ดาวน์โหลดแอป
95.64% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 703: Ethereal Plane Seal

บท 703: Ethereal Plane Seal

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Nang makalabas ang World Ending Twin Snakes mula sa pagkakakulong ng mga ito, alam ni Marvin ay hindi magtatagal ay hahaapin niya rin ang mga ito.

Kahit pa magawa niyang makatakas ngayon, mangyayari at mangyayari pa rin ang pagharap niya sa mga ito,

Pero hindi niya inakala na ang pansamantalang barikada mula sa Truth Goddess Imprint ay biglang mabubuwag!

Kahit umaatras na ang mga kalaban niya at puno na ng kanyang mga kakampiang Sky Tower ngayon, hindi pa rin ito magandang balita para kaya Marvin.

Nangangahulugan lang na nanganganib na ngayon ang buhay ng lahat ng kanyang kasamahan!

Kahit na nakakagamit si Wayne ng maraming Arcane Burst, bata pa siya at kagigising lang nito mula sa kanyang coma. Matapos makapatay ng napakaraming kalaban, parehong Magic Power at isipan nito ay pagod na, at makikita na ito sa kanyang mukha.

At mismong si Marvin ay hindi pa lubusang nakakabawi ng lakas!

Pero kumpara noong nasa bingit na siya ng kamatayan, mas mabuti na ang kanyang kalagayan sa ngayon.

Dahil ditto, aminado si Marvin na makapangyarihan nga ang Magic Addict Shape at muli na naman nitong nailigtas ang kanyang buhay.

Kahit pa nabawasan siya ng isang puntos ng Willpower, wala na rin naman silbi ito kung namatay siya.

Ang pananatiling buhay ang pinakamahalaga!

Kaya naman, noong nagpupumulit nang makalabas ang World Ending Twin Snakes mula sa Seal, agad na nagdesisyon si Marvin: "Tumakas na tayo!"

Pinagaspas ni Professor ang kanyang pakpak, tahimik itong lumilipad pataas, naghahanda na takpan ang pagtakas ng lahat.

Pero biglang umalingawngaw ang boses ng isang bata sa Sky Tower. "Wag kang mag-alala kuya. Walang sasaktang ang Twin Snakes basta nandito ako."

Wayne!

Gulat na tiningan ni Marvin si Wayne.

Alam niyang makapangyarihan si Wayne, pero hindi sa puntong kakayanin nitong harapin ang World Ending Twin Snakes! Lalo pa at nauna na nitong nagamit ang kanyang kapangyarihan sa pagdidispatya ng mga kalaban!

Tila ba isa itong batang nais magpasikat.

Pero sa sumunod na sandali, nagulat ang lahat sa ginawa ni Wayne.

Nakita nila itong lumulutan kasabay ng pagyanig ng mga dingding ng Sky Tower. Isang malamlam na dilaw na Arcane Barrier ang namuo sa pagitan ng katawan nito ang ng mga pader!

"Ito ang… ang koneksyon sa pagitan ng Wizard Tower at ng Master nito!"

Makikita ang gulat sa mukha ng Sea Elven Queen habang pinapanuod ang ginagawa ni Wayne.

Alam naman ng lahat na ang Wizard Tower ang pinakamalakas na sandata ng mga Wizard!

Walang makakatalo sa isang Legend Wizard kapag nasa loob ito ng sarili niyang Wizard Tower.

At ang master ng Wizard Tower na ito ay walang iba kundi si Lance.

Pero labis na ikinabigla ng lahat ang eksenang nagaganap sa kanilang harapan!

Tanging isang tao lang ang makakapagdulot ng ganitong koneksyon sa Wizard Tower! Lalo na ang Wizard Tower na ito!

Suot ni Wayne ang Wizard Gown niyang malaki sa kanya, nababalot ito ng isang ginintuang liwanag.

Mabilis na lumabas muli ang Sealing Power sa loob ng Wizard Tower at nakatuon ito sa lagusan ng Ethereal Plane!

Kahit na bumigay na ang kapangyarihan ng Truth Goddess Imprint, mas malakas naman ang Sealing Power na ito na nagmumula sa Wizard Tower ni Lance!

"Ang kapangyarihan ni Lance?!"

"Hindi pa siya umaalis sa mundong 'to!"

"Balang araw, papatayin kita!"

Habang itinutulak sila pabalik ng Sealing Power, maririnig ang gulat sa boses ng World Ending Twin Snakes!

Kumisap ang mga mata ni Wayne. "Hindi niyo magagawang mapatay si Teacher!"

"Dahil nakatadhana na kayong manatili sa Ethereal Plane!"

"Layas!"

Kasunod nito, isang Ancient na salita ang lumabas mula sa bibig ni Wayne!

Ang Ancient God Language!

Ethereal Plane Seal!

Nanginig ang World Ending Twin Snakes, at sinubukan nilang gumamit ng Spatial Distortion para makatakasm pero hindi sila nagtagumpay!

Dahil sa ilang taong pananatili sa Thereal Plane, humina na ang kapangyarihan ng mga ito, pero kahit pa ganoon ay makapangyarihan pa ring nilalang ang Twin Snakes.

Nawala ang Seal na inilagay ni Lance matapos ialay ng Azure Matriarch ang kanyang dugo noong nawala na ang mahalagang bagay na sumusuporta sa Seal, pero nasa loob pa rin ng Ethereal Plane ang Wold Ending Twin Snakes.

At hindi lang naman isang Seal ang inilagay ni Lance kundi isang Double Seal.

Ang buong Ethereal Plane mismo ay isang Seal na maaaring magamit ano mang oras na gustuhin ni Lance!

Sa pinakatuktok na palapag ng Sy Tower, 7 malalaking Six-Pointed Star ang lumitaw. Mabilis ang ikot habang nakaposisyon sa kakaibang anggulo!

Isang asul na liwanag ang nagsimulang lumiwanag sa mat ani Wayne.

Bahagya niyang binuksan ang kanyang mga kamay na para bang mayroon siyang karga.

Itinuro niya ang kanyang kanang kamay sa World Ending Twin Snake at malakas na sinabing, "Bumalik kayo!"

Ang putong Six-Pointed Star ay walang habas na lumipad papalapit.

Napaurong naman ang World Ending Twin Snakes dahil dito!

Nakatayo lang si Marvin habang tulirong pinapanuod ang mga pangyayari.

Alam niyang ang Ethereal Plane Seal at ang ganitong uri ng Plane Guardian level na Spell ay isang bagay na hindi dapat kayang kontrolin ni Wayne.

Ang 7 Six-Pointed Stars na iyon ay sapat na para ma-Seal ang sino mang mga God sa loob nito!

Subalit, hindi talaga ito kapangyarihan ni Wayne, gumagamit siya ng spell para mapalabas ang kapangyarihan ng Sky Tower!

Sa madaling salita, kapangyarihan ito ni Lance, pero ibang tao ang gumagamit nito.

'Siya nga talaga ang Inheritor ni Lance.'

Natuwa si Marvin pero bahagya rin siyang nabahala.

Malapit ang relasyon sa pagitan ni Wayne at ni Lance… Totoo nga kaya ang sinasabi ni Eve tungkol sa Destroyer?

'Kung si Lance nga talaga ang masama, paano na si Wayne?'

'Kung umabot nga ito sa puntong 'yon, anong gagawin ko?'

Habang kung ano-ano ang tumatakbo sa kanyang isipan, panandalian siyang naguluhan. Hanggang sa tinawanan na lang niya ang kanyang sarili at nagdesissyon na wag na munang isipin ang mga bagay na ito sa ngayon.

Lalo na at hindi pa naman nila mareresolba ito sa ngayon kaya wala ring saysay na labis itong pag-isipan.

Kahit na napa-atras nila ang Worl Ending Twin Snakes ngayon, siguradong mayroon pang mas nakakatakot na pagsubok ang hahaapin ni Marvin sa hinaharap.

'Umaasa akong magtagumpay si Wayne,' sabi ni Marvin sa kanyang isipan.

Kung matagumpay nga niyang na-Seal ang Ethereal Plane, hindi na makakapagdulot ng problema para sa amin ang World Ending Twin Snakes.

Mababawasan ng isa… dalawang kalaban.

Pero paano ang Astral Sea, ang Abyss, ang Negative Energy Plane, ang Nine Hells, na hindi malinaw ang intensyon, pati na ang banta ng mga Ancient God?

Kahit na pinili niya ang landas na ito at pinaghandaan niya ito nang mabuti, mas gugustuhin niyang mabawasan kahit isa ang kanyang mga kalaban.

Ang lahat ng bagay ay nagmula sa Fate Tablet na nasa kanyang katawan.

Sinasabing isa itong Artifact na makakapagpabago ng tadhana ng mundo.

Walang makakapantay sa Sealing Power sa lagusan ng Ethereal Plane.

Walang habas na naipit ng World Ending Twins Snakes hanggang sa hindi na makayanan ng mga ito at hindi nagtagal ay pwersahan silang bumalik sa Ethereal Plane.

Pero kasabay ng paghinga nang maluwag ng lahat, isang Spear ang biglang bumagsak mula sa kalangitan at tumama sa pormasyon ng mga Six-Pointed Stars.

Gumawa ito ng isang napakalaking butas.

Kaya agad naman na nagmadaling magtungo ang World Ending Twin Snakes sa lagusan at lumabas sa tuktok ng Sky Tower!

Nasuka naman ng dugo si Wayne at labis na namutla!

Hindi nagtagumpay ang Ethereal Plane Seal!

Matapos sirain ng Spear ang pormasyon, nawala ito.

Pagtapos nito ay isang boses ang maririnig sa buong Feinan. "Utang mo sa akin 'tp. Siguraduhin mong mapapatay mo si Marvin. Akin ang Kangen na 'yon."

Nagulat ang lahat ng nakarinig ng boses na ito.

Kakaunti lang ang nabigla.

"Anubis!" Tiningnan ni Ivan ang nawalang spear ang kinuyom ang kanyang ngipin. "Ang War God!"


next chapter
Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C703
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ