NAPATITIG ako sa lalaking kaharap ko nang mga sandaling iyon.
Pangiti-ngiti pa siya kaya kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
May kung anong kilig akong naramdaman sa kalooban ko. Wala na akong pakialam kung mahalata man niya o ni mang Rodel na kakaiba na ang mga titig ko sa kanya.
Titig na punong-puno ng paghanga at pagnanasa. Napakagwapo niya talaga.
Nasa six-two ang kanyang height. Halatang alaga sa gym ang katawan o baka sanay lang sa mabibigat na trabaho kaya maskulado siya.
Medyo maputi siya at balbon. Nakita ko kasi ang mga kilikili niya dahil naka-jersey lamang siya no'n.
Naka-shorts lang din siya kaya kitang-kita ang mabuhok na legs.
Pawisan siya kaya amoy na amoy ko no'n ang natural niyang amoy.
Lalaking-lalaki talaga siya. Nag-uumapaw na talaga ang puso ko nang mga oras na iyon sa labis na paghanga.
"Oh tama na 'yan! Baka matunaw na ako, ha," mayamaya'y panunudyo niya na ikinapahiya ko.
As in nahiya talaga ako. Uminit ang magkabila kong pisngi at feeling ko nga ay nag-blush pa ako nang mga sandaling iyon.
Pasimple akong lumingon kay mang Rodel baka nakahalata rin ito sa akin.
Buti na lamang at may batang bumibili kaya naging abala ito sa pag-entertain.
"Ako nga pala si Brad. Diyan ako nakatira sa bahay ng ate ko. Kagabi lang ako lumipat. Dito kasi ako sa Manila maghahanap ng trabaho," pakilala niya kahit 'di ko naman tinatanong. "Sorry ulit doon sa nangyari, ha. Nasaktan ka ba? Ano nga ang pangalan mo?"
"Ha... ah okay lang 'yon. Kasalanan ko naman 'yon, e," medyo nauutal kong sabi.
Kakaiba talaga ang karisma niya para sa akin. He's charm really drove me crazy.
"Daniel pala pangalan ko. Diyan lang ako nakatira." Itinuro ko ang bahay namin.
"Good, malapit lang pala tayo. Hindi ako mahihirapang makahanap ng kaibigan," sabi ni Brad.
Pati boses niya ang sarap pakinggan.
"Marami namang kabataan dito. Just be friendly at marami kang magiging kaibigan, Brad," I said.
Kumakabog na ang dibdib ko nang husto sa matinding kaba nang mga sandaling iyon.
"Oo nga, e, actually gumala ako kanina, may mga nakalaro ako sa basketball court," nakangiti niyang turan.
"Ah, sige-sige, Brad. Mauna na ako sa 'yo ha. Nice meeting you."
Nagpalabas ako ng ngiti nang sabihin iyon at dumiretso na ako sa paglalakad.
Hindi ko na kasi talaga kinaya pa ang matinding pressure no'n.
Parang kunti na lang titili na ako kagaya ng ibang bakla kapag nakakakita ng mga gwapo.
Ayoko namang mangyari ang bagay na 'yon, 'no. Magbibigti siguro ako sa labis na kahihiyan kapag nangyari 'yon.
"Sige... jam tayo minsan, Daniel."
Narinig kong sabi ni Brad. Gusto kong lumingon para masilayan siya ulit pero nagdalawang-isip na ako.
'Di ba nga itinatago ko ang totoong pagkatao ni Daniel? Pero kinakabahan pa rin ako.
Paano kung napansin niyang kinikilig ako sa kanya?
Shit! Nakakahiya talaga 'yong ginawa ko. Parang noon lang ako nagsisi kung bakit makatitig ako sa kanya'y wagas!
Kagaya ko na rin 'yong ibang bakla na kung titigan ako ay parang hubo't hubad sa harapan nila.
Pero ano nga kaya ang hitsura niya kapag wala siyang saplot?
Tsk... parang noon lang yata ako naapektuhan nang husto sa isang lalaki.
Dati naman ay mabilis kong napipigilan ang sarili na huwag magkagusto.
Pero kay Brad, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin maiwaglit sa isipan ang napakagwapo niyang mukha.
Ang napakamacho niyang katawan. At ang amoy niya, shit... ang sarap sa pang-amoy.
Nakakahiya talaga kasi feeling ko tinigasan ako habang nakadagan sa katawan niya.
Napansin niya kaya iyon? Actually, naramdaman ko talaga 'yong sa kanya at kahit malambot iyon ay alam kung malaki ang itinatago niyang laman. Napapailing na lamang ako no'n.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong ni nanay at pinaghahalikan sa mukha.
"Nanay naman, e, para tuloy akong baby," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Baby ka pa naman e saka namiss kita, 'nak," sabi naman ni nanay.
Tsk... si nanay Lea talaga ang OA na minsan. Ganoon talaga ako ka-love ni nanay. Bini-baby pa rin niya ako.
"Si tatay?" I asked her.
"Hindi pa umuuwi, e," sagot ni nanay.
Umupo ako sa sopa. Napapikit ako at napangiti nang muli kong nakita sa isipan si Brad. Kinilig na naman ako sa totoo lang.
"Oh... ano 'yan, 'nak? Bakit parang kinikilig ka yata diyan?" puna ni nanay Lea.
Napadilat ako ng mga mata. "Wala, nay," tipid kong tugon sa kanya.
"Anong wala? Nagba-blush ka nga diyan, e. Hmmm... siguro may crush ka na, 'no? panunudyo ni nanay.
Mukhang naging visible pa yata ako kay nanay, ah.
"Wala nga sabi, nay," sabi ko at napangiti.
"Asus... binata na ang baby ko, ah... may crush na talaga."
Kinunutan ko lang ng noo si nanay nang mga sandaling iyon. Pero natutuwa naman ako sa kanya.
Ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang lalaki ang dahilan na kinilig ako no'n?
Lumapit si nanay sa akin at kiniliti ako sa tagiliran. Tawa naman ako nang tawa.
"Nay, tama na," natatawa kong saway sa kanya.
Niyakap ako ni nanay nang mahigpit. Niyakap ko rin siya nang mas mahigpit pa.