ดาวน์โหลดแอป
60% My Husband Who's A SEX Addict / Chapter 6: Chapter 5

บท 6: Chapter 5

"Still can't get over on our marriage."

"Sino ba namang hindi makakaget over doon e ako din e hindi ko makakalimutan yung ginawa sayo ni Caeruz." Ngumiti lang ako ng malungkot.

"After our marriage e nakakulong ako lagi sa bahay. Sobrang daming bodyguards na araw araw ay pinagiisipan ko kung paano ko malulusutan. I tried so many times na tumakas pero lagi lang akong nahuhuli at ayun hanggang sa napagod ako at kahit labag sa loob ko ay sinunod ko na lang ang mga utos niya."

"I've heard about that through Keia. She always tell me about how you've been struggling living with Caeruz pero napapaisip nga din ako kung bakit tinotolerate ng mga magulang niya yung pinaggagagawa niya."

"Caeruz is their favorite child kaya siya ang magiging tagapagmana imbis na kay Yaeruz. That spoiled brat got all their support kahit na hindi na mabuti yun at maraming maaapektuhan."

"How about Yaeruz? How is he? Ang alam ko may sarili siyang restaurant business at balita ko rin e biglang sumikat ang business noon."

Nagkibit balikat ako. "I never ever heard anything about him for almost two years, nito ko nga lang ulit siya nakita e."

"Weh? Anong nangyare?"

"I'm rejected, Ashia." Unti unti ng nagtuluan ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Lagi kong naiisip ang mga sinabi niya sa akin.

"What do you mean by rejected Blaire?" Agad itong nataranta at naguluhan.

"I tried pursuing him na magtanan kami or something pero hindi siya pumayag. I think he can't take that much risk hindi kagaya dati."

"Baka naman iniisip lang nyang si Yaeruz ang kapakanan mo. Kilala mo naman yang asawa mo ikaw na nga din mismo ang nagsabi na kinulong ka na ng asawa mo di ba. Baka pagnagkataon na malaman noon na may balak kang makipagbalikan at makipagtanan kay Yaeruz e mas worst pa ang gawin noon sayo."

Hindi ako nakapagsalita. She has a point.

"Pero Ashia, pagod na ako. Halos araw araw kong nakikitang nagdadala siya ng mga babae sa bahay. Iba't ibang parte na ata ng bahay namen ay nakapagsex na siya kasama ng mga dinadala niyang babae e."

"The f? He really did that? E hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko kay Caeruz ah." Napabuntong hininga ako, miski ako hindi ganon ang pagkakakilala ko kay Caeruz.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala kung paano niya nagagawa lahat ng kademonyohan niya ngayon.

"He's a Devil Ashia. And for me I don't want to live my life living with a Devil."

"That's why your taking a risk para makipagbalikan kay Yaeruz? What if lang ha. What if kung nakamove on na sayo si Yaeruz that's why he can't take a risk for you." Napaisip ako sa sinabi niya at lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"I don't know. Dalawang taon na din naman ang nakakalipas. Hindi ko siya masisisi dahil ngayon nga lang naman ako nagkaroon ng lakas ng loob para makasama ulit siya."

"Okay lang ba yun sayo? Hindi mo ipaglalaban?"

"Paano ko siya ipaglalaban e ni hindi niya nga ako pinaglaban nung kailangan na kailangan ko siya. I am thinking of that in two years Ashia. Kung mahal niya ako di ba dapat ipaglalaban niya ako?"

"Argh! That Caeruz!" Inis na singhal na lang niya nang mapansin kong namomroblema na din ito.

Pinunasan ko ang basa kong mukha at ngumiti. I don't like this topic so I'll just change it.

"Ashia did you know that I am the new owner of this cafe?"

Nagulat ito at pinanlakihan lang ako ng mata. "What, really? Paan-"

"I bought this nung mga panahong magsasara na ito. I don't want this to close noh, ang dami dami kaya nating memories dito." Bumalik na sa dati ang mood ko.

"Baka ninyo ni Yae-"

"Oo na, oo na pero marami din naman tayong memories dito kaya wag ka ngang ano dyan."

Natawa siya at lumapit sa akin at pinunasan ng kanyang hinlalaki ang pisnge ko.

"Ayoko ng nakikita kang umiyak ha, and if you need something or someone to talk to I am always here. Hindi yung lagi mong kinikimkim sa sarili mo at tinataguan mo kami."

This is the reason why I miss this girl. She is the most sweetest bestfriend of mine. Bakit nga ba hindi ako nag-open up sa kanya o sa kanila nung mga panahong kailangan ko sila. Bakit ba nagtago ako at nahihiyang magpakita sa kanila.

Or am I expecting someone? Siguro I'm expecting Yaeruz kaya hindi ko na sila naalala pa.

Ngumiti ako at tumango tango. I look at my wrist watch. We still have an hour to talk bago ako pumuntang office.

"By the way how do you handle Caeruz when he's bringing girls at your house." Pagbabalik nito sa topic namin kanina. Hanggang ngayon talaga napakachismosa pa rin ng babaitang to.

"Cold replies and cold stares o kaya hindi ko siya pinapansin at all. Wait, wait! Bakit ba puro sa akin? Ikaw nga dapat ang magkwento ng about sa jowa mo ngayon."

"Ala maarte yun. Mas maarte pa kay Keia." Natatawang sabi niya pero ngumisi din na parang kinikilig.

"Pero mas sweet pa kesa sa akin." Kinilig na naman ito na parang kinikiliting ewan.

Natawa na lang ako. Pero natutuwa din at the same time dahil nakikita kong masasaya ang mga kaibigan ko and they are contented living their lives.

"Hinihiling ko na lang talaga na ikaw naman ang makakita at makakilala ng taong magpapasaya sayo."

Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. "Hindi ko alam parang ayoko muna kase kahit naman sabihing dalawang taon na. Mahal na mahal ko pa rin si Yaeruz."

"Sabagay. By the way meron akong lunch meeting ng 11:30 kaya maiiwan na kita ha." Pagkasabi niya noon ay napatingin ako sa wristwatch ko.

"Eleven na ah." Agad siyang tumingin sa wrist watch niya.

"11:10 saka ako aalis." Tumango tango ako at iniabot sa kanya ang card na naglalaman ng number ko.

"New number."

Kinuha naman niya yun at tiningnan. "Kaya pala hindi kita matawagan. Asan na yung dati mong number?"

"Buhay pa naman yun and I still use it pero madalang na."

Tumango tango ito at inilagay na sa sling bag niya ang card na binigay ko.

"Yung number ko e yung dati pa rin." She said.

"Bitin ako sa kwento mo about sa jowa mo ngayon."

"Basta maarte yun."

Pinanliitan ko siya ng mata at pinamukhang di ako kuntento sa sagot niya.

"Xyron." Banggit niya sa pangalan nito. Agad naman nanlaki ang mata ko at di makapaniwala sa narinig.

"Si Kuya Xyron?" Nginisian lang ako nito at kinindatan.

"Kaya pala maarte e." Natawa na lang ako at di pa rin makapaniwala.

"Oh e paano mo nabingwit ang isang yun?" Nangalumbaba ito at ngumisi.

"Siya ang nagkagusto sa akin huwag ka." Mayabang nitong sabi at may pagflip pa ng buhok.

Lalo akong natawa. "Maarte yun sa mga babae kaya wag mong sabihin na siya ang nagkagusto sayo." Kumento ko.

"Aba! Ayaw maniwala nito. Siya nga ang nagkagusto sa akin." Napatingin ako sa wrist watch.

"11:10 na. You should go. May meeting din ako sa office."

Tumayo na kami parehas. "Ayoko pang umalis." Wika nito na nagpepretty eyes at nakanguso sa akin.

Pinitik ko lang ang kanyang noo na ikinasimangot niya. "Parehas tayong may trabaho atsaka ineexpect ako ng secretary ko na kasama ako sa meeting mamaya."

"Ano ba yan! Set ng date ha. Yung kasama naman yung maarteng Keia na yun."

"Nga pala nakausap mo ba si Keia?" Sabay na kaming papalabas ng Cafe at kita ko na ang sasakyan na maghahatid sa akin sa office.

"Hindi. Tinry ko ngang tawagan kanina para sana iinvite kaso hindi nasagot."

"Ako din e tinry ko din tawagan."

"Baka maman busy sa bebe niya."

"Sabagay." Parehas kaming natawa at ng mapatapat kami sa sasakyang maghahatid sa akin ay nagbeso kami at hinug ang isa't isa.

"Call me ha."

Tumango tango ako at bumitaw sa yakapan namin. "Ikaw din tawagan mo ko kapag kailangan mo ng kausap."

Ngumiti ito at niyakap ako ulit. "I miss you."

"I miss you too." Kumalas na ulit siya sa yakapan namin. Naglakad na siya papuntang sasakyan niya. Kumaway pa ito sa akin bago sumakay.

Sumakay na rin ako sa kotse. "Kuya, sa office." Tumango lang ito. Tumingin ako sa bintana at napatulala.

Nakakalungkot lang na hindi ang pinapangarap kong tao ang makakasama ko hanggang pagtanda.

Napapunas na naman ako sa aking mata ng may magbadyang pumatak na isang butil ng luha. I can't cry.

And as possible I won't cry.

Ngumiti ako ng mapait. Kinuha ko ang pouch ko sa aking sling bag. Nagretouch ako at siniguradong hindi mahahalata ang mga maga kong mata.

Nang ako'y matapos ay tiningnan ko ulit ang sarili ko sa maliit na salamin. Again, I bitterly smiled at my reflection.

Everybody thinks that I'm enjoying my life, living with Caeruz and all. How I want to run away right now and don't come back at all.

I really want to start a new life. Yung walang nakakakilala sa akin, yung kahit maghirap ako ay titiisin ko makalayo lang sa nakakainis at masakit na lugar na ito tsaka para na rin matakasan ko ang lahat ng ito.

"Maam, nandito na po tayo." Napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami at ibinaba ako ng driver ko sa main entrance ng AGC o mas kilalang Alcantara Group of Companies.

Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Agad naman akong sinalubong ng mga guards. They bowed at me. I just smiled at them hanggang sa makataas ako sa office ko ay puro ngiti lang ang ginawa ko.

Ni wala na ako sa mood para magsalita at sagutin ang mga bati nila. Wala akong ganang umupo sa aking swivel chair. Agad agad namang bumakas ang pinto kaya napaayos ako ng upo at agad na tumingin sa pumasok.

Kita ko ang galit na mukha ni Caeruz. Nang makita ako nito ay agad itong nawala. Naguluhan agad ako.

What the hell?

"If you need the papers you needed, here." Iniabot ko ang makakapal na folders na ginawa ko lahat sa bahay.

Lahat ng mga gagawin ko ay sa bahay ko ginagawa, hindi ko nga alam dito kay Caeruz kung bakit pa niya ako pinasok sa company niya e kayang kaya ko namang magtrabaho sa bahay.

"I don't need that, just give those to my secretary." Tumango na lang ako at nagkibit balikat. I open my laptop and about to start reviewing the report but,

"Where have you been?" Agad na tanong nito. Napatingin ako sa kanya at kinunutan lang siya ng noo.

"Ask the driver you gave me." Sagot ko dito.

"I am asking you Astraea, where have you been?" Mariin nitong tanong sa akin.

Pinanghalumbabaan ko lang siya. "Do I still need to report that? Ano pang silbi ng driver mo kung hindi mo itatanong roon kung nasaan ako lagi?"

"I am just simply asking you a question pero pinapahaba mo pa." Hindi na lang ako sumagot at inirapan ito.

Lumapit ito sa sofa na nasa office ko at naupo roon. Dumekwatro at pinagsaklop ang mga braso, ramdam ko ang titig niya sa akin na sobrang kinaiinis ko.

"Stop staring, it's annoying." Malamig kong puna dito.

Di naman siya natinag at ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, what do you expect?" Napairap na naman ako.

"Kapag ba sinagot ko ang tanong mo e lulubayan mo na ako." Tiningnan ko ito ng malamig at ngisi lang ang ginanti niya sa akin.

Tumayo ito at lumapit sa table ko ng nakangisi pa rin. Hindi ako natuwa sa ngisi niya kaya inirapan ko ulit siya.

"Hindi kita lulubayan ng dahil lang sa simpleng pagsagot mo."

"Alam ko naman yun." Ngumisi din ako at tumayo din ako at hinarap siya.

"Nauubos na naman ang pasensya ko sayo Astraea." Nawala ang ngisi sa mukha ko at tiningnan ko siya ng malamig.

Hindi na ako makakapayag na gawin niya ulit ang mga kahayupang ginawa niya sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako dahil kahit ano din namang gawin ko ay wala akong panalo sa kanya.

Naupo ako at hindi na siya ulit tiningnan. "If you need something just tell me. Kung wala naman makakalabas ka na."

Hinilot hilot ko ang aking sentido. Naistress ako sa lalaking to. Kahit wala akong balak gawin ang mga nakapatong na panibagong folders sa desk ko ay kumuha ako ng isa para busisiin iyon.

"Still not answering?"

"Ashia and I met earlier. Happy?"

Huminga ito ng malalim bago umalis ng opisina ko. Hinilot ko ang aking sentido at umub-ob sa aking desk. Ano na naman kayang pakulo ni Caeruz.

***


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C6
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ