Isang araw,umaga pa lang ay ngumangata ako ng mais na nilaga sa labas ng bahay at hinihintay ko si Edge na umuwi galing sa trabaho nya sa isang call center ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag,si Keesha.
Napabuntong hininga ako,ilang beses na syang tumatawag pero hindi ko sinasagot. Dala dala ko pa din yung guilt ng mga ginagawa namin ni Kaze,at parang hindi ko pa kayang makausap ang kakambal ko sa phone lang.
Tumigil ang pag ring,at pagkalipas ng ilang sandali ay may natanggap akong text,galing kay Keesha.
Keesha:
I don't know where you are but I miss you. Tumatawag ako,bcoz I want you to know na kami na ni Kaze,and to share another good news,ni hire sya ng company nina Papa. Call me if youre not busy.
Sumakit ang dibdib ko,hindi ko alam kung dahil ba miss ko na din ang kakambal ko o dahil sila na ni Kaze? Mabuti na siguro yon para madivert na ang atensyon ni Kaze kay Keesha,sila naman talaga ang bagay.
Kahit nawalan na ako ng gana ay inubos ko pa din ang kinakain kong nilagang mais.
Naisip ko si Papa,nung isang araw ay tumawag sya at kinukulit ako na pumasok sa kumpanya nila,pero ngayong nandun na si Kaze,mas may dahilan na ako para tumanggi. Maghahanap na lamang ako ng ibang trabaho,at sa tingin ko ay kakayanin ko naman iyon.
"Ang tagal naman ni Edge." ang reklamo ko. Graveyard shift kasi siya, 10PM ang pasok nya at 6AM ang out nya. Pagkauwi nya matutulog sya at magigising ng 3 o 4 ng hapon. At ngayon nga ay alas siete na ng umaga ay wala pa din siya.
Baka nag over time,pumasok na ako sa bahay,binuksan ang Tv at nanonood. Ako na nga lang mag isa ang maghahanap ng trabaho mamaya,baka sobrang naaabala ko na si Edge.
Walang palabas sa Tv kundi anime. Sa kalagitnaan ng panonood ko ay biglang tumunog ang phone ko,pagtingin ko ay si Ate Cris pala kaya sinagot ko agad.
"Hello teh,napatawag ka?" ang bungad ko naman.
"Bruha ka! Nasaang lupalop ka ng daigdig?" histerical nitong sabi na ikinangisi ko.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon. Bakit ka nga napatawag?" ang sagot at tanong ko naman.
"Lumabas kami kahapon ni Keesha kasama ang boyfriend nyang si Kaze. At alam mo ba yung company mismo ang nag hire kay Kaze? Yun na ang simula ng pagbabago nya." mahaba nyang sabi.
"Alam ko na ang lahat ng iyan. Ano nga? Bakit ka napatawag?"
"Lumabas tayo ngayon."
"Hindi pwede,mag a-apply pa ako ng trabaho."
"Bakit kasi hindi ka na lang sa company nina Papa? May pwesto ka na dun! Hindi yang ganyan!"
"Ayoko! Gusto kong maging independent."
"Ewan ko sayo! Ang ganda ganda ng buhay mo sa bahay nagpapakahirap ka dyan. Basta,meet me later at 8PM sa dati nating tambayan." at naputol na ang tawag.
Napabuntong hininga ako. Gusto ko itong ginagawa ko,gusto kong paghirapan ko ang bawat bagay na gusto kong makamit.
Ipinagpatuloy ko ang panonood ng Tv,at ng mag sawa ako ay tumayo na ako at lumabas. Bibili na ako ng pananghalian ko.
Matapos kumain ng tanghalian ay naligo na ako at nagbihis,kinuha ko na sa drawer ang envelope na naglalaman ng mga requirements sa pag a-apply ng trabaho. Agad na din akong umalis para simulan ang aking pakikibaka.
Nakatatlong company na ako at wala pa ding bakante. Naisip ko na kahit siguro pagka secretary ay tatanggapin ko na. Iyon ay kung may tumatanggap na kumpanya na lalaki ang secretary,o kahit assistant man lang.
Napaka init na din. Sa pang limang building na pinasok ko ay nagtanong muna ako sa guard kung may bakante ba. Sumagot naman ito na meron daw at puntahan ko lang ang HR department sa 15th floor na agad ko namang ginawa.
Nang marating iyon ay agad akong kumatok sa office,may sumagot at pumasok.
May babaeng matanda na abala sa mga paperworks.
"Good afternoon po Maam." ang pag agaw pansin ko dito.
Agad naman itong nag angat ng tingin at tiningnan ako. "Have a sit." aniya.
"Mag a-apply po sana ako,sa kahit anong bakanteng posisyon." at iniabot ko ang envelope. Kinuha nya ito at inilabas ang mga requirements ko at binasa.
"Im sorry,pero hindi applicable ang natapos mong kurso para sa bakanteng trabaho." anito at ibinalik sa akin ang envelope.
"Kailangan ko po ng trabaho Maam,sige na naman." ang nagmamakaawa kong sabi.
"Graduate ka ng Bussiness Ad sa isang sikat na university,walang bakante na para sa ganyan." sagot nito,nalaglag ang mga balikat ko. Hindi pwedeng uuwi ako ng walang trabaho.
"Ano po ba yung sinasabi ng guard na bakante daw? Kahit yun na lang po. Kailangan ko lang talaga ng trabaho." ang despirado kong sabi.
"Delivery boy at tagalinis sa opisina ng COO." anito na ikinanganga ko. "Diba? Hindi iyon bagay sayo."
Naisip ko,walang tagumpay na nagsimula sa malaki. Walang magandang buhay na hindi nagsisimula sa hirap. Lahat ay nagsisimula sa mababa at maliit. Ayos na sa akin iyon basta may trabaho.
"Tatanggapin ko po iyan! I really need a job." ani ko at napahampas pa sa desk na ikinagulat nito.
"O-okay. Just leave your contact number and I will call you kung kailan ka magsisimula para mabriefing ka na din sa mga do's and don'ts" anito at ngumiti.
"Thank you po talaga! Salamat!" tumango at ngumiti ito saka ako lumabas na masayang masaya.
At dahil dyan,pupunta ako sa Mall at ililibre ko ang sarili ko. This is the start of my new life! At kakayanin ko ang hirap.
Paglabas ko ng building ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa Mall.
Pagdating sa Mall ay naisipan kong manood ng movie kaya dumiretso ako sa sinehan. May nakita ako agad na pwedeng panoorin kaya bumili muna ako ng popcorn at coke saka bumili ng ticket at pumasok sa loob.
Lucy ang papanoorin ko dahil trending ito sa facebook kaya ito papanoorin ko na. Puro trailer pa lang naman kaya kinain ko muna ang popcorn.
May magkasintahang tumabi sa akin,hindi ko nakita ang mga mukha,tumabi sa akin yung lalaki,sa kanan ko,at sa kanan naman ng lalaki yung babae.
May naamoy akong pamilyar na bango pero hindi ko na iyon pinansin dahil nagsimula na ang pelikula.
Nadidinig ko ang bulungan nila pero hindi ko pinansin. Baka nandito lang sila para maglampungan.
Sa kalagitnaan ng movie ay naramdaman kong parang may umakbay sa akin. Alam kong yung lalaking iyon sa tabi ko ang gumawa. Inis ko syang nilingon pero napanganga ako at nag rigodon agad ang puso ko.
Si Kaze! Nakatingin sya sa akin. Ibig sabihin si Keesha ang kasama nya at kanina pa nya alam na ako ito. Napalunok ako at agad tumayo,ang lakas ng tibok ng puso ko.
Shit! Bakit naman parang nananadya ang tadhana? Agad kong tinungo ang CR at pumasok sa isang cubicle.
Huminga ako ng malalim. Umihi na lamang ako para mabawasan ang tensyon sa katawan ko. Lalabas na sana ako ng may pumasok sa cubicle.
"Kaze!" gulat kong sabi. Agad nya akong itinulak sa dingding. Hinarang nya ang mga kamay nya.
"Saan ka nagpunta? Bakit bigla kang nawala?" ang lapit ng mukha nya sa akin at naaamoy ko na ang mabango nyang hininga.
"T-tabi,la-labas na ako." at tinulak ko sya pero mas diniin nya ang katawan nya sa akin,naramdaman kong buhay ang kanyang pagkalalaki kaya naalarma ako. Hindi pwede! Ayoko ng magkasala sa kakambal ko.
Itinutulak ko pa din sya pero mas idinidiin nya ang katawan nya.
"I don't know what you did to me at nababaliw ako ng ganito." Nanginig ang tuhod ko dahil sa sinabi nya at mas bumilis ang tibok ng puso ko,hinalikan nya ang leeg ko at sinipsip. Napapikit ako sa sensasyon,pero hindi ako dapat magpatalo sa tukso.
Ubod lakas ko siyang itinulak na ikinagulat nya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumabas ng cr,dumiretso na ako ng takbo palabas ng sinehan.
Lakad takbo ang ginawa ko makalabas lang ng Mall. Hingal na hingal ako at ang bilis ng tibok ng puso ko ng tuluyan akong makalabas ng mall.
Of all places ay dito pa talaga kami nagkita. Mabuti na lang at nacontrol ko ang sarili ko. Pero shit lang! Ramdam kong tayung tayo yung akin. Nang tumungo ako ay nakita kong may konting basa ang kulay beige kong jeans. Shit! Nag precum ako ng hindi ko namamalayan at halatang halata pa.
Lumingon ako sa paligid,kailangang mapalambot ko ang aking ari. Nakita ko ang fastfood at pumasok ako,dumiretso ako sa cr at pumasok sa cubicle,dun ko tuluyang inilabas ang naipong init kanina.
Nang matapos ay ni flush ko na ang bowl,naghugas na ako ng kamay sa sink at tuluyang lumabas ng fastfood.
"Saan na ako pupunta ngayon?" ang tanong ko agad sa sarili ko.
Naisip kong magpunta na lang sa MOA at tumambay sa sea side hanggang mag gabi,para makita ko din ang sun set.
Ganun na nga ang nangyari,pumunta ako dun at tumambay habang nagpapatay ng oras sa pag internet sa phone ko. At ng mag sun set na ay namangha ako at kinunan ko ng picture ang sarili ko na background ang sunset.
Napaka ganda,napaka romantic,kaya pala ang daming mag jowa na nakatambay dito. Ayun at nag alas otso na rin sa wakas,pinuntahan ko na ang meeting place namin ni Ate Cris,syempre hindi ko sasabihing nakita ko sina Keesha at Kaze.
"I thought youre not coming." ani ko ng makalapit. "Kumain ka na ba--oh! What is that? Is that a love bite?" sabay turo sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano ang tinutukoy nya.
Shit ka Kaze! Nilagyan mo ako ng chikinini! Napaka gago mo.
"H-huh? Kagat yan ng lamok,kinamot ko. Malamok kasi sa tinitirahan ko ngayon." ang agad kong pagdadahilan.
"Sabi naman kasing umuwi ka na sa bahay nina Mama at Papa eh!" biglang galit na sabi ni Ate Cris.
"Ayoko. Saan ba tayo pupunta?"
"Ang tigas talaga ng mukha mo! Bahala ka na nga. Tara kumain na muna tayo." walang nagawang sabi ni Ate Cris.
"Busog ako teh. San tayo pupunta? Pumunta na tayo." nakangiti kong sabi na ikinangiti na din nya.
"May bagong bukas na bar,gusto ko try natin dun para maiba naman. Ang sabi nila maganda daw dun."
"Akala ko sa Strip Club na naman eh."
"Wala ng panahon para pumunta dun. Wala na si Kaze,at isa pa narealize kong hindi dapat sa ganung lugar kita ihanap ng lalaki."
"Ate naman! Anong akala mo sa akin? Patay gutom sa lalaki?" inis kong sabi habang naglalakad kami papunta sa kotse nya.
"Hindi nga ba? Ilang beses ba kayo nag churvahan ni Kaze at hindi talaga kayo nag click?" at pinatunog nya ang kotse,sabay kaming pumasok.
"Boyfriend na sya ni Keesha ate!"
"See? Ang sakit diba? Dun pa sya sa kakambal mo napunta. I know what you feel,alam ko din ang mga ginagawa mo,ngayon hindi pala kayo para sa isa't isa,hahanapan kita ng mas deserving." at pina andar na nya ang kotse. Napabuntong hininga ako,ang kulit talaga nya.
"Hindi naman hinahanap yun. Kusang dumadating at alam kong alam mo iyon." mahinahon kong sabi.
"Mahal mo pa ba si Budz kaya ka ganyan? O may gusto ka ng iba na nagtatago sa pangalang edge?" aniya habang nagmamaneho pa din.
"Hindi ko na sya mahal. Ni hindi ko na nga sya naiisip. At huwag mong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Edge."
"Bakit hindi ko bibigyang malisya? Unang pagkikita nyo pa lang sa strip club pinahawak na nya sayo pagkalalaki nya." nakangisi nyang sabi na ikinanganga ko.
"Ate naman! Huwag mo na iyong ipaalala!" nahihiya kong suway sa kanya na ikinatawa nya.
Dumating kami sa isang bar,ang daming tao kahit sa labas. Napangiti ako,buti naman at nakapasok na ulit ako sa ganito.
Maingay na sa loob dahil may live band palang kumakanta sa stage. Pinili ni Ate Cris ang pwesto malapit sa stage at tumawag ng waiter para umorder.
Umiinom na kami ng natapos ang banda at pumailanlang ang mga makabagong tugtugin na nireremix ng DJ.
"Sayaw tayo,teh!" at hinila ko sa dance floor si Ate Cris. Nagsayawan kami kasabay ng marami pang sumasayaw. May lumapit na lalaking gwapo kay Ate Cris na ikinangiti ko,nag naughty dance sila. May lumapit din sa aking babae at sumayaw,nakisayaw na din ako. At ng mapagod kami ni Ate Cris ay bumalik kami sa pwesto at uminom ulit.
Umakyat ulit ang banda sa stage.
"Lets have a game. Bring me ang tawag dito,pero ang catch,yung madadala dito ay may mga concenquences. Okay ba?" sabi ng babaeng vocalist.
Naghiyawan ang mga tao bilang pag sang ayon. Ewan,para akong kinabahan sa game na iyon at hindi ko alam kung bakit.
"Okay. Uhm..Bring me..."
Napalunok ako. Bakit ako kinakabahan?
"Bring me,pinaka gwapong lalaking nandito ngayon sa bar." biglang tumayo si Ate Cris,hinila ako at itinulak paakyat sa stage.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakita ko ding may mga nag aakyatan na papunta sa stage,mga itinulak lang din gaya ko.
"Huwag mo akong ipahiya Keeyo!!" sigaw ni Ate Cris. Napakamot ako ng ulo at tuluyan ng umakyat sa stage,pito kami lahat na pina akyat sa stage.
"Hmmm. Mukhang itong pito nga ang pinaka gwapo. Kitang kita naman." ani ng vocalist at isa isang tinanong ang pangalan namin.
"Oh,ito ang dare,maghuhubad kayo ng shirt,at magsasayaw ng sexy." napanganga ako. Totoo ba yun?
Bawat sumayaw at naghubad ay tinitilian. Hanggang sa dalawa na lang kaming natira ng katabi ko na ngayon ko lang tiningnan.
"Ano ulit pangalan mo?" ani ng vocalist.
"Lourd." at naghiyawan ang mga tao. Panong hindi? Eh sobrang gwapo nya,pati ako naiintimidate na.
"Oh my Lord! Sige na. Do your thing." at tumugtog ang isang sexy na kanta. May lumapit sa stage at nag abot ng tubig dun sa Lourd.
Sumayaw sya ng sexy,dahan dahang hinubad ang damit at dumagundong ang buong bar sa hiyawan ng mga tao. Napanganga ako. Ibinuhos nya ang tubig sa maganda nyang katawan at mas naging erotic ang pag sayaw niya. Ang ganda ng katawan niya.
Walang tigil ang mga tao sa pagsigaw. At hindi ko na alam kung paano natapos ang game na iyon.
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag,unregistered number,pero sinagot ko pa din.
"Hello?"
"Hello,this is Mrs.Cheng,ang head ng HR Department ng Monterola Company,is this Keeyo?? Yung nag apply kahapon." agad akong napabalikwas ng bangon.
"Uhm yes maam! What can I do for you?"
"Tanggap ka na. Magreport ka na today at magsimula,hintayin kita sa office ko." anito,nagpasalamat ako at naputol na ang tawag. Dali dali akong naligo at nagbihis at umalis na din.
"Maam. Ano po ang mga gagawin ko?" ani ko ng makapasok sa office ni Mrs.Cheng.
"Ibigay mo ito sa COO,nasa 30th floor ang office nya. Maglilinis ka lang dun pag uwian na,kung ano din ang iutos nya ay sundin mo. Goodluck!" nakangiti nitong sabi.
"Thank you po Maam!" at kinuha ko na yung isang tambak na mga papel. First day of work kaya dapat hindi magkamali.
Nang narating ko ang 30th floor ay opisina agad ang bumungad sa akin,pero may glass wall at glass door. Ibig sabihin buong 30th floor ang opisina ng COO?
Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob. Nakita ko agad ang desk at ang lalaking nakatalikod na naka upo sa swivel chair.
"Good morning po sir! Ito po yung pinapadeliver na mga papeles ni Mrs.Cheng,at kung may iba pa po ba kayong ipag uutos?"
Umikot ang swivel chair at humarap ito. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako.
Yung lalaking nag strip kagabi ang COO?
Si Lourd ang boss ko?
"Oh,you! Dito ka pala nagtatrabaho? Bago ka?" nakangiting sabi nito. Agad kong isinara ang bibig ko at lumunok ng laway.
"Opo sir."
"Anong pangalan mo?" nakangiti nyang tanong. Bakit sya nakangiti? Ramdam ba nyang bakla ako? O obvious lang talaga pagtitig ko sa kanya kagabi.
"K-keeyo po."
"Im Lourd. Lourd Monterola. As your boss,you will do anything I want you to do." nakangisi nyang sabi.
Bakit kinakabahan ako?