluluwa ni Marvin na lumipat sa katawan ng
bata. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sinaniban niya na bata ay Marvin din ang
pangalan.
Ang pagsilang ng isang bagong kaluluwa ay napakasakit. Kinailangan pang himukin ni Marvin
ang natitira sa kaluluwa ng bata na pakawalan na ang katawang dati nitong pinamamalagian. Di
naglaon ay pumayag naman ito ngunit mayroong kapalit. Kinailangan niyang ipangako na
pangangalagaan niya kung ano ang ninais na pangalagaan ng kawawang bata at yun ay ang:
Kanyang lupain, ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki, at isang babae.
Ito ang mga bagay na pinakamahalaga at pinapangalagaan ng bata. Matapos ito ay nagisama
na ang alaala ng dalawa at ang kanilang mga damdamin. Kaya kung gustuhin man niyang hindi
tuparin ang kanyang pangako ay marahil hindi niya rin ito kayang gawin.
Kung kaya kakila-kilabot man ang Great Calamity, ang unang bagay na nais gawin ni Marvin ay
ang mabawi ang kanyang lupain sa loob ng isang buwan.
Kung hindi, isusumpa siya ng natirang kaluluwa ng bata at ang kanyang walang kuwentang
mga attributes ay mas lalong hihina at mawawalan ng silbi. Isang bagay na ayaw makita o
mangyari ni Marvin.
Kailangan din malaman, na noong ang kanyang Thief ay umabot na sa pagiging [Ruler of The
Night], ang kanyang base attributes ay humigit na sa 100 kapag pinagsama.
Ang kanyang dexterity ay lumampas na sa 20!
Ang ibig sabihin lamang nito ay noong siya ay level 1 thief pa lamang ay mayroon na siyang
extra dexterity passive, [Anti-Gravity Steps].
[Anti-Gravity Steps]: ito ay isang special skill reward kapag ang Dexterity ay humigit pa sa
hangganan ng isang tao. Magkakaroon ka ng panandaliang kakayanan na maglakad sa pader
at mawawalan ng bisa sayo ang gravity ngunit hindi maaring lumagpas ng 6 na metro ang pag-
gamit nito.
Ang overpowerd dexterity passive ay ang dahilan kung bakit siya naging [Ruler of The Night].
Noong panahon ng pagsanib ng kaluluwa ni Marvin sa bata ay mayroon pang 11 na manlalaro
ang matagumpay na naging Gods, kasama na dun si Marvin.
Ngunit ngayon, ang katawang ito ay…
Hindi masikmurang tingnan ni Marvin ang kanyang bagong katawan. Pabayaan na natin iyang
gnolls na iyan; kahit isang hamak na goblin ay kayang kayang talunin iyan sa isang duwelo,
hindi ba?
Paano nangyaring ni wala man lang siyang kahit isang fighting class? Isa lamang siyang batang
walang kuwenta na laki sa layaw. Itaas niya lamang ang mga braso niya at mayroong
magdadamit sa kanya. Ngumanga lamang siya at may magpapakain na sa kanya. Bukod sa
Diplomacy at Horsemanship na kung tutuusin ay hindi rin ganoon kahalaga, ay wala na siyang
ibang kapaki-pakinabang na skill para sa adventurer path!
Gayunpaman, si Marvin ay natuwa dahil hindi lang basta-basta pumili ng class ang bata. Kung
sakaling pagtawid niya at napunta siya sa isang wizard na pangit ang pagkakabuo ay mas
malala pa ang kanyang magiging kalagayan.
At yun ay sa kadahilanan na ang Universe Magic Pool ay masisira rin naman sa loob ng anim
na buwan. Bukod sa mga ma-alamat, lahat ng wizard ay bababa ng isang rank (5 levels).
Matatapos na rin ang paghahari ng mga wizard sa Feinan. Magsisimula na umahon ang ibang
mga classes, iba't ibang uri ng mga Gods ang paunti-unting magpapalaganap ng kanilang
relihiyon hangang sa maging laganap na ito. Ang apoy ng digmaan ay masisindihan at
magdurusa ang bawat nilalang.
At ang mga wizard ang magiging kawawa sa lahat. Nawala na ang kanilang mga kapangyarihan
bago pa man magsimula ang digmaan.
…
"Tao po, Tao po, tao po!"
"Pasok ka." naglakad si Marvin pabalik ng kanyang kama.
Isang dalagang nasa dalawampung taong gulang at may kulay tsokolateng buhok ang
pumasok. Mukha siyang pagod, at ang kanyang armor ay may mga hiwa na tila ba kagagaling
lamang niya sa isang labanan. Patusok ang kanyang mga tenga, pero hindi ganoon katusok
para masabing siya ay purong Elf.
Ito pala ay ang butler at bodyguard ni Marvin, at ang natatanging taong nanatili sa kanyang tabi
hanggang ngayon. Tanda pa niya noong gabing nasunog ang kamalig. Ang babaeng ito, na
hindi inisip ang sariling kapakanan, ang humila sa kanya palabas sa nasusunog na kamalig at
iniligtas siya mula sa mga gnolls. Naglakad ang babae mula sa White River Valley patungo sa
River Shore City, na nasa 5 kilometro ang layo, habang buhat-buhat siya.
Anna ang pangalan niya, isang half-elf. Dahil limitado lamang ang kanyang kakayanan ay hindi
makita ni Marvin ang attributes ni Anna. Subalit, mula sa tatlong araw niyang pagmamasid ay
nahinuha niyang marahil si Anna ay Rank 1 adventurer class na may 4 o 5 na levels. Siya
siguro ay isang Fighter o Ranger pero mas malamang na siya ay isang Fighter. Dahil sa
kanyang pagkakatanda, bihirang gumamit ng pana at palaso o patibong si Anna.
Ang kanyang sandata ay isang espada, at tulad ng kanyang armor, ay hindi maganda
kondisyon ng mga ito dahil di napangalagaan ang mga ito ng matagal na panahon.
"Master, Nagpunta ako sa munisipyo kanina at nagtanong-tanong sa mga official ngunit
parehong sagot lamang ang kanilang sinabi sa akin…"
Ibinaba ni Anna ang kanyang espada, kita pa rin sa kanyang mukha ang pagod. "Sa
kabutihang-palad, kumita ako ng 20 pilak ngayong araw. Hindi na natin kailangan isipin ang
pambayad ng upa sa susunod na linggo. At maaari kang maka-higop ng mainit na sabaw
mamayang gabi."
"Ate Anna, magkano pa po ang pera natin?" Biglaang tanong ni Marvin.
Kapansin-pansin ang gulat sa mukha ni Anna. Dahil mula nang magising si Marvin ay ngayon
na lamang siya kinausap nito.
Hindi na siya masyadong nag-isip at sumagot ng "29 na pilak"
"Ang 29 na pilak ay hindi sapat," Ika ni Marvin habang nakakunot ang kanyang noo. "Mayroon
bang naiwang kahon ng alahas ang aking ina?"
Nagulat si Ana at biglang nagalit. "Master Marvin, Nais mo bang ipagbili ang relics ng iyong
ina?!"
Tumango si Marvin, kalmado ang kanyang mga mata. "Naalala kong may kwintas sa loob iyon;
maaari nating ipagpalit ito sa pera."
Tiningnan ni Anna si Marvin na tila ba hindi makapaniwala, kitang-kita na dismayado siya sa
naisip ni Marvin. "Wag mong sabihin na gusto mong pumunta sa bcasino?"
Saglit na natigilan si Marvin dahil hindi niya inaasahan na hindi siya mauunawaan ni Anna. Muli
niyang binalikan ang kanyang mga alaala. Natuklasan niya na noong panahon na unang beses
na dumating sa River Shore City ang bata ay may dalang pera ito, ngunit nilinlang siya at dinala
sa casino ng isang masamang "Kaibigan".
Natalo ang bata ng malaking halaga ng pera. Kaya magmula noon, ang kanyang kalusugan na
noon unti-unti nang bumubuti ay muling nagiging masama at tila mas tumitindi.
Malinaw naman na ang "kaibigan" na iyon ay kasabwat ng casino. Magaling siyang manlinlang
ng taong tulad ni Marvin na kaunti lamang ang pera at walang malakas na kapit.
"Hindi ko maaaring ibigay sa iyo iyon, Master Marvin. Kung kailangan mo ng pera, kikitain ko na
lamang para sa iyo." Pagmamatigas na sinabi ni Anna. "Pero hindi kita hahayaang magliwaliw
lamang. Alam mong ang nakababatang Master Wayne ay may dalawang buwan na utang sa
matrikula sa wizard alliance. Kapag nahinto ang pagbabayad natin ng matrikula, mapipilitan
siyang huminto sa pag-aaral sa Magore."
"Wala na tayong pera at hindi na natin kayang sayangin pa ito"
Hindi napigilan ni Marvin na mapahagikgik. At marahang sinabi na, "Ate Anna, ang kwintas na
hinihiningi ko ay hindi ko ipangsusugal, sa halip ay gagamit ko upang pagalingin ang aking
katawan."
"Pagalingin?" saglit na natulala si Anna.
"Hindi bumubuti ang kalusugan ng katawan ko at hindi ko na kayang magpatuloy ng ganito. May
kilala akong priest of the Silver God. Basta magbayad tayo, bibigyan niya ako ng low level
[Remove Disease] at [Cure Light Wounds]. Sa ganoong paraan gagaling ang aking katawan at
babalik sa dati," paliwanag ni Marvin. "Hindi ako maaaring manatiling mahinang maharlika."
"Kailangan ko magsanay at lumaban para mabawi ko ang ating lupain. Gusto ko rin na
maipagtanggol ang mga taong mahalaga sa akin."
Tumayo siya sa kama, nagpalit ng damit at mukhang nabuhayan ng loob.
"Magtiwala ka sa akin, Ate Anna" tiningnan niya ang half-elf na butler.
Nag-ngalit ang ngipin ni Anna, pero sa huli ay kinuha pa rin niya ang kahon ng alahas sa ilalim
ng maleta. At tulad ng inaasahan mayroong kwintas na perlas sa loob nito.
"Sasamahan kita, para makasiguradong hindi ka na malilinlang muli.."
"Hindi na kailangan." Kinuha ni Marvin ang kahon ng alahas na may seryosong itsura sa
kanyang mukha.
"Anna, marami kang ginawa maghapon kaya dapat lang na magpahinga ka. Baka di ako
makabalik ngayong gabi. Kailangan mong mag-ingat. May narinig akong dalawang sanggano
sa eskinita kanina na para bang pinag-uusapan ka."
"Tingin ko ay masama ang balak nila. Kahit na rank 1 adventurer ka ay may mga gang na
malalakas. Kaya kailangan pa rin natin mag-ingat."
Hanggang sa maka-alis si Marvin sa kwarto ay nanatili doon si Anna, nakatulala lamang.
Tila ba may kakaiba kay Marvin ngayon. Ibang-iba sa kadalasang mabait at mahinang bata
noon. Siya rin ay para bang mas … dominante, tulad ng kanyang ama. Isang uri ng dangal na
natatangi lamang sa mga maharlika.
At sa labas ng pinto, tinitingnan ni Marvin ang system log, at napailing na lamang siya.
"Nag-sisisi ako ng kaunti na kinailangan kong gamitan ng skill si Anna… una at huling beses na
lang siguro yun."
[Log]:
[Dignity (25) cast…]
[Wisdom check...]
[Skill successfully activated…]
[Log]:
[Dignity (25) cast…]
[Wisdom check...]
[Skill successfully activated…]
We know that our current translation work still needs a lot of improvement, so please feel free to add comments and suggestions that could help us enhance the quality of our translation. Thank you!