ดาวน์โหลดแอป
31.95% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 124: I will make a way

บท 124: I will make a way

"Galit kagad!" Tanong ko habang inaayos yung kwelyo ng polo niya.

"Istorbo kasi!" Naka simangot niyang sagot sakin.

"Remind ka lang niya kasi nga mag three na. Ayaw ka lang niyang ma late. Uy... di ka pa nag brush ng teeth mo!"

"Bakit wala naman akong hahalikan sa kanila ah! Kaya okey lang yun!"

"Eh.. kadiri go na!" Sabay tulak sa kanya papuntang banyo. Binuksan ko narin yung pinto baka kasi andun pa yung assistant niya naghihintay. Di nga ako nagkamali nakatayo dun si Yago na parang tuod sa may pintuan agad ko siyang nginitian.

""Wait lang tooth brush lang siya. Sa loob mo na siya hintayin." Sabay bukas ko ng pintuan para tuluyan na siyang pumasok.

"Salamat po Ma'am!" Bahagya pa siyang yumuko para ipakita sakin ang paggalang niya.

"Naku Michelle na lang di mo naman ako Boss kaya tanggalin mo yung formality!"

"Sige po! By the way ito po yung pass niyo!" Sabay abot sakin ng isang black card na may naka engrave na special visitor.

"Ano 'to?" Takang tanong ko habang iniinspekyon yung nasabing pass.

"Yan yung gagamitin mo pagpasok dito sa office ko para di mo na kailanagng dumaan sa receptionist." Sagot sakin ni Martin na lumabas na galing banyo.

"Ah okey!" Sagot ko habang dinampot ko yung coat niya para isuot sa kanya.

"Kunin mo na yung mga files sa table ko!" Utos ni Martin kay Yago. Pagtalikod ng assistang niya agad niya kong hinalikan sa labi sabay ngiti.

"Umayos ka!" Mahina kong sabi para kaming dalawa lang ang makarinig.

"Bitin na bitin ako kaya alam mo na mamayang gabi ha!"

"Umalis na kayo at anong oras na!"

"Hintayin mo na lang ako dito. Buksan mo nalang yung TV para di ka ma bored. May mga dessert at juices dun sa ref if ever magutom ka. Kung ayaw mo naman pwedi mong utusan si Vera para orderan ka ng pagkain ha! Saglit lang kami!"

"Okey, Ingat ka!"

"Balik ako kagad! Sabay halik sa pisngi ko bago sila tuluyang umalis ni Yago.

Pag-alis nila pinili kong umupo muna sa executive chair niya habang tinitingnan ko yung ibabaw table niya. Doon ko nakita yung dalawang picture frame yung isa solo picture ko kuha ito doon sa garden ng Pad niya samantalang yung isa picture namin dalawa habang naka sandal ako sa dibdib niya. Wala sa itsura ni Martin pro napaka sweet niya at caring sa akin. Try kong buksan yung mga drawer ng table niyo dun ko napatunayan kung gaano siya ka organize kasi naka salansan ng maayos yung mga documents niya, mga ballpen and other office supplies. Wala ka rin makikitang kahit katiting na alikabok sa lamesa niya.

Pinaikot ikot ko yung upuan niya na parang bata kasi nga walang magawa. Ayaw ko naman lumabas para makipag kwentuhan sa iba niyang tauhan sa labas baka maistorbo ko pa sila. Ayaw ko din naman silipin yung laptop ko kasi pag nagkataong mauumpisahan ko nanaman yung trabaho ko at di naman ako titigil hanggat di yun matapos.

Nung magsawa ako sa paglalaro sa upuan niya pinili ko nalang magpatugtog ng cellphone ko at isinalpak sa tenga ko sabay higa sa sofa. Malamang wala naman basta bastang papasok dun kaya minabuti kong maidlip na lang muna. Di nga nagtagal ay naka tulog ako.

"Proceed to the plan. Ako ng bahala wala ka ng dapat alalahanin." Narinig kong may nagsalita kaya di ko mapigilang mapabangon.

Naka balik na pala si Martin at kasalukuyang may kausap sa telepono. Napatingin ako sa relo ko mag five thirty na ng hapon. Nakatulog din pala ako ng ilang oras. Tuluyan na kong bumangon at kinuha yung pouch ko kung san naglalaman ng mga girl thing ko.

"San ka punta?" Tanong sakin ni Martin pero walang lumabas na boses sa pamamagitan lang ng pagbuka ng bunga-nga niya. Di ko sinagot sa halip ay itinuro ko lamg yung banyo na sinundan naman niya ng tingin sabay tango sa akin.

Paglabas ko naka sandal si Martin sa upuan niya habang naka pikit mukang stress nanaman. Nilapitan ko siya at puwesto ako sa bandang likuran niya at minasahe yung dalawang balikat niya.

"May problema?" Mahina kong tanong nung magmulat ng mata si Martin at tiningnan ako.

"Gusto ni Daddy na sa Lunes na ko mag start bilang President."

"Ano ba dapat gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang minamasahe parin yung dalawa niyang balikat.

"Gusto ko sana next year na! Tapusin ko muna sana yung mga proposed project ko. Kaya lang ayaw pumayag ni Daddy madaling madaling ipasa sakin yung resposibilty."

"Baka naman gusto ng Daddy mo magpahinga na at ng magkaroon naman sila ng Mommy mo ng quality time."

"Eh pano naman tayo? Nag start pa lang yung relationship natin tapos mawawalan kagad ako ng oras para sayo!" Hinila ako ni Martin para paupuin sa Lap niya.

"Adjust lang tayo para kahit papano meron parin tayong oras sa isa't isa like kung available ka di mag date tayo or every time may pagkakataon then call mo ko or text. If ever sobrang busy ka then I can drop here in your office or punta ako sa bahay mo ganun."

"Gagawin mo yun?" Naka ngiti niyang tanong sakin.

"Oo naman, bakit?"

"Mag-aadjust ka para sakin?"

"Oo, wala namang masama dun we're in relationship dapat kung sino pwedi or available di siya yung mag reach out sa isa. Bakit ayaw mo ba?"

"Sympre gusto! Tapos dalhan mo ko lunch minsan dito sa office o kaya dinner." Nagnining ang mga mata ni Martin habang iniimagine niya yung mga bagay-bagay.

"Anong dadalhan kita ng pagkain? Omorder ka tapos makikikain ako dito!" Pambabasag ko sakanya.

"Ganun?" Naka simangot niyang tanong.

"Of course ikaw yata yung madaming pera kaya ikaw dapat manlibre sakin para makatipid ako. Kasi double expense ko sa halip na sa bahay lang ako mamasahe, mamasahe pa ko papunta dito. Diba ang gastos nun? Tapos gusto mo bilhan pa kita ng pagkain somosobra ka naman na ata!"

"Ikaw!" Sabay kiliti sakin.

"Haha... haha... Martin!" Tawa ko gusto ko na sanag tumakas pero mahigpit yung pagkakayakap niya sakin.

"Kaya nga sabi ko sayo kunin mo na yung ATM na binibigay ko sayo para di ka na namoproblema sa pera!" Sabi niya sakin sabay kagat sa ear lob ko.

"Uwi na tayo!" Pag-iiba ko ng usapan at tumayo na rin ako. Pero di niya ako hinayaang maka alis ng tuluyan. Inipit niya ko sa pagitang ng dalawa niyang legs habang naka sandal ako sa office table niya. Naka hawak parin siya sa baywang ko at naka tingala sa muka ko dahil nga nakatayo ako.

"Michelle!" Mahina niyang tawag sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Di ka ba magagalit sakin if ever mabawasan yung oras ko sayo?"

"Martin, Gaya ng sabi ko sayo if ever di tayo magkita okey lang yun sakin!" Kumunot yung noo niya halatang di niya nagustuhan yung sagot ko. Dahil doon hinawakan ko yung muka niya at hinalikan siya sa labi para maalis yung tampo niya.

"I WILL MAKE A WAY!"


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C124
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ