ดาวน์โหลดแอป
85.9% M2M SERIES / Chapter 328: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 17)

บท 328: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 17)

Natulala na ako dahil sa halik na yon. Juicecolored! Ano bang ginagawa ni Chance? Pinapaasa nya ba ako? Ayaw kong mag assume. Ayaw na ayaw ko talaga,baka gusto na din nya ako?

Iiihh! Ayokong mag assume!

Huminga ako ng malalim at lumabas na. Pagtingin ko nasa kusina na sila lahat at nilalantakan ang spageti na niluto nina Teban at Khaim.

"Tara na,Kiji. Kain ka na. Nagtira kami para kina Tito at Tita." nakangiting sabi ni Khaim,tinapik ang upuan sa tabi nya at dun ako naupo.

Pansin na pansin ko naman na nakatitig sa akin sina Karissa at Aiko. Ano kaya ang iniisip ng mga impaktang ito? Si Chance naman ay wala sa sariling ngumingisi,animal talaga.

"Mukhang masarap. Magugustuhan yan nina Mama at Papa." ani ko at nagsimula na ding kumain.

"Syempre! Dalawang gwapo ba naman ang nagluto! Kasing sarap namin yan!" ang pagmamayabang ni Teban na binara naman ni Chance.

"Si Khaim lang nagluto hindi ikaw. Kumain ka na lang kung ayaw mong ma swagg kita sa panga." ani Chance na ikinatawa namin.

Napatingin ako kay Teban,gwapo sya hindi made-deny iyon,napaka jolly ng pagkatao,at ang porma pamatay,swagg nga,hiphop na gangster na ewan na bagay naman sa kanya. Nagtataka tuloy ako kung bakit wala pa syang jowa? May bisyo kasi saka malibog ang gago eh.

"Let me." ani Khaim at umambang susubuan ako,napatingin ako isa isa sa tropa at iniwasan kong tingnan si Chance. Lumunok ako ng laway at tinanggap ang isinusubo ni Khaim.

"Bromance talaga!" maligalig na sabi ni Teban at humalakhak pa.

Masaya kaming kumain,at pagkatapos ay nag videoke. Bago mag alas otso ay umuwi na sila,inihatid ko sila sa labas ng Batis compound. Nagulat pa ako ng lumapit si Teban at bumulong.

"Nice,may couple shirt sila ni Chance. Mukhang may karibal na si pareng Khaim." anito. Pinandilatan ko lang sya ng mga mata na ikinabungisngis nya.

Naging abala kami buong linggo. Sobrang dami ng pinapagawa sa amin ng mga teachers,nakaka stress. Pakiramdam ko hindi na kami makahinga. Wala naman kaming magagawa dahil para sa amin din naman iyon at graduating na kami.

Isang araw araw ay nagpunta ako sa kanto dahil kailangan ko pang magpa print sa Ingen. Sumasakit na ang mga mata ko sa paglalagay ng footnotes at references ng thesis namin.

Pagkatapos mag computer at magpa print ay lumabas na ako. Naisipan kong magpunta sa Mcdo dahil bibili ako ng Sundae,para marelax man lang ang sistema ko.

Nang makabili na ay nakontento na ako at naglakad na. Parang trip ko maglakad pauwi,para naman ma exercise ang mga tuhod ko.

"Kiji! San ka galing?"

Patay! Si Chance na naman.

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay sya. Mukhang galing sya sa may Datamex.

"Bakit?" ani ko. Lumapit sya at sabay kaming tumawid.

"Wala lang." aniya at namulsa. "Wow! Icecream! Akin na lang."

"Hoy! Akin yan--" bigla nya itong kinuha sa akin at diniladilaan saka ngumisi.

"Ang balahura mo! Akin yan eh!" maluha luha kong reklamo. Kaya ang ginawa ko ay nauna ng maglakad ng nagmamartsa. Kainis!

"Bibigyan kita ng icecream huwag kang mag alala!" habol nya at naabutan ako. "Uuwi ka na ba? Sama ako."

"Edi bumili ka na ngayon ng icecream! Bwisit ka talaga! Walang araw na hindi mo ako inurat!"

"Papatikimin kita ng icecream na unlimited! Oh ayan na icecream mo." at iniabot nya ito sa akin.

"Ayoko! Diniladilaan mo na yan! Sayo na yan. Gusto ko yung sinasabi mong unlimited!" sabi ko naman. Diretso pa din kami sa paglalakad. Dito kami sa Sto.Tomas dumaan para mas malapit.

"Ang arte mo! Samantalang hinalikan mo naman na ako!" aniya kaya hindi ako nakasagot. "Sabagay,binawi ko naman. Pero sige,mamaya na yung unlimited icecream mo."

"Umuwi ka na nga!" asik ko sa kanya. Wala na akong masabi. "Teka? Bakit nga ba sumama ka?"

"Ayoko muna sa bahay. Mag overnight muna ako senyo,sabado naman bukas." seryoso nyang sabi kaya hindi na ako umimik.

Pagdating sa bahay ay tahimik na kaya dumiretso kami sa kwarto ko. Napapakamot na lang ako ng ulo dahil wala akong extra na higaan.

"Chaji! Namiss kita!" aniya,niyakap si Chaji at humiga sa kama.

"Oy! Sa lapag ka matutulog." ang agad kong suway sa kanya.

"Huwag ka ngang maarte. Gumanda ka lang ng konti nag inarte ka na." aniya at pumikit na yakap si Chaji. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon lang nya pinansin ang pagbabago sa itsura ko,parang gusto ng mag cartwheel ng puso ko sa sobrang saya. "At isa pa,nagtabi na naman tayo dati diba? Huwag kang mag assume na sasabihin ko ulit ang mga sinabi ko dati sa motel."

Nawala ang ngiti ko. Lakas talaga manira ng mood ng animal na ito eh. Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit ganito na kami,diba magka away kami? What happened?

"Sus! As if namang gagawin ko talaga." ani ko at tumabi na sa kanya. Umayos sya ng higa habang yakap pa din si Chaji.

Pareho kaming natahimik. Ang lakas ng kabog na naman ng puso ko,iba ito sa una naming pagtatabi. Wala pa naman akong nararamdaman sa kanya dati,pero ngayon iba na. Natatakot din ako na matukso no? I mean bakla lang ako,marupok at madaling magoyo,ilang beses na nga nya akong nabiktima dati diba?

Tumingin ako sa oras ng phone, 10PM na. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw saka bumalik sa kama at nahiga.

"Kiji." akala ko tulog na ang bastos. Buti na lang at madilim na,hindi nya nakita ang pagkagulat ko.

"Bakit?"

"Bakit ka panget?" aniya. Bwisit talaga! Sarap sipain para mahulog sa lapag.

"Ikaw? Bakit ka manyakis at bastos?" ang sabi ko naman. Naramdaman kong gumalaw sya at tumagilid paharap sa akin. Medyo malinaw na ang tingin ko dahil nasanay na sa dilim.

"Kasi ganon ako. Hindi ako tulad ng ibang lalake na kunwari mabaet,pero malibog pala. Ako pinapakita ko kung ano ako,kung ayaw nila sa akin dahil ganon ako,wala akong magagawa." ang medyo mahaba nyang sagot. Huminga ako ng malalim at tumagilid din paharap sa kanya. Hinablot ko sa kanya si Chaji. "Ikaw? Bakit ka bading?"

"Nasa tyan pa lang ako ni Mama may manicure at pedicure na ako. Ika nga ni Paolo Ballesteros as Vodka sa I heart you pare eh Being a gay is not a choice of life,but its a way of life." ang sagot ko naman. Sya naman ang narinig kong huminga ng malalim.

"Sa bagay. Kahit ano pa man tayo,basta kaya natin manindigan eh walang masama diba?" na amazed ako,seryoso na talaga ang usapan namin,I never knew this side of him until now.

"Tama ka dyan,Chance." sagot ko. Natahimik na naman kami.

"Bakit kailangang babae lang ang mahalin ng lalaki,Kiji?" biglang tanong nya na ikinagulat ko. Bakit nga ba?

"Kasi yon ang normal at natural na takbo ng buhay? Ewan,hindi ko alam." ang naguluhan ko ding sagot. Umusog sya patabi sa akin at kinuha si Chaji,nagtatambol na naman ang puso ko.

"So,are you saying na walang karapatan magmahal ang mga gaya mo? O hindi pwedeng magmahal ang lalaki ng gaya nyo kasi hindi normal at tatawagin ding bakla ang lalaki?" aniya pa. Sheyt naman! Bakit napunta sa ganito ang usapan namin?

"Hindi ko alam Chance. Sa totoo lang it always doesn't mean na pag nagmahal ka ng kaparehong kasarian ay bakla ka na. Walang label ang pagmamahal." mula sa puso ko pang sagot,damang dama ko pa talaga.

Mas umusog pa sya,gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin,mabuti na lang nasa gitna si Chaji. Parang nadedemonyo na naman tuloy ako nahalikan sya.

"Bakit parang ang dami mong alam sa pagmamahal? Nagmahal ka na ba,Kiji?" ang halos pabulong na nyang sabi. Sheyt! Naaamoy ko na ang mabango nyang hininga at nagkakagulo na ang mga kuliglig sa sikmura ko.

"H-ha? Uhm--"

"Nevermind." bigla nyang sabi,nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi alam ang isasagot,baka ipagkanulo na naman ako ng damdamin ko. "Nakatikim ka na ba ng lalaki? Im sure,oo ang sagot. Sa edad mong yan,imposibleng wala pa."

"W-wala pa nga. T-takot ako eh."

"Weh?" tinulak ko nga. Mukha ba akong nakatikim na ng lalaki?

"Hoy! For your infameyshon! Ikaw lang ang nagmulat sa akin sa kamunduhan. Sinimulan mo! Dahil wala akong alam,madali akong natukso,kaso inabuso mo at ginamit mo pa para mahawakan ako sa leeg." bulalas kong ganyan. Bigla syang napabalikwas at tumingin sa akin.

"Sorry. Ganon kasi ang tingin ko sa mga bakla. Na ari lang ng lalaki ang gusto nila. Saka diba nga? Bastos at manyak ako. Im not the Prince charming na pangarap ng lahat,Im way more cooler than that." mukhang sincere naman sya,at ayaw ko na ding makipag away dahil gabi na,pero kung araw pa baka niratrat ko na siya.

"Napaka yabang mo talaga. Pero ayos lang. Atleast tapos na at hindi na matindi ang away natin." mahina kong sabi. Humiga ulit sya ng paharap sa akin.

"Kaaway pa din kita. May topak lang ako kaya hindi kita inaaway at inaasar ngayon." sabi nya,humikab sya. Napangiti ako,sa wakas pwede ng matulog. "Anong nararamdaman mo pag nakikita mo ari ko? Lalo na pag hinahawakan mo? Sa totoo lang Kiji,ikaw ang kauna unahang bading na nakahawak nun."

Napalunok ako,para akong nabilaukan sa sarili kong laway. Syempre hindi ako aamin na nag iinit at nanginginig ako pag hawak ko ang ano nya. Kanya nga lang nahawakan ko eh!

"Bastos! Matulog ka na nga! Wala akong nararamdaman,yun ang sagot." sabi ko at niyakap si Chaji saka ko sya tinalikuran.

Bakit naman kasi ganito ang usapan? Kung anu-ano na naiimagine ko,nabeberde na ang utak ko.

"Pero alam mo,hindi ako makontento sa paghawak mo lang,Kiji. I want it inside your mouth. Pwede kaya yon?"

Para akong magkaka heart attack! Bwiset! Hindi na ako nakagalaw sa pagkakatagilid ko ng higa. Ayaw ko na,hindi na ako papaloko sa mga ganyan mo Chance.

"Matulog ka na Chance. Pag gising mo wala na yang kung anu-anong kababuyan mo." sagot ko kahit halos mag hyperventilate na ako.

Nadinig kong humagikgik sya at naramdaman kong mas lumapit sya sa akin. Hindi na talaga ako gumalaw at pumikit na lang ako.

"Sige na. Matulog na tayo,baka ako pa sisihin mo pag hindi ka nakatulog ng maayos. Goodnight."

"Goodnight din."

"Kiji."

"Ano na naman?!"

"Thank you for always being there for me." aniya. Hindi na ako sumagot dahil napangiti na ako,yung pagkalabog ng dibdib ko na walang humpay ay kumalma na.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na dilat. Narinig ko na lang na humihilik na si Chance,humarap ako sa kanya at dahan dahan ko syang hinalikan sa pisngi.

"Im always here for you,Chance. Kahit na pa iba iba ang pakikitungo mo sa akin at hindi kita maintindihan minsan. Lagi lang akong nasa tabi mo,promise yan." ang bulong ko.

"Talaga?!" biglang sabi ni Chance na ikinagulat ko kaya napa atras ako at nahulog sa lapag.

"Aray naman! Ang sakit ng pwet ko!!" napalakas kong sabi.

Biglang bumukas ang pinto at nabuhay ang ilaw. Paglingon ko sina Mama at Papa pala.

"Bakit masakit ang pwet mo anak?" tanong ni Mama.

"Pinuwersa ka ba niya? Pilit ba nyang ipapasok?" dagdag pa ni Papa. Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha ko.

"Hindi ko po sya pinepwersa,na excite lang sya." ang pagsingit ni Chance kaya napatingin ako sa kanya.

Humanda ka sa aking animal ka!


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C328
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ