ดาวน์โหลดแอป
11.11% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 4: Chapter 4 - Denial King

บท 4: Chapter 4 - Denial King

Date: March 22, 2020

Time: 11:30 P.M.

"Jin ba't nandyan ka sa labas!" lasing at natatawa na pagkakasabi ni Chris kay Jon na nakatayo sa pinto ng kwarto.

Dahil nagulat si Jin sa sinambit ni Chris ay napatingin siya sa mga mata nito. Pagkatapos, dahan-dahan niyang tiningnan si Jon at pareho silang nanlalaki ang mga mata. Muling bumalik ng tingin si Jin sa mga mata ni Chris at biglang siya nitong hinawakan sa cheeks. Dahan-dahang hinaplos ng mga malalambot na kamay ni Chris ang mukha niya at tinitigan siya nito sa mga mata at kinausap.

"Oh, nandito ka na agad sa harap ko, Jin? Ang bilis mo naman? Nag teleport ka ba?" nakangiting sinabi ni Chris at biglang nakatulog dahil sa kalasingan. Nabitawan niya na rin ang mukha ni Jin na namumula at nakatulala lang.

Dahan-dahang umalis si Jin mula sa pagkakapatong ng kanyang katawan kay Chris sa kama upang hindi na ito magising pa. Nang makatayo na siya ng matuwid, inayos niya ang pagkakahiga ni Chris. Hinawakan niya ang ulo nito at marahang inangat ng kaunti at nilagyan ng unan. Inayos niya rin ang mga buong katawan nito para mas maging mahimbing ang tulog nito.

Nang maayos na ni Jin ang pagkaka-pwesto ni Chris sa kanyang kama, nagpunas siya kanyang pawis sa mukha at tumungo na kay Jon na nakatayo sa pinto ng kwarto. Pinatay niya na ang ilaw sa kwarto at kinausap ang matandang Jin.

"Tingin mo ba nahalata niya?" tanong ni Jin.

Hindi muna sumagot si Jon dahil baka marinig ni Chris ang kanilang pag-uusapan. Sumenyas siya kay Jin na lumabas na muna silang dalawa ng kwarto. Naglakad silang dalawa patungong kitchen upang doon mag-usap.

"Tingin ko lasing lang si Chris kaya medyo malabo ang paningin niya at akala niya iisang tao lang tayong dalawa." dagdag ni Jin.

"Hindi ko din masabi, kasi alam mo kung gaano katalino si Chris at magaling siya sa pag-observe. Kahit nga pinakamaliit na detalye napapansin niyan." sagot ni Jon at huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero, ayaw ko munang isipin na baka nga napansin o nahalata niya na tayo. Paggising ni Chris, tanungin mo siya kung naaalala niya 'yung mga ginawa niya ngayong gabi. Kasi tingin ko, hindi niya to matatandaan. Madalas, nakakalimutan niya 'yung mga nangyari lalo na pag lasing na siya." katwiran ni Jon.

"Sige tatanungin ko siya bukas para malaman natin. Pero, may gusto akong itanong sa'yo. Hindi ito tungkol sa future, tungkol to sa sarili ko." tanong ni Jin.

"Ano 'yun?"

"Gusto ko lang malaman-" kabadong nagsasalita si Jin, "nagkaroon ba ng mga pagkakataon na nalito ka na sa mga bagay bagay?" tanong niya kay Jon. Pero sa totoo, ayaw niya talaga sabihin mismo kung ano ang pinaka gusto niyang iparating dahil nahihiya pa siya na i-open up ito. Hindi niya masabi ngunit gusto niya itanong ang kakaiba niyang naramdaman niya kay para kay Chris.

"Ha? Nalilito saan? Hmmm?" nagtatakang tanong ni Jon. Napaisip siya sa biglang tanong ng batang Jin, at nanliit ang mga mata niya habang nakatingin siya dito. "Hmmm, mukhang alam ko na kung anong ibig sabihin nito." nasa isip ni Jon.

Napagtanto ni Jon na ang huling kasama ni Jin ay si Chris, kaya na isip niya na tungkol ito sa nararamdaman ng batang Jin para kay Chris. Dahil sa mga panahong ito, wala pa siyang malalim na nararamdaman para kay Chris.

Madalas magkasama sina Jin at Chris, pero hindi sila gaanong nag-uusap kahit nasa iisang circle of friends sila dahil laging ilang si Chris.

"Nalilito na siya sa nararamdaman niya, tingin ko. Sino ba namang hindi malilito sa mararamdaman kapag si Chris na ang kaharap mo? Kahit sino naman ata magkakagusto sa kanya. Pero, ano kaya 'yung dahilan ng biglaan niyang pagkalito?" nasa isip ni Jon. Noong panahon niya, narealize niya lang na may nararamdaman na siya kay Chris noong sumali ito sa isang pageant. "Pero, ang aga naman ata ng batang Jin na maramdaman niya 'to? Maganda ba itong sign o hindi?" nasa isip ni Jon. "Oo nalilito din ako sa mga bagay bagay at tao lang naman tayo. Basta ang advice ko lang sa'yo na natutunan ko sa pagdaan ng panahon, kung nalilito ko sa mga bagay bagay at di mo alam kung anong pipiliin mo, isipin mo lang kung saan mo mas nararamdaman na maging masaya sa dalawang bagay. Kung saan ka mas masaya, 'yun ang piliin mo." payo ni Jon sa batang Jin.

Ito na ang pinaka safe na answer na mabibigay ni Jon dahil gusto niya na ang batang Jin ang makatuklas ng nararamdaman nito. Tinapik niya ang balikat ng batang Jin at nginitian. Alam niya na kakayanin rin ito ng batang Jin at balang araw, maiintindihan rin nito ang kanyang sarili.

Niyaya na ni Jon ang batang Jin na bumalik na sa likod ng bahay para pauwiin na rin sina Rjay at Luna, "Tara na, magligpit na tayo. Gabi na rin, saka pauwiin na natin sila."

Tumungo na sa likod ng bahay ang dalawang Jin at pinuntahan sina Rjay para pauwiin.

"Rjay, Luna, okay na ba kayo? Gabi na and quarter to 12 na rin. Ikukuha ko na lang kayo ng grab para makauwi kayong dalawa. 'Wag niyo na bayaran, ako na bahala" sinabi ni Jin sa dalawa niyang kaibigan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nang makaalis na ang grab na sumundo kina Rjay at Luna, niligpit na ng dalawang Jin ang mga kalat at pumasok na sila sa loob ng bahay.

Naisipan ni Jin na magpahinga at pumasok na siya sa kanyang kwarto, ngunit pagdating niya sa kwarto, nagulat siya sa kanyang nadatnan.

"Whaaat! Nakalimutan natin! nandito pa pala si Chris!" Nagulat siya nang makita niya si Chris na nakahiga pa sa kanyang kama, at napakahimbing ng tulog nito.

Lumapit si Jon sa kinatatayuan ni Jin at binulungan ito.

"Hayaan mo na lang siya d'yan. Bukas mo na pauwiin saka delikado na." bulong ni Jon habang tinitingnan niya si Chris na nakahiga sa kama.

"Eh saan mo ko gusto matulog ngayon?" nainis na sinabi ni Jin.

"Tinatanong pa ba 'yan? 'Di mag tabi kayo. May space pa naman eh."

"Okay ka lang? Gusto mo bang pag gising niya bukas, ako agad 'yung bubungad sa tabi niya? Tapos naka-topless pa ako kung matulog! Baka isipin niya na may ginawa ako sa kanya!" katwiran ni Jin.

"Bahala ka. Basta ako sa sofa lang ako matutulog. Problema mo na 'yan." natatawang sinabi ni Jon.

Wala nang magawa si Jin at napakamot na lamang siya ng kanyang ulo.

"Bahala na nga! Sa lapag na lang ako matutulog!" naiinis na sinabi ni Jin habang nanililiit ang kanyang mga mata at tinitingnan si Jon.

"Okay sabi mo!"

Humiga na si Jon sa sofa at pumasok na ng kwarto si Jin.

Lumapit si Jin sa kanyang kama at dahan dahan niyang kinuha ang isa pang unan sa tabi ng ulo ni Chris upang hindi ito magising. Kumuha rin siya ng extrang kumot sa cabinet na nasa tabi lang ng kanyang kama. Binuklat niya ito at inayos sa sahig katabi ng kama para gawin itong higaan.

Bago humiga, nakatayo lang siya sa tabi ng kanyang kama at nag-unat. Hinubad niya na din ang kanyang t-shirt dahil sanay siyang naka-topless kapag matutulog at inilipag niya ito sa tabi ng unan ni Chris.

Habang nakatayo siya, napatingin na naman siyang muli sa napakagandang mukha ni Chris na mahimbing sa pagkakatulog at titiningan ang buong katawan nito. Dahan-dahan niyang nilalapit ang kanyang mga kamay patungo sa mga kamay nito upang hawakan at damdamin ang lambot.

Nang malapit na niyang mahawakan ang mga kamay ni Chris, bigla itong gumalaw at agad nilayo ni Jin ang kanyang kamay. Kinabahan siya dahil baka magising si Chris, at itinigil na ang kanyang balak.

"Sandali! Sabi ko kanina na huling beses ko na hahawakan ko si Chris eh. Tsk! Makatulog na nga. Lasing lang ako!" bulong ni Jin sa kanyang sarili.

Sinara ni Jin ang pinto ng kwarto at humiga na rin sa kumot na nilatag niya sa sahig. Hindi niya alam kung makakatulog ba siya doon, kaya nakatitig lang siya sa ceiling at nagbibilang ng 1 to 1000 hanggang antukin at makatulog.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 23, 2020

Time: 8:00 A.M.

Pagkagising ni Chris, sobrang sakit ng kanyang ulo na para itong pinupukpok. Tiningnan niya muna ang oras sa kanyang phone na kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang pants at nakita na 8 a.m. na. Pagkatapos niya itong tingnan, napansin niya na tila hindi siya nakahiga sa sarili niyang kama. Tiningnan niya ang paligid at nagulat na lang siya sa nakita niya.

"Nakahiga ako sa kama ni Jin at nasa loob ako ng kwarto niya! Bakit ako nasa kwarto ni Jin? Nakakahiya? Anong ginawa ko kagabi?" nasa isip ni Chris.

Para sa kanya, kaya hindi talaga siya pwedeng uminom ng maraming alak, kasi madalas, nakakalimutan niya ang mga pangyayari. Pero natutuwa siya na nasa bahay siya ni Jin at ang tagal na niya na gustong makapunta sa bahay nito, kaya lang pinapangunahan siya ng hiya.

Nasa isip niya na hindi naman kasi sila gaanong nag-uusap ni Jin at ilang pa rin siya dito magpahanggang ngayon, kahit na nasa iisang circle of friends lamang sila.

"Narasan mo na ba yung nasa iisang tropa kayo, pero may isa kang kaibigan na hindi mo makausap ng maayos o naiilang ka sa kanya? Si Jin ang tao na 'yun para sa akin." nasa isip ni Chris.

Nag-uusap sila ni Jin paminsan-minsan, pero hindi niya ito kayang kausapin ng matagalan dahil sa sobrang pagkahiya at pagka-ilang.

"Siguro dahil naiilang ako lalo na pag gusto ko ang isang tao." nasa isip ni Chris habang nakatingin lang siya sa ceiling.

Para sa kanya, hindi niya naman pwedeng sabihin kay Jin at ayain ito na pumunta sa bahay nito out of nowhere. Iniisip niya na baka magulantang ito at magtaka kung bakit niya gusto pumunta. "Buti na lang, nagyaya si Sir Jon kahapon at nagkaroon ako ng pagkakataon. Sa wakas! Nakarating na rin ako!" nasa isip ni Chris habang labis ang kanyang tuwa.

Mula sa pagkakahiga, umupo muna siya sa kama at napansin niya na nakahiga si Jin sa sahig na-

"Topless? Ganito siguro matulog si Jin."

Pinagmamasdan niya lang ang napakagandang katawan ni Jin habang natutulog ito, pati na rin ang mukha nito na maamo.

"Ang cute matulog ni Jin! Nakanganga pero ang gwapo pa rin tingnan!" nasa isip ni Chris habang natatawa siya.

Lumapit siya ng kaunti sa hinihigaan ni Jin para isara bibig nito na nakanganga. Nasa isip niya na baka pasukan ito ng kung anong insekto sa bibig nito o baka kung ano malanghap nito. Dahan-dahan niya itong sinara upang hindi magising si Jin. Pagkatapos ay umayos ulit siya nang pagkakaupo sa kama at pinagmamasdan niya lang ang napakagwapong lalaking natutulog sa harapan niya.

Napansin niya na ibang iba ang kama ni Jin. Bagamat medyo matigas kumpara sa kanyang kama, napasarap pa rin ang tulog niya at tila kumpleto ito at hindi siya nahirapan. Habang nagmamasid sa kwarto ni Jin, may nakita rin siyang t-shirt na nasa tabi ng unan niya.

"Kay Jin ba 'to?" Kinuha niya ang t-shirt na nasa tabi ng unan at tiningnan mabuti. "Ito nga ang t-shirt ni Jin."

Humiga siyang muli sa kama at hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili at hindi niya rin alam kung bakit, niyakap niya bigla ang t-shirt ni Jin. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso habang niyayakap niya ang t-shirt nito.

Dalawang bagay kaya mabilis ang pagtibok ng puso kanyang puso habang nakayakap siya sa t-shirt ni Jin. Una, baka magising ito at makita nito na niyayakap niya ang t-shirt. Pangalawa, pakiramdam niya ay niyayakap niya si Jin.

Itinigil na ni Chris ang pagyakap sa t-shirt ni Jin at binalik ko na 'to sa tabi ng unan kung saan niya ito unang nakita, at ibinalik sa kung ano ang ayos nito bago niya 'to kinuha. Lumabas na rin siya sa kwarto ni Jin pagkatapos at hinayaan na muna itong matulog.

Paglabas niya ng kwarto, nakita niya si Jon na naglilinis at nag-aayos. Binati niya na lang muna ito habang nakatalikod ito sa kanya at nagwawalis.

"Good morning po, Sir Jon. Sorry po kung naabala ko kayo at dito na pala ko nakatulog."

"Ah hindi, okay lang. Isa pa, gabi na rin at delikado. Hindi ka pwede iwanan mag isa sa daan! Takaw tingin ka pa naman lalo na lasing ka pa!" natatawang sinabi ni Jon.

"Hindi ko na-gets kung ano 'yung sinabi sa kin ni Sir Jon na 'takaw tingin'. Hindi ba sa pagkain lang 'yun?" nasa isip ni Chris. "Ha? Takaw-tingin po?" Pagtataka niya.

"Cute ka kasi tapos lasing ka pa. Aakalain nila na mahina ka at baka pagsamantalahan ka ng mga sira-ulo sa labas, kako!" paliwanag ni Jon.

"Ay gano'n po ba?"

Napakamot na lamang ng ulo si Chris at tila kinilig sa sinabi ni Jon sa kanya dahil sinabihan siya nito na "cute".

Habang nag-uusap sila Jon, biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas na si Jin na kagigising lamang. Humihikab pa siya paglabas ng kwarto at nagkakamot ng tiyan. Kanina'y naka topless siya, pero ngayon nakasuot na ulit ang t-shirt niya na niyakap ni Chris.

"Oh Chris nauna ka na pala nagising sa akin? Tara kain ka muna bago umalis." bati ni Jin at tinitingnan niya si Jon ng palihim at nangungusap ang mga mata nito.

"May tinatago kaya sila sa akin?" nasa isip ni Chris at tila napansin niya ang dalawa na nagtitinginan sa isa't isa na parang may tinatago. "Nakatingin lang sila sa isa't isa at parang nag-uusap sila kahit hindi sila nagsasalita. Pakiramdam ko nag-uusap sila gamit ang telepathy. Parang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Kung ano man 'yung pinag-uusapan nila, hindi ko na alam. Pinagmamasdan ko si Sir Jon at Jin at gumagalaw lang ang mga kilay at mata nila habang nagtitinginan sila. Ano kaya pinag-uusapan nila?" nasa isip ni Chris.

"Ay oo, Chris, kumain ka muna. Nagluto ako ng breakfast, sabay na kayo ni Jin kumain. Maglilinis lang muna ako dito sa sala." biglang sinabi ni Jon.

Dahil gising na si Jin, sinisimulan na nila ang kanilang plano na tanungin si Chris tungkol sa nangyari kahapon ng gabi. Gusto nilang malaman kung natatandaan ba ni Chris ang nangyari kagabi na napagkamalan nito na iisa lang si Jin at si Jon. Pinapunta na ni Jon ang dalawa sa kitchen at para pakainin ng breakfast.

Naghanda si Jon ng lugaw para kay Chris, dahil alam niya na ito ang gusto nitong kinakain lalo na pag galing sa inuman. Gumagaan ang loob ni Chris kapag kumakain siya ng lugaw pagkagaling sa inuman at pakiramdam niya nawawala ang tama ng alak sa katawan niya.

Hinintay ni Jon na mapansin ni Chris ang pagkain na nasa harap nito at gusto niya makita na matuwa ito.

"Wow, lugaw pala 'to! Thank you po sir Jon, mawawala hangover ko nito!" nakangiting sinabi ni Chris.

"All right!" Hindi na napigilang ngumiti ni Jon nang makita niyang natuwa si Chris. "Ang babaw ko 'no?" nasa isip ni Jon. Pero para sa kanya, sobrang priceless lang ng mga ngiti ni Chris dahil bihira lang kung ngumiti si Chris, pwera na lang kung kinakausap niya ito. Madalas, seryoso ang mukha nito at kung hindi naman seryoso, laging nakayuko.

Matagal na panahon na rin nang makita niyang ngumiti si Chris, kaya naman sa tuwing titingin ito sa kanya ng masaya at nakangiti, gumagaan ang pakiramdam niya. Hindi niya inisip na nawala si Chris kahit kailan. Alam niya buhay ito. Para sa kanya, ang mga ngiti ni Chris ay hindi na muling mawawala.

Ngitian niya pabalik si Chris, pero napansin niya na may nakatingin sa kanya at tila hindi natutuwa. "Maglilinis na nga lang ako ulit! Mukhang nagagalit na naman ata sa akin ang batang Jin at baka kung ano na naman ang iniisip niya sa akin!" nasa isip ni Jon.

Nagtataka na si Jin sa kanyang matandang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit tuwang tuwa ito pag nginingitian ni Chris, kaya naman tinitingnan niya si Jon ng masama dahil naghihinala na siya sa mga kinikilos nito pag kaharap si Chris.

Naiinis rin si Jin sa ngitian ng dalawa. nasa isip niya, "Akala mo may kakaibang nagaganap, lugaw lang naman ang pinaguusapan nila! Kung makangiti, wagas!" Pero, hindi pa rin niya nakakalimutan ang plano nilang dalawa ni Jon-ang tanungin si Chris kung may natatandaan pa ba ito sa mga nangyari kahapon ng gabi.

Habang kumakain sila, sinumlan na ni Jin na kausapin si Chris.

"Chris, lasing na lasing ka kagabi ah? Haha! Naalala mo pa ba mga nangyari?"

"Hmmm. Ano nga ba nangyari? Basta, ang huli ko na lang naalala ay 'yung tumayo ako. Tapos sabi ko mag C.R. ako. After no'n blanko na lahat na parang nakatulog na ko bigla. 'Yun lang. Sorry di ko na talaga maalala." paliwanag ni Chris

Nagtinginan ang dalawa Jin at sabay na nakahinga ng maluwag. Ngayon, alam na nila na safe na silang dalawa-for now.

Para kay Jin, natutuwa siya dahil hindi natandaan ni Chris ang ginawa nilang dalawa sa C.R. lalo na noong nakita niya si Chris Jr., ang paghugas niya sa kamay nito, at ang pagkakapatong ng mga katawan nila sa kama.

"Oo, wala ka naman masyado ginawa kagabi. Nag C.R. ka lang tapos natulog ka na agad. Pinapunta na kita sa kwarto tapos plakda ka na agad. Wala kang ibang ginawa." palusot ni Jin kay Chris.

Habang kumakain lang ang dalawa ng lugaw at si Jon naman ay patuloy na naglilinis, tahimik ang lahat at walang nag-kikibuan. Si Chris naman ay palihim na tinitingnan ang dalawang Jin at habang kumakain siya ng lugaw, bigla siyang nagsalita.

"Jin." sambit ni Chris

"Oh bakit?"

Sabay nag react at napatingin ang dalawang Jin kay Chris. Nagkatinginan ang dalawang Jin sa isa't isa nang bigla nilang napagtanto na ang batang Jin lang ang tinatawag ni Chris.

Nagtaka si Chris at tinitingnan ang dalawang Jin. Dahil ang alam niya, ang batang Jin lang ang kanyang tinatawag ngunit sabay nag-react ang dalawa.

Biglang kinabahan si Jon dahil kilala siya ni Chris bilang si "Sir Jon" at hindi bilang si "Jin" at bigla siyang nag react noong tinawag ang pangalan niya. Nawala sa isip niya na hindi siya ang Jin na kilala ni Chris.

Upang mabaling ang attention ni Chris, agad siyang kinausap ni Jin.

"Bakit mo 'AKO' tinawag, Chris? Anong gusto mo?" tanong ni Jin kay Chris na parang nang-aagaw ng attention.

"Hmm, Nakalimutan ko na tatanong ko. Sorry. Aalalahanin ko muna." paliwanag ni Chris.

Nang matapos na kumain si Chris, inilagay niya na ang kanyang plate sa sink. Huhugasan niya na dapat ito nang pinigilan siya ni Jin.

"Ako na d'yan Chris. 'Wag mo na hugasan 'yan."

"Sure ka, Jin? Okay lang sa'yo?"

"Oo, hayaan mo na lang yan sa lababo. Isasabay ko na 'yung sa akin para isang hugasan na lang."

"Okay, Umm, maglilinis muna ako ng katawan si C.R. okay lang ba?" nahihiyang tanong ni Chris.

Biglang lumapit si Jon kay Chris na may dalang towel at iniabot ito sa kanya.

"Ito oh, gamitin mo na lang muna 'yung towel ko." nakangiting sinabi ni Jon.

"Okay lang po ba, Sir Jon? Hindi ba nakakahiya?"

"Sige na, 'wag ka na mahiya. Baka magbago pa isip ko." pabirong sinabi ni Jon.

Kinuha na ni Chris ang light green na towel mula sa mga kamay ni Jon, at tumungo na siya sa C.R. upang maligo.

Pagkapasok ni Chris sa C.R., napatingin si Jon kay Jin. Nagulat siya dahil nakatingin na naman si Jin sa kanya ng masama at nanliliit ang mga mata.

"Anong problema mo? Bakit nawawala na naman 'yang mga mata mo?" natatawang tanong ni Jon.

Hindi sumagot si Jin at patuloy lang sa pagkain ng lugaw habang tinitingnan si Jon ng masama.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Katatapos lang na kumain ni Jin at umupo muna sa sofa habang inaabangan si Chris na lumabas sa C.R., dahil tinatatawag na siya ng kalikasan. Nasa tabi naman niya si Jon na nagbabasa ng article sa kanyang phone tungkol sa time travel theories.

Tahimik lamang ang dalawa nang biglang narinig nilang bumukas na ang pinto ng C.R., hudyat na tapos na si Chris sa kanyang pagligo.

Napatayo na si Jin dahil hindi niya na mapigilan ang pagtawag ng kalikasan, habang si Jon naman ay nakatingin na sa pinto ng C.R. at inaabangan ang paglabas ni Chris.

Lumabas si Chris na nakatopless lamang, habang nakapalupot naman sa lower part ng katawan niya ang light green na towel na bigay sa kanya ni Jon. Hindi mapigilang mapatingin at matulala ng dalawang Jin kay Chris na nakatayo at kalalabas lang ng C.R. Nakatitig lamang ang dalawang Jin kay Chris kaya naman sobrang itong na-conscious at ilang na ilang.

Napalunok na lamang si Jin nang makita niya ang topless na katawan ni Chris. "Siya ba talaga 'tong nakikita ko?" nasa isip ni Jin, dahil ito rin ang pinaka unang beses na nakita niya ang katawan ni Chris. Madalas kasi, lagi niya itong nakikitang maayos ang damit at disente. Ngunit, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na mapatingin sa maputing katawan ni Chris. "Whaaattt! Bakit hindi nag fu-function ng maayos 'yung utak ko? Gusto ko siyang lapitan at hawakan ang katawan niya." nasa isip ni Jin.

Tinitingnan pa lang ni Jin ang katawan ni Chris, pakiramdam niya na sobrang lambot ng katawan nito. Kitang kita niya ang napakakinis at napakaputi katawan nito. Hindi kasi madalas lumabas si Chris kaya hindi siya gaanong naaarawan, saka hindi rin siya pawisin at napakamaalaga at malinis sa katawan.

Habang pinagmamasdan ni Jin ang katawan ni Chris, pinupuri niya ito sa kanyang isip. Narealize niya na maganda rin ang built ng katawan ni Chris kahit hindi ito gaanong katulad ng kanya na toned dahil sa pagwo-work out at dahil na rin sa sports, pero lightly toned ang katawan nito sa paningin niya. Hindi ito mapayat, hindi rin mataba at tamang tama lang talaga para sa laki ni Chris. Pero para kay Jin, ngayon lang siya nagandahan sa katawan ng isang lalaki, "Ang masama nito, kay Chris pa siya nagkakaganito. Baka isipin niya pinagnanasahan ko siya!" nasa isip ni Jin.

May mga nakikita siyang pictures o katawan ng mga lalaki sa mga magazines or posts sa mga socmed, pero ibang iba talaga ang dating ng katawan ni Chris para sa kanya. Nate-tempt siya na hawakan ang mga balikat at chest nito na pakiramdam niya ay kasing lambot ng mga kamay nito.

"Whaaaaatt! Ano ba 'tong pumapasok sa utak ko? Bakit ko pinagnanasaan si Chris?" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip, pero napagtanto niya baka dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong katawan sa personal, normal lang na magulat siya. "Oo wala lang 'to. Natutuwa lang ako sa katawan niya."

Habang ang batang Jin ay sumasabog na ang utak kakatitig sa katawan ni Chris, si Jon naman ay napaka kalmado at pinagmamasdan lamang ito.

"Simula noon hanggang ngayon, tuwing nakikita ko talaga 'yung katawan ni Chris, hindi ko mapigilan tumingin. Grabe kasi ang pagkakinis ng katawan niya tapos ang puti pa. Iba kasi talaga kapag anak mayaman!" nasa isip ni Jon. Napangiti na lang siya nang bigla niyang maalala na towel niya ang gamit ni Chris na nagtatakip sa bandang ibaba ng katawan nito. "Labhan ko pa kaya 'yung towel ko o 'wag na?"

Napapansin niya na mamula-mula na ang upper part ng katawan ni Chris at dahil Ito sa pagka-ilang sa kanilang dalawa lalo na sa batang Jin. "Paano ba naman, kung makatingin itong batang Jin, kulang na lang parang gusto niya na kainin si Chris!" natatawang sinasabi ni Jon sa kanyang isip.

Gusto sana asarin ni Jon ang batang Jin, kaso naisip niya na hayaan na lang ito na i-appreciate ang ganda ng katawan ng lalaking nasa harap nilang dalawa. "Sorry Chris kung kanina pa kami nakatingin ng batang Jin sa'yo. Ang ganda lang talaga kasi ng katawan mo. Gusto ko sanang kuhaan ng picture, kaso baka biglang mag flash or tumunog 'yung shutter. Mahirap na!" nasa isip ni Jon.

Pumasok na si Chris sa loob ng kwarto ng batang Jin para magpalit, pero hindi niya naisara ng maigi ang pinto. Ang batang Jin na kaninang nakatayo at tulala, ay nag lakad na papuntang C.R., ngunit hindi muna siya pumasok at tila may sinisilip sa kanyang kwarto.

Kaya naman nagtaka si Jon kung ano ang sinisilip ng batang Jin sa kwarto. Nilapitan niya ito at pumwesto sa likod nito at tiningnan kung ano ang sinisilip ng batang Jin.

"Iba rin 'tong batang to! Hindi mapigilan ang mga mata!" Pinalo ni Jon ang batang Jin sa ulo at binulungan. "Hoy! Anong tinitingin tingin mo d'yan? Gusto mo ba magkaroon ng kuliti?" pang aasar ni Jon.

"Tinitingnan ko kung malinis ba 'yung kwarto ko! Nakakahiya kasi baka makalat nung iniwan ko!" palusot ng batang Jin.

"Sige ka, baka may makita kang iba sa kwarto mo!" pabirong sinabi ni Jon.

"Nakita ko na 'yun!"

"Whaaaat!" gulat na sinabi ni Jon ngunit mahina lang dahil baka makita sila ni Chris. "Ibig sabihin ba nito, naunahan niya ko na makita si Chris Jr.?" nasa isip niya.

"Basta! Mahabang storya at di ko din sinasadya! Ayoko na ulit makita!" bulong ni Jin.

Habang nasa kwarto si Chris at nagbibihis, hindi niya mapigilang malungkot dahil kailangan niya nang umuwi. Gusto pa sana niya mag stay sa bahay nila Jin kahit 'di sila gaanong nag-uusap, kaso, nahihiya na rin siya sa dalawa at iniisip na baka nakakagulo lang siya.

Nang matapos na siya mag bihis at mag-ayos ng sarili, ay nag message na siya sa kanyang driver na sunduin na siya sa bahay ni Jin. Binigay niya sa driver ang address at agad naman siyang sinagot nito. Lumabas na rin siya ng kwarto ni Jin pagkatapos, at si Jon lang ang naabutan niya na nakaupo sa sofa na seryoso sa pagbabasa sa phone nito. "Ang seryoso ni Sir Jon tingnan, pero ang gwapo niya habang nagbabasa. Ano kaya 'yung binabasa niya at mukhang sobrang interesado siya?" nasa isip ni Chris.

Nahihiya siya na istorbohin si Jon sa pagbabasa, ngunit nagpaalam na rin siya dahil anytime ay darating na ang driver niya.

"Sir Jon, thank you sa pagpapa-stay sa akin dito sa bahay niyo, pati pala sa masarap na food. Aalis na po ako, baka ma-traffic ako pauwi eh. "

"Okay sige, ingat ka Chris." nakangiting sagot ni Jon. Bumukas na ang pinto ng C.R., at nang makalabas na si Jin na naka dark green na sando at camouflage na shorts ay biglang nagsalita muli si Jon, "Hahatid ka ni Jin palabas. 'di ba, Jin?"

Nagulantang si Jin sa hirit ni Jon, dahil sa biglaan nitong desisyon. Gusto sana ni Chris na makasama pa si Jin kahit sa saglit na oras, ngunit sa kabila nito ay nahihiya na rin siya ng sobra at iniisip na baka nakakaabala na siya.

Nanlalaki ang mga mata ni Jin habang nakatingin siya kay Jon at napansin na naman ito ni Chris. "Nag-uusap na naman ata silang dalawa telepathically. Mga mata at kilay lang nila ang gumagalaw pero parang nagkakaintindihan silang dalawa. Gusto ko rin sana matutunan 'yun, para alam ko kung anong pinag-uusapan nilang dalawa." nasa isip ni Chris.

"Tara Chris, ihahatid na lang kita papunta sa bus stop." biglang humirit si Jin nang matapos na sila mag tinginan ni Jon.

"Nagtalo kaya silang dalawa telepathically? Napilitan lang kaya si Jin na ihatid ako pauwi? Pero minsan lang din 'to, kahit sobrang nakakahiya para sa kanya." nasa isip ni Chris. Agad siyang nag message sa driver niya na wag na siyang sunduin sa bahay ni Jin at agad naman sumagot sa kanya ito.

Kinuha na ni Chris ang bag niya na nakapatong sa sofa sa tabi ni Jon at sinuot na ito. Nagpaalam siya ulit kay Jon at sabay na silang lumabas ni Jin sa bahay. "Kailan kaya ulit ako makakapunta dito? Sana magyaya ulit ng inuman si Sir Jon." nasa isip ni Chris.

Naglalakad na silang dalawa ni Jin papunta sa Bus stop at as usual, tahimik lamang silang dalawa at walang kibuan. Hindi alam ni Chris kung anong pwede nilang pag-usapan dalawa.

Habang naglalakad sila, nagtatama ang kanilang mga kamay sa isa't isa kaya lumayo ng kaunti si Jin kay Chris. Ngunit dahil gusto ni Chris na nagtatama ang mga kamay nila, ay lumapit siya ng kaunti kay Jin.

"Naiilang kaya si Jin sa akin pag magkatabi kami? Ano kaya iniisip niya?" nasa isip ni Chris.

"Whaaat! Lumalayo na nga ako eh! 'Wag mo naman ako pahirapan!" sinisigaw na ni Jin sa kanyang isip at habang nanlalaki na ang kanyang mga maliliit na mata.

Hindi sinasadya ni Jin na mag tama ang mga kamay nilang dalawa, ngunit sa tuwing nararamdaman niya ang lambot ng kamay ni Chris, lumalayo siya ng kaunti dahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Ngunit kada layo niya kay Chris, ay siya naman itong lumalapit sa kanya.

"Baka mamaya bigla ko hawakan talaga 'yung mga kamay niya!" sigaw ni Jin sa kanyang isip. Kaso, nag-aalala siya na baka makita sila ng mga tao at nahihiya siya sa kung ano ang sasabihin sa kanilang dalawa.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kararating lang nilang dalawa sa bus stop at siempre, nakatayo lang sila at hindi pa rin nag-uusap. Wala rin silang maisip na topic na pwede nilang pag-usapan bukod sa inuman na nangyari noong gabi. Ganyan silang dalawa ni Chris kapag silang dalawa lamang ang magkasama, walang kibuan kapag walang tulong ng alak at nasa wisyo silang parehas.

Nasa iisang circle of friends lang sila pero para silang hindi mag-tropa. Hindi naman talaga naiilang si Jin kay Chris, hindi niya lang alam kung paano ito kakausapin at kaya lang niya kausapin si Chris ng kabalastugan kapag tungkol sa inuman. Bukod dun, wala na siyang ibang way para kausapin ito ng ibang topic.

Parehas silang nag aabang ng bus na dadaan sa route papunta sa bahay nila Chris. Napatingin si Jin ng hindi sadya kay Chris at nagulat siya dahil nakatingin ito sa kanya at biglang nagtanong.

"Jin, naalala mo ba 'yung may tatanong dapat ako sa'yo kanina noong kumain tayo ng breakfast?"

"Oo, naalala mo na ba 'yung itatanong mo?"

"Naalala ko na na may tinanong ako sa'yo kagabi kung bakit ako sumama. Natatandaan mo pa?"

"Ahh! Oo naalala ko 'yun, kaso hindi mo na nasagot, natumba ka kasi."

"Kaya ako sumama kasi-"

Beep beep!

Naputol ang pagsasalita ni Chris dahil tumigil na ang bus na sasakyan niya pauwi sa harap nila. Napaisip na tuloy si Jin sa kung ano ang nais sabihin ni Chris at kung bakit siya sumama sa inuman noong niyaya ito ni Jon.

"Sorry Jin, next time ko na lang sasabihin, promise."

Hindi na ni Chris nasabi kay Jin na gusto niyang pumunta sa bahay nito at nahihiya lang siya na magyaya. Dahil nandito na ang bus na sasakyan niya at kahit ayaw niya pa umalis, ay kinakailangan niya na sumakay.

Tumungo na siya sa entrance ng bus dahil kanina pa nakaparada ang bus sa harap nila. Tumigil muna siya sandali bago pumasok sa loob ng bus at lumingon kay Jin para magpaalam.

"Sa susunod ko na lang sasabihin. Mauuna na ko, Jin. Thank you!" nakangiti sinabi ni Chris.

Hindi na nakasagot si Jin pagkatapos magpaalam ni Chris. Nakatulala na lang siya kay Chris at sa mga ngiti nito. Nang makapasok na si Chris sa loob at naghahanap ng upuan, patuloy pa rin siyang pinagmamasdan ni Jin.

Umupo na siya sa bakanteng upuan na malapit sa window side at tiningnan muli si Jin, pagkatapos ay nginitian niya ito ulit.

"Nakakatuwa lang na kasama ko si Jin. Masaya na ko na magkatabi lang kami kahit walang ginagawa." nasa isip ni Chris

Hanggang sa makaalis na ang bus na sinasakyan ni Chris, nakatayo lamang si Jin sa waiting shed, nakatulala at pinapanood ang bus na papaalis na. Nakatingin pa rin si Chris kay Jin at pansin niya na malungkot ang mga mata nito at hindi niya alam kung bakit o kung ano ang iniisip nito.

Habang naaalala ni Jin ang ngiti ni Chris, pakiramdam niya ay nawawala na naman siya sa sarili. Sa tuwing nakikita niya ang ngiti nito, hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman na parang kinikiliti siya.

Nagsimula nang umandar ang bus at nang makalayo layo na ito sa bus stop na kinatatayuan ni Jin, hindi niya alam kung bakit siya biglang nalungkot. Kaya naman tinapik niya ng mahina ang mga pinsgi niya para magising ako sa katotohanan.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kanina ay masaya siya, pero noong umalis na ang sinasakyang bus ni Chris, bigla na lang siya nalungkot ng walang dahilan.

"Baliw na ba ko? Bakit ako nalulungkot ng walang dahilan? Baka siguro may natira pang alak sa katawan ko kaya kung ano ano naiisip ko. Pero bakit gano'n? Parang ayaw ko siyang umalis muna?" bulong ni Jin at tinapik niya muli ang kamyang mga pisngi upang matauhan. "Hindi ako nalulungkot. Erase! Erase!"

Naglakad na siya pabalik sa bahay niya, pero hindi pa rin niya maintindihan itong biglang lungkot na nararamdaman sa kanyang sarili. Para sa kanya, tila may isang bagay na kinuha sa kanya na pagmamay-ari niya, pero sa totoo lang, wala naman talaga. Nang makabalik na siya sa bahay, dire-diretso lang siyang naglakad patungo sa kwarto niya. Papasok na siya ng kwarto nang marinig niya si Jon na nagsalita.

"Huy! Ano nangyari sa'yo?"

Ngunit, hindi na ito pinansin ni Jin at tuloy-tuloy siyang pumasok sa kwarto at humiga na lang sa kama. Biglang bumigat ang pakiramdam ni niya at gusto na lang matulog. Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay tumingala siya sa ceiling at nag-isip na naman ng mga bagay-bagay.

"Jin, ano nangyayari sa'yo? Bakit ka nagkakaganyan?"

Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya alam kung bakit biglang siyang nalungkot. Kaya naman para mawala ang kanyang pagkabalisa-

"Manonood na lang ako ng porn! Baka sakaling mabaling yung attention ko. Oo tama!" natatawang sinabi ni Jin sa kanyang sarili.

Tumayo siya sa kama at sinara ang pinto ng kwarto. Pagkatapos, kinuha niya ang earphones sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama, sinaksak ito sa phone niya at umupo sa sahig.

Ayaw niya na marinig ni Jon na nanonood siya ng porn kaya mas mainam para sa kanya na mag earphones, dahil iniisip niya na baka asarin na naman siya nito at wala siya sa mood makipag-biruan. Nagsimula na siyang manood at habang tumatagal, nabobored lang siya at biglang lumilipad ang isip niya.

"Ang boring naman nito, ibahin ko nga-" Naghanap na lang siya ng ibang video at nagbabakasakali na ganahan. Pero, wala siyang makita. "Hmmm. Wala na ba iba? Ito na 'yun?"

Pinilit niya ang kanyang sarili na panoorin ang video, pero bigla talagang may sumisingit na tao sa utak niya.

"Whaaaatt! Ang tanging gusto ko lang naman ay manood para mawala ang pagkabagot ko, pero bakit parang yung mata ko sa video naka tingin pero iba ang sinasabi ng utak ko? Isa pa, habang pinapanood ko 'yung mga video, iisang tao lang ang naalala ko-si Chris!"

Naalala niya bigla ang magandang katawan ni Chris kanina noong kalalabas lang nito ng C.R. "Grabe mamula mula 'yung chest at balikat niya. Tapos, pati 'yung malambot niyang mga kamay at cheeks na pakiramdam ko gusto ko ulit hawakan. Pati na rin 'yung mapula niyang labi na parang... gusto kong halikan! Whaaaaaatttt!" Napa-facepalm na lamang siya, "Ano ba to? Pinagnanasahan ko ba si Chris?"

Naisip niya na ba baka may mga features lang si Chris na hindi niya madalas makita sa isang lalaki at baka natuwa lang siya masyado. Bihira lang kasi para sa isang lalaki ang magkaroon ng ganoong katawan para kay Jin.

"Hindi ko siya pinagnanasahan!" patuloy na kinukumbinsi ni Jin ang kanyang sarili, "Jin, Kaibigan mo si Chris! 'Wag mo siyang isipan ng masama! Isa pa, parehas kayong lalaki! May mga features lang siya ng katawan niya na medyo pambabae. Oo, kulang lang ako sa porn, sige manonood pa ko hanggang sa mawala siya sa utak ko!"

Naghanap siya muli ng video na nagbabakasakaling makakapag-pawala ng pagkabagot niya. Habang nag-iiscroll siya ng mga videos, may nakita siyang isang clip at bigla niya na lamang itong pinindot. Nang magsimula na ang video, akala niya ay nanonood siya ng isang clip sa isang movie dahil may kwento.

Isang lalaki pa lang ang nakikita niya pero nakuha na nito ang attention niya at iniisip na kakaiba ito sa mga napanood niya. Ipinagpatuloy niya lang ang panonood dahil may kwentong nagaganap sa video at gusto niya din malaman kung anong mangyayari.

Sa video, nakahiga na ang lalaki sa kama at parang may hinihintay ito na pumasok ng kwarto.

"Dito na siguro papasok ang babaeng hinihintay niya."

Nang magbukas ang pintuan, nagulat si Jin dahil may isa pang lalaki na pumasok. Pero naisip niya na baka threesome lang ang video na 'to, kaya, tinuloy niya pa rin ang pagsubaybay. Lumapit ang lalaking kakapasok lang sa room at tumungo ito sa kama kung saan nakahiga ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Jin sa mga sumunod na nakita niya dahil biglang naghalikan ang dalawang lalaki.

"Whaaaaattt! Seryoso ba 'to? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong video sa buong buhay ko!"

Ngayon lamang siya nakakita ng dalawang lalaking naghahalikan at ngayon lang rin siya nakapanood ng M2M sa tanan ng buhay niya. Gusto niya nang itigil 'ang panonood pero hindi niya mapigilan ang mga mata niya na patuloy pa rin ang panonood sa video.

Habang pinapanood niya ang dalawang lalaking naghahalikan, bigla niyang naisip na silang dalawa ni Chris ang nasa video. Nai-imagine niya na pumasok siya sa kwarto at nilapitan niya si Chris at bigla niya itong hinalikan.

"Whaaaaaat! Hindi pwede 'to!"

Bigla napasigaw si Jin ng malakas at bigla namang pumasok si Jon sa kwarto dahil nag alala ito.

"Huy bakit ka sumisigaw? Ano nangyari" nagaalalang tanong ni Jon.

Agad sinara ni Jin ang phone dahil naisip niya na baka makita ni Jon ang pinapanood niyang video.

"Wala, wala, may nabasa lang ako sa FB na nakakainis!" palusot ni Jin at tila pinapawisan siya.

Hindi na nagtanong pa si Jon at lumabas na ito ng kwarto. Pagkasara ng pinto, agad na ni-lock ni Jin ang pinto at bumalik sa kanyang pwesto.

Sinubukan niyang ipagpatuloy ang video na pinapanood kanina, pero nang papunta na ito sa part na medyo kakaiba, hindi na niya ito kinayang panoorin kaya sinara niya na ang video. Ayaw niya na dumating sa point na iniisip niya na ginagawa na nilang dalawa 'yun ni Chris. At biglang pumasok sa isip niya na bakit si Chris ang naiisip niya na. Sabay silang naliligo ni Rjay ng ilang beses lalo na pag nasa gym o kaya tuwing matatapos ang training nila sa basketball noong college, pero, hindi naman siya nagkakaganito.

"Bakit pag dating kay Chris, kung ano ano tumatakbo sa utak ko! Whaaat!"

Dahil sa pagkalito sa kanyang sarili, tinigil niya na lang ang panonood ng porn at minabuti na mag bukas na lang ng Facebook at magbasa ng mga posts. Habang nagtitingin siya ng mga post, may nakita siyang recently posted na status ni Chris. Binuksan niya ang profile nito at nilagay sa part kung saan naka post ang recent status niya.

March 23, 2020 Just now 9:00 PM

☺️🍺😵🚽🤝🥰

"Ano 'to? puro emojis? Hmmm."

Dinecode ni Jin ang post ni Chris at inisa isa kung anong ibig sabihin nito.

"Yung smiley, ibig sabihin masaya siya. Buti naman at masaya si Chris kasi bihira ko lang makitang ngumiti 'yung tao na 'yun. Pangalawa, 'yung beer na emoji, siguro 'yung nag inuman kasi kami. Tapos 'yung pangatlo 'yung nahihilong emoji, kasi nalasing siguro siya. Tapos pang apat, 'yung toilet na emoji, baka siguro kasi 'yun na ang huli niyang naaalala sabi niya kanina sa amin. Pero yung sunod sa toilet, bakit may kamay na maghawak tapos sumunod parang in-love na emoji? Wag mo sabihing naalala niya 'yung hinugasan ko mga kamay niya? Ah basta, sabi niya wala raw siyang matandaan!"

Inisip niya na lamang na baka tungkol na ito sa ibang bagay at masyado lang siya nag-assume na tungkol 'to sa nangyari noong gabi.

"Oo, tama gano'n na nga 'yun. Hindi na ko masyadong mapaparanoid!"

Mag-iiscroll na sana siya para i-view ang mga sumunod na post, kaso nawala sa isip niya na nasa loob siya ng profile ni Chris at aksidente niyang na-like ang isang post nito noong February 23, 2020.

"Whaaaatt!" Bigla siyang nataranta dahil hindi niya ito sinasadya. Nag-init ang buong katawan niya at nahiya nang aksidente niyang na-like ang post nito dahil hindi naman siya nagla-like ng mga post ni Chris. "Baka isipin niya na nag-stalk ako sa kanya!" nasa isip ni Jin.

I-uunlike niya na dapat ito kaagad, pero hindi ito nag-uunlike.

"Anong nangyari! Bakit ayaw ma-unlike!"

Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ni Jin dahil baka mapansin na ito ni Chris anytime. Tiningnan niya kung bakit ayaw mag-unlike at napansin niya na biglang nawala ang Wi-Fi signal, kaya agad siyang lumabas ng kwarto para tingnan ang router nila. Paglabas niya, nakita niya na hawak ni Jon ang power cable ng router.

"Bigla ko nahugot, naglilinis kasi ako." paliwanag ni Jon at agad niyang sinaksak ang power cord ng router sa outlet.

"Sa lahat pa talaga ng pagkakataon, bakit ngayon pa!" natataranta na sinabi ni Jin.

Nang makita na ni Jin na binalik na ni Jon ang power cord ng router sa outlet, agad siyang pumasok ng kwarto at nilock ulit ang pinto. Agad siyang bumalik sa isang post ni Chris noong February 23 na aksidente niyang na-like, kaso huli na ang lahat. Biglang nag pop-up ang Messenger head ni Chris sa kanyang phone. Nang makita niya ang Messenger head ni Chris, hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya.

"Whaaaatt! Bakit ako nakangiti eh nag pop-up lang naman siya sa phone ko!"

Kinakabahan siyang buksan ang message nito sa kanya dahil naiisip niya na baka tanungin siya ni Chris kung bakit niya ni-like ang post nito noong February pa.

"Sasabihin ko na lang sa kanya na aksidente ko lang ito na-pindot at wala namang ibang ibig sabihin." Dahan-dahan niyang pinindot ang Messenger head ni Chris at mabilis din ang pagtibok ng puso niya. Sobra siyang kabado sa sasabihin nito sa kanya, at nang mapindot na niya ang Messenger head, binasa niya na ang message ni Chris.

"Hi Jin, thank you pala ulit! Nakauwi na ako sa 'min. Sa uulitin ulit :) Oo nga pala hindi ako nakapag-thank you at di ko pa nasabi kay Sir Jon na nakauwi na ako sa amin. Pwede ko ba malaman ang FB niya or kahit number niya para makapagpaalam ako ng maayos? Salamat!"

"Huh? Kakakilala mo lang kay "Jon" tapos masyado ka ng mabait sa kanya? Sus! Bakit gusto mo siya makausap, eh, andito naman ako!" Biglang napaisip si Jin kung bakit iyon ang kanyang nasabi at bakit tila parang nagseselos siya. "Nababaliw na nga ata ako! Nahahawa na ko sa kabaliwan ni Jin Tanda!"

Lumabas siya ng kwarto at pinuntahan si Jon para i-relay ang request ni Chris.

"Huy! Inaalam ni Chris ang FB mo o number mo! Gusto niya daw sabihin sa'yo mismo na nakauwi na siya! Sus!" naiinis na sinabi ni Jin.

"Ha?" Napangiti si Jon at tila kinikilig pa "Binigay mo naman?"

"Baliw ka ba? Anong ibibigay ko eh iisa lang tayo ng FB at number"

"Ay oo nga pala. Iisa nga lang pala tayo!" natatawang sinabi ni Jon, "Hindi ko pwede ibigay ang FB ko, kasi iisa lang ginagamit natin. Hindi ko din naman pwede ibigay ang number ko kasi, parehas lang din tayo at iniwan ko yung sim card ko sa panahon ko. Hmmm?"

Habang nag-iisip si Jon, may biglang pumasok sa isip ni Jin. "Kung iisa lang kami ng FB, malamang, nakita niya-" at biglang nagalburoto si Jin, "Hoy! Ikaw ba ang may sala kaya nawala 'yung internet?" naiinis na sigaw ni Jin.

"Nakita ko kasi na nilike mo 'yung post ni Chris noong February 23. Alam ko i-uunlike mo 'yun agad, kaya pinatay ko ung router para di mo ma-unlike! Oh ang galing ko 'di ba?" Tawang tawa na sinabi ni Jon.

"Haha! Nakakatawa! Sobra!"

Naiisip na ni Jin na akala ni Chris ay nag-stalk siya. Sinimulan na niyang iporma ang kanyang kamao at kumukuha na ng buwelo at hinigpitan na ito. "Handa ko ng sapakin ang matandang Jin na nasa harap ko! Wala akong pakialam kung iisa lang kami, basta gusto ko lang siyang sapakin." nasa isip ni Jin, "Pa-isa lang ako, please!" naiinis na sigaw ni Jin.

Nahalata na ni Jon na balak siyang sapakin ni Jin kaya bigla siyang tumakbo papalabas ng bahay. Hindi na siya naabutan ni Jin sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo.

"D'yan ka muna! Bibili ako ng bagong sim card sa 7/11! 'Yun ang ibigay mong number kay Chris!" sigaw ni Jon habang tumatakbo siya palayo.

"Sa oras na bumalik ka dito sa bahay, makikita mo ang hinahanap mo, Tandang Jin!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Naglalakad na papuntang 7/11 si Jon, para bumili ng bagong sim card hindi lang para ibigay kay Chris, pati na rin para macontact niya ang batang Jin 'pag may emergency. Habang naglalakad siya at tumitingin sa paligid, pinagmamasdan niya kung ano ang mga lugar or mga stores na nandito pa sa panahon na ito na wala na sa panahon niya.

Tatlong kanto na lang at malapit na siyang makapunta sa 7/11 nang mapatingin siya sa isang street sign.

V. Mapa Street

Kakaiba ang street sign na ito kumpara sa iba, dahil may isa pang street sign sa baba nito pero burado na ang pintura.

30_ St. St_. Me__ Man_la

Burado na ang ibang mga numbers at letter sa street na 'to pero ito lang ang namumukod tanging may dalawang street sign. Mapapansin mo na medyo burado na rin ang 3 at 0 pero mababasa mo pa ito. Ang kasunod na number ay hindi na masyadong maaninag ni Jon dahil kumupas na ito ng tuluyan. Pero, malakas ang kutob niya na ito ang street na hinahanap niya na nakalagay sa sticky note na nakuha niya sa damit ni Chris.

Ginamit niya ang kanyang phone at kinuhaan ng photo ang buradong street sign na nasa baba ng V. Mapa Street na sign. Pagkatapos niya itong kuhaan ay tumungo na siya sa 7/11 para bumili ng sim card.

Pagkabili niya ng bagong sim card ay naisipan niya magtanong sa guard ng 7/11 at nagbabakasakali na baka alam nito ang tungkol sa kumupas na street sign sa V. Mapa Street.

"Sir, pwede po magtanong? Napansin ko lang po kasi 'yung karatula sa V. Mapa street, sa baba noon, may isa pang kupas na street sign. May dati po bang street name 'yung V. Mapa at napalitan na lang 'to?"

Biglang napakamot ang guard na nasa harap ni Jon at nagsalita.

"Ah 'yun ba? Hmmm, ang pagkakaalam ko sabi ng mga matatanda, may isang businessman daw na sobrang yaman at binili 'yung buong street ng V.Mapa."

Nagtaka si Jon kung sinong businessman ang bibili ng buong street. Naisip niya na sobrang mayaman at makapangyarihan ng taong ito kaya patuloy siyang nakinig sa kwento ng guard.

"Marami daw kasing tao sa street na 'yun, at mukhang maganda daw kung doon siya mag tatayo ng mga business niya at malaki daw ang kikitain nila. Malakas at makapangyarihan ang businessman na 'yun, kaya nabili niya ang street." Tama ang kutob ni Jon na sobrang yaman ng tao na ito at patuloy lamang siya nakinig muli sa guard. "Nang mabili niya ang buong street, pinalitan niya din daw 'yung pangalan at ginawa niyang V. Mapa Street"

"Natatandaan niyo po ba kung ano 'yung dating pangalan ng V. Mapa Street?" Tanong ni Jon sa guard. Ngunit napansin niya na hindi sigurado ang guard kaya pinakita niya dito ang photo na kinuha niya kanina sa kamyang phone. "Ito po ung picture, baka sakaling matandaan niyo. Parang 3 tapos 0 at may kasunod na number, kaso, burado na kaya hindi mabasa."

Tiningnan ng guard ang picture ng mabuti, ngunit hindi niya din gaanong maaninag ang huling number sa picture.

"Sorry sir, hindi ko na din kasi mabasa saka matandaan 'yung pangalan ng street. Ang tagal na panahon na din kasi nang palitan yan."

"Mukhang hindi ko pa makukuha ang sagot. Kailangan ko pang mag imbestiga." nasa isip ni Jon.

"Ang sabi, napalitan daw 'yun ng businessman noong nabili niya 'yung buong street. Kaya V. Mapa daw ang naisip nilang ipangalan sa street, dahil pinagsama itong surname niya at ng kanyang asawa."

"Kung pinagsama itong surname ng businessman na bumili ng street at ng asawa niya, maaari kong itanong sa kanila kung sakali." nasa isip ni Jon at patuloy niya lang pinakinggan ulit ang kwento ng guard.

"Siguro mga 20 years ago na ata 'yun noong napalitan ang pangalan ng street, kaya wala na din talaga masyadong nakaka-alala dito. Kahit 'yung mga matatanda ay nakalimutan na rin ito. Pasensya ka na sir ah? Ito lang po talaga ang alam ko"

"Hindi po Sir Guard, salamat po sa info na binigay niyo. Aalis na po ako." Bagamat hindi nakuha ni Jon ang buong sagot, malaking tulong ang kanyang nalaman. "Kung surname ng dalawang tao ang V.Mapa Street, anong ibig sabihin ng V sa "V. Mapa?" nasa isip ni Jon.

Napapadaan siya sa street na ito, ngunit ang buong akala niya ay wala itong ibig sabihin. Ngayon, alam na niya at kailangang malaman ang tungkol sa V. Mapa street. Malakas ang kutob niya na ito na ang street na kanyang hinahanap.

Nang makaalis na siya sa 7/11, bumalik siya muli sa tapat ng V. Mapa street at tiningnan ang paligid at nagbabakasakaling may mga mapagtatanungan ngunit puro bata lamang ang nakikita niya daan. Kaya naman, naisipan niya na lang umuwi at doon ko na lang ipagpatuloy ang pag-iimbestiga.

Nang makauwi na si Jon ng bahay, nadatnan niyang nasa loob ng nakalock na kwarto si Jin kaya nag message na lang siya dito gamit ang bago niyang number.

"Kakauwi ko lang. Ito ung bago kong number, isave mo. Jin Pogi to"

Sumagot naman si Jin.

"..l.."

Napailing na lamang si Jon at humiga sa sofa upang magpahinga at si Chris naman ang sunod niyang sinabihan.

"Hi Chris, si Jon pala to, kapatid ni Jin. Nasabi kasi sa akin ni Jin na hinihingi mo daw 'yung number ko para magsabi na nakauwi ka na at mag-thank you. Hehe. Ito pala number ko, i-save mo na lang, para kung sakaling kailangan mo ng tulong... tawagan mo lang ako puntahan kita agad :)"

Nagreply naman agad si Chris mga 30 seconds after niya masend ang message.

"Hello po, Sir Jon, thank you po at binigay mo 'yung number mo kahit nakakahiya na hindi ako 'yung humingi ng personal. Sige po, pag kailangan ko ng tulong, kayo po ung unang una kong tatawagan :)"

Magre-reply pa sana si Jon ulit tungkol naman sa damit na pinahiram ni Chris sa kanya noong isang araw, kaso naisip niya na sa susunod na lang at baka maubos ang topic nilang dalawa.

Pagkatapos niya basahin ang message ni Chris, binuksan niya ulit ang Gallery App ng phone niya at tiningnan ang picture ng kumupas na street sign. Sa kakatingin niya, nakatulog na lang siya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Fast forward

Date: March 30, 2020

Time: 5:00 P.M.

Isang linggo na ang nakalipas at patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ni Jon sa V. Mapa Street, ngunit hirap na hirap pa rin siya malaman kung ano ang dating street name nito. Habang nag se-search siya sa mga lumang articles, nag-unat siya saglit at napatingin sa orasan na nakasabit sa pinto ng kwarto.

"Sandali, 5 p.m. na pala! Bakit hindi pa rin lumalabas 'yung batang Jin sa kwarto niya? Grabe naman matulog 'yun? Ano isang buong araw? Extend pa?" sinabi niya sa kanyang sarili habang papalapit siya sa kwarto ni Jin upang tingnan kung bakit hindi pa ito lumalabas.

Binuksan niya ang kwarto at grabe ang init ng singaw na nararamdaman niya, at nakita niyang nakahiga si Jin sa kama na balot na balot ng kumot.

"Jin Tanda, pakipatay mo nga 'yung aircon. Ang lamig kasi." nanghihinang pakiusap ng batang Jin habang nakahiga sa kama

"Ha? anong pakipatay? Eh patay ang aircon saka ang init init na nga dito sa kwarto mo, balot na balot ka pa ng kumot? Tapos nilalamig ka pa d'yan?"

Lumapit siya sa batang Jin at hinipo ang forehead nito para tingnan kung may sakit.

"Grabe! Ang init mo! Tsk! Ba't 'di mo naman agad sa akin sinabi na nilalagnat ka?" nag-aalala niyang sinabi. Hindi na makapagsalita si Jin dahil nanghihina ito. "Bibili lang ako ng gamot sa labas, hintayin mo ko."

Lumabas na agad si Jon para bumili ng gamot. Dahil madilim na sa labas, hindi niya napansin na malapit nang umulan.

Nang makarating na siya sa isang drug store, pinuntahan niya na agad ang pharmacist at nagtanong.

"Miss may paracetamol pa po kayo, para sa lagnat?"

"Ay sorry sir, naubos na po. May nakabili na po ng natitira sa stock namin. Mga 30 mins pa po bago dumating 'yung mga bagong stock."

"Ay sige po, hanap na lang ako sa iba. Thank you!"

Nadismaya siya at nag decide na maghanap pa ng gamot sa ibang drug store. Paalis na dapat siya nang makita niya si Chris na nakatayo sa labas ng drugstore malapit sa entrance, tila nakatingin sa madilim na kalangitan. Nilapitan niya si Chris na nakatayo lamang sa entrance at pumuwesto sa likod nito.

"Nandito ka rin pala, Chris. Ano binili mo dito?" Napatingin bigla si Chris sa kanya at nagulat dahil hindi nito inaasahan na magkikita sila. "Bibili sana ako ng paracetamol, kaso sabi nung nasa counter ubos na daw" dagdag ni Jon.

"Ay, Sir Jon, nandito ka po pala, sorry di kita napansin agad. Ummm-" Napatingin si Chris sa mga binili niyang gamot na paracetamol at muling kinausap si Jon, "Sorry po ulit, ako ata 'yung nakakuha nung last stock. Hindi ko po sinasadya." Napakamot ng ulo si Chris at nahiya.

"Okay lang! Marami pa naman d'yan na drug store. Para kanino pala yang binili mo? Dito ka pa talaga dumayo para bumili ng gamot?" tanong ni Jon.

"Ay ito po ba? Para po to kay Jin."

"Sa akin- I mean kay Jin? Paano mo nalaman?"

"Nagtext po kasi si Jin sa akin bigla. Sabi niya nanghihina daw siya at nilalagnat"

Nagulat si Jon sa kanyang narinig at natuwa, ngunit hindi niya pinahalata ito kay Chris.

"Magaling 'tong batang Jin dumiskarte ah? Si Chris pa talaga ang pinagsabihan niya, pwede naman ako! Pero, mas okay 'to, para mas mapalapit silang dalawa." nasa isip ni Jon. "Okay pala, hindi ko na kailangan maghanap ng gamot. Tara sabay na tayo pumunta sa amin. Sorry at naabala ka pa ni Jin. Hay yung kapatid ko na talaga yun. Tsk!"

"Okay lang po sa akin. Isa pa, nagaalala din po ako kasi hindi naman siya sakitin. Pero, pag nagkasakit siya malala po eh." pag-aalala ni Chris

"Paano mo nalaman?"

"Ummmm, naku-kwento lang po sa akin ni Rjay minsan pag napag-uusapan namin si Jin"

"Pinag uusapan niyo pala akong dalawa dati pa 'pag wala ako ah!" nasa isip ni Jon. "Ahhh I see. Tara na baka maabutan pa tayo ng ulan, kasi mukang babagsak na." paalala ni Jon kay Chris.

Umalis na silang dalawa sa drug store at habang naglalakad sila, ay unti-unting pumapatak ang ulan. Napansin ni Jon na nakatingin na lamang si Chris sa paligid at pinagmamasdan nito ang pag patak ng ulan na nakikita nito sa liwanag ng mga poste.

Nalulungkot si Chris kapag nakikita niya ang bawat pagpatak ng ulan sa ilaw ng mga poste, dahil may naaalala siya na isang masaya pangyayari na alam niyang hindi na muling magaganap kaya nalulungkot siya.

Naglakad na sila ng mabilis at sinuong ang daan kahit walang payong at palakas na ng palakas ang pagpatak ng ambon. Habang lumalakas ang pagpatak ng ulan at naglalakad sila, tumigil saglit si Jon at hinubad ang suot niyang t-shirt. Hinabol niya Chris at saka ipinatong sa ulo nito.

"Wala pala tayong payong dalawa, hindi naman natin sadya din. Gamitin mo muna itong t-shirt ko para hindi ka gaanong mabasa. Baka magkasakit ka!" sinabi ni Jon ng nag-aalala ngunit nakangiti kay Chris.

Nagulat na lamang si Chris at napatigil sa pag lalakad nang ipatong sa kanya ni Jon ang t-shirt nito sa kanyang ulo. Napatingin na lamang siya sa mga mata nito, nakatulala at tila may naaalalang pangyayari na hindi niya makakalimutan.

Isang masaya ngunit nakakalungkot na gabi para kay Chris ang kanyang naaalala ng ipatong sa kanya ni Jon ang damit sa kanyang ulo.

End of Chapter 4


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ