May hang over pa rin si Yra sa proposal sa kanya ni Jion nung nagdaang araw, syempre walang kasing saya ang pakiramdam niya, para syang nasa sa cloud nine! well sino ba naman ang hindi magiging masaya? pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila!
"Ate baka mahipan ka ng hangin jan!" puna sa kanya ni Sabrina, "kanina ka pa nakangiti ah! anu bang iniisip mo at kahapon ka pa masayang masaya!"
Pano ba niya ipapaliwanag sa kapatid ang nangyari! "Wala, natutuwa lang ako!" bumalik sya sa pagbabrowse ng internet ng mga bago at trending na design para sa mga gagamitin niya sa mga event nila.
"Sobra naman ata sa tuwa! eh mahahalit na yang pisngi mo sa pagkakangiti eh! bakit ka nga masaya te?" kulit pa rin nito.
"Nag proposed na sakin si Jion kahapon!" si Sabrina naman ang napatigil sa pagaayos ng giveaways na inorder sa kanila.
"Talaga ate!" binitawan nitp ang hawak na glue gun, at lumapit sa kanya. "Kamusta yung proposal sweet ba? anong style!"
Para naman syang nangangarap na binalikan yung mga pangyayari, "kakain na sana kami ng lunch nung sinabi nyang pakakasalan daw niya ako!"
"Huh yun lang?" nangungunot ang noo ni Sab sa kanya, "Wala man lang pa surprise effect?"
Umiling iling siya sa kapatid, "Wala eh! basta tinanong nya lang ako kung papayag ba akong magpakasal sa kanya, tapos umoo nalang ako!"
"Kala ko pa naman bongga ang magiging proposal ng isang Jion Guia, hindi pala!" bumalik na sa ginagawa ang kapatid niya. "Kailan mo naman balak sabihin kina nanay?"
"Sa Sunday na siguro, sana lang hindi mabigla si nanay." nawala ang ngiti sa labi ni Yra, yun nga pala ang inaalala niya! pano kung magalit na naman ang nanay niya? baka magkasakit na naman yun!
Nasa ganong pagiisip sya ng tumunog ang telepono nya. Si Heshi?
"Hello kambal!" bungad niya dito.
"Hey kambal busy kaba?" tanong nito sa kanya sa garalgal na boses.
"Okey ka lang ba? bat ganyan ang boses mo?" tanong niya dito.
"Kambal wag kang mabibigla ha, si Jion naaksidente kaninang umaga."
Ano daw si Jion naaksidente? tama ba sya ng naririnig?
"Anong sinasabi mo? kakatawag nya lang sakin kaninang umaga pag gising ko! ano bang nangyari? okey lang ba sya?" halos hindi na sya makahinga sa sobrang kaba, parang umuugong ang loob ng tainga niya sa narinig.
"Susunduin ka jan ng tauhan ni Jion hintayin mo nalang." hindi na naiintindihan ni Yra ang sinasabi ng kaibigan sa kabilang linya, dahil naguunahan ng pumatak ang mga luha.
"Ate bakit ka umiiyak? may problema ba?" nagaalala siyang nilapitan ng kapatid kaya iniabot niya dito ang telepono at ito na ang nakipagusap kay Heshi.
Halos hindi makahakbang si Yra palapit sa ICU na kinalalagyan ni Jion, wala pa rin itong malay dahil sa tindi ng tamang natamo nito buhat sa aksidente. Papasok na daw sana ito sa opisina ng banggain ang kotse nito ng rumaragasang pampasaherong jeep na nawalan ng preno at natumbok nito driver seat kung saan nandoon si Jion.
Hindi niya napigil ang paghagulhol ng makita ang sinapit ng nobyo, puno ito ng pasa at sugat sa buong mukha nito, halos mahimatay si Yra dahil sa sakit na nararamdaman kaya inalalayan sya ng nurse na lumabas muna roon.
"Kambal." Sinalubong siya ng kaibigan ng mahigpit na yakap ganon din ang asawa nito at mga magulang ni Jion.
"Ano po bang sabi ng doktor?" lakas loob niyang tanong sa mga magulang ni Jion.
"Sa ngayun maayos naman sya pero kailangan maoperahan dahil may pagdurugo sa utak nya," sagot sa kanya ng kuya Juno nito. "kinontak na namin si Cielo pabalik na sya dito at kasama niya ang neuro surgeon na magoopera kay Jion."
Lalong napalakas ang paghagulhol ni Yra, hindi niya lubos maisip na mangyayari iyon kay Jion.
"Sa ngayon Hija, umaasa kaming gagaling si Jion dahil isa sa pinakamagaling na surgeon si Doc Martin kaya wag kang mawawalan ng pagasa." sabi ni Mr. Lorenzo sa kanya.
tinutulungan syang makaupo ni Heshi sa katabing silya dahil halos mawalan na ng pakiramdam ang mga tuhod niya ng dumating ang sinasabi ng mga itong doktor na gagamot kay Jion kasama ni Cielo.
Halos hindi na nagsalita ang dalaga kitang kita sa mukha nito ang hinagpis lalo na ng yumakap ito sa kanyang ina.
"Hush princess, wag ka ng umiyak gagaling ang kuya mo okey." alo ni Mrs Guia dito.
Dali dali namang kinuha ng doktor ang chart ni Jion at pinagaralan iyon habang silang lahat ay tahimik na nagdadasal.
Inabot ng sampung oras ang operasyon ni Jion at sa buong panahon niyon ay hindi umalis si Yra at ang pamilya nito sa labas ng operating room.
Sinalubong nilang lahat ang paglabas doon ni Doc Martin na mukhang pagod na pagod.
"Doc kamusta ang kapatid ko?" ani Cielo dito. "tapos naba ang operasyon? nakaligtas ba ang kapatid ko?" sunod sunod na tanong nito sa doktor.
"Cielo relax okay, hindi ako nagpakahirap ng matagal na panahon sa pagaaral kung hindi ko naman maiiligtas ang mga pasyente ko sa ganitong sitwasyon!" tugon nito.
Sabay sabay din silang nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doktor. "Isa lang ang magiging problema natin sa kanya sa ngayon, dahil nadamage ang bahagi ng ulo nya kaya maaaring may mga bagay syang makalimutan at hindi agad nya maalala pero gagawan naman natin ng paraan para hindi umabot sa ganoon. at malalaman natin ang resulta ng operasyon pag gising niya." mahabang paliwanag nito.
Nang mailipat sa private room si Jion para sa recovery nito ay umuwi muna si Yra para puntahan ang anak na walang kamalay malay sa nangyayari sa ama nito. Ipinaliwanag din niya sa mga magulang kalagayan ngayun ng nobyo.
Nagpasya syang kinabukasan nalang muna babalik sa ospital dahil kailangan pa niyang asikasuhin ang anak dahil hindi pa pwedeng mapagod ang kanyang ina sa pagaalaga dito at si Sabrina naman ang tatao sa opisina niya.
Magdamag na halos hindi sya natutulog at wala na syang ginawa kundi paulit ulit na magdasal para sa kalagayan ni Jion, at sa magdamag na iyon ay inalala niya lahat ng masayang pinagsamahan nila lalong lalo na proposal nito nung nagdaang araw.