BRIELLE nodded. He felt relieved after he heard his father's support. Bumuntong huminga ng malalim si Brent bago muling nagsalita.
"Alam mo, nalulungkot ako dahil malapit ng mag-asawa ang kapatid mo, kami nalang ng Mommy mo ang maiiwan at tumatanda na rin ako Brielle. Lumalawak ang business natin pero pakiramdam ko hindi ko maaasahan si Denise,"
Brielle felt sad, hearing his father's frustration. "Dad, I know, I'm sorry if I decided to left our own company,"
Mabilis na umiling si Brent, "No, son. It wasn't your fault. Alam ko namang darating ang panahon na aalis ka sa poder namin at mag-focus na sa pamilya mo. I know you love your wife, and you're lucky to have her because Ivana is a very responsible woman. Nagagawa niyang magtrabaho sa mismong loob lang bahay niyo at alagaan ang mga anak mo,"
Tumango si Brielle at napapangiti, "Yeah, she's very responsible. Hanga ako sa kasipagan ng asawa ko at di ko inakala na ganito siya kagaling. Mas pinili niyang sa bahay lang mag-set up ng opisina para magabayan ang mga anak ko, lalung-lalo na si Kyree,"
"Speaking of your children, they have different attitude. Si Brianna, namana niya ang ugali ng Mommy mo, dinadaan tayong lahat sa iyak at charm. Si Brendon naman, namana niya ang talino nating dalawa at ugali, masasabi kong magaling siya sa lahat ng bagay at balang araw magiging mabuti siyang boss sa kumpanya natin. Si Kyree, namana niya ang ugali ni Ivana, tahimik at hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Natatandaan ko pa noong maliit pa si Ivana at madalas sa bahay natin, ngumingiti lang at madalang magsalita,"
"Agree, dad. Nahahawa nga lang siya sa kadaldalan ni Denise noon kaya lagi ko siyang inaasar. Speaking of my little sister, what did she do lately?"
Brent chuckled and said, "As usual your sister was lacking interest handling our business. Kaya nga nagsisisi ako na dalawa lang naging anak ko dahil ngayon nakita ko na ang disadvantage. Nang magpamilya ka, nawalan ng magaling na leader ang sarili kong kumpanya dahil pinili mong akuin ang responsibilidad sa HUO GROUP. Natitira nalang na tumutulong sa akin ay si Ryan at Alan dahil di ko naman maaasahan ang Mommy mo, wala siyang interes sa pagma-manage ng negosyo kahit noon pa. Mahirap mag-asawa ng spoiled brat at celebrity anak, kaya maswerte ka dahil si Ivana iba ang kinalakhan. Maayos ang pagdisiplina sa kanya ng tatay niya,"
"Yeah. I agree with your opinion, Dad. I am so lucky to have a good wife that knows her weakness and strength. Masasabi ko lang si Mommy talaga ang kahinaan mo, in love ka eh, kahit noon pang mga bata pa kayo. Narinig ko na sayo minsan kung paano kayo nag-umpisang dalawa. Mom was just a spoiled brat and a celebrity, but she never has another man too. Kahit nga noong nawala ka, madalas niyang kinukwento sa akin na mabait at maunawain ka. We are lucky to have you as our father," Brielle smiled at him.
"Hahaha, gusto ko nga sana kayo dagdagan noon para naman may isa pang kagaya mo, maarte lang talaga ang Mommy ninyo. Kaya ngayon mas gusto kong sabihin sayo na mas mabuting magkaroon pa kayo ng isa pang anak ni Ivana," anito.
"I can't force my wife, Dad. She said she doesn't want to have another child. Si Kyree kasi halos ayaw bumitaw sa Mommy niya. Akala ko nga may problema siya sa pagsasalita, noong pinacheck-up namin, normal naman daw kaya lang tahimik lang talaga siya,"
"Hay, wala talaga. Unti-unti nang mawawala ang lahi natin. Sana nga lang si Denise maging katulad ni Ivana. Gusto ko na ring magpakasal sila ni Carl para hindi na kami mag-aalala ng Mommy mo sa kanya,"
"Well, good luck to my best friend, Carl. Sasakit ang ulo niya sa kapatid ko. Hahaha!"
"I don't think so, mahaba naman ang pasensya ni Carl lagi sa kapatid mo. Kayang-kaya niyang baguhin ang ugali at pananaw ni Denise,"
"Dad, did you still check Mr. Celso Chan?" biglang tanong niya.
"Celso Chan? Why did you ask about him?"
"Naghahanap lang ako ng kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko,"
"You mean, you think that it was he who tried to act behind our back?"
Mabilis na umiling si Brielle, "Not totally, in fact, I wanted to establish solid evidence of the theory I've been thinking recently. Pinagtanung-tanong na kasi ng mga tauhan ko kung sino ang nakatira doon sa bahay na katapat mismo ng bahay namin, sabi nila iyong dating may-ari pa rin daw. Kaya lang di ako kumbinsido at saka pinapuntahan ko na rin si Simon sa kulungan at madalas si Samantha lang at ang anak nila ang dumadalaw sa kanya ayon sa report na nakuha ko. Ang kapatid naman ni Simon, walang traces of existence,"
"It's a big puzzle, son. Tutulong ako sa pagpapa imbestiga para makakuha tayo ng kasagutan. Well, anyways, Simon and Celso were sent to jail, so there's nothing to worry about it. We can easily monitor them. Siguraduhin lang natin pareho na ligtas tayong lahat. Dumaan na tayo sa mga ganitong pagsubok, nalalampasan naman natin diba?"
"Tama po. Nga pala kailan kayo uuwi ni Mommy sa Singapore?"
"Pagkatapos na ng engagement announcement nina Carl at Denise,"
"Oh, that's great. Mahaba pa ang araw na matuturuan mo po si Denise," aniya.
"Yeah, but honestly, I stalked her earlier, by checking the CCTV camera when she attended the meeting, she's not listening at all. Tulala lang at di rin ata iniintindi ang mga proposals na sinasabi ng department heads," nag-aalalang tugon ni Brent.
"Don't worry, Dad; she will change later on. Tara na pasok na tayo sa loob nagugutom na ako. We can talk about this issue later on,"
Tumayo na silang pareho at pumasok sa loob. Nadatnan nilang mag-ama sa living room ang Mommy niya at si Brianna. Lumabas mula sa dining room si Denise na karga si Kyree.
"Hey guys, dinner is ready. Tara na!"
"Tara na!" aya ni Brielle sa kanila.
Namangha ang lahat ng makita ang dining room. Puno ito ng masasarap na pagkain. Lumapit si Brielle kay Ivana at kinabig ito sabay halik sa sentido ng asawa.
"Baby, you're really a good housewife!"
"Sus, bulahin ba ako. Sige na upo na tayong lahat para makapag-dinner,"
"Ivana, how did you learn to cook all of these?" Denise asked.
"I enrolled online to learn all of this. Kaya ikaw mag-umpisa ka na rin. Mag-aasawa ka later on at kailangan marunong ka nang magluto," pabirong tugon ni Ivana.
Denise pouted her lips and said, "May katulong naman sa bahay. Ayoko ng ganitong gawain,"
"Ang sabihin mo tamad ka talaga. Magdasal ka nalang na mapagbibigyan ka ni Carl lagi," singit ni Brielle.
Denise smirked, "Mag-aasawa lang ako, hindi mag-a-apply na katulong niya,"
"Responsibilidad ng babae ang alagaan ang asawa niya," sagot ni Brielle.
"Brielle, stop it! Nasa hapag kainan tayo," marahang sita ni Ivana.
"Kayong dalawa parati nalang nagtatalo sa maliliit na bagay," Shantal said.
"Mommy, lagi niyo kasing ini-spoiled iyan kaya nagiging tamad," tugon ulit ni Brielle.
"Kuya, may sama ng loob ka ba sa akin? Namemersonal ka na ata eh," muling tugon ni Denise.
"Daddy, Tita Denise, masama ang nagtatalo sa dining table," sita ni Brianna.
"Oh, ayan na. Mas maigi pa si Brianna, kayong dalawang magkapatid di talaga maiiwasan ang pagtatalo ninyo madalas. Brielle tumahimik ka na," Brent said.
Huminto na si Brielle ngunit ng tingnan niya si Denise kinindatan siya nito. Alam niyang inaasar siya nito.
"Childish! I will tell my best friend to scold you!"
"Subukan mo, aawayin ko pa iyon,"
"Ano ba naman Brielle at Denise, di na talaga kayo matigil," sita ng Mommy nila.
Kapwa natahimik ang dalawa ngunit nag-iirapan sa isa't-isa. Napapailing na lamang si Ivana at Brent sa nakitang reaksyon ng magkapatid. Pagkatapos ng hapunan kaagad na nagpaalam ang pamilya ni Brielle. Nasa living room na silang mag-asawa ng muling nagsalita si Ivana.
"Baby, masyado kang harsh sa kapatid mo,"
"Inaasar ko lang iyon para matuto. Matigas ang ulo eh, pero alam mo namang mahal na mahal ko iyon. Medyo may mga bagay lang siyang ginagawa na ikinakainis ko talaga,"
"Ikaw dapat ang umunawa dahil kuya ka,"
"Hayaan mo na iyon, tara na gawa nalang tayo ulit ng isa pang baby," biro nito.
Ivana glared at him. "Tumigil ka, nag-uumpisa ka na naman sa mga hirit mong iyan. Tama na ang tatlo dahil mahirap magdagdag. Saka alam mo naman di pa gaanong nagsasalita si Kyree,"
"Dagdagan nga natin ng isa para magbago na si Kyree,"
"Sira ulo ka talaga ano? Ang mga solusyon mong naisip panay kalokohan,"
"Hahaha, biro lang. Baka lang kasi makalusot!" natatawang tugon ni Brielle.
"Baby, sinabi mo ba kay Dad ang dahilan ng paglipat natin?" Ivana asked.
"Yeah. Alam mo naman iyon di ako makapaglihim doon. Masyadong matalas ang pakiramdam ni Dad sa mga ganitong sitwasyon. Saka kahit di ako nagbukas ng usapan tungkol sa problema natin, kusa siyang nagtanong,"
"Oh, I knew it. Dad really so sharp and quickly noticed the reason for our sudden transfer,"
"Oo pero sina Mommy at Denise, di pwedeng sabihan dahil masyadong mahina ang loob nong dalawang iyon. Kaya mag-ingat ka sa mga salita mo kay Denise. Tayo nalang dapat ang mag-aayos ng problemang ito. Ang kaligtasan naman nila ay walang problema dahil alam na ni Dad ang gagawin niya," Brielle said.
Dear Readers,
Your review, power stone votes, and chapter rate is a big inspiration to me while writing. Your humble author here, looking forward to your support. I hope you'll grant me those!
Thank you so much!
Anna Shannel Lin