ดาวน์โหลดแอป
12.79% Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 11: Item Shop

บท 11: Item Shop

Nang maalala ni Ye Song ang lahat, napahinga na lang ito ng malalim..

Iniling niya ang kanyang ulo at sinabi sa sarili,

"Hindi ko papayagan na mangyari ulit ang ganoong bagay.."

Binaling ni Ye Song ang atensyon niya sa kanyang harapan.

Dito ay napansin niya ang isang screen at siya ay nagulat sa mga nakita niyang notifications.

[Congratulations sa pagkakapatay sa Commander General Chameleon]

[Nakuhang Title : Hunter]

[92,389 Exp gained]

[Status Updating]

[Chameleon Meat 1 obtained]

[Copper Gloves 1 obtained]

[Copper Armor 1 obtained]

[Chameleon Crystal 1 obtained]

[First time makapatay ng monster, nakakuha ka ng bonus title!]

[Nakuhang Title: F-First time ko, Be gentle]

[Nakapatay ng monster sa isang suntok, nakakuha ka ng bonus title!]

[Nakuhang Title: One Punch Man]

[Nakakuha ka ng skill!]

"Anong meron dito? Anong nangyayari? Eh? System?"

*DING*

*Iyan ang log ng mga nakuha mo nang makapatay ka ng isang high level monster*

"Talaga?! Uy! may karne!" Sigaw ni Ye Song.

Ito ang unang napansin niya sa lahat ng nakalagay sa screen. napakatagal na panahon na rin mula nung huli siyang makatikim ng karne.

Ang karne na binibigay sa rasyon sa bayan ay isang slice ng dried meat lamang at hindi ito sapat para sa kanilang tatlo kaya naman nang makita niya ang sariwang-sariwa na karne ay sobra ang kanyang pagkagalak.

Naglalaway na si Ye Song habang tinititigan ang karne sa kanyang harapan.

"Paano ko makukuha tong mga to? Tanong ni Ye Song.

*Pwede mong makuha ang mga item sa [Item Box]. pindutin mo lamang ang screen, itutok sa item na gusto mong kuhanin at ito ay lalabas sa iyong harapan*

"Ahh.. so itong [Copper Gloves] at [Copper Armor] na ito ay isang equipment?"

*Yes, yan ay isang low tier equipment at maaari mo itong gamitin o ibenta sa [Item Shop]*

"I-Item Shop?! meron kang Item Shop?!"

Ikinagulat ni Ye Song ang rebelasyong sinabi sa kanya ng system.

*Yes, pwede mo itong makita sa may gilid ng iyong screen*

Tumingin si Ye Song sa may gilid ng screen at doon ay may nakita siyang tatlong icon.

Ang unang icon ay ang [Option], sumunod ang [Browser] at ang pang huli ay ang [Item Shop].

Pinindot ni Ye Song ang icon ng [Item Shop] at siya ay nasorpresa sa kanyang nakita.

Nakita niya sa [Item Shop] ang halos lahat ng pwede mong makita sa Earth. Pati na rin ang maaalamat na armas.

"Totoo ba itong nakikita ko? halos lahat ng bagay ay nandito sa [Item Shop] woah.."

Pati ang mga gamit na makikita mo lamang sa isang online games ay nandoon din!

Lahat ng maisip mong bagay ay nandoon lahat sa [Item Shop]!

Hindi mapigilan ni Ye Song tumawa at tumalon sa sobrang tuwa.

Siya ay hindi mapakali sa kakaisip kung ano ang kanyang unang bibilhin.

Labis na pagkagalak ang nararamdaman niya ngayon dahil sa pangyayaring ito.

Habang tuwang-tuwa si Ye Song ay may sinabi ang system.

*Bawat item sa [Item Shop] ay may kanya kanyang kondisyon para gamitin. pag hindi mo nasunod ang patakaran na ito ay mababawasan ng epekto ang anumang mapili mo na galing sa shop o ang pinakamasama ay hindi mo mabili ito dahil hindi mo pa natutupad ang kondisyon*

Mahabang pinaliwanag ng system ngunit lumabas lamang ang lahat ng sinabi nito sa kabilang tenga ni Ye Song.

Masyadong okupado ang kanyang isipan. Ang nasa isip lang ni Ye Song ay bumili ng armas na kanyang gagamitin at wala ng iba.

Patuloy siyang naghanap sa [Item Shop] at pagkatapos ng mahabang panahon ay nakakita na rin siya ng isang bagay na nagustuhan niya.

[Heaven's Fury]

Two-Handed Sword

STATISTICS:

Damage: 999

Armor Penetration: 99

Durability: Indestructible

Speed: 0.5

+100 Fire, Cold, Acid, Electric, Spirit, Holy and Magic Damage

50% chance per hit of causing any evil target to spontaneously combust

50% chance of double attack

Condition: [Unknown]

Price: 5,000 heaven coins

Namangha si Ye Song sa armas na kanyang napili ngunit ng makita niya ang presyo nito ay kumunot ang kanyang noo.

"Ano tong heaven coins?"

*Ang Heaven Coins ay ang currency na pwedeng gamitin para makabili sa [Item Shop]*

"Magkano ang makukuha ko kapag binenta ko ang mga nakuha ko kanina?"

*Ang [Copper Gloves] at [Copper Armor] ay 5 heaven coins ang isa. Ang [Chameleon Orb] naman ay nagkakahalaga ng 10 heaven coins. makakakuha ka ng 25 heaven coins pag binenta mo sila lahat*

"25 Heaven Coins lang!?"

Na-disappoint si Ye Song sa sinabi ng system.

Sinara niya ang [Item Shop] ng labag sa kanyang kalooban at sinabi sa sarili.

"Mukang kailangan ko pa mag hunt ng maraming halimaw para makuha ko ang espadang iyon"

Inunat niya ang kanyang katawan at naisipang isara na ang screen sa kanyang harapan dahil wala pa naman siyang mabibiling kahit ano doon na magugustuhan niya.

Ngunit bago niya ito maisara ay nakakita siya ng isang bagay na magbibigay ng lubos na tuwa sa kanya.

[Nakakuha ka ng skill!]

Gusto mo bang matutunan ang skill na

[Cloaking]?

"N-Nakakuha ako ng skill?" nanginginig na sinabi ni Ye Song.

*Yes, gusto mo bang matutunan ang skill na [Cloaking]?*

Kahit nakita na niya ito sa screen ay hindi pa rin siya naniniwala ngunit nung ang mismong system na ang nagkumpirma nito ay dito niya na nasigurado na ito ay katotohanan nga!

Maraming bagay ang pumasok sa isipin niya.

Marami siyang pwedeng pag gamitan ng skill na ito.

Madali siyang makakapunta sa kahit saang lugar ng walang nakakakita sa kanya at ang pinaka importante sa lahat ay pwede itong magligtas sa kanyang buhay!

Napangiti si Ye Song sa bawat posibilidad na pwede niyang gawin ng dahil sa skill na ito.

"Yes!"

*DING*

*May natutunan kang skill!*

[Cloaking LV. 1]

Physical Damage

Type: Active

Target: Self

Levels: 10

SP Cost: 1

It makes the user invisible to people and monsters but you don't lose the ability to move..

Allows user to disappear instantaneously, Maintaining this skill active will drain MP.

Attacking while being cloaked doubles the critical rate for that hit. Boss monsters see through this invisibility.

Gives 3MP/s regeneration while in Cloaking. The execution of this skill gives user invulnerability.

The level affects the character's movement speed, increasing with higher levels..

Level - Movement Speed:

1 - 100%

2 - 103%

3 - 106%

4 - 109%

5 - 112%

6 - 115%

7 - 118%

8 - 121%

9 - 124%

10 - 125%


ความคิดของผู้สร้าง
yamcee yamcee

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C11
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ