ดาวน์โหลดแอป
5.55% Love is a Consequence / Chapter 1: Chapter 1: Mess
Love is a Consequence Love is a Consequence original

Love is a Consequence

นักเขียน: Rhianjhela

© WebNovel

บท 1: Chapter 1: Mess

XEÑA

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo sa kama, nakikinig ng kanta gamit ang headphone nang marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang parents ko. Agad na tinapon ni Dad sa kinauupuan ko ang bitbit niyang papel. Inalis ko ang headphone sa ulo ko, sinukbit sa leeg at kinuha ang papel.

"Yan! Tatlong linggo ka pa lang sa paaralang yan, kick-out ka na! Hindi gumagawa ng lecture, hindi nakikinig sa guro, laging zero ang quizzes, araw-araw walang assignments, at ang masaklap, nakipagsabunutan sa anak ng may-ari ng school! Ano bang klaseng gawain yan, ha?" bulyaw ni Dad pero wala naman akong pake.

"Ano bang nangyayari sayo ha? Ano bang problema mo? Sa mga pinanggagawa mo, hindi na gawaing estudyante ang mga yan na you were supposedly not like that. You are already 16 years old, you are going to leave Junior high school and here, you decided to mess with your studies? What is it for now? Are you trying to insult us? Hindi mo na nga magawang tumu--," pinutol ko na agad ang sasabihin ni Dad dahil rinding-rindi na ako.

"Can you please stop comparing me to Zyrille? Yes, I understand that I am not like her, always the top and the best for everybody's eyes and you expect me to be like her but I will not! Siguro noon, pinipilit kong maging tulad niya but now, I realized, why would I? Iba siya at iba rin ako. She makes you proud because of her achievements, being the best, the number one. But me? I don't know if you know what I am capable of. Gustuhin ko man at ano pa, para saan pa? Hindi niyo nga magawang i-appreciate. Masyado kasi kayong tutok sa trabaho o di kaya'y sa kanya lang. Pero pagdating sa akin, napapansin niyo lang ang kamalian ko. That's the problem Dad. Masyado kayong perfectionist, masyado kayong unfair. Palagi na lang trabaho, palagi na lang si Zyrille samantalang ako, napabayaan niyo na, kinalimutan niyo na. You are just stuck to your work, to her that you already forgot you have another daughter here!!!" napasigaw na ako dahil sa galit kaya naman nasampal na ako ni Dad. Pinigilan ko na lamang ang sarili kong umiyak.

"How dare you to be rude in front of me? I'm your father and you are just my daughter but you don't act like you have respect to me!"

"Yun nga Dad, eh. Anak niyo ko pero in your actions parang hindi. Lagi na lamang si Zyrille ang nakikita niyong tama, ang the best sa inyo. Lagi na lang siya ang ipinagmamalaki mo!"

"Bakit ba hindi? If you want me to be proud at you, be like her. Kaya bukas na bukas, papasok ka sa Faulker Academy at ayusin mo na yang buhay mo."

What? Tama ba ang pagkakarinig ko? Huh, nagbibiro ba siya?

"Are you sure on that, Dad? Akala ko ba hindi mo ako papasukin dyan dahil hindi ako nababagay sa paaralang yan. Dahil sabi mo nga, para lamang sa mga the best yan and I am not one of them. Anong nakain niyo at pinasok niyo ako sa school na pinapangarap ko dating pasukin pero ngayon ay ibinasura ko na dahil sa I am not belong to that school. Bakit Dad? Naubusan na ba kayo sa listahan niyo ng school na maaari kong pasukin at napilitan na lang kayo dahil sa walang choice?"

"Hindi kita pinasok diyan sa ganyang kadahilanan. Pinasok kita dyan dahil baka magpakatino ka na kung sakaling makita mo kung bakit the best ang ate mo. Baka maisipan mong magbago at tularan ang ate mo!"

"Ah, kaya pala. Nang dahil kay Zyrille. Para ipamukha sa kin kung gaano kataas ang naabot niya, kung gaano siya naiiba sa inyong mga mata. Ano, ipapasok niyo ako doon para kainggitan siya, ganoon ba? As if I am going to do that," pagmamatigas ko.

"Sige, subukan mo lang, magpakatigas ka kung ayaw mong kalimutan kita bilang isang anak ko!" Pagbabanta niya at tsaka lumabas na ng kwarto. Nagpaiwan si Mom at lumapit sa akin.

"Nak, Gwayne, ano bang nangyayari sayo ha at nagkakaganyan ka? Hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sayo dati ha," tanong niya.

"Sa tingin niyo Mom bakit? Siguro alam niyo naman kung bakit, diba? Kaya please Mom, pwede niyo na po ba akong iwan dito nang sa ganon makapagpahinga na ako," sagot ko at humiga na sa kama at itinalukbong ang kumot. Naramdaman kong umalis siya sa kama at ang pagsarado niya ng pinto. Pagkatapos noon, pinakawalan ko na ang mga luha kong kanina pa gustong tumulo.

Tama naman sila eh. Hindi ako ganito noon. Ang buhay na pinipili ko sa ngayon ay salungat na salungat sa mayroon ako noon. Isang active dati, ngayon naging pabaya na. Actually, I used to be the top 1 in our class, I used to be called the best pero unti-unti yung nawala nang tumuntong ako ng high school because of some reasons, because of such happenings in my life which made me lose the interest to live what I had before. Kaya heto, naging malayo ang loob sa magulang, tinatamad mag-aral at palagi na lang nakaririnig ng pangungumpara sa magaling kong ate. Ang dating masiyahing bata na para bang walang problema sa buhay ay bigla na lamang nagbago matapos mangyari ang trahedyang hanggang sa ngayon ay punung-puno ng katanungan.

Hay! Elementary pa lang ako, pangarap ko ng pumasok sa Faulker Academy kapag tumuntong ako ng high school kaso nagkabulalyaso at hindi pumayag si Dad nang hindi ko na-maintain yung first spot at naging salutatorian na lamang. Tss. How could I able to maintain that, how could I keep what I used to be when that time, I felt so helpless because of such misery? Misery that until now, it keeps haunting me.

Napabalikwas ako nang tumunog yung cellphone ko na nakalagay sa table na nasa gilid ng kama ko. Agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Crissa Calling...

Sinagot ko ito.

"What?"

"I heard you're kick out again."

"And so?"

"Tss. So, so ka dyan eh. Di malamang anyayain kita para mawala yang pagkairita mo." Sabi ko na nga ba eh. Kapag nalaman niyang nasa ganito akong sitwasyon, laging to the rescue ang peg nito.

"Then what's your plan for now?"

"Kuya Drake is on a drag race for now. I want to see him so let's go?" Napairap naman ako sa sinabi niya.

"If I know maglilibot lang yang mata mong yan sa kakahanap ng lalaki. Tss."

"Very well said. So game?"

"Well, di naman masama. Kaysa sa mag-emote ako dito."

"Yes! Mag-ready ka na dyan. Ako na ang susundo sayo."

"Malamang."

"Tss. Oh bye na," binaba na niya ang tawag.

At ako naman ay nag-ready na.

--

It's already 5:00 in the afternoon. Nakasuot ako ngayon ng crop top na kulay gray at black fitted pants na tinernuhan ko ng white sneakers. Nasa kwarto pa rin ako ngayon at hinihintay ang Crissa na yun. After few minutes, bumukas ang pintuan ng kwarto ko. There, bumungad sa akin ang pagmumukha ng babaeng to.

"Akala ko na-cancel na," tamad kong sabi at tumayo na mula sa kama ko.

"Oh sorry dear. Well, 8 pala curfew mo ngayon," pang-aasar niya.

"Tss, bakit aabutin ba tayo ng ganong oras?"

"Depends upon the situation," sagot niya at ngumisi. Hmm, alam ko na. May tinatagong agenda ang babaeng ito. Inirapan ko na lamang siya.

"Tara na nga," aya ko sa kanya at lumabas na ng kwarto ko.

Si Crissazley Felizardo. Ang masugid kong pinsan na siyang dahilan kung bakit nakakalaya ako sa mga ganitong sitwasyon. Well, hindi naman talaga ako gala. Nakakalabas lang ako ng bahay at kung minsan nakakagawa ng kalokohan kung itong pinsan ang kasama ko. Tss. Kung sa bagay, it gives me relaxation.

Nang makababa na kami ng hagdan, akala ko ay nandito rin ang parents ko but then wala.

"They left already after I talk with them. I think they are going to meet someone about business," Crissa said. Uhuh, di pa ako nasanay.

Maya-maya'y nandito na kami sa harapan ng kotse niya. Sumakay na siya sa driver's seat at sumakay naman ako sa front seat. After kong ikabit ang seatbelt ay pinaharurot na nito ang kotse niya. Reckless driver din to eh.

"Ang totoo, may competition ka ba doon? Aisshh," reklamo ko na ikinangisi niya at mas lalo pa niyang binilisan.

Pagkaraan ng dalawampung minuto, nandito na kami sa lugar kung saan magaganap ang drag racing. Ipinarada na ni Crissa ang sasakyan at lumabas na kami doon. Naglakad kami papuntang gate at pinapasok naman kami ng bantay doon. Pagkapasok, maraming tao na ang nakaupo sa  upuang nasa gilid hanggang sa taas.

"Kuya!" Tawag ni Crissa kay kuya Drake na nakatayo sa gilid ng field at nakasuot na rin ng suit for racing. Gulat siyang napatingin sa amin. So hindi niya alam na pupunta kami ngayon?

"Crissa, why are you here and wait, kasama mo pa si Xeña? Hmm, parang alam ko na," sambit ni kuya Drake habang papalit palit ng tingin sa aming dalawa at nakangisi.

"Tss," inirapan ko na lamang siya.

"Sabi ko sayo, kuya eh. Gusto kong manood," malambing na sagot nitong si Crissa.

Napatingin ako sa field. May dalawang racing car na ang nakaparada.

"Ilang laro ba ang mangyayari ngayon?" Natanong ko na lamang.

"Apat at lahat ng yun ay one-on-one battle. Pangatlong laro pa ako," sagot ni Kuya Drake at napangisi ako.

"One-on-one huh? Hmm, there's something going on here. Right Kuya?" Sambit ko habang nakatingin kay Kuya at napa-smirk naman siya.

"You mean, ang bawat maglalaban ngayon ay may rason or deal na pinaglalabanan pero dinaan sa racing, tama ba?" Tanong naman ni Crissa. Tumango at napangisi naman si Kuya.

"Sounds interesting," nasambit at napailing-iling na lang ako.

"Hey, kuya. Akyat na kami at maghahanap ng magandang puwesto," paalam ni Crissa at umalis na kami doon.

Pumwesto kami sa bandang itaas kung saan makikita namin ang kabuuan ng field.

Sandali lamang at pumutok na ang baril na hudyat ng pag-uumpisa ng laban.

Sa unang laban, umabot hanggang 15 minutes ang laro at nanalo ang kulay pink na kotse laban sa kulay sky blue na kotse. Doon ko lamang nalaman na babae pala ang naglalaban.

Pangalawang battle ay parehong lalaki. Yellow laban sa red. Mga ilang minuto, nangunguna ang pulang kotse pero sandali lamang at nagkapantay sila. Kaya naman, binangga-bangga ng pula ang dilaw hanggang sa makaabante ito at nang makaabante nga ay bigla na lamang bumuga ng itim at makapal na usok ang pulang kotseng iyon. Tss. At sa huli nga, nanalo ang pula.

Pangatlong battle na at si Kuya Drake na ang lalaban. Kulay gray ang sasakyan niya tapos ang sa kalaban niya ay kulay violet.

"Babae ang kalaban ni kuya?" Gulat na tanong ni Crissa at napailing-iling.

"Hmm, parang alam ko na ang deal sa pagitan nila ah," napangisi ako sa aking naiisip.

"Tss. Panigurado pag nanalo si kuya dito, hindi na ako magugulat kung ipapakilala niya sa atin ang babaeng yan bilang girlfriend niya. Tsk, tsk. Pero infairness huh, I find it astig," bulalas ni Crissa na ikinatawa na lamang namin.

"At siguradong kapag nasa babae ang pabor, malamang busted ang abot niya," sambit ko naman na kinasang-ayunan din nitong kasama ko. Mga tipong babae talaga ni kuya Drake, yung mapapa-challenge siya. Haha!

Nagsimula na nga ang laban at nangunguna ngayon ang babae hanggang sa makarating siya sa gitna ng field samantalang si kuya Drake ay nasa hulihan at malayu-layo ang distansiya nito. Tss kung alam ko lang, inaasar lang ni kuya ang babae. At tama nga ako, pinaharurot na ni kuya ang kanyang kotse hanggang sa malampasan na niya ang babae pero nakahabol din naman ang babae. Infairness magaling din ang babae at hinding hindi basta nagpapatalo pero sa huli, nanalo pa rin si kuya Drake. Pagkalabas niya ng kotse, abot tenga ang ngiti niya habang papalapit sa babae. Pero tinarayan lamang siya ng babae. Uh-oh!

"And for the last battle, ang pinakahinihintay ng lahat! Ang labanan ng trono! Is it still for King Dark or mababawi na ng nagbabalik at naghahamong si Master Ax!" Anunsiyo ng emcee na ikinahiyaw ng mga madla.

It is black vs. white car. Napansin ko na sa labanang ito, mas lalong nag-ingay ang mga manonood. Well, maingay na talaga simula pa lamang pero ngayon, nakakabingi na ang mga hiyawan nila. Lalo at parang mas dumami yata ang mga manonood. Eh, what's with the throne?

"Dark, we love you! Defend your throne!"

"Wahhh Ax! We missed you! Get your throne back!"

"King Dark! King Dark! King Dark!"

"Ax, come back! Ax, come back! Ax, come back!"

Ang pasalit-salit na cheer ng mga tao. Tss, mga fans nga naman. Sa mga nasabi ng emcee kanina at sa hiyawan na din ng mga tao, ang dalawang maglalaban ngayon ay siyang tinitingala at hinahangaan talaga.

"Dark is the black while the white is Ax. Who is your bet?" Biglang tanong nitong si Crissa. Hmm, parang hindi lang ang kuya niya talaga ang pinunta dito ah.

"I don't have bet but obviously the Ax is going to win," sagot ko na ikinailing niya.

"What's with the 'I don't have bet' huh?" Tanong niya habang ngumingisi.

"Just avoiding malice," plain kong sabi na ikinataas ng kilay niya.

Pumutok na ang baril bilang hudyat ng pag-uumpisa. Sa ngayon nangunguna ang itim hanggang sa kalagitnaan at malayo layo pa ang distansiya ng puting kotse na ikinadismaya naman ng fans nito. Hmm, I think he's planning something.

At tama nga ako, dahil sa isang iglap nalampasan na nito ang itim na kotse at napakalayo na ng diatansya nito. Naghiyawan ang fans ng Ax na yun. Ilang metro na lamang at finish line na. Pero nakahabol si Dark at binangga-bangga nito ang kotse ni Ax. Hanggang sa makaabante si Dark at nagpagewang gewang ito sa unahan. Tactic niya yata yun para di siya malampasan ni Ax dahil nga sa malapit na sila sa finish line.

Shet! What the fuck is that!

Gulat na gulat kaming lahat sa nasasaksihan namin ngayon. Parang napigil ang aming paghinga ng biglang tumagilid ang sasakyan ni Ax at napabalik naman ito sa ayos nang makalampas na kay Dark at pinaharurot na nito ang kotse hanggang sa finish line! Damn this kind of race! Pati ako napatulala dun ah.

"Yown! Master Ax had stole the throne! He's really in a comeback now!" Anunsiyo ng emcee na ikinawala na ng mga madla. Kahit ako napangiti na lamang.

"Whooah! Nanalo manok natin ah!" Pang-aasar nitong si Crissa. Inirapan ko na lamang siya.

"Oh, tapos na ang laban. Ano pang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hanapin muna natin si kuya bago tayo umuwi," sagot nito.

"Ikaw na lang, naiihi na ako. Saan ba CR dito?" Palusot ko. May balak kasi ang babaeng to.

"Tss. Doon po yung CR oh," turo niya.

"Ok, kita na lang tayo sa kotse," paalam ko sa kanya at tumungo na papuntang CR.

--

Tapos na akong gumamit ng CR kaya palakad na ako ngayon para tumungo na sa kotse. Diretso lang ang lakad ko at umiiwas sa mga taong nakakasalubong ko nang sa ganon di ko sila mabangga. Pero anak ng --!

Napa-poker face na lang ako nang mamukhaan kung sino ang bumangga sa akin. Napatigil ako at maging sila.

"What a coincidence, Xeña! You're here! I thought wala ng chance para makita kita since bukas wala ka na sa aming school," pang-aasar ng hinayupak na babaeng ito. It's Margarette Blaunt. Ang siyang dahilan kung bakit lilipat na naman ako ng school. Well, the beloved school owner's daughter na pinakick-out ako because of nakipagsabunutan ako sa kanya.

"Yeah right and I don't like this chance," walang kabuhay-buhay kong sagot.

"But I like it. Actually, di ko pa kasi naririnig ang magic word coming from you," sambit niya habang papalapit sa akin at naka-crossed arms.

Magic word? She wants me to give her that 'sorry' word?

"Ows, ganun ba? Then, thank you," I said at binigyan siya ng nakakaasar na ngiti na ikina-asim naman ng mukha niya.

Tumalikod na ako at aalis na sana pero ang walang hiya, hinila ang buhok ko. So she wants another round huh? Well, then I'll give it to her at sisiguraduhing siya na ang magiging kawawa ngayon. She's not in her territory now if ever she did not remember.

Kaya marahas kong kinuha ang kamay niyang humihila sa buhok ko at binalibag ito kung saan siya na ang nakatalikod sa akin habang ang kamay niya ay nasa likod. Gulat na gulat ang mga kasamahan niya na binigyan ko nang masamang tingin kaya di nila magawang tulungan ito. Maging ang mga tao sa paligid ay nakatingin lamang at walang magawa.

Hinawakan ko nang marahas ang buhok niya gamit ang isa kong kamay at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Well, I already changed my mind. I like this chance now. Nice meeting you, Miss Blaunt," I said creepily before I pushed her towards her friends na sinalo naman nila. Aw, sweet!

"What's happening here?" Boses ng lalaking nasa likod ko.

"Charles!" Sigaw ni Margarette habang umiiyak pa.

Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko. Napataas ako ng kilay nang makilala ito. So the guy who won the second battle is Margarette's boyfriend huh? That explains why she's here.

Tumakbo si Margarette papunta sa kanya at yumakap dito.

"Charles, that g-girl s-she pu-ushed m-me," mangiyak iyak niyang sumbong dito. Tumingin sa akin yung Charles. Napataas na lang ang kilay ko sa inakto niya.

"So you made my baby cry," mariing sabi sa akin ni Charles habang nakatingin sa akin. Napaismid ako sa nasabi niya.

"So what if I made your 'baby' cry? What are you going to do then?" Panghahamon ko.

"Hinahamon mo ba ako babae? Hindi mo alam kung anong kaya ko," ngising sagot niya.

"Then go. Kanina ka pa salita diyan, naiinip na ako... Mr. Mandaraya." Sa sinabi kong iyon ay bigla-bigla siyang lumapit sakin at sinakal ako. Napahawak ako sa kamay niyang sumasakal sa akin para tanggalin ito pero masyado siyang mapuwersa. Sa halip ay sinipa ko na lamang ang kanyang pinakainiingatan na siyang nagpabitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"F*ck!!!" Daing niya.

"I'm gonna kill you, witch!" Mariing sabi niya habang papalapit sa akin at halatang halata sa mukha niya na di siya nagdadalawang isip sa mga sinabi niya. Napaatras na lamang ako at wala na akong choice kundi tumakbo. Damn! I made a wrong decision.

"Hindi ka makakatakas!" Sigaw niya at hinabol na din ako maging ng mga kasama niya. Shet! What did I do?

Binilisan ko ang takbo. Sa pagtakbo ko ay iniiwasan kong mabangga ang mga taong nakakasabay ko. Ganun din sila. Napatingin ulit ako sa kanila at malapit lang talaga ang distansiya ni Charles sa akin pero nang dahil sa may mga tao siyang nababangga ay hindi niya ako nadadakip. Pero sa kakasulyap ko sa likod ay hindi ko na naiwasang mabunggo din ako.

"Fuck!" Mura ko. Sa pagkabunggo ko ay tuluyan din akong natumba.

"Hey, you ok?" Boses ng isang lalaki. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakayuko siya sa harapan ko pero nang dahil sa gabi na ay hindi ko na masyadong maaninag ang kanyang mukha. But I know him because of his outfit. It's the guy who made me amazed a while ago. It's Ax.

"You! Don't you ever try to escape us!" Bigla na lamang namilog ang mata ko at napatingin pa sa kinatatayuan niya habang hingal na hingal siya. Maging si Ax ay napatingin din dito. Nang makabawi siya ay mabilis siyang lumakad papalapit sa akin. Damn! Huli na!

Tumayo na ako na tinulungan naman ako ni Ax-- Wait!

Bigla na lamang akong napayakap sa kanya nang makatayo na ako ng husto. Shet! I need to do this!

"Babe! It's not my fault. It's his girlfriend who started it first and now he's going to hurt me. Please help me, babe..." yan ang mga salitang binitiwan ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Sinigurado kong maririnig ito ni Charles. At hindi nga ako nagkamali.

"Babe?" Nagtatakang tanong niya. Kung ang girlfriend mo marunong umarte, aba'y di ako papatalo.

"Please..." Mahinang sambit ko bilang pagmamakaawa sa lalaking ito na siyang paraan para di ako maging kawawa sa mga oras na ito.

Humiwalay siya sa yakap ko at tiningnan niyang mabuti ang mga mata ko na animo'y may pinapahiwatig dito. Now, napansin ko na nakasuot siya ng mask na ang tanging hindi natatakpan ay ang kanang pisngi niya at labi.

"Yes, she's my girlfriend, Diangson," sambit niya at agad akong kinabig sa pamamagitan ng paglandas ng kamay niya sa bewang ko at dikit na dikit ang tagiliran namin bago kami humarap kay Charles. At ngayon ay kasama na din niya ang iba maging sina Margarette. Hindi ko man maaninag ng mabuti ang mga pagmumukha nila pero alam kong gulat sila sa kanilang nasaksihan. Napangisi na lamang ako. Oh ano kayo? Haha I won, girl. In acting siyempre.

"Tss. Girlfriend huh?" Pagdududa niya at bigla na lamang sumilay ang kanyang nakakalokong ngisi.

"Have problem, Diangson? You know that I would not mind this if she's not... Just like what you are showing now," makahulugang saad nitong si Ax na ikinawala naman ng ngisi nitong si Charles.

"Just like what my girlfriend said, your girlfriend started it." Patuloy niya.

"But--" sasabat dapat si Margarette pero bigla na lamang nagsalita ulit si Ax.

"And I only believe on her statement. Say sorry or else other consequence," ma-awtoridad niyang sagot. Naalarma si Margarette at mukhang may gagawin na pero pinigilan siya ni Charles.

"Don't..." Matigas niyang sabi habang nakatingin pa kay Ax. "We'll settled it on Saturday, 7 sharp. One on one battle with girlfriend," sabi niya na diniinan pa ang pagkakasabi ng girlfriend at binigyan pa ako ng masamang tingin nilang dalawa bago sila tuluyang lumampas sa kinatatayuan namin. Battle huh?

Napatingin ako sa kamay ni Ax na nakapulupot pa rin sa aking bewang. Hindi niya pa rin ako binibitawan eh nakalayo na nga sila sa akin. Napahinga ako ng malalim at ako na mismo ang kumuha nito.

"Thanks. I have to go," yun na lamang ang nasambit ko at nilampasan na siya. Napatingin pa ako ng saglit sa mga kasamahan niya. Shet! Ngayon ko lang napansin kaya napaiwas na lang ako bigla ng tingin at bibilisan na sana ang paglakad nang marinig kong nagsalita si Ax na nagpatigil sa akin.

"You made them fooled but not on me. Don't you ever try to not meet up with me on Saturday. I can't let you ruin my record especially that it's not my mess," he said with his cold tone. It's a warning. Napailing na lamang ako bago tumuloy sa paglalakad.

"My God! Ba't ngayon ka lang, Xeña? Malapit ng mag alas otso oh," bungad sa akin ni Crissa pagkadating ko sa kotse.

"I'm sorry. I got into fights with that bitch," sagot ko naman.

"Name the bitch."

"Margarette. The one who made me kick out," sagot ko na sinamahan ko pa ng pag-irap.

"Ah. So you got into round two huh," sagot niya at napa-smirk.

"Yeah. Tara na nga," aya ko sa kanya at sumakay na ng kotse.

Nasa kwarto na ako ngayon at nakatihaya na sa kama. At di ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari sa araw na ito.

Aisshh! I made a scene. A foolish scene. Damn that bitch! Arghhh! That battle on Saturday, ba't may paganon? Nasapo ko na lamang ang noo ko.

Ah! Bahala na! Kakalimutan ko na lang ang mga nangyari ngayon pati na rin ang deal sa Sabado na yan! Bahala na ang Ax na yan na humanap ng paraan para di masira ang record niya!

Hindi naman siguro pagtatagpuin ulit ang mga landas namin, diba?


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ