ดาวน์โหลดแอป
48.82% M2M SERIES / Chapter 186: Jin (Chapter 31)

บท 186: Jin (Chapter 31)

KINABAHAN nang husto si Jin. Napatakbo siya palabas ng bahay. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid pero tanging mga kuliglig na lamang ang kanyang naririnig at tahulan ng mga aso sa daan. Napakalamig nang simoy ng hangin pero pinagpawisan siya.

"Rebecca!" mahina niyang tawag pero walang sumagot.

Naglakad siya papunta sa gate na yari sa kawayan. Biglang may humawak ng kanyang kamay na muntikan na niyang ikasigaw. Animo'y napunta sa lalamunan ang kanyang puso no'n.

"Jin..."

Napabuga siya ng hangin. "Ginulat mo naman ako, Rebecca," sabi niya.

"Pasensiya na, Jin. Lumabas ako ng bahay niyo kasi natakot akong bigla sa kambal mo, e. Akala ko ikaw 'yon pero nagtaka ako kasi galing sa kusina, e kakaalis mo lang no'n papuntang kwarto mo," sabi nito. Bakas sa mukha ang labis na takot.

Napatitig siya kay Rebecca. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Maski siya ay kinilabutan pa rin nang mga sandaling iyon.

"At saka, Jin, bakit gano'n ang kambal mo? Kinakausap ko siya pero ayaw tumugon at nakatitig lang nang masama sa akin. May hawak pa siyang kutsilyo. Akala ko talaga sasaksakin na niya ako kanina e kaya napatakbo na ako palabas."

Humugot siya nang malalim na hininga. "Pasensiya ka na sa kambal ko, Rebecca. Gano'n lang talaga 'yon pero 'di ka naman niya aanuhin, e. Hindi lang niya ugali ang makipag-usap sa mga hindi niya kilala. At saka kaya may dalang kutsilyo 'yon kasi may ginagawang proyekto sa kwarto niya," sabi niyang pilit pang ngumiti rito para mapalagay na.

Pero sa isip niya nang mga sandaling iyon, alam niyang may binalak talagang masama si Din kay Rebecca. Naramdaman niya iyon nang magharap sila ng kanyang kambal. Nabasa na naman niya ang tila demonyong umangkin na naman sa pagkatao nito.

"Parang aatakihin na ako kanina, Jin, sa sobrang kaba, e."

"Hay naku, ang mas mabuti pa puntahan na natin si Marian. Kalimutan mo na ang kanina."

"Okay, tara. Hayun ang sasakyan natin," tugon nitong tinuro ang isang dyip.

Natawa siyang bigla.

"Oh, ano'ng nakakatawa, Jin?" maang na tanong ni Rebecca.

"Ang laki kasi ng sasakyan, e. At saka sino ba ang nag-drive niyan?"

"Ako lang. Marunong kaya ako, 'no. At saka kaya 'yan na lang ang inarkila namin ni Marian para kumita naman ang kapitbahay ko. Nakipag-inuman din kasi e kulang pa ang kinita para diyan sa dyip."

Napatango-tango na lamang si Jin at tinungo na nga nila ang naturang dyip. Kaagad silang sumakay roon. Bago pa mapaandar ni Rebecca ang sasakyan ay napalingon siya sa may gate ng bahay nila.

Namilog ang kanyang mga mata nang makita roon si Din. Parang nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Nakasuot na naman ito ng jacket na itim na may hood. Naaaninag pa rin niya ito dahil sa ilaw na galing sa posteng malapit sa kanilang gate. May nababasa siyang poot at galit sa mukha nito.

"Hoy, Jin!"

Animo'y bumalik siya sa mundo nang tawagin ni Rebecca.

"Rebecca, ano iyon?" maang niyang tanong dito.

"Nagtanong ako kanina pa kung may yosi ka ba riyan," nagtataka nitong turan at napatingin sa may gate.

"Wala na, e," tipid niyang tugon dito.

Napatingin siyang muli sa may gate pero wala na si Din doon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang takot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin niya maiwaglit sa isipan ang nakakatakot na mukha ng kanyang kambal.

Nagkibit-balikat lamang si Rebecca at pinatakbo na nga nito ang dyip. Biglang may mga nagtaholang aso sa kalsada pero hindi na niya pinansin ang mga iyon. Sa hindi kalayuan ay may apat na baklang nagsisigawan at humihingi nang tulong.

"Rebecca, itigil mo muna ang sasakyan," sabi niya.

Pinahinto naman nito ang sasakyan sa tapat ng mga baklang nagsisigawan. Napanganga siya nang makita ang nakahandusay na baklang pamilyar sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Ang baklang may ari ng parlor na si Mama Jammy iyon. Bumaba siya ng sasakyan. Naiwan si Rebecca sa loob.

"Anong nangyari rito?" tanong niya kay Deborah. Ito lang kasi ang kakilala niya sa mga baklang naroon. Nagamit na rin siya ng baklang ito nang marami-raming beses. Kaibigan ito ni Mama Jammy.

Kumabog nang husto ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Mama Jammy. Naliligo ito sa sariling dugo at halos natanggal na ang ulo sa laki ng laslas sa leeg.

"Jin, tulungan mo kami. May lalaking biglang lumapit sa amin na may dalang itak. Tinaga nito si Mama Jammy," natatarantang sabi ni Deborah.

Napanganga siya sa sinabi nito. Nahirapan na siya noong huminga dahil sa matinding kaba.

"Saan nagpunta ang lalaking iyon?" pautal-utal niyang tanong dito.

"Tumakbo rin agad papunta doon sa kakahuyan. Nakaitim na jacket na may hood. Basta mabilis ang pangyayari, Jin, e. Ni hindi na namin namukhaan."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Naglaro sa isipan niya si Din. Napatanong siya sa kanyang sarili noon kung bakit ganoon kabilis na nagawa nito ang karumal-dumal na krimen. Hindi na kailangan ng pruweba para isipin niyang ito nga ang salarin.

Bigla siyang nagsuka nang nagsuka. Hindi na talaga niya kinaya pa ang nangyaring iyon. Tumulo rin ang kanyang mga luha. Bakit kailangang ganoon ang kahihinatnan ng lahat? Paulit-ulit niyang tanong sa isipan.

"Okay ka lang, Jin?" tanong ni Rebecca na nasa likuran na pala niya. Hinimas nito ang kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tingnan pa si Mama Jammy.

"O-okay lang ako. Hindi lang ako sanay makakita ng mga ganito, Rebecca," tugon niya.

Ilang sandali pa ay may dumating na mga tanod. Hindi na rin niya napansing may mga tao na pala sa paligid. Lahat ay nagimbal sa nangyari kay Mama Jammy.

"Tara, Jin. Sila na ang bahala diyan," ang nahihintakutang turan ni Rebecca.

Nagpaalam na nga siya kay Deborah at bumalik sa sasakyan. Pakiramdam niya noon ay bumabaliktad pa rin talaga ang kanyang sikmura kaya muli siyang nagsuka sa loob ng dyip. Naramdaman niya ang paghimas ni Rebecca sa kanyang likuran.

"Pasensiya na, Rebecca. Lilinisin ko na lang 'to," sabi niya.

"Jin, sigurado kang tutuloy ka pa? Magpahinga ka na lang kaya sa inyo," nag-aalalang sabi ni Rebecca.

Pilit siyang ngumiti rito. "Magiging okay rin ako 'pag kaharap ko na si Marian kaya tutuloy ako," wika niya.

"Ang laki mong tao, takot ka pala sa patay," biro ni Rebecca.

Pilit siyang tumawa. "Ganoon na nga, Rebecca. Nandidiri talaga ako sa ganyan, e. Ni hindi ko nga kayang manood ng mga palabas na may patayan."

Muling binuhay ni Rebecca ang makina at pinatakbo na nga ang sasakyan.

"Grabe, sunod-sunod na yata ang patayan sa lugar natin, Jin."

"Oo nga, e. Dapat na talagang mag-ingat ang lahat. May serial killer na talaga rito sa baryo natin."

"Nakakatakot naman. Tagarito lang kaya sa atin ang killer, Jin? Sa tingin mo?"

"Ewan. Pero sa tagal na nating naninirahan dito sa San Isidro, ngayon lang naman ito nangyari 'di ba? Tahimik naman ang baryo natin dati. Ni wala nga masyadong nag-aaway at halos lahat magkakaibigan."

"Diyos ko! Kung sino man ang hayop na 'yon, sana madakip na kaagad bago pa maubos ang mga naninirahan dito."

Nagkatinginan silang dalawa sa rearview mirror. Biglang sumikdo na naman ang kanyang puso dahil doon. Hindi niya mawari kung bakit pero parang may kakaiba sa titig na iyon ni Rebecca. Mas lalo siyang kinabahan nang maisip ang nangyari sa bahay. Napatanong siya sa isipan, paano kung iniisip ni Rebecca nang mga sandaling iyon na posibleng ang kanyang kambal ang salarin?


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C186
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ