ดาวน์โหลดแอป
16.66% MALTA FORMOSA SERIES 2: TO FORGET / Chapter 2: PROLOGUE

บท 2: PROLOGUE

This is the second series I will be updating:

Malta Formosa Series #1: To Fall

(Completed)

Malta Formosa Series #2: To Forget (Ongoing)

For the remaining series I haven't created yet,  but I'm planning to make at least 5 series for Malta Formosa.

PROLOGUE

ANG LUHANG kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos. Halos sunod-sunod at walang tigil ito sa pag-agos na parang isang gripo. Ang aking puso ay mistulang naninikip sa sakit. Para ba itong sinaksak ng paulit-ulit.

Bakit ganun na lamang kadaling umiyak sa taong ito? Iyan ang tanong ng isip at puso ko habang nakaupo sa lupa magkadikit ang mga tuhod at yakap ang sarili sa oras na iyon.

Nakatanaw sa lalaking ngayon ay nakatayo sa aking harapan, nakapamulsa at walang emosyong ipinapakita mas lalong nadurog ang  puso ko dahil doon.

Hindi na ba niya naaalala ang pangako niya? Tanong ng isip ko.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa aking binti. I felt the pain around my heart, there's a pain and brokeness.

Naalala ko pa ang magagandang alaalang pinagsamahan namin ng lalaking ito ngunit sa isip-isip ko ay mukhang nakalimutan na nito ang lahat ng meron kami noon.

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa pag-agos sa aking pisngi, tinatagan ang sarili.

Huminga ng malalim at pagkatapos ay tumayo kaharap ang lalaking minahal ko ng lubos, pinilit kong patatagin ang  sarili kahit hindi ko kaya.

Ngayon ang oras para tanungin ko ito sa totoong nararamdaman dahil kung ako ang tatanungin, mahal ko talaga siya. Minahal nang lubos noon paman, kaya nga hanggang ngayon hawak-hawak ko parin ang pangakong pinagkasunduan namin noon, anim na taon na ang lumipas.

"A-ano ba ako para sayo Qlement?" garalgal ang aking boses nang oras na iyon.

Nanatili lamang walang kibo si Qlement at mataman nakatingin sa akin. Wala parin itong emosyon ipinapakita, blangko kung baga.

Nagbago na ang lalaking minahal, kung dati ay nasisilayan ko pa  ang matatamis niyang ngiti na ibinibigay saakin, ngayon ay wala na.

Napahawak ako sa aking dibdib sobrang ang sakit na ang nararamdaman ko. Hindi man lamang ito binigyang abala ng lalaking minamahal ko, nakatingin lamang siya sa akin.

"M-minahal mo ba talaga ako?" muli ko iyong sabi sa kanya.

Nakita ko itong napabuntong hininga. Nakukulitan na siguro siya dahil paulit-ulit nalang akong nagtatanong.

Ang pangungulit ko ba ang dahilan ng pagka di gusto niya?  Kailangan ko bang baguhin iyon para sa kanya?

Iniwas niya ang tingin sa akin na wari hindi ako kayang titigan. Nakakadiri ba ako sa mata niya?  Bakit ganun ang nakikita ko sa mga mata niya?  Parang basura!

Ibinaling niya sa kawalan ang paningin kung saan hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

Ang sakit!

"Hindi..." madiing sabi nito nang hindi nakatingin sa akin.

Nakuyom ko ang dalawang palad na sa sobrang higpit nito paniguradong ramdam ko ang sakit na dulot nang mahaba kong kuko. Andali niyang sabihin ang mga salitang iyon, hindi niya 'ko minahal.

Madaling sabihin dahil hindi naman pala niya ako minahal. Ano pa ang silbi nung pangakong binitawan niya noon kung hindi naman pala niya ako minahal?

It's useless!

I think my anger and hatred for him is now began.

"H-hindi mo talaga ako minahal?" pag-uulit kong tanong sa kanya.

Gusto kong manigurado kahit na sinabi na sa akin na hindi niya kailanman ako minahal.

"Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong hindi mo ako minahal!" mahigpit akong napakapit sa damit ko habang mataman siyang tinitignan, pinipigilan ang sakit na nararamdaman.

Dapat sa oras na iyon ay tibayan ko ang aking  puso.

Ano man ang maaaring sabihin niya sa akin, dapat tanggapin ko. Walang ibang rason para ipilit ang sarili at ipagsiksikan. Bumalik siya para saktan ako, nakakainis siya!

Humakbang ito palapit sa sa akin, nakatingin na sa aking mga mata. Titig na nakaka panglambot ng buong pagkatao ko. Huminto ito mismo sa tapat ko, magkalapit na kami.

Naaamoy ko ang pabango niya na hindi man lang nagbago. Iyon parin ang ginagamit nito. Isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, dahil sa hatid na amoy niya bukod pa iyon sa ibang nagustuhan ko.

"Hindi...." ulit nito sa akin "Hindi kailanman...." malamig niyang dagdag.

With what he confessed just now parang gusto ko siyang tawanan, sampalin at sisihin. But still I can't do that! 

May puso pa ako, may puso pa akong marunong umintindi!

Right!

Ako ito yung  dakilang Dalisay Ligaya na laging umintindi sa kanya! Tumango ako, I will accept defeat when love isn't for me. Baka nga hindi ako ka mahal-mahal.

"Pero bakit ka nangako?" galit akong tumingin sa kanya. "Hindi ka na sana nangako kung hindi mo naman pala siseryosohin diba?"

Galit ang namumuo ngayon sa aking puso. Pinaglaruan lang ba niya ang nararamdaman ko? Pinaglaruan lang ba ng lalaking mahal ko? Kung sabagay noon paman mapaglaro na siya.

"Bakit ka nagbitaw nang pangako kung hindi mo pala ako minahal!" pagdiin ko sa huling salita.

Binabawi ko ang sinabi ko! Ayoko na siyang intindihin! Ayoko na!  Ayoko siyang saktan pero hindi ko mapigilan na suntukin siya sa dibdib wala ngalang lakas dahil nangingibabaw ang iyak ko sa oras na 'to.

Ganun nalang siguro kadali para sa lalaking ito na saktan ako. Dalawang salitang sumaksak sa puso ko. Sa pusong umasa sa pangako na noon itinanim niya dito sa puso ko!

"Wala akong ipinangako sayo Dali..."

Nahigit ko ang hininga nang banggitin nito ang pangalang itinatawag niya saakin dati. Para akong napasong lumayo sa kanya ng kaunti. Lalong umapoy sa galit ang aking puso.

Walang hiyang lalaki!

"Para sa isang katulad mo! Nagsisisi ako! Oo, sising-sisi at 'wag mong mabanggit ang pangalan ko." saad ko at mapaklang tumawa.

Tumango-tango at bahagyang kinagat ang ibabang labi, upang pigilan muli ang nagbabadyang luha.

"Oo nga pala at matagal na panahon na noong ipinangako mo iyon baka limot mo na siguro...pero ako?"

Tinuro ang kaliwang dibdib kung saan nandun ang pusong luhaan sa oras na iyon.

"Hindi kailanman nakalimot. Kung gaano mo kadaling nakalimutan ang pangako mo. Maging ang sabihin mong hindi mo ako kailanman minahal. Ganun naman katagal itong puso ko hindi nakalimot. Maging ang nararamdaman ko. Baka nga kinalawang na pero nandito parin, nanatiling k-kumakapit..."

basag ang boses nang sabihin iyon. Pero nagpatuloy parin ako...

"Kumakapit kasi akala niya may makakapitan pa siya, yun pala wala na!"

Pagtatapos kong sabihin iyon walang pasabing tinalikuran ko siya, ang lalaking hinintay ko nang matagal.

Nanginginig ang balikat nang ibuhos ko ang kaninang luhang pinipigilan, humakbang palayo sa kanya.

Napahawak ako sa aking dibdib at hinihimas-himas upang mabawasan ang sakit. Hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol sa iyak habang naglalakad.

Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko siya, pinunasan ko ang mga luha. Huminto ako at paharap ulit sa kanya na nakangiti iyong ngiti na hindi na kalian man maipapakita....sa kanya.

'Ito na ang huli' sa isip ako.

"Salamat sa lahat."

I smiled genuine wanted to show him that it's okay. I'm okay! Mawawala rin to! Makakalimutan ko rin sa! Ayos lang! Hindi naman ako magiging matibay kung hindi ko napag daanan to. Alam ko marami akong matututunan dito.

I'm fine, wala to! Hindi ako nasaktan at naiintindihan ko naman ang punto niya.

Ganun.

"Hayaan mo ito na ang huling masisilayan mo ako."

I saw how his eyes change its emotion. From anger turn into guilt?  Siguro nga nagiguilty siya pero walang bakas nang panghihinayang.

So Dalisay! Better luck next time?

"Salamat kahit na nakalimot ka sa binitawan mong pangako. Hayaan mo, simula ngayon susubukan kong kalimutan yung pangakong binitawan mo noon." mas nilawakan ko pa ang ibinigay na ngiti.

"...pangako yan!"

At sa huling pagkakataon sinabi ko ang mga ito harap-harapan mismo sa lalaking mahal ko and I turned around so could now forget him.

I will take a break from this heart ache season of my life.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ