ดาวน์โหลดแอป
54.28% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 19: Morning Sickness

บท 19: Morning Sickness

Lumipas ang mga araw at natapos ko na nga ang mga kailangan nila Mama. Nakaalis na rin sila at si Lexie patuloy pa rin akong tinuturuan ng mga kailangan kong matutunan para sa nalalapit na contest pero may nag bago sa kaniya. Madalas na siyang walang kibo at nakatutok madalas sa computer niya.

Sa kanila na rin ako tumira dahil nga kailangan kong sundin ang nasa contract namin.

Maayos naman ang pag tanggap nila sa'kin, 'yon nga lang ay nawalan ng guest room ang bahay nila kasi ako na ang omukupa.

Hindi pa nag tatagal sila Mama sa ibang bansa sobrang nangungulila na ako sa kanila.

Matapos kong gawin ang lahat ng gawain dito sa bahay ay nag punta muna ako sa terrace.

Napaka ganda ng bahay nila at ang aliwalas.

Isa't kalahating taon lang ang kontrata ko na titira dito sa bahay nila kaya ayos lang naman.

Ang hindi ko lang pwedeng pabayaan ay si Lexie

"Pwede ko bang sisirin ang iniisip mo?"

Nagulat ako nang makita ko nalang sa tabi ko si kuya Troy

"Po?"

"Ang lalim kasi eh"

Natawa ako ng mahina

"Hindi naman po, kinakabahan lang ako sa contest."

Isang linggo nalang ang contest.

Sa araw na 'yon dalawang event ang mangyayari, ang pag papakasal ni Lexie at ang photography.

Gano'n din naman sa kaniya, ang CTF niya at ang kasal niya.

Parang masyado pa siyang bata para ikasal.

"Ang galing mo nga eh, pwede ka nang kumita sa pag pophotography mo tapos marunong ka pang mag edit."

Salamat sa computer at camera at hindi ako mapag iiwanan dahil may mga kaya na akong gawin.

"Mas magaling pa rin po talaga si Lexie."

"Haaaay.. wala na atang makakatalo do'n. Sa kaniya namin natutunan kung paano maging independent."

Tumingin ako kay kuya kasi hindi ko alam ang bagay na 'yon. Ang dami talagang surpresa ng isang LJ Fistorn.

"Talaga po?"

"Oo, wala siyang mahabang pasensya pero kung patungkol sa ikabubuti mo o mapapakinabangan mo kaya niyang mag adjust ng pasensya."

Napansin ko na rin 'yan kay Lexie.

"Siya rin po ba nag turo ng computer sa inyo?"

Umiling siya

"No'ng una tinuruan ko siya ng mga basic pero wala siyang interes doon but when she learned that it is needed on photography she seek for my help and boom! She surpassed my capability. Later on, ako na nangailangan ng tulong niya"

Natatawang kwento niya

Namamangha pa rin talaga ako sa kaniya kahit pigilan ko ang sarili ko.

" 'Y-yong sa kasal po? Ilang taon na po sila?"

Lumawak ang ngiti ni kuya.

"3 years and she's pregnant"

Nawala ang ngiti sa labi ko at nag ka gulo gulo na ang nararamdaman ko.

She's pregnant?

May nag bukas ng pinto dito kaya sabay kaming tumingin sa taong 'yon.

"Nag suka si Lexie! What should we do?"-Yra

Parang mas pinompyang ang utak ko sa pag dagdag pa ng isang impormasyon.

Napatakbo kami sa kwarto niya at nakitang kalalabas niya lang sa CR.

Naiiyak ako kasi nasasaktan ako.

"Anong nararamdaman mo? Should we go to hospital? C'mon tell me"

Kabadong tanong ni Kuya Troy

"Tss.. I'm fine, stop being paranoid"

Inirapan niya si kuya at bumalik sa computer niya.

Anong ginagawa niya? Hindi na nga maganda ang pakiramdam niya tapos mag cocomputer pa siya?

"Call Kenneth!"

Inis na sigaw ni kuya

"I told you to stop.. Kenneth has nothing to do with these."

Napakagat nalang ako ng ibang labi para pigilan ang luha ko.

"Of course he has! He make you like that!"

Napakamot nalang ng sentido si Lexie habang napapapikit dahil sa iritasyon.

"It's my mistake-"

"It's your both mistake LJ! You should stop that night! Geez-"

"I can't just stop, we're in the middle of-"

"Who wants pizza?!"

Biglang sumulpot naman si ate Mika na may magandang ngiti sa labi na agad ding nawala dahil nakita niyang seryoso ang pinag uusapan ng mga pinsan niya.

"Did I interrupted something?"

Inosenteng tanong niya sa kanila

"You're always interrupted something sis"-Yra

Inirapan siya ni Yra

"Did I miss something? Why are you all here?"

Lumapit siya kay Lexie at tiningnan ang itsura nito.

Inangat niya mukha ni Lexie para suriin 'yon.

"Did you vomit again LJ? Nausea?"

Tinabig niya ang kamay ng pinsan niya

"All of you get out of here, I can't concentrate-"

I unplug the desktop dahil na rin siguro sa inis ko.

Tumingin silang lahat sa'kin.

"Kung may nararamdaman ka dapat nag papahinga ka."

Gusto ko siyang sumbatan ngayon! Napaka pa fall niya tapos may fiancé na pala siya at worst buntis pa siya.

Hindi niya alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Gustong gusto ko na talagang umiyak.

Stupid Gab! Sa ganda ni LJ wala siyang boyfriend?!

Pero kasi sabi niya doon sa-

"I really need to train-"

"AKO ANG PAPAGALITAN!"

Napaatras silang lahat sa lakas ng boses ko.

"We'll go outside. Fighting LJ."

Binigyan nila ng fighting look si Lexie bago sila nag tulakan palabas.

Kaya pala gusto ng Lolo niyang bantayan ko siya, dalawa pala ang kailangan kong bantayan.

"T-troy pwede namang samahan mo muna ako-"-LJ

Mabilis na sinara ng mga pinsan niya ang pinto.

Binalingan ko naman siya na nag iiwas ng tingin sa'kin.

"Why do I see a monster in you?"

"Makakakita ka talaga kapag hindi ka pa nag pahinga. Ako mabait ako Lexie Jane Fistorn pero huwag mo akong pupunuin sa katigasan ng ulo mo. Buong mag hapon ka na nasa harap ng computer, naga ground na ako kapag hinahawakan kita ka e-expose mo diyan sa computer tapos hindi pala maganda pakiramdam-"

"Nasa'n na 'yong Gab na mahinahon?"

"Tinapon ko na"

Seryosong sagot ko

"Where can I pick it?"

"Kapag tapos ka na mag pahinga. Humiga ka na-"

"I'm busy."

"Ok, kukuha ako ng sandamakmak na uod sa labas at ipapalibot ko sa computer mo."

Nakita ko ang gulat sa mata niya.

Oo may kinakatakutan naman siya, uod.

"That's too much Gabrielle Rhemzo."

Aba dinadaan pa ako sa full name ko

"You're too much too"

Niligpit ko lahat ng bagay na nasa harap ng desktop niya.

"You don't need to do that-"

"Kung wala lang ang mga pinsan mo baka inipis ka na sa sobrang gulo ng mga gamit mo."

"But in my eyes it's all arranged."

"Then there's something wrong with your eyes."

Lumukot ang mukha niya

"Yeah? May grado ang salamin ko so mukhang may mali nga sa mata ko."

At pilosopo pa!

Ilang araw na siyang ganiyan, napaka pilosopo.

Tumayo siya at pumunta sa pinto.

Biglaan niya iyong binuksan.

Halos sumubsob ang mga pinsan niya sa sahig pag bukas niya.

Nanlaki nalang ang mata ko. Pamilya nila ang nag papasweldo sa'kin pero gano'n ko tratuhin ang binabantayan ko.

Well, sabi kasi ni Lolo kailangan matigas daw ako pag dating kay Lexie dahil sobrang tigas nga raw kasi ng ulo nito. Hindi nga nag kamali si Lolo.

"Done eavesdropping?"

She seriously asked her cousins.

Mabilis na nag si takbo paalis ang mga pinsan niya.

Sinara niya ulit ang pinto at saka dumiretso sa kama niya at umupo doon habang naka tingin sa'kin nang walang emosyon.

"Mag pa hinga ka na"

Lumapit ako sa kaniya at kinapa ang noo niya pero tinabig niya iyon matapos kong mailapat.

"You're really sick"

"Of course it's my morning sickness what do you expect?"

Napakagat ulit ako ng pang ibabang labi at kinuyom ang kaliwang palad ko.

"I-Ikukuha kita ng gamot"

Nag init ang gilid ng mata ko tanda nang may gustong tumulo sa mata ko.

Tumalikod ako sa gawi niya.

Kaya nga sila ikakasal Gab diba kasi nga buntis si LJ. Huwag kang umiyak dahil walang magagawa 'yang luha mo, hindi niyan mapapatigil ang kasal lalo na ang pag bubuntis niya.

"I already took a med. Pwede ka ng lumabas at mag papahinga ako."

Kinalma ko ang sarili ako at humarap sa kaniyang may ngiti sa labi.

"May gusto ka bang kainin ma-"

"I don't have a appetite"

Of course, because she's sick but I'm worried about the baby inside her.

"Paano ka makakapasok bukas kung hindi ka mag papagaling ngayon palang?"

Naiinis na tanong ko.

"I'm excused to everyone's class because of the competition, don't worry about me."

*1 message received*

Tumingin ako sa cellphone ko at bumalik ang tingin kay Lexie.

Wala pa ring emosyon ang mukha niya at ang mata niya ay parang pagod na gustong gusto na mag pahinga.

"Mag pahinga ka na, dadalhan kita ng tubig at gamot, inumin mo pagising mo."

"Pakihinaan ng aircon or better yet turn it off."

She's really that sick?

Ano ba Gab?! Ulit ulit?

Pinatay ko nalang ang Aircon saka siya humiga at binalot ang sarili sa comforter niya.

Lumabas na ako ng kwarto niya at tiningnan kung sino ang nag text.

From Fana

~Are you busy tonight? Let's have a dinner.~

Hindi ko pwedeng iwan si LJ nang may sakit.

To Fana

~Hindi ako pwede, marami pa akong tatapusin ngayong araw. After competition ka nalang man libre~

Ibinulsa ko ang cellphone ko at bumaba para kumuha ng maligamgam na tubig at gamot.

Nabigla ako nang pag tingin ko sa kusina ay may tubig na doon sa planggana at may bimpo kasama ang gamot at tubig sa gilid no'n.

Lahat sila ay nasa kaniya kaniya nilang kwarto kaya wala akong mapag tanungan.

*1 message received*

From Ate Mika

~I already prepared what you needed, take a good care to that brat~

Napangisi nalang ako kasi kilalang kilala talaga nila ang pinsan nila kahit napaka dalas mag sungit.

Dinala ko na sa kwarto ni LJ ang mga gamit at iinumin niya.

Tulog na siya at mukhang pag labas ko pa lang ng pinto niya ay tumba na agad siya.

Hindi ko alam kung nakikinig to sa'kin eh, feeling ko nasa harap pa rin siya ng computer kahit madaling araw na kasi mukhang puyat na puyat siya.

Maingat kong sinara ang pinto at nilapag sa may mesa ang tubig at gamot niya.

Lumapit ako sa kaniya at nag piga ng towel para punasan siya.

"Hmm.."

Kunot noong ungol niya habang tulog siya.

Inaapoy talaga siya ng lagnat, ganito ba talaga pag buntis?

Pinunasan ko ang mukha niya pati na ang parehong kamay niya.

Umungol ulit siya kasabay ng pag tulo ng luha sa gilid ng mata niya.

Nataranta ako kasi baka may masakit sa kaniya bukod sa ulo niya.

Sa tiyan ba niya? Hindi ako Doctor para malaman kung anong sakit niya.

Gusto ko siyang gisingin para itanong kung anong masakit sa kaniya kaya lang natatakot ako.

"Gab hmm.."

Teka? Nagising ko ba siya? Bakit niya ako tinatawag? Nakikita niya ba ako? Alam ba niyang nandito ako?

"B-bakit? May kailangan ka pa ba?"

"It's so cold"

Sobrang hinang aniya habang nakapikit pa rin.

Anong magagawa ko? Nasa loob na siya ng comforter at wala na ring aircon.

"Anong gagawin ko?"

Hinila niya lang ako na muntik nang ikasubsob ko sa ibabaw niya kung hindi ko lang natukod ang kanang kamay ko.

"Gab"

Tawag nanaman niya sa'kin.

Hinila nanaman niya ako pero this time pahiga na sa tabi niya.

Niyakap niya ako sa may bewang ko at siniksik nanaman ang sarili niya sa may leeg ko.

Nag init nanaman ang buong mukha ko.

Ayokong aminin pero gusto ko ang ganitong ayos namin.

"LJ, hindi ako maka-"

"Stay"

Hindi ko alam kung gising siya o kausap ko lang ngayon ay ang tulog na diwa niya.

Kahit naiinitan ay hinayaan ko siyang gawin akong unan. Kapag sa'kin niya pinag lihi ang anak niya edi mas gaganda ang magiging anak niya.

Napatingin nalang ako sa kisame hanggang sa maging ako ay nakatulog na rin sa gano'ng posisyon.

Pahiram muna ng nakaw na oras para kahit papaano ay gumaan ang nasa loob ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C19
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ