ดาวน์โหลดแอป
93.33% Nexons Institute Of Arcanes (Original One) / Chapter 14: NIOA 12

บท 14: NIOA 12

12.

Nanatili akong nakatulala habang nakatingin sa kaniyang humahakbang palayo sa akin. How can this stranger have this effect on me?! Damn it!

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang sinabi niya kanina. Is this his private place? Pag mamay ari niya ba tong lugar na to para paalisin ako!?

I sighed and planned to go back in our dorms.

Ng makarating ako sa room ko ay agad akong humiga sa kama at pinikit ang mata ko. Bahala na bukas. I should just sleep and forget everything that happen today. Tomorrow is another day, sana naman walang mangyaring hindi kanais nais.

.....

Maaga akong nagising at agad rin na nagbihis ng uniform. As far as I remember, training day namin ngayon. Tsk! Ano namang itraitrain sa akin?

Lumabas ako ng kwarto ko at gulat akong napatingin sa sala ng makita ko sila Friza at Leicel. Are they waiting for me?

"Hey, gising ka na pala. Tara na?"

Umiwas ako ng tingin sa kanila at unang lumabas sa dorm. Hindi ko na lang sila pinansin.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng maalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ang training area. Huminto ako sa paglalakad at nag aalinlangan kung titingin ba ako kila Friza.

No, Aleah. Don't look back.

"Aleah! Doon ang training area!" napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Leicel. "Tara na, let's go!" saad naman ni Friza.

Nauna na silang naglakad sa akin at sumusunod lang ako hanggang sa marating namin ang isang napakalaking auditorium.

What the hell... "What is this place?"

"Welcome to Training Area!" sabay nilang sagot pero hindi ko muna sila pinansin. Nakatutok lang ako sa mga estudyanteng nasa harapan ko. Everyone is doing something.

Something unexplainable.

Ilang beses akong napakurap ng hilahin ako ni Leicel at Friza palapit sa kanila. Nag dadalawang isip pa ako kung gusto ko ba talagang lumapit sa kanila.

"Miss Aleah, welcome to Training Area." nalipat ang tingin ko sa nagsalita. And I saw a man, I think kasing edad lang siya ni Ms. Maisie.

"By the way, I'm Thunder Williams and I like to be called Sir Williams. I'm your training teacher. Nice to meet you, Aleah." a man with gray eyes, blond hair and wearing a black coat with a nameplate at the side said.

Hindi ako nagsalita kundi tinanguan ko lang siya. He smiled at me before turning his back at me and face the other students.

"Okay, everyone! Listen!" pag aagaw niya sa atensiyon ng mga to. "Our today's training are by pair." naglakad siya palapit sa mga estudyante doon at tumakbo naman sila Leicel at Friza palapit sa ibang estudyante. At dahil hawak nila ako, nahila na rin ako.

Biglang itinaas ni Sir Williams ang kanang kamay niya at ganun na lang ang gulat ko ng biglang may lumabas na...na kidlat doon.

His hand's wrapped with some electricity-like things.

Saglit siyang tumingin sa akin bago muling tumingin sa harapan. "May absent ba?" he asked. Si Grella ang sumangot. "None, sir."

"Good. So basically, you're 24 in total. Cut that in half, which means 12. Now, the twelve of you, go tho the right side and the other twelve, go to the left side."

At dahil nasa right na kami nila Leicel, hindi na kami umalis. May mga lumipat at may mga hindi na rin umalis. Ng tignan ko ang nasa kabilang grupo, lahat ng lalaki ay nandoon at ilang babae at sa grupo naman namin, lahat ay babae.

Ng magkahiwalay na nag tuluyan ang dalawang grupo, biglaang itinapat ni Sir Williams ang kamay niya sa gitna namin and something happened. Something unbelievable.

Nagkaroon ng barrier sa gitna namin na gawa sa kidlat. Yes, we can still see each other pero sa tingin ko ay hindi na kami nagkakarinigan.

And you know what's more shocking? Ang barrier na nasa gitna namin ay dumaan din mismo sa katawan ni Sir Williams. And he's still alive!

Napaatras ako ng umalis si Sir Williams sa pwesto niya at naglakad papalapit sa amin.

May biglang sumulpot sa harapan naming mga papel, tumulutang yun at twelve din ang bilang niya. "Choose one paper and the number written in that paper is your number." tanging sabi ni Sir Williams bago kami iniwan at pumunta sa kabilang side.

Bumitaw na sa akin sila Leicel at Friza tsaka sila pumili ng papel. Naglakad narin ako papunta sa papel na pinakamalapit sa akin at yun ang aking kinuha.

Binuksan ko yun at tinignan ang number na nakasulat sa loob.

'12' I'm last?

Bumuntong hininga na lang ako bago bumalik sa aking pwesto. Hindi sinasadyang napatingin ako sa harapan at pinilit ko ang sariling wag ipakita ang aking pagkagulat.

I saw him. Again. He's standing in front of me and the only thing that's keeping us away is the barrier.

Still, his red eyes are glimmering and burning like fire. Walang emosyon ang mga yun na nakatitig sa akin.

Hindi ako umiwas ng tingin sa kaniya. I stared back. At sinigurado ko na makikita niya sa mga mata ko ang pagkawalang interes ko sa kaniya.

If he thinks that what happened in Mystic Garden can scare me then he should think again. Hindi ako natatakot sa kaniya at hinding hindi ako matatakot.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa at walang nagtangkang umiwas sa amin. Natapos lang yun ng magsalitang muli si Sir Williams.

Pero bago ako tuluyang umiwas ng tingin sa kaniya, nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Na para bang bigla siyang naguluhan.

Pero hindi ko na yun pinansin. Binaling ko ang atensiyon ko kay Sir Williams na kakatapos lang tanggalin ang barrier sa gitna namin.

"Let's start!" sigaw niya at nagpuntahan ang mga estudyante sa kaniyang magkabilang gilid. I'm still standing when someone hold my wrist and pull me. "Tara na. Hindi ka pwedeng maiwan dito. It's dangerous." saad niya habang hinihila ako palayo sa gitna. It's Grella.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak. Agad akong napalingon sa aking likuran at bumungad sa akin ang malaking glass barrier na naghihiwalay sa aming nasa labas at sa dalawang naiwan sa loob.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko Leicel at isang lalaki na hindi ko kilala. Silang dalawa lang ang sana loob ng barrier at nakatayo sila habang nakatitig sa isa't isa.

Muli akong hinila ni Grella papunta sa bleachers at umupo sa pinakamababa nun. Umupo na rin ako at humarap kila Leicel. Tulad kanina, nakatayo lang sila habang nakatingin sa isa't isa. Walang gumagalaw sa kanila pero ramdam namin ang tensiyon sa pagitan nila kahit mayroon yung glass barrier.

"Now! Start!" sigaw ni Sir Williams.

Kaagad na nanlaki ang mata ko ng magbago ang itsura ng kinalalagyan nila. Nagmukha yung gubat at maraming puno na nakapaligid doon.

Nasa kanilang dalawa ang buong atensiyon ko at ni kumurap ay hindi ko magawa. Nakikita kong nag uusap sila pero hindi ko naririnig.

Pangiti ngiti pa si Leicel na para bang nakakaloko siya at mukha namang naasar yung kalaban niya dahil bigla na lang itong umatake papalapit kay Leicel.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kong malapit na niyang tamaan si Leicel. Pero nanatiling kalmado si Leicel na para bang walang aatake sa kanila.

Gusto ko siyang sigawan na umiwas siya o kaya naman ay harangan niya ang atake nito. Pero hindi ko ginawa, tumitig lang ako sa kaniya habang hinihintay na tamaan siya.

And when he finally touch her, my heart almost jumped out of my body. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng bumagsak ang lalaki at nangingisay na nakahawak sa kaniyang kamay at parang may iniindang masakit doon.

Napakurap ako sa nangyari. What the hell happened?


ความคิดของผู้สร้าง
Esrixx Esrixx

next chapter will be Leicel's pov! stay safee!! ♡

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C14
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ