Chapter 6
"Saan tayo pupunta?" Bungad ko kay Von noong sandaling makapasok ako sa backseat.
As usual, may kasama parin kaming driver dahil ayaw ng parents ni Von na nagd-drive sya. Wala kasi itong tiwala sa kanya pagdating sa pagd-drive. Paano ba naman kasi, noong 17 years old pa lamang si Von ay nagpaturo sya sa mga barkdada nya na ilang taon ang tanda sa kanya.
Pero imbes na matuto at pagkatiwalaan sya sa pagd-drive ay nawalan lalo ng tiwala sa kanya ang kanyang parents dahil lagi na lamang nababangga ang ginagamit nyang sasakyan t'wing nag-aaral itong magmaneho.
"Secret..." Nakangisi niton sagot sa akin kaya naman napasimangot ako sa kanya. Secret nanaman.
"Ayaw mo talagang sabihin?" Nakanguso kong paninigurado sa kanya. Ngumiti lamang ito sa akin bago hinawakan ang aking kamay ay dinala iyon sa labi nya.
Hinalikan nya iyon kaya napangiti ako. Ganito sya palagi. Lagi akong nakakatanggap sa kanya ng halik sa noo, o di naman kaya sa tuktok ng ulo ko, maski sa tungki ng ilong at sa likod ng palad ko ay hinahalikan din ni Von.
Minsan nga, napapatanong ako sa kanya kung bakit laging sa noo o sa tuktok ng ulo ko lagi nya akong hinahalikan, at ang magiging sagot nya lamang ay;
"I respect you. I'll wait 'til you turned eighteen,"
Nakakainis lang na nakakakilig. Nakakainis kasi medyo matagal pa ang eighteen ko, tapos nakakakilig dahil handa syang hinatayin ako.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng isang paaralan. Lumingon lingon ako sa paligid ko at nakita ko na naglalabasan na ang mga estudyante sa paaralan na hinintuan ng kotse. Naunang bumaba si Von, pinagbuksan nya ako ng pintuan at hawak kamay nya akong hinila patungo sa loob ng paaralan.
Napapasimangot na lamang ako t'wing may mga babaeng estudyante ang nagtutulakan na tila kinikilig noong makita nila si Von. Well, hindi ko naman maitatanggi na malakas ang appeal nitong si Von.
Sa simpleng suot nyang black sweat pants, at simpleng black shirt nya na pinaresan nya ng itim na sneakers ay makalaglag panty na ang kanyang dating.
Sinilip ko ang reaksyon ni Von sa mga estudyante na halos maghubad na sa harapan nya. Napanguso ako noong makita ko na diretso lamang ang mga mata nitong naglalakad. Bumuntong hininga ako, mukhang sanay na sanay na ito sa atensyon na nakukuha nya.
"Bakit?"
"Huh?" Napaawang ang labi ko noong huminto si Von sa paglalakad at hinarap ako. Tumingin sa akin ang mga mata nyang mapupungay bago ngumiti sa akin.
"Kanina mo pa ako tinitignan, Irene. May problema ba?" Tanong nito kaya naman napasimangot ko.
"Ano bang ginagawa natin dito?" Balik tanong ko sa kanya. Ngumiti nanaman ito at saka hinila ako palapit sa kanya, inakbayan nya ako at naramdamn ko ang bahagyang paghalik nya sa tuktok ng ulo ko.
"Inutusan lang ako ni Mom na kunin ang mga kulang at sira sa school na ito, para mapaayos agad." Sagot nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad habang sya ay naka-akbay parin sa akin.
Napatango tango ako. Oo nga pala. Mayaman pala ang angkan nitong si Von, at marami syang ini-sponsor-an na mga eskuwelahan, siguro isa ito doon.
"Tinanggap mo na ba ang hiling ng Parents mo?" Napahinto ito sa paglalakad kaya naman hinarap ko sya. Nakapagtatakang lumungkot ang mga mata nya.
Hinawakan ko sya sa kanyang mga kamay at saka bahagyang pinisil pisil iyon.
"Tanggapin mo na, Von." Nakangiti kong saad sa kanya. Bumunton hininga ito at saka pumikit ng mariin.
Wala akong alam sa hiling ng parents ni Von, ang alam ko lamang ay para sa ikabubuti ni Von iyong hinihiling ng Parents nya sa kanya. Hindi ako nagtatanong sa kanya kung ano ba ang hiling ng parents nya, masyadong advance ang utak ko at nag-iisip ng kung ano ano.
"Pag tinanggap ko ba 'yon, ano sa tingin mong mangyayari sa 'ting dalawa?" Mahina nitong tanong. Sya naman ngayon ang may hawak ng palad ko at bahagya itong pinipisil, napaawang ang labi ko at hindi agad nakasagot sa tanong nyang iyon.
"Mapapalayo ako sa'yo, Irene. Kaya mo ba 'yon? Ako kasi, hindi." Lumakas ang tibok ng dibdib ko sa sinabi nyang iyon. Ngumiti ako sa kanya at saka yumakap. Naramamdaman ko naman ang pagganti nito sa akin ng yakap.
"I love you, Von."
"I love you too, Irene." Sagot nito at muli, hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo.
-
"Good evening po," kinakabahan kong bati sa Mom ni Von na kaharap ko. Nakatingin lamang ito sa akin at makikitaan ko ng disgusto sa kanyang mga mata.
Pilit akong ngumiti kahit ang totoo ay gusto ko ng manakbo papalayo sa harapan ng Mom ni Von. Parang sa isang iglap, umurong ang dila ko. Parang sa isang iglap, gusto ko na lamang umuwi at ipagpabukas ang pakikipag-usap kay Von.
"Good evening din sa 'yo, Ijah. What can i do for you?" Medyo nakahinga ako ng maluwag noong buksan nya ng malaki ang malaking pintuan. Ngumiti ako bago nagsalita.
"A-Ah, gusto ko po sanang maka-usap si Von." Pinilit kong maging pormal ang aking pananalita sa kabila ng pangingig ng boses ko.
Ngumiti ito. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon at naging mas approachable ang dating ng Mom ni Von. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong kakabahan dahil a bigla nitong pagbabago ng ekspresyon.
Hinawakan nito ang aking mga kamay at hinatak papasok sa loob ng bahay nila.
"Halika, Ijah. Mabuti't nandito ka, sakto dahil gusto ko rin na makausap ang girlfriend ng anak ko." Namula ang mukha ko sa sinabi nyang iyon. Pina-upo nya ako sa single sofa at naupo na rin ito sa kaharap kong sofa.
Kinabahan ako habang nag-iintay sa sasabihin ng Mom ni Von sa akin. Anong sasabihin nito sa akin at bakit gusto nya akong makausap?
"Irene, tama ba?" Tanging pagtango lamang ang sinagot ko. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita.
"Didiretsuhin na kita, Irene, Ijah. H'wag sanang sasama ang loob mo, pero hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko." Nanuyo ang lalamunan ko at tila may mga karayom ang sunod sunod na tumusok sa puso ko.
Alam ko na 'to. Alam ko na kung saan pupunta ang usapin naming ito.
Gusto ko sanang tumayo at tumakbo papalayo. Pero hindi ko magawa dahil tila napako ako sa kinauupuan ko at wala akong ibang magawa kundi ang makinig sa mga salitang makakasakit sa akin.
"Alam kong gusto nyo ang isa't isa ng anak ko, pero I'm sure na puppy love lang ang nararamdaman nyo sa isa't isa, masyado pa kayong bata para seryosohin nyo 'tong ganito." Hindi ako kumukurap. Tanging mabagal na pagtango lamang ang ginagawa ko upang kahit na ganoon ay may maisagot ako.
"Sorry Ijah, but i want the best for my son. You're a scholar, right? Alam kong hindi mo ako maiiintindihan as a mother but please understand me, matalino ka at alam kong maiintindihan mo ang rason ko. I want Von to study abroad, pero hindi sya pumapayag dahil may maiiwan sya--at ikaw 'yon." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago tumango.
'Yun ba ang hiling ng Mom ni Von na ayaw tanggapin nito? Kaya ba laging sinasabi ni Von na sa oras na tanggapin nya ang hiling ng parents nya, mapapalayo kami sa isa't isa? Iyon ba 'yon?
"Sorry po, sorry kung hindi pumayag si Von sa gusto nyo dahil sa akin." Umiling sya at saka lumipat sa katabi kong upuan.
"Look, hindi ako tutol sa relasyon nyo. Walang kaso sa akin 'yon. Ang akin lang kasi ay hindi matupad tupad ni Von ang pangarap nya dahil ayaw ka nyang iwan. Look, kung hihiwalayan mo sya, at magkita parin kayo sa future ay hindi na ako makikialam. Just please, ngayon lang para matupad ni Von ang pangarap nya." Pangarap. Nakasalalay pala dito ang pangarap ni Von.
Pero pwede naman nyang tuparin iyon habang kami pa, ah? Pwedeng nyang gawin ang gusto nya habang kami pa. Hindi naman ako maarte na gusto ko sakin lang ang atensyon ni Von.
"Sorry po, pero hindi ko po kayo maintindihan kung bakit kailangan pa naming maghiwalay ni Von kung pwede naman pong tuparin ni Von ang pangarap nya habang kami pa." Hindi ko gustong sumagot, pero kailangan ko rin namang ipagtanggol at ipaglaban ang relasyon naming dalawa ni Von.
"Ijah, i know. Hindi sana ako mangingialam, kaya lang..." Huminga ito ng malalim na tila kumukuha ng tiyempo upang masabi sa akin ang nais nitong sabihin.
"Napagkasunduan ng pamilya namin na ikasal si Von sa pamilya ng kasosyo namin. Pasensya na Ijah." Napapikit ako. Sunod sunod ang nagind pagdaloy ng luha ko at hindi ko na magawa na pigilan pa iyon.
Ilang minuto rin akong tahimik at ganoon din ang Mom ni Von na tila binibigyan ako ng oras upang makapag-isip ng mas maayos. Nakatulala lamang ako at pilit na pinapagana ang utak ko at inaanalisa ang bawat sitwasyon.
Ilang minuto rin ay nakapag-desisyon na ako. Nag-angat ako ng tingin sa babae at nakita ko ang mga mata nito na puno na pag-asa. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"Alam na po ba nya ito?" Tanong ko na ang tinutukoy ay tungkol sa pagkakasundo ni Von sa ibang babae.
Lumungkot ang mga mata ng Mom ni Von kasabay ng marahan nitong pag-iling sa akin. Napabuntong hininga ako. Paano ba 'to?
"Sige po, gagawin ko po ang gusto nyo. Just please, give me at least 1 week with him bago ko sya hiwalayan."
-
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Von na humawak sa aking kamay. Napaangat ako ng mga mata at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kabila ng kagustuhan kong mapahagulgol sa pag-iyak.
Siguro ay mamaya ko na lamang ibubuhos ang sama ng loob ko pag ako na lamang ang mag-isa. Sa ganoon, walang iistorbo sa akin. Walang masasaktan kapag nakita nila akong umiyak.
"May problema ba, Irene? Parang ang tamlay mo?" Hinalikan nito ang likod ng aking palad, at dahil sa ginawa nyang iyon ay lalo lamang nangilid ang luha ko.
Umiling ako at suminghot.
"W-Wala, masama lang ang pakiramdam ko." At loob ko. Gusto ko sanang idugtong ang huling sinabi ko ngunit hindi ko na nagawa dahil ang mga mata nya ay nakatitig sa akin.
Napasimangot ako at yumakap sa kanya. Marahil ay nagtataka na itong si Von sa kinikilos ko, pero balewala lamang iyon sa akin kung magtaka at ma-clingy-han sa akin si Von. Ngayon na lamag ito, at pagkatapos ng isang linggo ay hihiwalayan ko na sya.
Hindi ko muna iisipin kung anong dahilan ang sasabihin ko sa kaya kapag nakipaghiwalay na ako, sa ngayon ay focus muna ako sa kanya dahil sigurado akong masasaktan kaming pareho sa naging desisyon ko.
Pero sa tingin ko, ito ang mas makakabuti sa kanya. Matutupad nya ang mga pangarap nya--ngunit hindi ako kasama doon. Matutupad nya ang mga gusto nya sa buhay at higit sa lahat, mapapasaya nya--ko ang Mom ni Von sa gagawin ko kahit pa kapalit non ang sakit na daranasin ko.
"Always remember that I love you so much, Von Williams." Sinserong saad ko sa kanya. Narinig kong bahagya itong tumawa bago ako sagutin.
"I know, i will always remember that. I love you too, Irene. I love you so fvcking much." Muli ay hinalikan ako nit sa tuktok ng aking ulo.
Napapikit ako. Sorry, Von. Sorry.
-
"Irene, may lead na ako kung nasaan na ang kapatid mo." Agad nakuha ni Shion ang atensyon ko. Mabilis pa sa alas-kuatro ang naging paglapit ko sa kanya.
Kinuha ko ang envelope na inabot nya sa akin. Dali dali ko iyong binuksan at binasa ang nasa loob, at halos maluha ako sa sobrang tuwa noong makita ko ang isang address na naka-sulat doon.
"Thanks to my dad at sa mga connection nya, mas napadali 'yung paghahanap sa nawawala mong kapatid." Saad ni Shion kaya naman napangiti ako. Agad akong yumakap sa kanya at nagpasalamat ng taos puso.
"Maraming salamat, Shion. Pakisabi rin kay Tito, maraming salamat." Gumanti ng yakap sa akin si Shion kaya naman lalo akong natuwa.
Malaki ang natulong sa akin ng pamilya ni Shion, sila ang tumulong sa akin noong panahon na naaksidente si mama at namatay ito makalipas lamang ng ilang linggo nitong nasa hospital.
Ang pamilya ni Shion ang umasikaso kay Mama noon, ngunit bumigay ang katawan ni mama dahil sa iba't ibang kumplikasyon. Nagpapasalamat ako ng marami sa pamilya ni Shion dahil bukod sa sila ang gumastos sa pagpapagamot ni Mama ay sila na rin ang gumastos at nag-asikaso para sa libing ni Mama.
At ngayon, buwan pa lamang ang lumilipas ay ito nanaman ang pamilya ni Shion. Panibagong pagtulong nanaman ang ginawa nila sa akin. Dahil nagkaroon sila ng lead kung nasaan na ang nawawala kong kapatid na syang nag-iisa ko na lamang na kapamilya.
"Ano ka ba, walang anuman 'yon. Magkaibigay tayo, diba? Isa pa, turing na sayo nila mommy ay tunay na anak." Napangiti ako sa sinabi ni Shion sa akin. Sobrang swerte ko at nakilala ko itong babaena ito. Sobrang swerte ko at naging best friend ko si Shion.
Hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa kaisipang magkikita na ulit kami ng kapatid ko.
Magkikita na ulit tayo, Bunso.
-
"Irene," agad akong napatayo mula sa aking pagkaka-upo noong marinig ko ang boses na iyon. Matagal ko ng hindi narinig ang boses na 'yon, at talagang na-miss ko ang taong ito.
Noong maharap ko sya ay agad na dumako sa akin ang mga mapupungay nyang mga mata. Ganoon parin sya, walang pinagbago. Tumangkad lamang ata ito at nagbago ng hairstyle. Pero si Von parin itong nasa harapan ko.
Pinaghiwalay nya ang kanyang magkabilang mga braso bago ngumiti sa akin, hindi man nito sabihin ang mga katagang gusto nyang iparating ay alam ko na ang ibig sabihin non. Agad akong tumakbo patungo sa kanya at walang ano-ano'y sinalubong ko sya ng isang mahigpit na yakap.
Napangiti ako at sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib noong maamoy kong muli ang nakakaakit nyang pabango na naghalo sa kanyang natural na amoy.
"I miss you." Bulong ko sa kanya at lalo kong pinagsiksikan ang aking mukha sa kanyang mababangong dibdib.
Narinig ko ang bahagya nitong pagtawa, pero hindi na ito pinansin. Nakayakap lamang ako sa kanya ng halos ilang minuto rin. Hindi naman ito nag-reklamo at hinayaan lamang akong yumakap sa kanya ng mahigpit.
"I miss you, too, Irene." Sagot nito at saka hinalikan ako sa aking ulo. Napapikit ako. Namiss ko talaga ang lalaking ito.
Mahigit isang buwan ko syang hindi nakita. Matapos ang isang linggo na binigay sa akin ng Mom ni Von, gabi bago ko sabihin kay Von na makikipaghiwalay na ako sa kanya ay bigla na lamang itong nawala at mahigit isang buwan na hindi nagparamdam ito sa akin.
Nag-text lamang ito kanina, kaya ganoon na lamang ang pagkasabik ko na makita at mayakap sya. Alam ko na pagkatapos kasi nito ay tuluyan ng mapuputol ang koneksyon namin sa isa't isa.
-
Written by Chewzychick