ดาวน์โหลดแอป
75% MALTA FORMOSA SERIES 2: TO FORGET / Chapter 9: Chapter 7

บท 9: Chapter 7

Our journey as a student began when the opening of classes for first-year Student College has started. I took a Bachelor of Science in Agribusiness here in Naga City. Actually, I have two other choices except for Agribusiness.

Before the opening of classes, we have to take the Entrance Examination for us to know what course we should take for the future. We have three choices na pagpipilian sa bawat course. My first choice is Agribusiness obviously, then my second choice is Education, and lastly, my third choice is Tourism.

Laking kaba ko nu'n nung makapag take ako ng exam that time, I have no friends to be with dahil may sarili din silang choice pagdating sa University na gusto nilang pasukan.

I took the exam without them, nagkusa akong mag enrol kasi hindi na rin naman ako bata para magpasama pa sa magulang ko o kaya sa mga kaibigan ko. If I want to be an Independent woman I should learn how to stand on my own and do what an independent woman can do, huwag umasa sa magulang o kaibigan dahil hindi habang buhay kasama ko sila.

But then luckily some of the students who took the exam approached me that day. Kaya medyo hindi ako nag-iisa at hindi narin ganun kinakabahan, nakikita ko rin kasi sa kanila ang kaba, nakakatawa dahil may karamay na ako sa kabang nararamdaman ko.

**

"May lapis ka?" the guy at the back asked me, I turn my head a little bit so I can see him. Ngumiti ako sa kanya pero hindi ganun ka wide medyo na hihiya pa kasi ako.

"Meron po." Sagot ko naman kaso matipid lang baka isipin niya pabida ako kapag marami na akong sasabihin, nakakahiya.

"Pahiram naman nung isa ate, nakalimutan kong magdala e..." casual siya kung makipag-usap saakin, parang sanay siyang makipag-usap kahit kanino, ganun ang nakikita ko sa kanya.

Dahil hindi naman ako madamot sa gamit, kinuha ko ang extrang lapis sa bag ko, meron pa nga akong ballpen pero isa lang. I hand my extral pencil to him so he can use kapag nag-start na ang exam. Wala namang pag-alinlangan na kinuha ang lapis at ngumiti saakin.

'Gwapo'

Yan agad ang salitang nasa isip ko. Napalunok ako dahil kanina hindi ko naman na pansin iyon sa kanya, pero nung ngumiti na doon ko lang nalamang gwapo pala siya at my dimple both chicks.

Tipid ko naman siyang nginitian at ibinalik na sa harap ang tingin. Huminga pa ako ng malalim, napapikit at nakuha pang kurutin ang palad.

Bakit iyon agad ang pumasok na salita sa isipan ko? Pero kanina bigla nalang akong napakomento sa physical na anyo nung lalaking nasa likuran ko.

"Umm...Ate." Narinig ko na naman ang boses niya, baka may kinakausap siya sa kaliwa or kanan niya kaya hindi ako nag-assume na ako ang tinawag niya.

We are all strangers here inside the examination room. I don't know if stranger nga kami lahat o baka my mga kakilala sila. Ako kasi wala...hindi ko na pansin ang mga kaklase o kaya naman ka schoolmate ko nung high school e.Or maybe hindi ko lang makita because the University is big kaya malabo talagang magkikita kami ng iba kong kaklase or ka schoolmate dito.

"Ate..." tawag ulit nung guy sa likod ko but then hindi parin ako nag-assume na ako yun, baka nga kasi ibang babae ang tinatawag niya.

"Ateng hiniraman ko ng lapis..." ayon dun na talaga ako lumingon.

Apologetic ko naman siyang tinignan, dahil nga ayokong mag-assume kanina. I didn't know na ako pala talaga ang tinatawag niya. At mabuti narin yun na matagal akong lumingon kasi minsan kapag hindi naman ikaw ang tinatawag nakakahiya, bigla ka nalang lilingon na parang ewan, hindi naman pala ikaw iyon, diba? Mas mabuti ng naniniguro ka.

"Bakit po?" medyo kinabahan pa ako.

"A wala! Tatanungin ko lang sana ang pangalan mo...pwede ba?" medyo nag-alinlangan pa ako nung una pero dahil ngumiti na naman siya at labas dimples, hindi ko alam pero nasabi ko ang pangalan ko.

"Dalisay Ligaya..." tipid kong sabi.

Nakita ko pa kung paano siya namangha sa pangalan ko at napapatango, ngumiti siya ulit. Ang friendly niya kung titignan, walang maipipintas.

"I'm Tristan Cameña, pwede mo 'kong tawagin sa pangalan na Tan..." yung ugali ng mga normal na lalaki kong magpakilala, ganun siya sa'kin. Parang nagpapakilala lang siya sa kaibigan niya.

Ngumiti lang ako at tumango dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi rin makatingin ng maayos, naninibago pa kasi ako, ganun naman siguro diba kapag hindi mo pa sila kilala?

"Surname mo ba ang Ligaya? Bago yun sa pandinig ko ah! Ganda!" hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko sa bigla niyang saad.

"Hala, hindi! Pangalan ko rin yun. Tayco ang surname ko. Dalisay Ligaya Tayco..." pagtatama ko para hindi na siya magtanong pa kong ano ang apilyedo ko, sinabi ko na...

Ngumiti na naman siya kaya mas lalong lumalim ang dimples niya. Kapag talaga biniyayaan ng magandang genes hindi talaga maitatago ang gandang lalaki. Maganda at gwapo rin siguro ang magulang niya. Nakikita sa kanya e.

"Dalisay Ligaya..." pagsambit niya

"hm?" napataas naman ang dalawa kong kilay akala ko kasi may itatanong siya pero iling lang ang isinagot niya.

"Ang ganda ng pangalan mo...kasing ganda mo." Sabi niya na ikinahiya ko naman. Talas ng dila, kung ibang babae siguro ang sinabihan nun baka magwala na.

Ang bilis ko ring tumutol sa sinabi niya, umiiling at binigyan ng hindi makapaniwalang reaksyon.

"Hala! Hindi naman!" sabi ko. Siya naman ngayon ang hindi makapaniwala ang reaksyon.

He tsked. Medyo umusog siya paharap kaya napalayo ang katawan ko sa pagsandal sa upuan. Sobrang lapit niya kasi..."Naku! Totoo yun, ayaw mong maniwala? Nakita mo yung nakaupong lalakin na nasa kanang upuan malapit sa pinto?" Sinundan ko ang daliri niyang nakaturo malapit sa pinto nakita ko ang pag-iwas ng tingin nung lalaki.."Nagagandahan yun sayo..." pabulong niyang sabi.

Hindi na naman ako makapaniwala sa kanya. Kunot noo ko siyang tinignan. "Paano mo naman na sabi? Hindi lang naman ako ang nakaupo dito, may mga katabi ako, baka sa iba siya nakatingin..." tinignan ko ulit yung lalaki na tinuro nya. Nasa ibang direksyo yung tingin nung lalaki kaya malabong saakin siya nakatingin.

"Lalaki rin ako nakakaramdam, kaya alam kong nagagandahan siya sayo. Kanina ko pa siya nakikita na nakatingin sa direksyon mo." Ayaw talagang patalo.

"So ibig sabihin nun, nakatingin ka rin sakin at sa kanya kanina pa?" hindi ko mapigilang komento.

Napakamot siya ng sintido, mukha kasing nahuli rin siya mismo sa mga sinabi niya. Natawa ako ng mahina. Lalaki nga naman, mga galawan...

"Ano-"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aassesst sa mga nagtitake ng exam.

Ibinalik ko ang tingin sa harap, naramdaman ko naman na umayos siya ng upo.Hindi ko mapigilan ang ngiting nasa labi ko, masaya siyang kausap, nahuli ko rin ang motibo niya... Kaya pala.

**

"Ligaya!" si Tan iyon, siya ang tumawag sakin kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ang bilis mong maglakad ah?" naglalakad siya palapit saakin pero medyo habol ang hininga dahil tumakbo siya kanina para mahabol ako sa paglalakad.

"Ayoko lang kasing mahuli sa unang klase. Hahanapin ko pa ang room e, kaya binibilisan ko ang lakad." Sagot ko naman sa mahinang boses.

Bumaba ang mata niya sa hawak kong regs-form. Tapos ibinalik din saakin ang tingin.

"Patingin nga ng schedule mo." Hindi paman ako nakakasabi, bigla nalang niyang kinuha ang regs-form na nasa kamay ko. Hindi na ako napag protesta pa, hinayaan ko nalang, makulit.

"O, 8:30 pa ang simula ng klase sa unang subject, meron pa tayong 45 minutes Ligaya. Hindi mo kailangang magmadali..." ibinalik niya ang regs-form saakin pagkatapos.

"Tayo?" taka naman akong tumingin sa kanya.

"Hmm! Magkaklase tayo oy! Agribusiness din ang course ko para malaman mo. Palibhasa hindi mo ako tinanong nun matapos nating makapag entrance exam e!" may pagtatampo sa boses niya.

Totoong hindi ko siya tinanong nun dahil pagkatapos kong makapag take ng exam dumiretso na akong lumabas. Nakalimutan kong kunin sa kanya ang pinahiram kong lapis. Nagmamadali rin ako sa pag-aasikaso kaya nawala talaga sa isipan kong balikan siya at kunin ang ipinahiram ko.

Ngayong pasukan na ulit kami nagkita at masasabi kong sobrang friendly niya, feeling close kung baga. Medyo okay na rin kasi nagkausap na kami nun.

"Pasensiya na kung ganun..." sabi ko ng mahinahon.

Bigla niyang kinurot ang pisngi ko na ikinalaki ng mata ko at siguro ikinapula rin ng pisngi ko. Nanigas din ang katawan ko sa kinatayuan dahil doon.

"Ang ganda mo!" nanggigigil niyang sabi habang patuloy sa pagkurot sa pisngi ko pero hindi naman masakit.

Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong lalaki. Hindi lang siya feeling close, feeling kaibigan na rin kung makakurot sa pisngi ko. Ni hindi nga magawa ni Blessica na kurutin ako sa pisngi pero itong lalaking nasa harapan ko nagawa niya.

Nang bitawan nya ang pisngi ko,inakbayan niya na naman ako na muntik ko ng ika out of balance dahil sa bigat niya. Napapayuko ako, mas lalo din atang namula ang pisngi ko. Nakakahiya.

Matangkad si Tan hanggang leeg niya lang ako, pero napapayuko parin ako. I'm not comfortable sa ganito, kaya pilit akong kumkawala sa akbay niya.

"Hanapin na natin yung classroom!" masigla niyang saad, hindi niya pinansin ang pilit kong pag-aalis ng kamay niya sa pagkakaakbay saakin.

Ayoko man sanang magkomento pero makapal din mukha ni Tan. Napapayuko ako kapag may nakakasalubong kaming ibang studyante, napapasunod kasi ang tingin saamin. Nakakahiya! Hindi man lang marunong makiramdam itong kasama mo.

Baka akalain nila may something saamin ni Tan kahit wala. Ayokong mag-isip ng ganun ang ibang studyante.

"Ah, Tan? Tanggalin mo yung braso mong nakaabay saakin, pwede?" Nahihiya kong pakiusap, patuloy parin kami sa paglalakad. Ramdam kong tumingin siya sa gawi ko.

Ang galaw niya kahit diretso ang tingin ko sa hallway kita ko parin, napapakamot sa ulo. Mukhang nakuha niya ang gusto kung iparating. Mabilis naman niyang inalis ang pagkakaakbay.

"Oh! I'm sorry! Nasanay kasi ako na inaakbayan ang mga barkada kong babae noon... Pasensya kung hindi ka sanay." Patingin-tingin siya saakin. Tipid naman akong ngumiti.

"Okay lang..." pahapyaw ko siyang tinignan at ibinalik din sa daan ang tingin.

"Wala ka bang mga kaibigang lalaki nu'ng high school ka?"

Napangiti ako ng maalala sila Yiehmer, Alexander at Daniel, maging ang ibang nakakasama naming tuwing pupunta sa plaza noon.

"Meron naman...pero hindi kami ganito ka close. Hindi sila nang-aakbay ng kagaya mo." Direct to the point kong sagot.

Nagkunwari siyang nasasaktan at may pahawak pa sa dibdib niya, sabay tawa.

"Grabe Ligaya! Sakit nun a? Minamasama mo naman ata yung pag-akbay ko e! haha 'wag ganun. Tropa tayo! Aper nga diyan!" hinuli niya ang kamay ko at siya na mismo ang nakipag aper... natawa ako sa ginawa niya, para siyang hopeless na ewan.

"Alam mo Ligaya." Umakbay na naman siya "Ay sorry!" mabilis na inalis ang pagkakaakbay at labas dimple na namang ngumiti pagkatapos nag peace sign. "Huwag ka sanang mailang saakin, ha? Ganito lang talaga ako, sana hindi mo mamasamain yung mga gesture kong ganito. I use to be like this to my friends at walang halong kamayakan yun! Promise, cross my heart not hoping to die!" sabay tawa, mas lalo tuloy nadipina ang dimples niyang sobrang lalim.

"Nagbiro ka pa..." natatawa ko namang saad "Bilisan na nga natin baka malate tayo sa unang klase dahil sayo." Kunwari sinamaan ko siya ng tingin... "Saan ba ang building ng Agri?" nalilito kong tanong sa kanya. Tinignan ko ang nasa regs form. "Room 104 kasi ang nakalagay dito e..."

He tsked. "Halika, sundan mo lang ako. Alam ko kung saan yun e!" Nauna siyang maglakad pero hindi mawala ang ngiti sa labi, pinagtitinginan siya tuloy ng ibang studyante na nakakasalubong niya. Hindi niya ata alam ang epekto ng ngiti niyang iyon, lalo na nakalabas ang dimples...napapailing nalang akong sumunod.

--------------

*

"ate may nakaupo po ba dito?"

"wala po."

"Ah, salamat! Dito nalang ako uupo ha?"

"Hmm. Ikaw bahala."

*

"kinakabahan ako bes!"

"ha? Bakit ka naman kinakabahan?"

"wala lang! basta kinakabahan ako. College to e."

"haha alam mo kanina ganyan din naramdaman ko. Kaso nawala na, mukhang magiging masaya ang college natin e.Ho!"

*

"Three points para kay dela cruz! Anu ka ngayon boy? Wala ka!"

"gagi boy! Talo ako, madaya ka!"

"Oy, oy! Panu ako naging madaya? Kasalanan ko bang pumalya ka sa laro?hahaha better luck next time!"

*

"Ang tagal naman ng prof, papasok pa ba yun?"

"Hindi ko nga alam e. Malapit ng magthirthy minutes wala parin siya."

"Baka walang pong prof? Kadalasan pa naman kapag umpisa ng klase hindi nagpapakita ang mga yun."

"Paano mo naman na sabi?"

"Ah, yung ate ko kasing second year college nagsabi na ganun daw. Kaya siguro hindi siya pumasok ngayon."

"Sayang sana hindi muna ako pumasok. 'Nu bayan!"

"gumala nalang tayo tara na!"

"Wait! Magpupulbo lang ako!"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko sa loob ng classroom ngayon. Halos lahat kasi ng mga kaklase ko may kanya-kanyang ginagawa at kanya-kanyang mundo.

Wala pa akong kilala ni isa sa kanila maliban kay Tan na ngayon may kausap na. Madaldal talaga at kalalaking tao kung saan-saang upuan na nakakarating, mabilis makahanap ng tropa.

Ako, ito tahimik lang sa dulo. Tamang nakikinig sa mga usapan nila, kanina pa nga rin ako nakatingin sa labas kung hindi sa glass window nakatingin, sa pinto naman.

Naencounter ko na rin naman 'to dati noong high school, na yung teacher minsan hindi pumapasok sa unang araw ng klase o kaya naman late sa unang klase.

Feeling ko nga wala namang nagbago, para lang din akong pumapasok sa high school. Pati yung subject ganun din, pero ang pinagkaiba lang ng college my mga major subject sila kung tawagin, iyon ay part ng course na kinuha namin.

"Alis na nga tayo, lumampas na sa oras yung paghihintay natin e. Hindi na dadating yun!" malakas na sabi ng isa sa mga kaklase namin. Kinukumbinsi ang iba na umalis na.

Nakita ko naman si Tan na pabalik sa pwesto niya, magkatabi kami, umupo pa siya at inayos ang bag niya tapos tumingin saakin.

"Let's go?"

"Baka dumating yung prof." binalingan ko lang siya ng kaunti at tumingin ulit sa pinto. Napapabuntong-hinga ako ng malalim.

"Hindi na 'yun dadating higit trenta minutos na o!" ipinakita pa niya saakin ang relo niya. Tama nga siya higit treneta minutos na kaming naghihitay at pa kwarenta minutos na ang nasa relo niya.

Nagdadalawang isip pa ako kaso nang makita kong iilan nalang kami sa loob ng klase nagdesisyon narin akong umalis. Inayos ko ang bag ko at isinabit sa likod.

Pinangunahan ni Tan ang paglabas sa pinto pero nagulat ako ng bumalik siya at may pataas pa ng kamay malapit sa leeg niya at para niyang nilalagare ang leeg, pabulong na nagsabing 'patay!'.

Dumating yung prof kung saan iilan nalang ang mga studyante sa loob, iilan nalang kaming naiwan siguro mga nasa sampo, kung kanina umabot kami ng higit forthy ata, ngayon hindi na. Mahilig talagang magpasuspense yung mga ganitong guro, papasok kung malapit nang maubos yung oras.

"Laking kaba ko nang tumambad yung mukha niya sakin, grabe, nakakatakot!" sinasabi niya iyon ng pabulong habang prenteng nakatingin sa harap.

Kung titignan para lang kaming nakikinig pero ang totoo hindi, lalo na ako ang ingay kasi ng katabi ko. Maingay si Tan, hindi ako maka concentrate sa pakikinig, hindi pa naman ako sanay sa ganito.

"Tapos yung tingin pa...parang...parang-"

"Tahimik muna Tan, di ko maintindihan yung sinasabi ng prof." hindi ko na siya nilingon pa dahil naka focus yung paningin ko sa nagtuturo sa harap.

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. Hindi narin nagsalita, tahimik na rin sigurong nakikiniig, sana nga ganun.

"May naintindihan ba mga anak?" humarap sa amin yung prof matapos niyang burahin ang mga pinagsusulat sa white board. Kanina pa niya rin kami tinatawag na anak.

"wala nga akong na gets sa tinuro mo..." Tan murmured while the other said yes.

Siya lang ang hindi nakakagets nung sinabi nung prof namin, hindi ko alam kung namimiloso po o wala talaga siyang naintindihan. Wala naman kasi siyang ginawa kanina kundi umidlip sa kinauupuan niya. Isang ugali ng studyante kapag nasa classroom.

"Mabuti naman at may naintindihan kayo. Huwag nyong kalimutan ang assignment nyo ha? Irerecite nyo saakin yan next week. Bye student!" ani ng prof at wala pasabing lumabas sa room.

"Anong pinagsasabi nun?" sabad saakin ni Tan habang nag-aayos ako ng bag, may inilabas kasi akong binder at ballpen kanina.

"Assignment yun." Sabi ko. "Hindi ka kasi nakinig kanina, nakuha mo pang umidlip." Tumingin ako sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti parang ipinaparating niya ang paghihingi ng sorry tapos nag peace sign. Umiling-iling nalang ako.

"Nakakaantok kasi siya magturo kaya natulog nalang ako..."

"Kaya wala ka ring naintindihan." Sabi ko naman. "Next time pilitin mong makinig kahit inaantok ka. Hindi sila ang mag-aadjust for you, ikaw yun Tan." Pagpapaintindi ko.

Napapakamot nalang siya ng batok niya. Sana naman itake niya yung advice ko ng seryoso, hindi naman iyon para saakin kundi para sa kanya.

Totoo kasi iyon na hindi ang prof ang mag-aadjust para sa studyante at hindi rin ang prof ang magkakayod para magkaroon ng malaking marka ang studyante nila kundi mismo ang studyante diba?

"Hm. Oo na po, Ma'am Ligaya!" ayan na naman siya sa pagiging makulit niya. "Makikinig na po ako sa susunod. Promise!" Nakuha pang magtaas ng kamay na parang nangangako.

Hindi ko naman maiwasang matawa sa kanya. Kabolahan niya sa katawan pinapairal.

"Tara na sa next subject?" tanong ko. Sumang-ayon naman siya at lumabas na kami.

---------------

Now, I realize that college is not just pure studies or do some assignments, reporting, and some sort of research that you would need to go to the library to find an answer.

And I find it interesting.

Students can enjoy and have fun too. Find a new friend, make a new story, and do something fun that you never experience in high school. You can change your schedule if you don't like your professor or you can escape classes, whatever you want.

But the most important thing that students must take as a reminder and advice is to love his or her self as a student, love the course you've decided to take because everything will go smoothly according to your plan if you love being a student.

Of course, you should also know how to balance studies and enjoyment. Hindi puro studies kalang wala nang enjoyment diba? Hindi rin pwedeng pa-easy kalang at wala kang paki sa pag-aaral mo, college needs to be balance.

Kaya ako ganun ang ginagawa ko. Nag-aaral ako but at the same time nagsasaya din naman ako. Sa mga lumipas na lingo bilang isang studyante sa kolehiyo marami agad akong natutunan.

Pumasok sa ibang subject na ibang studyante ang makakasalamuha mo kaya dapat marunong kang makisama. Makinig ng mabuti sa professor dahil may kanya-kayan silang stilo sa pagtuturo, so dapat matalas ang pandinig mo, o kaya naman mag-advance study kasi minsan hindi pumapasok ang prof at pagdating ulit ng schedule niya magpapa recite kahit hindi naman naituro. Maging advance dapat sa lahat, yun iyon.

"Hay! Sumasakit ang ulo ko dahil sa pagrereview feeling ko wala akong maisasagot nito!" it's Tan.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon nagmemeryenda at nagrereview for the first preliminary exam.

"Kumain ka nalang muna Tan." Abot ko sa kanya ang isang sandwich na pinabaon ng magulang ko, hanggang ngayon nakagawian ko parin ang magbaon. I also remember those days were my friends join me during recess time and we eat together.

"Wala akong gana kumain Ligaya. Hindi nanga ako magkandaugaga dito kakareview e." reklamo niya saakin.

Tinignan ko siya ng matagal, halata nga na hindi siya magkanda ugaga sa pagrereview. Bakit ba naman kasi naisipan niyang magreview kung ilang oras nalang mag-eexam na? Isa ulit sa mga ugali ng studyanteng pa easy-easy lang sa college.

"Next time kasi mag-advance reading ka ng mga lessons natin. Don't make it wait or kaya naman magreview the same day ng examination. Ikaw tuloy ang nahihirapan..." sabi ko naman sa kanya.

Hindi niya ako pinansin, naka kunot ang noo niya at tutok ang mata sa ginawa niyang reviewer. Napansin kong pilit niyang minimemorize lahat ng nasa reviewer niya.

"You can't concentrate if gutom ka, don't make it hard for you or try indtindihin yung nirereview mo. I relax mo muna ang utak mo. We still have one hour pa naman..." dagdag ko.

Tamad niya akong tinignan. Huminga ng malalim tapos tiniklop ang reviewer, sinet aside muna niya ito at kinuha iyong sandwich na iniabot ko kanina sabay kagat.

"Next time talaga mag-aadvance reading na ako! Sakit sa ulo grabe!" sabi niya iyon habang may lamang sandwich ang bunganga. Hindi talaga pumipili ng oras 'to, kahit kumakain nakukuha pang magsalita. Mabulaklak ang bunganga. Napapailing ko nalang siyang tinitignan.

Mabuti nalang at nag-advance reading ako noong isang araw at kahapon kaya ngayon chill nalang.

"Anong sagot mo sa tanong sa last page? Grabe pigang-piga utak ko kakaalala nung meaning ng Basic Micro Econ."

"Hindi ka nagreview no?"

"Nagreview gagi! Ano akala mo sakin bobo? Nakalimutan ko lang oy!"

"Mas mahirap yung mga tanong sa Reading in Philippine History."

"Oo nga! Bakit pa kasi naisama sa subject natin yun e!"

Puno nang usapan ang hallway sa second floor ng building ng Agribusiness. Ang dami nilang pinoproblema, kung tutuusin basic palang naman ito dahil nasa unang baiting palang kami paano pa kaya kapag dumabot kaming lahat ng second year hanggang fourth year.

"Panigurado mababa ang makukuha kong score nito sa mga exam natin." Napatingin ako kay Tan ng bigla siyang magsalita. Problemado na naman ang mukha.

Naglalakad kasi kami sa hallway dahil tapos na ang subjects namin sa araw na 'to, bukas ulit. One week walang klase dahil preliminary examination.

"Huwag mong isipin iyan. Mamaya, dahil marami ka namang oras para magreview kaya sipagan mo. Study first muna bago ang ibang bagay para hindi ka mamoroblema okay?" sabi ko habang tinatahak ang hagdan pababa sa first floor ng building, uuwi na kasi kami.

"Oo na po ma'am Ligaya!" ayan na naman siya sa pang-aasar niya.

"Hala! Si Tristan Cameña bayun?" diniig ko ng lampas an namin sila.

Ang katabi ko mukhang walang naririnig tuloy lang siya sa paglalakad habang nakapamulsa.

"Siya nga daiz! Lalo siyang gumwapo ngayon ah! At lalong tumangkad, grabe!"

"At crush mo parin!"

Nilingon ko ang mga babaeng iyon pero sandali lang dahil ibinalik ko rin ang tingin sa harap.

Napapaisip ako, sikat ba 'to sa school nila dati? Kasi maraming nakakapansin sa kanya e. Hindi ko naman makuhang magtanong, nakakahiya.

"Oh, anak! An gaga naman ata ng uwian ninyo?" salubong ni Mamang saakin ng makapasok ako sa bahay, nagpupunas pa siya ng basa niyang kamay sa kanyang damit.

Nagmano ako kay mamang "Prelim lang naman po kasi ang meron kami buong week kaya maaga kaming pinapauwi Mang." Rason ko saka tinalikuran siya.

Inilagay ko muna sa upuan ang dala kong gamit pagkatapos nilingon din si Mamang.

"Ano pong meryenda Mang?"

"Nagluto ako ng turon para sa inyo ng Papang mo kaso hindi ko pa niluto. Akala ko kasi ay mamaya kapa at sasabay ka sa kanya, nauna ka pala." Sabi niya.

"Napaaga po kasi ang labasan naming kaya nagpasiya na akong umuwi. Natext ko na rin naman po si Papang na mauuna akong umuwi sa kanya."

"Ah, ganun ba. Sige magbihis kana dun, magluluto ako para may maimeryenda ka." Aniya.

Tumango naman ako tapos kinuha ang gamit at pumasok sa sariling kwarto...

Huminga ako nang malalim at nakadungaw sa salaming nakasabit sa gilid ng cabinet ko.

"You did great for this day Ligaya." Panatag kong saad sa sarili habang nakatingin sa salamin.

--------------

Natapos ang buong week na maayos ang kinalabasan, sa iba tinatawag nila itong hell week dahil puro nalang daw review at examination ang bumubungad sa kanila. Totoo naman kasi kaya nga tinatawag na Preliminary Exam e kasi magtitake ng exam.

Isang araw lang ang rest day namin dahil anim na araw kaming nasa school pero hindi naman ibig sabihin nun na buong araw kaming nasa school, kaya College is very different talaga sa high school.

"Dalisay mauuna kami sa Simbahan ha? Ipagrereserve ka naming ng upuan. Hindi kapa kasi nakakaligo baka malate tayo sa unang misa ni Padre Santos..."

Si Mamang na sumilip sa hamba ng pinto nang kwarto ko. Kakagising ko lang dahil sa sobrang pagod kahapon sa NSTP naming, medyo sumakit ng kaunti ang katawan ko.

"Dalisay nakikinig kaba?" napatingin ako sa gawi niya, ganun parin ang posisyon niya. Tumango ako habang kinukusot ang mata at napapahikab pa.

"O siya! Aalis na kami, huwag kang magtatagal at baka hindi mo maabutan ang misa, saying!" pagkasabi niya niyon, sinara niya ulit ang pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang papalayong yapak ni Mamang.

Hindi naman din nagtagal ang paligo at pag-ayos ko sa sarili. Umalis din ako sa bahay para humabol sa misa. Sayang nga kung hindi ako makahabol magaganda pa naman ang topic patungkol sa simbahan.

Nasa kalagitnaan ako pagtaas ng kamay para sana tumawag ng trycicle ng may humintong Van sa harap ko.

Napaatras naman ang mga paa ko, malapit na kasi akong mahagip pero buti nalang nakontrol pa nang nagmamaneho.

Taka ko itong pinagmasdan, hindi ko alam kung bakit sa mismong harapan ko pa ito nakuhang magpark, alam naman na nagtatawag ako ng trycicle.

Hinintay ko ang pagbaba ng bintana ng kotse ngumit wala namang nangyari. Maglalakad na sana ako para makapag para ng trycicle ng biglang bumukas ang pinto nito ang iniluwa ang lalaking ilang buwan ko nang hindi nakikita.

Kuya ni Blessica...


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C9
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ