ดาวน์โหลดแอป
74.28% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 26: Cold Night

บท 26: Cold Night

Bumilang ng hanggang sampu si Gab para pakalmahin ang puso niya.

Alam niyang hindi mismong si Troy ang naiisip niyang link na partner sa kaniya kundi ang nananahimik na babae sa tabi niya.

Lalong nag wala ang mga tao sa ngiti ni Troy na parang sure na sure sa mga sinagot niya.

"You like Ms. Rhemzo, Mr. Fistorn?"-Emcee

Natawa si Troy pero kinakabahan siya baka bigla nalang siyang lumipad pag sinipa siya ng katabi niya ngayon. Nananahimik lang si Lexie pero alam niyang sa loob ang kulo nito.

"Ayoko po munang mag salita tungkol diyan but maybe we can see the result of my "soon" soon."

Humalakhak ang mga nakikinig sa kanila.

"Ok! Binibitin tayo ni kuyang pogi! Kaya pala nandito sila kasi sinusupport nila ang isa sa "soon" to be girlfriend ng isa sa Fistorn-"

Umiling naman si Troy habang nakangiti

"Hindi rin naman po, we're here to cheer for our school and para na rin po kay Gab."

Nag tilian ang maraming babae at si Gab Nakangiti lang at tinatago ang pamumula ng mukha.

"Wow! Supportive na mag pipinsan ah. Anong masasabi mo Ms. Lexie Jane?"

Napakamot si Lexie sa leeg niya bago mag salita.

"Saan?"

Napuno ng tawanan ang buong gym.

"Wala 'to, matalino pero slow"-Tristan

"Ang dami kasing na open na topic, alam mo namang medyo malilituhin 'yan kaya nagiging slow."-Yra

"About sa soon ng pinsan mo."

"Ahh.. I thought in this competition.. Well.. I really don't know what to say about that soon but let us see if that soon will really happen, right Gab?"

*KYAAAAAAH!! / WOOOOOOOH!!!"

Sigawan ng lahat na pati ang mga judge ay napapangiti sa usapan ng mga bata sa stage.

Marahas na hinihimas ni Gab ang hinlalaki niya gamit ang hintuturo niya para supilin ang kaba. Hindi siya makatingin sa gawi ng mag pinsan dahil sa kaba niya.

"Mukhang speechless si Ms. Vocalist ah. Grabe naman 'tong mag pipinsan na 'to! Siguro ang hihilig nilang mang hot seat."

Iba iba ang sigaw ng mga nanonood at talagang na eentertain sila sa mag pinsan at kay Gab.

"Last na Mr. and Ms. Fistorn- Naaaks! Parang mag asawa lang ah!"

"HAHAHAHA!"-audience

"Anong gusto niyong sabihin sa mga kalaban niyong school?"

Nauna nang sumagot si Lexie.

"Kapag natalo kami, pwede niyong gawing katulong si Troy for a week or di kaya idate niyo siya, ako bahala sa inyo kapag hindi siya pumayag."

Nag hiyawan at kantyawan nanaman ang mga nanonood.

"Teka? Parang lugi ako."-Troy

"Don't worry cous, that won't happen"

Lalong humiyaw ang mga manonood sa smooth na banat ni Lexie pa tungkol sa magiging panalo nila.

"Wooo- I didn't see that coming! Ako ata ang na speechless sa lakas ng dating ng sinabi mo. Mukhang 100% sure na ang D.U na sila ang mananalo ah? HUWAG NA NATING PATAGALIN PA! HANDA NA BA KAYONG MALAMAN KUNG SINO ANG NANALO?!"

*Crowd noise*

"OK! PERO AFTER 10 MINUTES PA-"

"AWWWWW..."-Crowd

"Thank you Ms. Lexie, Ms. Rhemzo and Mr. Troy for answering my questions-"

Tumango sila at kumaway sa mga nanonood.

"-aabangan ko kayong mag trending ulit mamaya sa university files niyo!"

Natawa sila pare pareho at saka bumalik na sa back stage.

"Hi Ms. Lexie, pwedeng pa picture?"

Isa mga contestant ang lumapit kay Lexie habang may dalang camera.

"Sure."

May ngiting tugon niya.

Excited na binigay niya ang camera sa kasama niya at nag pa picture kay Lexie.

Tiningnan lang sila ni Gabrielle. Pamilya ata ng mga magagaling mang gulo ng isip ang pamilya ni Lexie eh, 'yan ang nasa isip niya ngayon.

Ang daming pahiwatig pero lahat naman 'yon na babaliktad lalo na kapag nakikita niyang mag kasama si Kenneth at Lexie.

"Mentor pala ah"

Gulat siyang tumingin sa katabi niyang si Abby habang nakatingin din sa tinitingnan niya kanina.

Umalis na si Troy at kailangan na raw nilang umalis ni Lexie kaya ihahanda na niya ang sasakyan.

"Mentor naman talaga eh-"

"Mukha ba akong pinanganak kahapon?"

Nag iwas siya ng tingin habang napapakagat labi.

Kung alam lang ni Abby kung gaano rin siya na naguguluhan sa set up nilang dalawa ni Lexie.

"Huwag kang issue, ikakasal na 'yan sa linggo"

Bulong niya dito.

OoO<-- Abby

"Weh?! Totoo?"

Tumango siya. Wala ng dahilan si Abby para mag hinala pa sa kaniya. Ibang usapan na ang kasal at patungkol pa iyon sa future kaya ayaw niya na mag tanong nang mag tanong tungkol sa relasyon ni Gab at Lexie na mukhang nasagot naman na.

"Ok, baka si Troy talaga ang may gusto sa'yo?"

Mapang asar siya nitong tiningnan.

Iyon mismo ang ang gumugulo sa kaniya.

Ang akala niya kanina patungkol 'yon kay Lexie at sa kaniya pero kapag naaalala niya si Kenneth, napapamura nalang siya sa isip niya dahil hindi naman talaga tugma ang lahat ng naiisip niya sa mangyayari sa hinaharap lalo kung may naka takda na ngayon pa lang sa babaeng gusto niya.

"Hindi ah-"

"Then si Tristan? Nakooo! Huwag ka doon baka maaga kang makalbo sa konsumisyon."

Natawa siya dito. Alam naman niya ang mga trip sa buhay ng mag pipinsan kaya natatawa nalang siya kapag tama ang sinasabi ng iba.

"Sira! Kung ano ano iniisip mo, nag jo joke lang 'yon si kuya Troy."

"Joke? Brinoadcast?"

"Duuuh! Uso kaya pranks"

Napailing nalang si Abby sa mga salitang di kapani-paniwala sa pandinig niya.

"She's beautiful"-Abby

"Alam naman ng lahat 'yan, huwag mo na ulit ulitin."

"Sayang siya kung ikakasal na agad siya."

"Anong sayang doon? Halos nasa kaniya na lahat. She can still pursue her dreams while being a bride, ang dami kaya niyang pera-"

"Bakit parang ang dami mong alam sa kaniya?"

Mapanuri siya nitong tiningnan.

"Ha?"

"Parang lahat ng sagot mo simula kanina parang sure na sure ka? Gano'n mo na ba ka close ang pamilya niya?"

Napakagat siya sa labi niya dahil ayaw pa niyang ipaalam ang status niya ngayon.

"Hindi ah, nahalata ko lang sa tono na nag bibiro sila"

Pinilit niyang hindi mautal para hindi mag hinala ang kaibigan.

"Kahit kanino ko ata itanong or kung mag piplay ang video na kinuha ng mga supporters niyo, hindi namin maririnig ang tonong biro ni-"

Tinakpan niya ang bibig nito dahil pa lapit na sa kanila si Lexie.

"H-hi."

Kabadong bati niya.

"Aalis na kami, take care."

Bago umalis si Lexie ay pinantayan niya ang height ni Gab at hinawakan siya sa ulo at sinabi ang mga katagang 'yon.

Napahawak nalang siya sa dibdib niya at sinundan ng tingin ang dalaga palabas ng backstage.

"Ayan, mukha ka nang tanga"-Abby

"Ang ganda niya Abby"

"Sabi mo kanina-"

"Shh.."

"Asshole!"

~~~

"CHEERS!"

Kasama ang mga banda ni Gab ay nag tipon tipon sila para I celebrate ang pag kapanalo nila Gab. Nasa isang bar sila at kasama rin nila si Fana at Mara sa celebration.

"Ang ganda talaga ng boses ni Gab."

"Hindi lang naman boses ko ang nag dala, magaling din kasi kayong tumugtog."

Nag kakasiyahan silang lahat habang si Fana naman ay nananahimik lang sa gilid.

"Hey? Anong problema?"

Umiling Ito saka ngumiti

"Wala"

"Sure? Kanina ka pa kasi tahimik."

Pinag mamasdan lang sila ni Yra na hindi sana sasama kung hindi lang sumama si Fana sa kanila. Kailangan pa rin niyang bantayan si Fana kahit anong mangyari.

"Do you have a relationship with Lexie Jane?"-Fana

Nabigla siya sa prangkang tanong na 'yon

"Ano?"

"Iyong mga sagot niya kanina."

Kinabahan siya topic nila ngayon.

"Hindi ko alam, wala akong ideya."

Sobrang ingay ng paligid kaya hindi rin marinig ni Yra ang pinag uusapan no'ng dalawa pero isa ang nasisigurado niya tungkol 'yon sa kanilang dalawa kaya hindi maipinta ang mukha nilang dalawa. Isang kabado at isang determinado malaman ang gustong alamin.

"Sa labas tayo"

Ayaw ni Gab na may makarinig sa kanila kahit pa maingay ang paligid.

Walang nagawa si Fana kundi mag patianod sa pag hila ni Gab sa kaniya.

"Uh-"

Susundan sana ni Mika si Gab at Fana sa labas nang hilain siya ni Yra.

"Ako na."

Tumango nalang siya at saka lumabas na rin si Yra.

"Gusto mo siya?"

Panimula ni Fana. Matagal bago siya naka sagot.

"Gusto ko siya."

Parang biniyak sa libo libong piraso si Fana.

"Gab please-"

"Fana please rin, pinag usapan na natin 'to."

Napa sandal nalang si Fana sa pader ng club. Naiiyak siya kahit alam naman niyang kasalanan niya kung bakit nawala si Gab sa kaniya.

"I swear Gab I'll make it up to you-"

"Fana! Please.. ayokong mag mukha kang kawawa kaya tumigil ka na."

May kirot din sa loob ni Gab kahit siya ang gumagawa no'n kay Fana, kahit papaano ay naging sobrang importante ni Fana sa kaniya kaya hanggat kaya niya ay ayaw niya itong masaktan.

Nag simula nang tumulo ang luha ni Fana.

Hinintay niya ang dalawang taon para makapag paliwanag kay Gab pero walang boses na lumalabas bibig niya.

"Huwag kang umiyak please."

Naiiyak na niyakap ni Gab si Fana dahil ayaw niyang makita ang luha nito at iyon ang tagpong naabutan ni Yra.

"Ano nanaman to?"-Yra

Naaawa siya sa itsura ni Fana dahil mukhang umiiyak to habang yakap niya siya ni Gab.

"Help me to get over you Gab."

Isang kahilingan ni Fana na nag pa durog din sa puso ni Yra habang tinitingnan sila.

Tumango si Gab at hinarap siya. Pinunasan ni Gab ang mukha ni Fana at nginitian siya. Bago pa siya umalis ay binigyan siya ng isang halik no Gab sa noo niya.

Umalis na si Gab at pumasok muli sa loob habang si Yra naman ay nilapitan si Fana.

"Hey? What's wrong?"

May katarayang tanong niya sa dalaga.

Wala sa mood si Fana at alam niyang may ugali talagang hindi ka aya aya si Yra dahil napansin niya na iyon noon palang.

"Nothing-"

"Wanna join me? I want to have a hard drink now."

"No, I'm not-"

"Why? Low tolerance?"

Nag init ang ulo ni Fana sa mapang asar na tanong na 'yon.

"What?"

"Ok, I guess it's only me tonight-"

"Fine! Huwag mo akong pag aalalayin kapag nalasing ka ah!"

Nginisian siya ni Yra.

"You wish."

Pumasok na sila sa bar at umorder ng hard drink.

GABRIELLE'S POV

Nanalo nga kami pero hindi pa rin ako masaya, bukod sa wala man lang text si LJ sa'kin, hindi pa rin nag oonline sila Ms. Linda.

Kinakabahan ako, sana maayos ang surgery.

*Knock*

"Pasok"

Matapos namin mag bar umuwi na rin kami kasi hindi rin maayos ang pakiramdam ko lalo na't na busted ko si Fana. Ayoko siyang umasa at mahirapan pa.

"Matulog ka na Gab, mukhang bukas pa sila makaka tawag."-ate Miks

Napakamot nalang ako sa mukha at medyo na lungkot. Sana ligtas si Mama.

"Sige, mag papahinga na ako."

Tumango siya pero bago niya tuluyang isara ang pinto

"Uminom ka ba?"

Umiling ako at saka huminga siya nang malalim na parang na relief siya.

"Good. Lexie will kill me if you drink alcohol"

Sinara na niya nang tuluyan ang pinto. Gusto ko pa sana tanungin kung anong balita kay LJ pero wala na siya.

*1 message received*

Nag mamadali akong kinuha ang cellphone ko.

From: Ms. Lexie

~Don't think of me, just sleep.~

Nanlaki ang mata ko at saka tumingin sa paligid.

Paano niya nalamang iniisip ko siya?

Wala namang tao kaya napangiti nalang ako. Hindi ko rin maiwasang hindi siya maisip eh.

"Woah.. lakas ng loob niya ah"

Nakangiting ani ko habang naka tingin sa cellphone.

To: Ms. Lexie

~Maayos na ba pakiramdam mo? Iyong gamot mo ba iniinom mo?~

Syempre 'yon ang dapat kong isipin kasi dalawa sila sa iisang katawang 'yon.

Nasasaktan nanaman ako.

From: Ms. Lexie

~Done. Goodnight.~

To: Ms. Lexie

~Goodnight <3~

Nilapag ko na sa side table ang cellphone ko at madali akong dinalaw ng antok dahil na rin siguro sa pagod kanina.

Hindi sumama sa'min si Yra umuwi, mukhang ayos lang naman kay Mika kasi nandoon naman si Tristan para bantayan ang kapatid niya.

Bago ako matulog pinag dasal mo muna ang successful operation ni Mama at good health na rin nila pati na dito sa'min. Siya lang talaga ang makakapitan ko ngayon lalo na't medyo nanghihina ako kapag naiisip kong may sakit si Mama.

~~~

Nagising ako nang may lumubog sa kaliwang bahagi ng kama ko at bahagya pang humalik sa pisngi ko.

Naaamoy ko agad siya

"Lexie?"

Teka? Nananaginip nanaman ba ako?

Nasa rancho siya kaya imposibleng nandito siya.

"Shh.. just get back to your sleep"

Humiga siya sa tabi ko.

Panaginip lang naman 'to kaya susulutin ko na.

Ginawa kong unan ang braso niya at niyakap siya at tinandayan.

Wala siya kanina kaya sobrang namiss ko siya kahit sobrang saglit lang niyang nawala.

*Chuckle*

Sumiksik ako sa leeg niya at saka naka balik na ulit sa pag tulog. Alam ko namang bukas wala talaga siya dito sa tabi ko.

May narinig akong nag sara ng pinto sa kabilang kwarto.

"Who's that?"-LJ

Aalis sana siya sa pag kakayakap ko pero hinigpitan ko lang 'yon.

"Pusa lang 'yon"

Antok na sabi ko

"Pusa? We don't have a cat."

"Edi aso"

Ang galing para nanaman akong nag sasalita habang tulog

"Aso? We also don't have a dog."

Naalala ko si Yra, baka si Yra lang 'yon kasi hindi namin siya kasabay kanina.

"Si Yra.. huwag mo sabihing wala rin tayong Yra rito?"

Antok na tanong ko.

Teka? Panaginip ba talaga 'to? Bakit parang totoo?

"Yra? Hindi niyo siya kasama umuwi kanina?"

Umiling ako

"That brat-"

Aakma nanaman siyang umalis nang mas higpitan ko pa lalo ang yakap ko.

Hoy Gab! Baka ma ipit ang baby!

Medyo niluwagan ko ulit

"Bukas mo na siya kausapin, inaantok pa ako.. hmm?"

*Chuckles*

"Ok ok.. sleep now babe"

I felt a light kiss in my lips.

Bakit parang totoo?

HAHAHA ang ganda naman ng ganitong panaginip!

"Pervert"

Natatawang ani ko at saka nakatulog na muli.

~~~

"Why are you here?!"-Mika

"Shh! Minimize your voice, she's still sleeping"-LJ

Napakunot noo ako habang naririnig kong parang may nag tatalo.

May gumalaw sa tabi ko.

.

.

.

May gumalaw sa tabi ko?!

.

.

.

Agad akong nag mulat ng mata at saka tiningnan kung sino ang yakap yakap ko.

"Ms. Lexie Jane-"

*BLAG?*

Napa aww ako sa sakit ng biglang pag atras ko. Nahulog ako sa kama dahil sa gulat.

Teka?! Bakit nandito siya?

Nasa rancho siya diba?

"Gab/Gab!"

Sabay na sigaw nila nang mahulog ako.

Napa pikit nalang ako ng mariin sa kahihiyan ko ngayong umaga. Husko Gabrielle!! Ang aga aga!!

Agad akong napa upo sa lapag at tiningnan si Lexie na naka dungaw na sa'kin ngayon.

Teka! Baka ang pangit ko pa ngayon!

Napatakip nalang ako ng mukha at yumuko sa tuhod ko.

"See! You startled her."-Mika

Pasimple kong inayos ang mukha ko at buhok ko pati na rin baka may muta pa ako. Sheeemz!!

"I thought she knew that I'm here, we're talking last night."

So?! Totoo 'yong pag yakap ko sa kaniya?! Waaaah!! Nakakahiya!!

"She's tired the whole day, baka nga wala pa siya sa sarili niya no'ng dumating ka. You have a task, why are you here?"

Naiiritang tanong ni Mika.

Sheeemaaay! Ang Ganda naman nilang bungad sa umaga.

"Well.. I'm home sick?"

"You're home sick? Mukha mo! Bumalik ka na sa rancho."

Utos sa kaniya ni Mika.

"Mamayang hapon na, nakakapagod bumyahe."

Bakit ba kasi nandito siya? Sabi niya tatlong araw.

"Lexie Jane Fistorn-"

"Mika Meldez Fistorn, you left your sister in the bar a whole night? Ikaw ang kapatid, dapat ikaw ang mas pumoprotekta sa kaniya."

"She's with Tristan-"

"Tristan is always with his girls. Paano kung nabastos na si Yra?"

Isa sa natutunan ko sa kanilang lahat at ang pinaka importante sa kanila ay ang bunso nila.

Si Yra ang bunso at sumunod si Tristan. Wala na silang aasahan kay Tristan kasi babaero talaga 'yon kaya ang pinaka inaalala nila ay si Yra kahit feeling ko kaya naman na ni Yra ang sarili niya.

"Bakit parang nasakin na ang kasalanan ngayon?"-Mika

"She's your sister dumbass!"-Mika

Napangiwi nalang si Mika sa kaniya.

"I heard her last night, she came home so we don't need to worry about her."

"Tsk.. kapag may galos 'yang kapatid mo gagawin kitang punching bag."

Irap ni LJ at tumayo.

Nag lakad sila pareho pa labas kaya sinundan ko sila hanggang sa tapat ng pinto ni Yra.

"Si Tristan ang saktan mo huwag ako-"

"You let her-"

"Hep hep hep.. tsk.. parang mga bata. Ako na mag bubukas."

Mukhang hindi na nila mabubuksan kaka bangayan nila eh.

"Much better Gab."-Mika

May katarayang aniya.

"Let me-"

Sinamaan ko ng tingin si Lexie kaya napa atras siya. Sabing ako na nga eh.

Pinihit ko ang door knob para hindi magising si Yra sa pag pasok namin at-

(⊙_◎)

Nakaupo siya sa kama habang hindi maipinta ang mukha. Magulo ang buhok, tadtad ng kiss mark sa leeg at nakabalot ang katawan sa comforter.

"WHAT THE FUCK YRA?!"-LJ

"I- I-"-Yra

Gimbal din ako kung sino ang katabi niya ngayon sa kama.

Halos sasabog na sa tensyon ang buong kwarto dahil sa ramdam na ramdam namin ang galit ni Lexie.

Lagot na talaga.


ความคิดของผู้สร้าง
Piksmeayminit Piksmeayminit

sorry medyo busy.. exam week na kasi this week kaya di nakapag update. thanks for reading <3

next chapter
Load failed, please RETRY

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C26
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ