ดาวน์โหลดแอป
58.73% Lucky Me / Chapter 37: LUCKY THIRTY SEVEN

บท 37: LUCKY THIRTY SEVEN

CHAPTER 37

ANDI'S POV

3:30AM ng dumating ako ng Carlisle. 4:00AM pa ang usapan namin na mag aantayan sa main gate para sabay sabay na kaming pumasok. Inagahan ko talaga magpahatid sa sobrang excitement. Ilang minuto lang ang pagitan namin ni Marlon at ang aga aga nagmamaganda na ang seshie kong bukas ang pores.

"Kaloka ses, hindi ko masiyadong na achieve yung beauty rest ko." Bungad niya sa akin pagkababa ng kotseng naghatid sa kanya.

"Ayos lang wala ka din namang beauty na ire-rest eh. Char!" Nagpalingon lingon ako sa paligid. Himala na huli sa usapan si Lucky Shane Torres Gonzaga.

"Nagsalita ang black beauty from Samar Leyte!" mapanglait na sagot niya.

"Tseh!" singhal ko. "Si Lucky ba seshie nagtext sayo?"

"Hindi ses, naku anong kayang ganap nun. Sana pinayagan siya." Nag aalalang tugon niya.

"Sinubukan mo bang tawagan?" naiinip na sagot ko. Maygad, anong petsa na!

"Alin yung sirang phone niya? Sige push mo yan para sa ikauunlad ng ekonomiya!" Nakangiwing sagot niya.

"Mauudlot pa ata ang excitement ko." Nalungkot tuloy ako ang aga aga.

"Si Ytchee on the way na daw. Katext ko siya kanina." ani Marlon habang inaayos ang mga dala dala.

"Oo nagtext din siya sa akin habang nasa biyahe ako kanina." malamyang sagot ko. Akala ko pa naman makukumpleto kami ngayon.

"Paano kong hindi sumama si Lucky ses? Hindi ka ba talaga sasama?" pang uusisa niya habang tulala ako sa kalsada at nagbabaka sakaling makikita kahit ang anino ni Lucky.

"Oo sesshie, baka hindi na nga kailangan kong damayan si Lucky nangako ako sa kanya kahapon diba?" hindi ako nanghihinayang sa perang binayad ko. Nanghihinayang ako sa magiging memories ng fieldtrip na 'to kasi last ko na ito as senior student sa Carlisle.

"Ako din ses, tapos tambay nalang tayo sa kanila para makita natin si Kuya Jiggs." Malanding sagot niya. Isa pa 'to imbes malungkot nagsaya pa. Imbyerna!

"Ay bet ko yan, mag foodtrip nalang tayo at mag movie marathon sa kanila exciting yun!"

"Eh paano si Ytchee? Mamaya daragin tayo ng tomboy!" At bigla siyang natawa.

'Oo nga pala kasama na pala namin si Ytchee.'

Panay ang linga namin ni Marlon sa kalsada at nanlaki ang mata ko ng biglang nag park sa harap namin ang itim na kotse ni Kenneth. Maygad! nanditro na ang breakfast ko. Mabilis na bumaba si Wesley at lumapit sa amin sa shed.

"Good Morning guys!" masiglang bungad sa amin ni Wesley ngunit agad nangunot ang makinis nitng noo. "Nasaan na si Lucky?" Nagtatakang tanong niya. Umikot naman ang mata ni Kenneth sa kawalan. Mukhang kamias ata ang inalmusal ng lolo mo.

'Ano na naman ang eksena ng magpinsan na to?'

"Wala pa siya. Ang kinakatakot namin baka hindi yun payagang sumama. Hindi pa kasi alam sa kanila yung nangyari nung isang araw at dun sa nasirang phone niya." Maiksing kwento ko. Napakamot naman si Kenneth sa batok sa narinig.

"H-Hindi niya kayo tinext simula kagabi?" galit na tanong niya kay Marlon kaya ang bakla nanlaki ang mata sa takot.

"H-Hindi, wala naman siyang cellphone pang text eh." Inosenteng sagot ni Marlon sa katabi ko at hinawakan ako sa braso.

"Kahit kailan talaga problema.." Mahinang bulong niya at humarap kay Wesley. Nagkatinginan kami ni Marlon na may halong pagtataka.

"Gumawa ka ng paraan para ma delay ng kaunte ang alis ng bus natin susunduin ko lang si Lucky sa kanila." may bahid ng pagkainis sa tono niya.

"S-Susunduin mo si Lucky? S-sasama ako." Mabilis na sagot ni Wesley. Hindi siya pinansin nito at kinuha lang mga gamit nila sa compartment ng kotse niya at iniwan sa harap ni Wesley.

Walang paalam at mabilis siyang sumakay sa kotse at mabilis na pinaharurot palayo.

"Ang aga aga mainit ang ulo ng pinsan mo Wesley." nakangusong sabi ni Marlon.

"Kagabi pa mainit ulo nun pag uwi galing sa mall." Sagot ni Wesley habang papasok kami ng school.

"Baka may mens.." biro ni Marlon at muntik na siyang gumulong sa gutter sa lakas ng pagkakasiko ko.

"Ewan ko ba dun kagabi ko yun hindi makausap ng matino." natatawang sagot ni Wesley habang nakatingin kay Marlon na dumausdos sa semento.

KENNETH'S POV

"Wala pa siya ang kinakatakot namin baka hindi yun payagang sumama. Hindi pa kasi alam sa kanila yung nangyari nung isang araw at dun sa nasirang phone niya." Sagot ni Andi kay Wesley kaya napalingon ako sa kanya.

'Nakabili na kami ng phone kagabe ah! Kahit kailan talaga problema.'

"H-Hindi niya pa kayo tini-text simula kagabe?" naiinis na tanong ko kay Marlon.

"Hindi wala naman siyang cellphone pang text eh." Inosenteng sagot niya. Hindi niya pa pala sinabi sa mga kaibigan niyang may kapalit na yung nasirang phone niya.

"Kahit kailan talaga problema.." mahinang bulong ko at napalingon sa akin si Andi pero hindi na ako nagpahalata. Asar! "Gumawa ka ng paraan para ma delay ng kaunti ang alis ng bus natin susunduin ko lang si Lucky sa kanila."

"S-Susunduin mo si Lucky? S-Sasama ako." Biglang sagot ni Wesley sa akin. Kinuha ko sa compartment ng kotse yung mga luggage bag naming dalawa at iniwan ko kay Wesley.

Hindi ko na siya pinansin dahil sumakay agad ako ng kotse at nag drive papalayo sa kanila. Mabilis akong nag drive, mabuti nalang quarter to four pa lang kaya wala pa masiyadong sasakyan sa daan.

Humanda ka talaga sa akin mamaya, hindi pa kita napapatawad sa mga ka-abnuyan mo kagabi ngayon magpapasundo ka pa talaga.

"Fuck! Paano ko nga pala siya matatawagan hindi ko nga alam ang cellphone number niya." nahampas ko ang manibela dala ng sobrang inis.

Naisip ko na naman yung pagtatalo naming dalawa kagabi. Daig pa namin ang mag ON sa dalas naming mag away. Nakakainis, pikon na pikon talaga ako sa kanya. Ako na nga ang nagmamagandang loob kagabi ako pa yung minura niya. Alam ko namang may mali din ako kagabi eh, pero gusto ko lang naman siyang i-educate sa isang simpleng table manners. Para kasi siyang taga bundok walang ka finesse finesse kumaen. Tapos papalabasin niyang masama ako dahil lang sa gutom na gutom siya? Siya lang ang taong kilala kong ganyan.

'Naturingang member ng third sex pero walang Good Manners and Right Conduct. Tch!'

Kagabi bago ako umalis ng parking lot nakita ko kung paano siya nalungkot sa pag susungit ko sa kanya. Nilabanan kong huwag magpadala sa pagpapaawa niya. Kailangan kong panindigan yung naging desisyon ko dahil napapagod na akong mag adjust para sa kaniya. Inuubos niya palagi ang pasensiya ko at pikon na pikon na ako sa buong pagkatao niya.

Mabilis akong nakarating ng Quezon Avenue at kagaya din sa pinanggalingan ko maluwag pa din ang kalsada kaya mabilis akong nakarating ng Banawe hanggang sa kanila. Hahanap sana ako ng pwedeng kong pag parkingan ng kotse kaso napansin ko ang isang imahe ng taong naka upo sa gutter na naninigarilyo at mukhang inip na inip na. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad pabalik sa bahay nila.

'Oh? Huwag niyang sabihing uuwi na siya?'

Bumusina ako ng dalawang beses at dahan dahan siyang napalingon. Nasilaw siya sa headlights ng kotse ko. Huminto ako sa tapat niya saka ako mabilis bumaba. Mahaba haba ang listahan na gusto kong i-sermon sa pagpapa importante niya. Gusto ko siyang sigawan ng matuhan siya sa mga kabilawan niya mula pa kagabe.

Paglapit ko mabilis siyang umakap ng mahigpit sa bewang ko.

'WTF is he doing?'

"I'm sorry kung sinigaw sigawan kita kagabi. Gutom lang talaga ako. Nawawala ako sa sarili ko kapag walang laman ang tiyan ko. Marami akong kabaliwang naiisip kapag walang laman ang tiyan ko." bulong niya habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Nakakainis, kanina lang galit na galit ako sa kanya pero isang yakap lang natameme na ako agad.

Hindi ako nakasagot dahil kasalukuyan pa akong nalulunod sa pamilyar na amoy ng buhok niya. Sa kamay na nakayakap sa katawan ko, sa masarap na pakiramdam ng pagdikit ng balat niya sa balat ko. Nanghihina at nanlalambot ang magkabilang tuhod ko. Para akong estatwa sa paninigas ko sa harap niya. At bago pa umabot kung saan ang paninigas at ang imahinasyon ko hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Huwag mo akong yakapin amoy sigarilyo ka!" kunwaring naiinis na sagot ko sa kanya at bahagya siyang itinulak papalayo sa katawan ko.

"Sus, kaya pala panay singhot mo sa ulo ko. Siguro na curious ka shampoo ko noh?" biro niya pa. Itutulak ko sana siya papalayo pero muli siyang napayakap sa katawan ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano sa ginagawa niya. Sigh. Kahit kailan talaga! "Sorry na huwag kana magalit please. Bati na tayo." Tumingala siya sa akin at nag puppy eyes pa. Hayst! Kapag ganyan siya parang gusto ko siyang ipasok sa bulsa ko at hayaang hindi siya makahinga. Wala akong kalaban laban sa kanya.

'Kagabi pa ka Lucky Gonzaga! Huwag mo akong araw arawin!'

"Mamaya ka na magdrama dahil kapag naiwan tayo ng tour bus yari ka sakin." Bigla siyang napatingala. "Tandaan mo marami ka ng kasalanan sa'kin!" saka siya kumalas ng akap at nakahinga naman ako ng maluwag pero naiwan sa ilong ko ang mabangong amoy ng buhok niya at parang gusto kong habulin ang amoy niya sa ere.

"Pakshet! Oo nga past four na bilisan naten!" natatarantang hinila niya ang dalang trolley type luggage bag na may malaking mukha ni Doraemon sa loob ng sasakyan. Bigla siyang huminto sa ginagawa at ng napansin nakatayo parin ako sa harap ng kotse ko dali daling hinawakan ako sa kamay at hinila. "Tara na kapag naiwan tayo ng bus yari ka sakin!" pinandilatan ko siya dahil sa pangkabigla at panggagaya niya. "Tandaan mo marami pa akong kasalanan sayo!" saka naunang umupo sa passenger seat. Napailing nalang ako at natawa sa kalokohan niya.

Tinadtad ako ng text messages ni Wesley kaya tinawagan ko na habang nasa biyahe kami.

"Hello Kenneth? Pabalik na ba kayo?"

"Oo pabalik na mga 15 minutes nandiyan na kami."

"Anong nangyari sa kanya bakit daw siya na late?" nagtama ang mata namin ni Lucky sa tanong ng pinsan ko. Masiyado siyang obvious!

"Mamaya kana magpa kwento at abala ka sa pagmamaneho ko." masungit na sagot ko.

"Sungit mo! Kasam---" biglang kong pinindot yung end button.

"Tss, kalalaking tao tsismoso." Mahinang bulong ko at paglingon ko nagtama ang mata namin ni Lucky.

"Salamat ulit akala ko hindi kana darating." aniya sa mahinahon at mahinang boses.

"Eh paano kung hindi nga ako dumating para sunduin ka?" nasa daan ang tingin ko kaya hindi ko nakita kung ano ang naging reaction niya sa pagsusungit ko.

"E di uuwi na ako sa bahay. Parang kanina pauwi na ako ng dumating ka. Tapos sasabihin ko naiwan ako ng bus kaya umuwe na lang ako mag isa." malungkot na sagot niya. Napabuntonghininga na lang ako sa inis. "Ang tagal ko kayang nag antay dun, 45 minutes ata akong nakaupo sa gutter." Nakangusong lingon niya sa side ko.

"Siraulo ka pala eh.." naiinis na lingon ko. "Kung yung mga oras pinag antay mo nagbiyahe kana kanina malamang nasa school ka na kanina pa." Sigaw ko sa kanya. Kapag siya talaga ang kausap ko lalong umiiksi ang pasensiya ko. Palagi niyang pinapainit ang ulo ko.

"Eh paano kung dumating ka?"

"Hindi ako darating.." seryosong sagot ko.

"Eh di wala kang hug kung hindi ka dumating." Napangising sagot niya.

'Siraulo talaga.'

"Psh! Walang kwenta." Balewalang sagot ko.

"I see kaya pala kagabi gusto mong ikaw ang yakapin ko kagabi kaysa sa cellphone ko tama ba?"

"Sino ba naman kasi ang nasa tamang pag iisip ang yumayakap sa cellphone?"

"Sino din naman kasi ang nasa katinuan ang magpapayakap sa hindi niya ka ano ano?" tumaas ang kilay niya at natameme ako ng ilang segundo.

"Eh b-bakit mo ko n-niyakap kanina?" nauutal na sagot ko.

"Bakit ka naman nagpayakap?"

"Aba malay ko ikaw tong biglang mang yayayakap diyan tapos itatanong mo sakin kung bakit. Baliw ka ba?!" Wala talaga akong control sa emosiyon ko kapag siya ang kausap ko.

"Kasi masaya nga ako dahil dumating ka." napangusong sagot niya. Naiinis talaga ko sa mga ganyang banat niya. Di mo alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o pinagti-tripan na naman niya ako.

"Bakit kailangan ako pa ang magsundo sayo kung pwede namang si Wesley." galit galitang sagot ko. Gusto kong ipakita na hindi ako apektado sa sinasabi niya. Ayokong magpadala sa mga ganyang galawan niya. Nakakadala na.

"Kasi nga alam kong galit ka pa sa akin." humarap siya ng upo sa direksiyon ko. "Alam mo bang hindi ako nakatulog magdamag kakaisip sayo dahil alam kong galit ka pa sakin? Alam ko wala naman ako sa posisyon magdemand sayo ng kung ano ano.. on the first place mag ano ba tayo?"

"A-Abah malay ko sayo?!" singhal ko. Ang dami niyang drama tapos idadamay niya pa ako. Tch!

"Kaya nga di ba, pero naisip ko kapag dumating ka it means you still care for me. Kapag hindi eh di matic na. NGANGA! Ha ha ha!" sabay tawa niya. Siraulo!

Kanina ng malaman kong wala pa si Lucky parang lalamunin ako ng konsensiya ko. Gustong gusto kong sumabog sa galit pero kanino at para ano? Marami na nga akong iniisip ngayon tapos dumadagdag pa siya. Ano bang relasiyon naming dalawa para mag demand siya sa akin ng ganun? Hindi naman ako nag agree kagabi sa gusto niya pero pakiramdam ko kasalanan ko naman kapag hindi siya nakasama.

'Nagtataka ka pa kung bakit wala siya? Diba sinabi naman niyang mag-aantay siya sayo kagabi pa?'

Parang puputok ang mga ugat ko sa sintido kakaisip ng mga sagot sa mga tanong n ahindi ko masagot. Naiinis ako sa sarili ko lalong lalo na sa kanya.

'Well, i guess i still care that's why he's here with me now.'

Hindi na ako sumagot dahil malapit na kami sa Carlisle. Pagdating namin sa main gate mabilis akong nag park sa usual parking space ko. Madilim pa dahil 4:20AM pa lang. Malamang nasa loob na sila ng mga tour bus ngayon. Kumpleto na yung mga tourist bus sa oval at isa isa ng nag aakyatan sa bus ang mga kapwa naming senior students. Halata sa mga mukha nila ang saya at excitement kaya parang na excite na din ako.

'Oo nga pala anong section pala kami ni Wesley mapupunta?'

"Baka nasa tambayan sila malapit sa field, dun na tayo pumunta." Turo niya sa direksyon ng tambayan nila kaya sumunod ako sa kanya at tinulungan siya sa pagbubuhat ng ilang gamit niya.

Pagdating namin ni Lucky sa tambayan nila nadun nga ang mga kasama niya at ang pinsan ko. Biglang nagtilian na parang mga babae sina Marlon at Andi ng makitang papalapit na kami sa kanila. Natawa ako sa itsura ni Lucky dahil kahit nasasakal na siya sa yakap ng dalawa pinipilit parin niyang tumawa. Hinayaan ko nalang sila at linapitan ko si Wesley na medyo malayo sa kanila dahil may kausap ito sa cellphone. Malamang kausap na naman niya si Tita Sylvia.

"Salamat naman dumating ka LUCKY dahil hindi ko kayang may kasamang mga PANGET paakyat ng Baguio!" sigaw ng babaing kasama nila. Bahagya akong lumapit dahil parang pamilyar ang boses niya. Nakatalikod kasi ito sa amin kaya hindi ko naaninag ang mukha.

"Eh kasi nga nagpasundo pa kay Prins Tsarmeng!" ani Andi at sabay kurot sa tagiliran ni Lucky na nagtago sa likod ni Marlon.

"Sinong Prins Tsarmeng yan at ang malas naman niya dahil isang Lucky Gonzaga ang pinili niya." Natatawang tanong ng babae.

"Ay shunga hindi mo ba nakita Ytchee yung kasama ni Lucky dumating kanina?" sabat ni Marlon. Sino daw si Ytchee? Si Ytchee Araullo? Kaya lumapit na ako ng sa kinatatayuan nila.

"Ayan siya oh!" turo ni Andi sa direksiyon ko at sabay sabay silang napalingon sa akin.

"Y-Ytchee?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"P-Payatot?" hindi makapaniwalang tanong niya. Grabe hanggang ngayon payatot parin ang tawag niya sa akin. "Pucha! Payatot ikaw nga! Lintek kang lalake ka! Ikaw lang pala yung pinag tsi-tsismisan ng mga baklang yan na sumundo kay Lucky wala akong ka alam alam!" natatawang sigaw niya pinaghahampas ako sa braso at natawa din ako sa reaction niya.

Si Ytchee ang isa sa mga piling naging kaibigan ko dito sa campus. Bilib ako sa angking talino niya kaya noon dahil walang nakakatalo sa kanya sa pagdating sa Quiz Bee simula nung sophomore days namin. Madalas ko siyang nakalaban ko noon kaya naging ka close kaming dalawa.

LUCKY'S POV

"Taray ng tomboy oh, makahampas kay Kenneth akala mo childhood friend niya." Nguso ni Andi kay Ytchee habang masayang nakikipag kwentuhan kay Kenneth. Nakakatuwa kasi silang pagmasdan habang nag uusap. Ngayon ko lang nakita si Kenneth na may kausap na ibang babae bukod kay Amber. Mukhang kampante at komportable sila sa isa't isa dahil panay ang tawa at ngiti nito sa kausap.

Kakaibang Kenneth ang nakikita ko ngayon dahil hindi yun ang normal na kilos niya kapag nakikita ko siya. Madalas kasing salubong ang kilay, masungit at wala siyang pakialam sa paligid niya. Ngayon para siyang isang pangkaraniwang estdyante ng Carlisle na nakikipag usap sa isang kaklase sa campus.

Nakita kami ni Ytchee na nakatingin sa gawi nila kaya hinila niya ang kausap papalapit sa amin nila Marlon at Andi.

"Kabugerang Tivoli, makahampas kay Papa Kenneth akala mo magsabay silang lumaki." pang aasar ni Marlon paglapit nila Ytchee.

"Bruha ka siyempre akala ko hindi na kami magkikita nitong kumag na to!" Turo niya kay Kenneth na biglang natawa sa sinabi niya. "Ikaw Lucky Gonzaga hindi ko alam na mag dyowa na kayo nitong si Kenneth?" sigaw niya sakin at bigla akong napanganga.

"A-Anong mag dyowa?" sigaw nI sa kanya. Nagpalitan lang ang tingin niya sa amin na may halong nagtataka.

"Sabi ng mga baklang 'to kanina? Hinahanap kasi kita kanina, ansabe nila sinundo ka ng Prins Tsarmeng mo!" eksaheradang paliwanag niya.

"Patola ka ses, na coma ka lang bumagal ka ng pumick up!" Si Andi na natatawa sa pinagsasabi ni Ytchee.

"Eh bakit mo nga ba sinundo ang Prinsesa ng Bundok Tralala?!" sigaw niya sa mukha ni Kenneth na bahagyang na paatras sa lakas ng boses niya.

"M-May usapan kasi kami kagabi na susunduin ko siya." Napalingon siya sa side ko at parang sinasabing segundahan ko ang sinasabi niya.

"Ahh—Ehh ano.. Oo may usapan nga kami na sasabay ako.." pagak na tawa ko.

"Oh may usapan naman pala sila e.." Tangong sagot ni Ytchee sa kanila.

"WHAAAAATTT MAY USAPAN KAYONG SUSUNDUIN MO SI LUCKY?!" chorus ni Andi at Marlon. Napairap lang ako sa ka o-OA'han nilang dalawa.

"Hindi yun tulad ng iniisip niyo okay?" saway ko kanila. "Nagkita kasi kami sa Mall kagabi tas sinamahan niya pa akong bumili ng bagong cellphone." pahina ng pahinang paliwanag ko at lahat sila nakatingin sa akin.

"May bagong cellphone ka na pala, bakit hindi mo man lang kami tinext kagabe ni Marlon?" kinurot ako ni Andi sa likod.

"Nawala na sa isip kong magtext kagabi dahil pinagalitan ako nila Nanay at Kuya dahil sa nangyari sa phone ko." alibi ko nalang para di na sila magtanong.

"Sinabi mo yung totoong nangyari kela Tita?" si Marlon na biglang tumabi sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"Buti pinayagan ka pang sumama?" si Ytchee at hinawakan ako sa balikat.

"Dapat nga hindi na ako papayagan pero ipinagtanggol ako ni Tita Jack at naka impake na ako nung isang araw pa." Napangiting sagot ko kaya natawa sila.

"Mabuti naman ses kasi kinakabahan na kami baka hindi nga makasama."

"Pwede ba naman yun eh mahihiya yun si Nanay dahil binayaran niyo na yung contribution ko. Wala akong ipambabayad sa inyo ngayin dahil naibili ko na ng cellphone kagabi." Mahinang bulong ko sa dalawa at napatango sila.

"Eh bakit kailangang sunduin ka pa niya? Pwede namang sila Andi nalang ang magsundo sayo?" singit ni Wesley sa at nakaturo sa pinsan niya.

Walang nakasagot sa amin ni Kenneth. Nakatingin lang kami sa isa't isa at saka ako bumuntong hininga.

"Nagkaroon kasi kami ng maliit---"

"GONZAGA! BOLIVAR! TRINIDAD! ARAULLO!!" putol ng boses na tumawag sa mga pangalan namin. "Why are you guys still here on the field? Our bus will be leaving in 15 minutes.." sabay sabay kaming napalingon at nangangamot na ng ulo si Sir Adam.

'Jusmiyo, Save by the bell!

Sa takot nag unahan kaming nagdamputan ng mga bagahe at aaktong aalis na sa tambayan.

"Mr. Ongpauco and Mr. Ang?" tawag ni Sir Adam sa magpinsan.

"Y-Yes sir?" Magkasabay nilang sagot kay Sir Adam.

"Both of you will be joining my class in this entire field trip . I already talked to your class advisor earlier, both of you are added to my class. For now I'm your temporary advisor." Nagulat si Kenneth at nakangiti naman ng sobrang laki si Wesley sa ibinalita ni Sir Adam. Narinig kong nagpapadyak sa tuwa sila Marlon ay Andi na pinipigalang huwag sumigaw sa tuwa.

"Dininig ni Papa Jesus ang mga panalangin ko kagabe!" kinikilig na sabi ni Andi habang inaalog along ang katawan ni Marlon.

"Am I clear?" Tanong ni Sir Adam na sobrang gwapo kahit sa madaling araw.

"Yes S-Sir." Sagot ng dalawa at nagkatinginan silang magpinsan.

"Okay, Chop! Chop!! All of you please proceed to BUS Number 9!" At sinenyasan kaming umalis na sumakay na sa bus namin at sabay sabay kaming naglakad.

Naka park ang lahat ng tour bus malapit sa oval sa field kaya malapit lang ang nilakad namin papunta designated bus namin. Naunang umakyat sina Marlon, Andi, Ytchee, Wesley at huling kaming umakyat ni Kenneth sa bus.

Namangha kaming lahat lalo na ako dahil sa ganda ng bus namin. Ngayon lang ako naka sakay sa isang Sleeper Bus pero madalas ko 'tong makita sa internet at mabasa sa mga magazines. Very neat at malinis ang interior at mukhang bagong bago pa ang loob nito dahil sa maayos ang bawat deck.

Kakaiba nga lang isang ito sa regular na Sleeper Bus na double decker, dahil itong sinasakyan namin ay isahan lang. Sa bilang ko mayroong 30 seats sa loob, sa leftside ay isang for sharing na bed at right side naman ay solo bed. Very cozy ang style ng bus at malalaki ang bintana na natatakpan ng makapal na kurtina.

Sa loob sinalubong agad kami ng malakas at malamig na aircon. Buti na lang naka jacket ako dahil lamigin ako ng sobra. Halos kami nalang ang inaantay na sumakay at naiwan si Sir Adam sa harap habang naglalakad papunta sa dulong part ng bus ang mga kasama ko.

"Class, listen up, i guess all of you know Mr. Kenneth Ang and Mr. Wesley Ongpauco from Special Class, they will be joining our group in this entire trip." announce ni Sir Villanueva habang naglalakad kami sa gitna. Walang humpay ang sigawan at palakpakan ng mga classmates ko sa balita.

Ang mga babae kong mga classmate naman ay panay ang bati at kaway sa magpinsan at yung iba nagpa picture pa kay Wesley habang si Kenneth deadma lang.

Sobrang ganda at komportable ng bus namin kaya bigla akong naka ramdam ng excitement. Tama nga yung sinabi ni Marlon noong isang araw sosyal daw ng mga tourist bus na gagamitin sa fieldtrip. Sa bagay sa mahal ng contribution dapat lang talaga na komportable ang sasakyan namin.

Dahil kami ang nasa hulihan ni Kenneth hindi na kami naka pili ng upuan. Ang natirang upuan nalang ay nasa dulo at nasa likod namin ang CR. Si Wesley ang unang nakarating sa dulo kaya siya ang unang pumuwesto sa right side na single seater.

Nagkatirtigan kami ni Kenneth at mukhang iisa lang ang tumatakbo sa isip namin ngayon...

Na wala kaming choice kundi ang tabihan ang isa't isa dahil wala ng available kundi itong deck na for sharing. Paglingon ko sa mga kaibigan ko nakita ko ang mapanukso ang tingin nila sa direksiyon namin ni Kenneth na pinangungunahan ni Andi at Marlon na ang lalaki ng ngiti sa mga mukha nila.

"Mga baklang 'to! Tigilan niyo ko itong hindi pa ako kumakaen ng breakfast kayo ang kakainin ko!" Banta ko sa kanilang lahat at bigla silang nagbisi-bisihan at kunwaring kanina na pa nag uusap.

"Bakit di ka ba nag breakfast bago ka umalis?" pormal na tanong ni Kenneth habang inaayos ang gamit niya.

"Nawalan kasi ako ng ganang kumaen kanina kakaisip kong darating kaba o hindi na." Mahinang sagot ko.

"So, gutom ka na naman, malamang mataas ang chance na mang aaway ka mamaya." Parang natatawang sabi ni Kenneth at sinenyasan akong umupo sa bandang bintana na ikinatuwa ko pero hindi ako nagpahalata.

'Yes! Sa isip ko sumasayaw ako ng Harlem Shake sa sobrang tuwa.'

"Thanks.."at sinundan ko ng tipid na ngiti.

"Buti na lang may baon akong sandwich." parinig niya habang tinatapik tapik ang laman ng backpack niya.

"Ilabas mo pengeng isa." Nakangusong inilahad ko ang kamay ko sa mismong bag niya pero umiling siya. Hindi niya binigay kaya bigla kong hinablot ang bag na hawak niya at bigla niya akong kinotongan.

"ARAYYY!" Malakas na sigaw ko at hinampas ko siya sa braso kaso mabilis siyang nakailag kaya bigla siyang tumawa at dumila sa akin na parang bata. Napailing lang ako at natuon bigla ang attensyon ko sa mga kasama ko na mukhang kanina pa nanunuod sa harutan namin ni Kenneth. "Bakit may kailangan kayo?" pagsusungit ko. Inirapan ko si Kenneth dahil hindi parin tumitigil na asarin ako sa baon niyang sandwich.

"LUIS MANZANANO marami kang utang sa aming tatlo." Nakataas ang isang kilay ni Andi at mahinang pumapalakpak naman si Marlon at Ytchee.

"Sige ilista mo sa tubig." Mayabang na sagot ko sa kanila.

"Iguhit o Ilista sa tubig ay isang uri ng sawikain o idyoma. Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan." Biglang singit ni Ytchee at biglang nagtakip ng bibig sa kadaldalan niya. Humarap ulet ako kay Kenneth na nakaupo na sa deck namin.

"Madamot!" inirapan ko siya bago ako sumampa sa deck.

"Matuto kang mag antay. Sinundo na nga kita pati baon ko kukunin mo pa." Inis na sagot niya. Napansin kong nakatingin si Wesley sa aming dalawa at biglang nag iwas ng tingin ng makita nakatingin ako.

'Oh problema nun?'

"CLASS SAY PRESENT WHEN I CALL YOUR NAME. I JUST WANNA DOUBLE CHECK IF YOU GUYS ARE ALL HERE. IN A COUPLE OF MINUTES WHERE ABOUT TO LEAVE THE CAMPUS." Malakas na announce ni Sir Vilalnueva sa harap at may hawak siyang wireless microphone. Sa bandang ulo ng driver seat makikita naman ang isang 42 inches flat TV screen. Isa isa niyang tinatawag ang pangalan namin lahat habang nasa gitna part ng bus.

"LUCKY GONZAGA." Naririnig kong tawag ni Sir Adam sa pangalan ko.

"PRESENT!" Nginitian niya ako na may kasamang kindat at sumaludo naman ako na parang mabait na sundalo.

"Hoy ses, napapansin ko bakit panay panay naman ata ang kindat sayo ni Sir Villanueva?" si Marlon habang nakadapa sa deck nila ni Andi. Sila ang nasa unahan namin ni Kenneth at nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa tanong niya.

"Naku kabahan kana kapag gugumanyan niyan si Sir Adam may kailangan na naman yan!" komento ni Andres at kinabahan na naman ako. Ano na naman kailangan niya ngayon?

'Naalala ko bigla yung small favor na sinasabi niya. Small pa naman nito EXTRA LARGE!'

Ilang sanadali lang umandar na yung bus namin. At pagsilip ko sa bintana nakita kong umaalis na din yung ibang bus sa campus at kami ang pinaka huli. Umayos ako ng upo at sumandal sa bintana paharap sa direksiyon ni Wesley.

"Psst. Wesley, are you okay?" mahinang tawag ko habang abala siya sa tablet na hawak niya. Lumingon siya at tinanggal yung isang pares ng earphone sa tenga niya.

"I'm fine." Naka ngusong sagot niya at ibinalik ang tingin sa tab.

'Fine eh bakit ang tulis ng nguso mo?'

"Tss." Dinig kong singhal ni Kenneth pero abalang naglalaro sa cellphone niya.

"Tara dito!" kaway ko sa kanya. "Tabi ka muna samin maluwag naman dito eh." Kaway ko pa sa kanya.

"Pwede akong tumabi sa inyo?" nahihiyang tanong niya at hindi makatinginng derecho kay Kenneth.

"Oo bakit naman hindi?" tinaasan ko ng kilay si Kenneth ng lingunin niya ako.

"Wait lang. He he he!" mahinang tawa niya at tumayo.

"Magdala ka ng pagkaen nagugutom ako, dumarami na kasi ang madadamot na tao sa mundo ngayon eh." Natatawang sagot ko at muling lumingon si Kenneth at tinitigan ako ng masama. "Oh, napansin mo din ba na dumadami sila?" pa ignoranteng tanong ko sa kanya at umirap lang siya, sa inis kinurot ko ng mahina ang kaliwang mata niya. "Ikaw nakakarami ka na sa pag irap irap na yan ah!" at bigla siyang napangiti at kinamot yung mata. Dumila lang siya at inambaan ko siya ng suntok.

Lumapit si Wesley at may dalang container na may lamang cake. Umupo siya sa gitna namin ni Kenneth na biglang itinigil ang ginagawa.

"Patabi pinsan." Nakangiting upo niya sa gitna at umusog naman si Kenneth ng bahagya. "Oh ito kumaen ka, ang mommy ko ang nag bake niyan yan kaya nagbaon ako ng marami." Parang batang excited na kwento ni Wesley.

"Wow, pang mayaman penge ah!!" Sinadya ko talagang lakasan yung boses ko para marinig ng madamot na si Kenneth at pinandalitan niya ako agad. Inaya ko din sila Andi, Marlon at Ytchee at mabilis silang nagtayuan at nagdala din ng mga dalang baon nila.

"Oh ses Marlon, hinay hinay sa paglafang mahirap na baka mabiyak yung portable toilet naten sa sumpang ilalabas mo." Natatawang sabi ni Marlon at inambaan siya ng suntok ni Andi. Natawa lang kami sa bangayan nila.

"Sesshie anong baon mo?" biglang kalkal ni Andres sa isang bag ko.

"Dried mango at mga chocolates. May pinabaon sa akin na cake at dimsum platter si Tita Jack kanina." Malungkot na sagot ko.

"Eh bakit parang malungkot ka?" sabi ni Wesley.

"Malamang kulang lahat yun sa katakawan niya." sabat ni Kenneth habang sumusubo ng cake. Nagtawanan silang lahat maliban sa akin.

"Matakaw agad di ba pwedeng mabilis lang ang metabolism ko?"

"Metabolism is the chemical processes by which cells produce the substances and energy needed to sustain life. In metabolism, organic compounds are broken down to provide heat and energy---" agad tinakpan ni Andi ang bibig ni Ytchee pero maririnig mong tuloy tuloy pa din itong nag sasalita.

"Pag pasensiya niyo na, nagsusumiksik at nag-uumapaw ang kaalaman nito sa lahat ng bagay kaya minsan tumatagas nalang sa bibig niya!" nahihiyang paliwanag ni Andi habang nakatakip padin ang kamay sa bibig ni Ytchee.

"Palibasa yang utak mo 512MB lang ang memory!" ganti niya kay Andi.

"Ay grabe siya ses di man lang pinaabot ng 1GB ang jutak." At malakas na tumawa si Marlon at sinabayan din ng iba.

"Ang cute nga eh." Natatawang sabi ni Wesley at bigla akong inakbayan. "Parang si Lucky malakas kumaen ang cute cute din." Bigla silang tumigil sa pagtawa at tinitigan kami ng makahulugan ni Wesley.

"Ang ganda ganda talaga nitong si LUIS MANZANO oh, how to be you po?" banat ni Andi at inagaw ko yung isang buong hotdog na hawak niya at bigla kong sinubo lahat.

"Kawawang hotdog na deep throat! BWAHAHAHAHAAHAH!" Malakas na tawa ni Ytchee at tinitigan ko siya ng masama habang ngumunguya.

"Kahit kailan talaga.." narining kong bulong ni Kenneth at natawa naman si Wesley.

Pagkatapos naming kumaen bumalik na sila sa kanya kanyang deck nila at nagpahinga. Si Andi at Marlon na panay ang selfie sa bed nila. Si Ytchee naman solo sa bed. Katabi ko padin si Wesley at kasalukuyang naghahanap ng magandang movie sa tablet niya. Nagulat ako ng isuot ni Wesley sa isang tenga ko ang isang pares ng earphone niya.

"Yan lalakasan ko nalang para maitindihan mo." At in-adjust niya yung volume at sumandal ako sa balikat niya habang nanunuod. Si Kenenth naman abala padin sa cellphone niya.

Pinanuod namin yung Suicide Squad at panay ang pang aasar ni Wesley dahil kamukha ko nga yung isang character sa pelikula si Cara Delevingne bilang The Enchantress.

"Enchantress.." bulong ni Wesley sa tenga ko at sasabayan ng tawa.

"Kapag ako nag transform na Enchantress gagawin kitang balat sa pwet ni Andi." Biro ko at piannlakihan niya ako ng mata.

"Huwag naman alam mo namang may sumpa ang amoy ng utot nun eh." at sabay kaming tumawa.

"Kaya nga curse eh, may curse bang maganda?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.

"Oo, meron." buong kompyansang sagot niya.

"Ano sige nga kung matalino ka!" Pang aasar na hamon ko sa kanya.

"I-Ikaw.." Nakangiting sagot niya. Natulala ako sandali habang nakatitig sa kumikinang na mata niya.

"A-Ako? Mukha ba akong isinumpa?" Natatawang turo ko sa mukha ko.

"Oo, ang pinaka magandang taong isinumpa." pinisil niya ako sa pisngi. "Siguro nung past life mo isa kang napakagandang babae, tapos marami kang pinaiyak na lalake. At bilang isang mabigat na kaparusahan ngayon present life mo ikinulong ka ng tadhana sa katawan ng isang lalaki para maranasan mo kung paano masaktan at magmahal bilang isang lalake." Napanganga ako sa lawak ng imahinasyon ni Wesley. Naisip niya yun agad sa loob ng ilang segundo?

Narinig kong nagpalakpakan sina Andi at Marlon sa maikling kwento ni Wesley. Kaya pinisil ko ang magkabilang pisngi niya sa kakulitan ng isip niya.

'Maybe he's right in some point. Sana yun nga ang paliwanag sa kakaibang kamalasan ko.'

Hindi ko namalayang nakatulog ako habang nanunuod. Hirap na hirap akong idilat ang mga mata ko. Wala akong lakas para kumilos o tumuwid pa ng higa. Kumportable na ako sa balikat ni Wesley. Maya't maya ring nala-laglag ang ulo ko sa braso ni Wesley. Narinig ko rin ang mahina niyang tawa sa tuwing ia-angat ang ulo ko pabalik sa balikat niya. Para akong sabog o lasing sa sobrang kaantukan kaya hinayaan ko lang siya. Wala ako halos itinulog kagabe. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog sa balikat niya. Ang weird, tulog ako pero conscious parin ang isip ko sa nangyayari paligid ko kahit nakapikit ako. Para akong na nanaginip at nakikinig sa usapan nila.

"Hayaan mo muna siyang magpahinga. Iinit na naman ang ulo niyan kapag mabitin ang tulog niya." boses ni Kenneth yun habang kausap si Wesley.

"Mukhang kabisadong kabisado mo na siya." natatawang sagot ni Wesley sa pinsan.

"Observant lang ako pero madalas hindi ko parin mabasa ang mga kilos niya." Sagot ni Kenneth.

"Me too. Hanggang ngayon nangangapa parin ako sa kakaibang ugali ni Lucky."

"Wirdong ugali kamo." singhal ni Kenneth at sinundan nito ng mahinang pag aray.

"Kaya hindi kayo nagkakasundo e." dismayadong sagot ni Wesley.

"Sa ugali niyang yan malabo talaga kaming magkasundo.."

"Psh! Palibasa siya lang yung taong napapasunod ka kahit ayaw mo." natatawang sagot ni Wesley at napaaray din sa dulo.

"He's not who you think he is bro.."

"Who care's.." balewalang sagot ni Wesley.

"Tss! Palibahasa pareho kayong sinto sinto."

"Mukha mo!"

"Bumalik ka na nga sa deck mo ang laki laki mong tao sumiksik ka pa dito!" taboy ni Kenneth sa pinsan.

"Ayoko nga si Lucky kaya ang gustong tumabi ako dito 'e!" parang batang sagot niya at hindi nagpagtalo kay Kenneth.

"Mahaba pa ang biyahe natin mangangalay ka sigurado." giit ni Kenneth.

"Hindi ako bast basta mapapagod pagdating sa kanya." Pormal na sagot ni Wesley sa pinsan. "And besides nag e-enjoy naman ako bilang human pillow niya." naramdaman ko ang hininga niyang tumama sa ibabaw ng ulo ko.

"So ibig sabihin ba nito masasagot mo na yung mga tanong ko sayo dati nung bago pa lang kayo magka kilala?" Sa tono ng boses ni Kenneth parang natatawa siya.

"Alin dun, kung may gusto ako sa kanya? Hindi pa din naman nagbabago yung tingin ko sa kanya at pareho padin ang sagot ko sa tanong mo noon walang nagbago."

"Hmmm.. I see."

"Eh ikaw?"

"A-Anong ako?"

"Napapansin kong lalo kayong naging malapit sa isa't isa."

"Tss, nagkataon lang dahil nitong huli madalas kaming magkasama. Madalas kaming magkita sa mga hindi inaasahang lugar at pagkakataon."

"So nagkikita pala kayo. Pero wala kang nababanggit sa akin kahit isa.'" May halong panunumbat ang bopses nito.

"Kung nakikinig ka ang sinabi ko sa mga hindi inaasahang lugar at pagkakataon. Hindi namin yun plinano at nagkataon lang ang pagkikita naming dalawa." Singhal niya sa pinsan.

"Baka siya ang soulmate mo." Natatawang biro ni Wesley.

"Psh! Sa ugali niyan mukhang kahit ata kaluluwa niya hindi niya nakakasundo ako pa kaya?"

"Alam ko hinuhuli lang kita." Natatawang sagot ni Wesley.

"Hinuhuli saan?"

"You know what i mean bro.."

"Hindi yun kagaya ng iniisip mo baliw." Bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya.

"Now you know how i felt kapag palagi mo akong inaasar."

"Dahil kilala kita at alam ko takbo ng utak mo, siraulo!"

"You sounds really guilty Kenneth James Ang." Mahinang tawa ni Wesley. "Aray ahh--nakakarami kana!" Biglang gumalaw ang balikat ni Wesley sa pagtawa kaya nalaglag sa pagkakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"S-Sorry." Narinig kong paumanhin ni Kenneth at bumingisngis sa huli.

"Loko ka, kapag ito magising, uulanin ka ng pana na may kasamang bala!" saway niya sa pinsan at pareho silang tumawa at yumugyog ang balikat niya.

"Tss!"

"But on serious note Kenneth. Please limit yourself by being too close to Lucky." Biglang naging seryoso ang boses ni Wesley.

"What do you mean by that." naguguluhang tanong niya kay Wesley.

"No offense bro, you know what happens when someone get closed to you." nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan nila. "May one week pa bago bumalik si Amber, hindi ko sinasabing layuan mo siya o sila dahil mga kaibigan natin sila pareho. Alam kong hindi magiging madali ang lahat sa kanila kapag bumalik na si Amber sa academy."

"I understand. Actually i'm sick and tired of hearing that reason over and over again.."

"You know how much Lucky means to me. He's very special." At naramdaman kong hinihimas ni Wesley ang ulo ko.

"We're very opposite Wesley. Trust me hindi ang tipo niya ang gusto kong makasama."

"I'm counting on that bro."

"You have my word.."

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C37
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ