ดาวน์โหลดแอป
84.61% My Epic Love / Chapter 22: A Dream That Became a Reality

บท 22: A Dream That Became a Reality

Finally heto na ang POV ni Icko.

Medyo masasagot na ang mga katanungan nyo.

Icko's Point of View

It's been two years since I met this girl in my dreams.

Yes in my dreams.Hindi ko alam nun kung bakit paulit~ulit ko syang nakikita sa panaginip ko.Medyo blur ang itsura nya dun then nung lumaon,  dahil halos araw~araw ko syang kasama sa dreams ko parang malinaw na rin at nakabisado ko na ang features nya.

Maganda sya.A typical Filipina beauty na syang gusto ko sa isang babae.

Matangkad at maganda ang ngiti nya.

Nasa high school pa lang ako nun pero pakiramdam ko sya na yung destiny ko.At sa tuwing magkikita kami sa panaginip ko, unti~unti na akong nakakaramdam ng espesyal na damdamin sa kanya.At simula nun nag~umpisa na akong maghanap sa paligid sa pag~asang makita ko sya.

Halos isang taon ko syang hinanap at kalaunan ay sumuko na rin ako, baka nga hindi naman sya talaga nag~eexist, at baka isa lang talaga syang produkto ng panaginip ko.

Parang nagkaroon ako ng pag~asa nung mag~enroll ako nitong first sem. May nakasabay kasi akong girl na matangkad at maganda, halos lahat ng features nya ay kaparehas nung girl sa panaginip ko. Parang sya talaga bukod dun sa ngiti nya,  medyo may pagkakaiba pero sabi ko baka sya na nga dahil nung sabihin nya yung pangalan nya na Abby parang ganun din yung tunog nung pangalan nung girl sa panaginip ko, hindi kasi malinaw dahil wala namang speaker sa dreams para marinig ko ng husto. Basta it sounds like Abby,  Arbie or whatever.

Naging blockmates kami ni Abby. At dahil sa ideya na siya yung girl sa panaginip ko na matagal ko ng hinahanap, niligawan ko sya at sinagot naman nya agad ako.

Pero nung naging kami na ni Abby parang nararamdaman ko na hindi  sya yung girl na hinahanap ko. Walang spark sa pagitan namin at hindi ko makapa sa puso ko kung mahal ko ba talaga sya. Hindi katulad nung girl sa panaginip ko, bumibilis ang tibok ng puso ko pag kasama ko sya kahit sa panaginip lang.

Hindi rin gusto ni mommy si Abby, wala rin daw syang nararamdaman na si Abby yung makakapag~pasaya sa akin. Batid kasi ni mommy yung tungkol sa girl in my dreams. At alam nya kasi kapag napanaginipan ko yung girl, kakaiba ang ngiti at saya ko paggising ko.

Until one day, I didn't realized that my life would change.

Palabas na kami ng department namin ng mga classmates kong sina Joselito, Mark at Vaughn. Sinabi ni Vaughn na hindi sya makakasama sa amin dahil naghihintay sa kanya ang mga dati nyang friends from high school.

I was shock ng magtama ang tingin namin nung isa sa mga kaibigang babae ni Vaughn. Napamaang din sya nung makita nya ako. Siya yun alam ko, dahil kakaiba ang tibok ng puso ko at yung paraan ng pagtingin nya sa akin parang pamilyar.

Simula nun ay hindi na ako nakakatulog sa gabi. Sinabi ko yun kay mommy at sinabi nya na baka sya na talaga yun dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko naramdaman nung una kong makita si Abby.

Yung pangalawang encounter namin ang hindi ko inaasahan talaga. Maybe fate really has its own way. 

Nagmamadali akong pumunta ng library dahil may ire~research ako para sa next class ko. Nung makuha ko na yung librong kailangan ko ay nagmamadali akong pumuwesto sa lugar na naispatan ko pero bago ako makarating ay may nakabungguan ako. Nagkalat ang mga libro nya kaya tinulungan ko syang magpulot. Para akong nakuryente ng libo~libong boltahe ng hindi sinasadyang mahawakan ko yung kamay nya habang inaabot ko yung books sa kanya.

Laking gulat ko nung humarap sya at magtama ang tingin namin. Grabe para na naman akong aatakihin sa puso pero hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako pagkakita ko sa kanya.

Dyahe! Nakakabakla man pero kinilig talaga ako nung magkatinginan kami.

Hindi sya kumikibo at nakatingin lang sa akin. Para akong specimen sa science subject nya na kailangang pag~aralan. Gusto kong mapangiti nun sa itsura nya. Nakanganga sya at tulala. Parang gusto ko syang halikan nun. Ang ganda nya.

Nung nasa bahay na ako ay naisipan kong basahin yung libro na hiniram ko sa library. Nung buksan ko yung isang page ay mayroong nahulog na kung ano. Nang pulutin ko at tignan ay nakita kong ID pala yun.

ID nya.

Ang ganda ng ngiti nya sa picture. Heto yung ngiti na matagal ko ng hinahanap.

Aubrey Policarpio. Sounds like Abby or Arbie na naririnig ko sa panaginip ko. At nun ko napagtanto na sya na nga ang hinahanap ko.

Maganda,  typical Filipina beauty.

Matangkad.

Yung kakaibang heartbeat ko.

Yung ngiti nya.

Yung name nya.

Nag~eexist pala talaga sya. At sinasabi ng puso ko na sya na nga yung girl sa panaginip ko.

Maaga pa lang nung pumunta ako sa department nila para isoli ang ID nya. Excited ako dahil gusto ko syang makita. As usual,  marami na namang bulungan mula sa mga fangirls ko,  pero kinakawayan ko sila baka sabihin naman nila snob ako.

Nakalabas na halos lahat pero wala pa rin sya,  male~ late ako sa class ko kaya nung makita ko yung kaibigan nya,  pinabigay ko na lang at umalis na ako. Sayang hindi ko sya nakita.

Pero nung pababa na ako ay hinabol nya ako at dun na kami personal na nagkakilala. At nagulat pa sya ng husto nang sabihin ko na nice meeting you again... in real.

Nakakatuwa na naman yung itsura nya na nagtataka sa sinabi ko. Ang epic. 

Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung totoo. Hindi pa.

Masaya ako dahil kaibigan nya pala ang blockmate at barkada ko na si Vaughn,  kasi pwede na akong mapalapit sa kanya.

Minsan iniwan ni Vaughn yung cellphone nya sa akin dahil may practice ito sa basketball. Sakto namang nagtext sya ng quotes kay Vaughn kaya nakita ko yung number nya at kinopya ko.

Simula nun nagtetext na ako sa kanya na hindi naman ako nagpapakilala. 

Nang mga sumunod na araw pansin ko lang na masyado silang close ni Vaughn. Aaminin ko naiinis ako pag nakikita ko silang ganon. Kaya kunwari na lang hindi ko sya napapansin pero sa totoo lang kulang na lang maging stalker nya ako.

At isa pa pinoproblema ko si Abby, oo gusto ko sya pero wala talaga akong mas malalim na feelings sa kanya kaya lang girlfriend ko na sya.

Nagkamali ako ng inakala kong sya si Aubrey kaya ngayon hindi ko alam kung paano itatama ang pagkakamali kong yun lalo pa't sobra na sya sa pagiging clingy.

Inalok ko si Aubrey na maging friends kami, para mapalapit ako sa kanya. Yun lang din ang pwede kong maialok muna sa kanya dahil kay Abby. Hindi ko pwedeng sabihin ang feelings ko sa kanya kung mayroon pang Abby sa pagitan namin. Kailangan kong ayusin muna.

Sumapit yung birthday ko, pina~invite ko silang magkakaibigan kay Vaughn. Gusto ko siyang makasama sa birthday ko. Wala si Abby dahil alam nya ang disgusto ni mommy sa kanya. Pagkakataon ko na talaga na makasama si Aubrey sa espesyal na araw ko.

Yun nga pinakilala ko sya kay mommy pagkatapos nyang ma~surprised na ako pala ang may birthday. At tama ako,  my mom likes her so much sa unang kita pa lang nila.

Kaya lang nagkaroon ako ng problema ng umeksena bigla si Abby at hinalikan ako sa harap ng mga bisita ko. Lagot ako kay mommy at sira pati diskarte ko kay Aubrey.

Nakita ko ang expression ni Aubrey nun. Pangit mang pakinggan pero natuwa talaga ako ng makita kong nalungkot sya sa nakita nyang eksena. Kaya iniwanan ko si Abby at hinila ko si Aubrey para lumayo muna sandali sa party ko. Ang saya ko nung matapos ang party ko, hinatid ko sila sa kanila at muntikan ko na syang mahalikan sa lips nun kaya lang tinawag sya ni Gwen. Sayang!

Binigyan ko pa nga sya ng stuff toys na matagal ko ng itinatago,kung sakali ngang makita ko na yung girl in my dreams ibibigay ko yun. Kaya sa kanya ko ibinigay kasi sure na ako na siya yun. And would you believe pareho pa kami ng ipinangalan sa mga stuff toys,  A at I.

Iyon na ang umpisa ng pagiging malapit namin sa isat~isa. We became best of friends.Naging close sila ni mommy at ako naman ay naging at home na sa kanila. At sa mga panahong yon masaya ako na kasama ko sya kaya lang may mga pagkakataon na parang nababalewala ko sya lalo na pag kasama ko si Abby,  kasi hindi gusto ni Abby yung pagiging close namin to the extent na pati yung mga kaibigan nya ay binubully na rin ng mga kasama ni Abby sa squad.

Kaya para hindi sila i~bully,  dinedeadma ko na lang sya pero sobrang sakit sa akin pag nakikita kong malungkot sya sa pag~ignore ko sa kanya.Pero bumabawi na lang ako pag tumatambay ako sa kanila tuwing gabi.

Akala ko magiging maayos na sa amin ang lahat nung magbakasyon kami nung sem break namin sa rest house namin sa Tagaytay.Ipagtatapat ko na sana sa kanya ang lahat pati na rin yung feelings ko sa kanya kaya lang nalaman ni Abby yung pagpunta namin sa Tagaytay ng aksidenteng marinig nya kaming nag~uusap ni Vaughn tungkol dun. Kaya sumama sya pati na rin ang mga kabarkada nya sa squad.

Hindi ko alam na may plano syang hindi maganda. Hiniya nya si Aubrey sa harap ng maraming tao.Pinigilan ko sya pero wala akong nagawa nung nag~iskandalo na sya ng husto.

Mas nasaktan ako nung makita ko ang sakit na bumalatay sa maganda nyang mukha. Nakipag~break ako kay Abby nun pero hindi sya pumayag at binantaan nya ako na guguluhin nya lalo si Aubrey pag iniwan ko sya.

At dun na nagsimula ang paglayo ng babaing mula pa sa panaginip ko ay minahal ko na.

A dream that became a reality.

Ang aking Epic Love...


ความคิดของผู้สร้าง
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hayan po ang revelation ni Icko.

Sana kahit paano ay nalinawan kayo.

Thanks for reading.

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C22
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ