Kinaumagahan ay maaga kaming ginising. At dahil dalawang section kami sa isang room ay batch by batch ang pag ligo.
Swerte ko na lang na sina Chance,Teban,Khaim at ang kpop adik na si Jeun ang kasabay ko maligo. Kulitan kami sa cr kaya medyo nainis na ang iba.
Mayat maya nanghihipo at nanghahaplos ng puwit si Chance,napapangiti na lang sina Teban at Khaim,si Jeun naman ay parang sanay na o sadyang wala lang siyang pakialam.
Nang matapos ay nagtipon ulit kaming lahat sa function hall. Sinabi ng isa sa mga sisters na ngayon na daw ang last activity at sa may labas daw kami para mas maganda. Pagkatapos daw ng activity ay pwede ng mag picture taking at mag gala,dapat daw before 12 ng hapon ay nasa bus na kaming lahat.
And so,ganon nga ang nangyari,nagpunta kami sa labas,sa likod ng retreat house,kitang kita ang taal lake at taal volcano at sobrang sarap singhutin ng malamig na hangin ng Tagaytay.
"Are you ready para sa last activity?" ani Father Jules na ang gwapo gwapo at bagong paligo pa. Ano kayang amoy niya? I wonder hmmm..
"Ouch!" bigla akong kinurot ni Chance kaya nilingon ko siya ng nagtataka. "Bakit?"
"Anong bakit? Luwa na mga mata mo at montik ng tumulo laway mo kakatingin kay Father! Hindi pa ba ako sapat?" ang mahina ngunit gigil niyang sabi kaya napangiti ako. Agad akong umabrisyete sa kanya at hinilig ko ang ulo ko sa braso niya.
"Huwag ka ngang magselos diyan. Humahanga lang naman ako kay Father. At saka alam mo naman na ikaw lang ang nag iisa sa puso ko. Peksman!" lambing kong ganyan.
"Weh? Talaga? Mamatay ka man?" ani Chance na nilingon ako.
"Peksman! Mamatay man ak--ay teka! Wala namang ganyanan!" at bigla na lang siyang humagikgik at kinurot ako sa pisngi.
Sobrang sarap lang sa pakiramdam na sa mga ganitong simpleng usapan ay napapangiti at napapasaya ko si Chance. Sana lagi na lang kaming ganito.
"The last activity ay susulat kayo ng one word na pwede niyong e-describe sa taong pinakamalapit sa inyo dito. Ididikit niyo iyon sa kanilang likuran. At pag natapos na ay ipapaliwanag niyo kung bakit ang word na iyon ang best na nagdescribe sa taong iyon." ani Father Jules.
Nagbulungan na naman ang lahat at mukhang na excite. Syempre,malamang sa malamang kami lang naman ni Chance ang magpapalitan ng word na iyon.
At yun na nga,isinagawa na naming lahat ang activity. Karamihan naghahagikhikan,yung iba mga parang ninenerbyos pa na hindi naman dapat.
"Come here." tawag sa akin ni Father. Lumingon pa ako sa paligid para maka siguradong ako nga ang tinatawag niya.
"Ako po?" ang paninigurado ko pa.
"Hindi,yung katabi mong hindi nila nakikita! Nakakaloka ka! Siyempre ikaw!" ang hampas sa akin ni Aiko at nagtawanan lahat.
Nahihiyang napapunta ako sa harapan.
"Sinong dinikitan mo?" ani Father ng makalapit ako.
"Uhm si Chance po." sagot ko naman. Yung mga kaklase namin mga nag si "uuuuyyyy" ang sasarap lang itulak pababa sa tagaytay para gumulong gulong at pagbangon nila nasa Batangas nila sila.
"I see. Come here Chance." ani Father. Nakangising tumayo si Chance at lumapit sa amin. "Kunin mo yung sinulat mo sa likod niya at ipaliwanag."
Kumindat muna ang gago at kinuha yung dinikiylt niya sa likod ko.
"Everything." ang basa ni Chance at ipinakita sa lahat. I dont know why pero nagdribol bigla ang puso ko dahil sa word na iyon.
"Bakit Everything Chance?" tanong ni Father. Nahiya ako kay Father kasi feeling ko nababastos namin siya,alam naman nating lahat na hindi gusto ng simbahang katoliko ang mga same sex relationship o mga same sex marriage.
"Everything. Kasi,Kiji is everything to me. Hindi ko alam pano ipaliwanag kasi hindi ako magaling mag express ng damdamin at words. Pero yun lang talaga ang word na pwede kong e-discribe kay Kiji." nakangiting sabi ni Chance.
Chance,kung palagi kang ganyan baka hindi na ako mapakali pag wala ka o hindi nakikita. Sa narinig kong iyon ay may kung anong humaplos sa puso ko.
Nagpalakpakan ang lahat,tumatango lang si Father,ang mga madre naman ay mga parang kinikilig. Pagtingin ko naman kay Maam nakangiti siya na parang proud na proud sa narinig.
Maging ako ay sobrang proud.kay Chance,he really change a lot. At ang pagbabagong iyon ay para naman sa kabutihan,yun.nga lang hindi maalis sa kanya ang pagiging abnormal sa akin at sa tropa.
"At ikaw Kiji. Maari mo ng basahin at ipaliwanag ang one word mo para kay Chance." sabi naman ni Father,tumalikod si Chance at kinuha ko ang papel sa likod niya. Humarap ako sa lahat at binasa ito.
"Amazing." ang pagbasa ko at bumuga ng hangin. Napatingin sa akin si Chance na nagtatanong ang mga mata.
"Bakit Amazing,Kiji?" ani Father Jules.
"Amazing po. Kasi napaka amazing na tao ni Chance,kahit nung hindi pa kami close at lagi kaming nag aaway he always amazed me. May mga bagay siyang sinasabi na magugulat ka na lang at mapapanga. Sasabihin mo sa sarili mo na 'This person is really amazing'. Amazing kasi lahat ng tao napapakisamahan niya gusto man niya o hindi. He's amazing in the sense na hindi ko na kaya pang ipaliwanag pa." ang mahaba kong sagot at nagpalakpakan ang lahat. Hinapit ako ni Chance at niyakap.
"Chance,Kiji." ang pagtawag ni Father Jules kaya natahimik ang lahat. Kinabahan ako at napakagat ng labi. Panigurado akong papagalitan kami ni Father,hindi na namin siya nirespeto.
"Sorry po father Jules! Alam kong hindi pinapahintulutan ng simbahan ang mga ganito---"
"No Kiji. Its okay. Bukas ang mga mata ko sa ganyang uri ng pagmamahal. I wont judge the two of you or the likes of you. Kahit hindi ito pinapahintulutan ng Simbahan ay masaya akong malaman na may tunay pala talagang pag ibig sa ikatlong kasarian. Ipagpatuloy niyo lang yan,hanggat wala kayong inaapakang tao ay magiging masaya kayo." mahabang sabi ni Father Jules.
Sa sobrang tuwa ko ay humiwalay ako kay Chance at niyakap si Father.
"Kiss! Kiss!" ang sigaw ng lahat.
"Maraming salamat po Father Jules! Kiss daw po?" ani ko na kinikilig.
"Huh?" ang nagulat na sabi lang ni Father.
"Kiss daw po---" hindi ko ba natapos ang sasabihin ko dahil may humablot na sa akin.
"Sinasamantala mo eh. Huwag mo akong badtripin Kiji. Paparusahan talaga kita." ang bulong ni Chance kaya ngumiti na lamang ako at nag peace sign.
Nang matapos na ang lahat sa activity ay pinabayaan na kaming mag gala at gamitin ang mga gadgeta namin. Kaya walang patawad kaming nag selfie ar group selfie sa paligid ng retreat house. Ang pinaka gusto ko ay yung Class selfie,parang class picture. Buti napakiusapan namin yung isa sa nga hardinero na kuhaan kami. Sobrang saya lang,kulitan at tawanan with classmates. Ngayon pa lang mamimiss ko na sila kahit wala pa naman ang graduation.
Lunch time ay ang bongga talaga,lechong baboy galing ng Balayan Batangas ang pinakain sa amin at talagang hindi ako nagpaawat. Minsan lang makakain ng ganon kaya dapat ay lubos lubusin na diba? Kasi sunod niyan puro lechong baboy na chichirya na tig piso kina Havana store na lang ang makakain ko.
Before 12nn lahat kami nasa bus na. Sa byahe ay sobrang ingay lang,katabi ko si Chance na tahimik. Gusto ko siyang tanungin kung anong iniisip niya pero nahihiya ako.
Kalagitnaan nhmg byahe ay nakatulog na lahat,magka holding hands kami ni Chance at isinandig ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit na din.
Nagising na lang ako na parang nadidinig ko si Chance na may kausap kaya nakinig ako kahit nakapikit.
"Opo Tito. Dyan ako didiretso sa bahay. Isasama ko si Kiji--Huh? Basta isasama ko siya."
Yun lang. Nang madinig ko na malapit na kami sa RHS ay nagkunwari ako na bagong gising lang.
"Nasan na tayo?" ang tanong ko kay Chance at ngumiti. Ngumiti din siya at kinurot ang pisngi ko saka ako mabilisang hinalikan sa labi.
"Nandito na tayo. So ayusin mo na sarili mo." naka ngiti noyang sabi.
Nang makababa sa bus ay nagpaalamanan na ang lahat at nagpaalam din kami kay Maam.
"Sama ka muna sa akin sa bahay. Meryenda tayo. Alas quatro na ng hapon oh?" at pinag intertwined na niya ang mga kamay namin.
"Sige. Nagutom na din ako eh." ani ko at naglakad na kami.
Pagdating sa harap ng bahay nila ay nagtatawanan pa kaming dalawa ni Chance,kinwento niya kasi na pinagtripan daw kagabi ni Teban yung isa naming classmate na lalaki,nilagyan daw ng kulangot sa gilid ng labi habang natutulog. Ang gago lang noh?
Pagbukas ni Chance ng pinto ay kita agad ang sala. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naglaho ang ngiti ko.
Nandito siya. Anong ginagawa niya dito?
"Vane? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chance at parang takot na napatingin sa akin.
"Hindi ganyan ang tamang pagbati sa future fiance,Chance. Nandito si Vane because she's pregnant and youre the father!" singhal ng Tito ni Chance.
Nanginig ang tuhod ko at parang bigla akong nahilo.
Buntis siya?