Chapter 1695: Makita Kang Maligaya (16)
"Mhm, sige mag-iisip ako. Wag kang mag-alala, magpahinga ka na. Ako na ang maghahatid kay Ni Yang."
Kahit ano pa ang hilingin ni Huo Mian, hindi tumatanggi si Su Yu, kahit pa gaano kahirap ito.
Pag-alis nila sa Su Estate at sumakay na sila sa sasakyan ni Su Yu, tumingin si Ni Yang kay Su Yu. "President Su, salamat sa pag-aalaga kay Mian…"
"Wala 'yon, mabuting kaibigan ko si Huo Mian, hindi mo ako kailangan pasalamatan.
"Kung ganoon…. Kunin niyo na ako, President Su." Mapagkumbabang ngiti ni Ni Yang.
"Wag mong maliitin ang sarili mo; ikaw ang pinakasikat na superstar ngayon, kaya maganda kung pipirma ka sa amin. Kahit hindi hilingin sa akin ni Mian, gusto talaga kitang kunin…. Lalo pa at negosyante ako."
Ang usapan ng mga lalaki ay laging simple at direkta sa punto.
Pagkahatid ni Su Yu kay Ni Yang, dumeretso siya sa Imperial Star.